Share

Chapter 4

Indigo POV

Si Beatrice ang tumawag sa akin. Nagyaya na kumain sa isang high end restaurant. Kay pinagbigyan ko ang hiling niya. 

And that’s how I started to bed her.

Nang makauwi ako that night, panay tukso sa akin ni Gomer.

“Bossing kumusta naman ang date natin. Anong lasa ng tahong na sinisid mo?” tanong niya.

“Lasang patis. Kailangan ko yata siya painumin sa susunod ng isang gallon ng pineapple juice para naman tumamis ang katas niya. Muntik na talaga ako nasuka!” Napailing ako. Totoo nga naman na maalat ang pagkababae ni Beatrice. Pagkatapos nitong makatulog dahil sa pagod ay kung ilang beses ako nagtoothbrush at nagmumog ng mouthwash na baon ko palagi sa aking bag.

Tumawa ang magkapatid maliban na lang kay Gardo na natural ang pagiging seryoso. Ito palagi ang sumusuway sa mga kapatid lalo na kapag nasobrahan na sila ng tukso sa akin. Pero, hindi naman na ako na-o-offend sa mga biro at banat nila. Alam na alam ko ang intensyon nila na maging masaya ako.

As expected, naging sunod-sunod na ang labas namin ni Beatrice. Halos linggo-linggo na at minsan ay nagpang-abot kami ng anak niya na mas matanda lang sa akin ng dalawang tao.

“Indigo Magtanggol, ang dakilang mambubudol. You better watch out!” galit na saad ni Benedict sa akin.

Nginisihan ko lang siya at tumayo na nang makita na pababa na ng hagdan si Beatrice. Napakaganda niya ngayon. Parang teenager sa suot na puff sleeve maxi dress na kulay pula. Nagmukha siyang late thirties ang edad imbes na singkwenta.

“You look ravishing today, Bea,” puri ko sa kanya.

 Totoo naman iyon at bukal sa puso kong pag-appreciate sa kanyang magandang anyo ngayon.

“Hmmm, bolero ka talaga!’ maarte niyang saad habang iniipit ang buhok sa likod ng tainga.

“Of course not, when I say you are beautiful, it’s true,” saad ko. Minuwetra ko ang aking mga kamay sa kanya para lumabas na sa kanilang bahay. Pero, sandaling nagpaalam si Beatrice na aakyat at may nakalimutan. Kaya, lumabas na ako at sa garahe naghintay

“Nice car,” pansin ni Benedict sa aking sasakyan.

Hinarap ko siya at nginitian. “I won it from a drink ‘til you drop bet. Ang gara ano?”

“Hindi kaya sa pambubudol mo?” insulto niya sa akin.

Nilapitan ko siya at binulungan. “Stay out of my business Benedict. Kung ayaw mong mabura sa mundo! Kahit anak ka pa ni Beatrice ay kayang-kaya kitang ipaligpit. Ayaw mo sigurong makita ang pagiging halimaw ng isang Indigo Magtanggol!” banta ko sa kanya.

Namutla si Benedict. Pero may nahalata ako sa kanya. Amoy paminta kasi kanina pa siya nakatitig sa maumbok kong pantalon.

Lumayo ako sa kanya nang makita kong papalapit na si Beatrice at tila walang naganap na usapan sa pagitan namin ni Benedict. Pinagbukas ko ng pinto ng kotse si Beatrice at saka lumigid sa driver seat. Tiningnan ko muna ng masama si Benedict bago tuluyang sumakay ng kotse. 

“Bea, wala ka bang napapansin sa anak mo? Don’t get me wrong ha?” bungad ko sa kanya habang papalabas ng gate ang sinasakyan namin.

“First, he is not my biological son. Second, he is a closeted gay. And lastly, he will not get anything from me and my husband. I have him investigated. And Benedict and it turns out siya pala ang may pakana ng pagkamatay ng aking esposo na si Miguel. Hindi lang ‘yan, may nalaman ako sa dahilan ng pagkamatay ng anak namin. Hindi lang basta nalunod sa dagat si Ernest. Nilunod siya. And I suspect Benedict to be the culprit.” Pumiyok ang boses ni Beatrice. 

Sandali kong pinarada ang sasakyan para aluhin siya. Nawindang ako sa mga pasabog ni Beatrice at hinayaan ko muna na ilabas ang kanyang saloobin. Hindi ko akalain na sa likod ng masayahing disposisyon ni Beatrice, nakatago ang isang malungkot na nakaraan.

 

“I know your reputation from the start, Indi. But, alam ko na hindi ka nanakit ng babae. Just be with me for two months. Treat me as a friend with benefits and I will pave your way to the world of untouchables. I will hone you so that your family will not laugh at you,” madamdaming saad ni Beatrice sa akin. Pinunasan niya ang kanyang luha bago pa man magpatuloy. 

“Ikaw lang ang natatanging lalaki na hindi ako hinusgahan. And for that naging masaya ako.”

Bigla akong na-guilty sa sinabi ni Beatrice sa akin. Though totoo naman na isa akong mambubudol, at least I know how to take care of women.

That night, we dined in one of the most luxurious restaurants in the metro. Beatrice is a bit melancholic that night. So, hinayaan ko siyang maging malungkot at nasa kanyang tabi lang ako to assist her. 

Palagi ong dinadalaw si Matilda at Maddison. Nagkakasya na lang ako na titigan siya sa malayo dahil ayaw nito ang mga bisita. Medyo reclusive siya at ayaw na kinakaawaan.

Isang beses pa ay kinompronta niya ako.

“Bakit ka balik nang balik dito? Siguro pinagpaplanuhan mo na paano nakawin ang kayamanan ko ano? Wala ka rin pinagkaiba sa mga nagnanais na makamkam ang man ko!” sumbat ni Maddison.

Nagpanting ang tainga ko sa mga sinabi ni Maddison. I never thought that accusing me of something I am not intending to do hurts.

“Wala akong nanakawin. Kung may dapat kang tanungin, iyon ay ang Lolo Matilda mo. I came in peace and she was the one who requested that I marry you, months from now.”

Lumipas ang mga buwan at sa tuwina ay kami ni Beatrice ang magkasama. Hindi naman siya boring sa lahat ng mga lakad namin. Maraming mata ang nakatuon sa amin lalo pa at malayo ang agwat ng among edad. Pwede na akong maging anak ni Beatrice pero hindi ko pinapansin ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao. Wala kaming tinatapakan. Pareho kaming single kaya kung anumang opinyon ng ibang tao sa amin ay wala akong pakialam.

Lumabas kami ngayon ni Beatrice at nagulat ako sa sinabi niya ng nagdaang gabi. Gusto niyang isama ko ang tatlo kong kaibigan. Kaya, bilang pagtupad sa kanyang kahilingan ay isinama ko ang tatlo.

“Bossing, ano kaya ang gagawin natin dito? Firing range itong address na binigay sa atin ng chika babes mo. Siguro gusto niya tayong matuto na humawak ng baril,” ani Gener.

So, Beatrice wants me to train?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status