Share

Past I

Hindi maintindihan ni Chira kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Kinakabahan siya sa bagay na hindi niya alam. Panay din ang pagbuntong hininga niya para sana kumalma siya pero hindi, walang nangyayari dahil patuloy pa rin ang pagragasa ng mabilis na pintig ng kanyang dibdib.

Kanina niya pa tinatawagan si Erlon pero hindi ito nasagot sa mga tawag niya kaya napagdesisyunan niyang puntahan ang condo ng kapatid niya.

Isa pa itong si Meira, hindi rin nasagot sa mga tawag niya. Alas otso na ng umaga kaya alam niyang gising na ito.

Nang makarating siya sa tapat ng pintuan mabilis siyang kumatok pero nangunot na lang ang kanyang noo wala pa ring nagbubukas.

Nandito ba si Meira? Hindi siya umuwi sa bahay kagabi kaya malamang ay nandito siya.

Pinihit niya ang pintuan ng condo at nagpapasalamat siya dahil hindi ito nakalock. Nang mabuksan ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Napakunot pa ang noo niya dahil sa mga nagkalat na damit ni Meira.

Haist! Ano ba naman ang babaeng ito?!

Mabilis niya itong dinampot lahat. Nang matapos ay binitbit niya ito papunta sa kwarto ni Meira. Kaagad niyang binuksan ang pintuan para lang matuod sa kanyang kinatatayuan. Mabilis na tumulo ang mga luha niya. Nanginginig ang mga kalamnam niya. Bumubuka ang mga labi ngunit wala ni isang tinig mula rito. Napakuyom ang mga kamao niyang nakahawak sa mga damit.

Halo-halo ang mga emosyon niya sa dalawang taong mahimbing na natutulog at magkayakap, kapwa sila hubad at hindi siya tanga para hindi malaman ang nangyari.

How dare them! Of all people.... bakit siya pa!

Kusang gumalaw ang katawan niya at hinagis ang mga damit na hawak niya sa dalawang taong mahimbing na natutulog.

"MGA HAYOP KAYO!"

Napabalikwas ang dalawa. Napamaang si Acerlon habang si Meira ay mabilis na kinuha ang kumot at hinawakan ng mahigpit para takpan ang kanyang kahubadan.

"L-love?" Parang wala pa sa sarili na sambit ni Acerlon.

"MGA WALANG HIYA KAYO! HAYOP!"

"L-love s-sandali, i-it's not what you think."

Ambang hahawakan niya si Chira nang malakas siyang sampalin nito.

"Bakit Erlon? BAKIT?!" Patuloy niyang sinasampal si Erlon at wala siyang pakialam kung puro kalmot na ito.

Nagagalit siya dahil sa pagtataksil nito. Bakit kailangang kapatid niya pa! Matatanggap niya pa kung sa ibang babae pero ang kapatid niya? Hindi! Para na din siyang pinatay.

"C-chira..."

Napalingon siya kay Meira na humahagulgol.

"Why? Why did you do this to me?" Tinuro-turo niya ang sarili. Walang kapatawaran ang ginawa nila sa kanya. "Of all people! Akala ko ikaw ang magiging kakampi ko!. Pero ano? Ikaw pala ang sisira sa akin, sa atin!"

"H-hind-"

"Tama na!" Putol niya sa sasabihin nito. "I don't need your explanation. Malinaw naman sa akin ang lahat. Oh! I forgot, you have a huge crush on him pero dahil kapatid kita at mahal na mahal kita never kong inisip na magagawa mo ito sa akin. Bakit nga ba pinagkatiwalaan ko ang ahas na katulad mo!." Hindi niya maiwasang sigawan si Meira habang pinanlalakihan ng mga mata.

Mabilis siyang lumisan sa apat na sulok ng kwarto na iyon. Nasusuka siya at kinamumuhian ang lugar. Kahit na tinatawag siya ng mga ito nagtuloy-tuloy pa rin siya. Hindi niya kayang pakiharapan ang mga ito.

NANG makaalis si Chira malakas na hinigit ni Acerlon ang braso ni Meira. Napaigik ito sa sobrang riin na pagkakahawak. Nahintatakutan si Meira sa sobrang dilim ng mukha ni Acerlon. Bakas sa mukha nito ang panggigigil at ready ng pumatay.

"You planned this, do you?" Mariin na pagkakasabi ni Acerlon.

Umiling si Meira. Nagsimulang yumugyog ang mga balikat niya dahil sa iyak at takot kay Acerlon. Sunod-sunod ang mga luhang tumakas mula sa mata niya papunta sa mga pisngi.

"H-hindi. H-hindi ko a-alam ang sinasabi mo."

"BULLSHIT!"

Napadaing siya nang sakalin siya ni Acerlon. Pinilit niyang tanggalin ang mga kamay nitong nasa leeg niya pero hindi niya matanggal dahil sa malakas ang lalaki. Hindi siya makahinga.

"E-erlon..... h-hindi a-ako m-makahinga..." Parang walang boses na pagmamakaawa niya sa binata.

"If Chira and I can't fix this, I'll kill you!"

Parang isang bagay na inihagis ni Acerlon si Meira sa kama at nagbihis bago malakas na binagsak ang pinto nang makalabas siya.

Hindi na muling nakabangon si Meira sa pagkakasalampok sa kama. Nailukumos niya ng mahigpit ang kumot.

Alam niya na kasalanan niya pero hindi siya nagsisisi sa mga ginawa. For her, it was the most memorable night she had ever been with the man she loved and dreamed of.

Mapait siyang napangiti dahil nagkaroon nga siya ng pagkakataon na makasama ang lalaking minamahal ngunit kapalit naman nito ang pagkasira niya sa mga taong nagtitiwala at nagmamahal sa kanya.

-

Mabilis na isinuot ni Acerlon ang pantalon at t-shirt saka hinabol si Chira. Naabot niya itong nag-aantay na bumukas ang elevator. Mabilis siyang lumakad papalapit dito at kinuha ang kamay para ipaharap sa kanya.

Napasinghap at gulat itong napa harap sa kanya. May kung anong punyal ang tumarak sa puso ko dahil sa mugto niyang mga mata.

"C-chira..."

Nag-iwas ito ng tingin at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kanya.

"Umalis ka na Erlon,"

"P-pakinggan mo ako Chira... nagmamakaawa ako. H-hindi ko sinasadya..."

Humarap si Chira sa akin na may galit sa mukha. Muli siyang napaiyak kaya hindi ko maiwasang mapaiyak na rin.

"Sa tingin mo mapapatawad kita? Sa tingin mo matapos na makita ko iyon, mapapakinggan pa kita."

"C-chira, hindi ko ginusto iyon."

"Paanong hindi?" Umiling siya at humagulgol ng iyak. "Huwag mo akong niloloko Erlon."

Akmang lalapitan ko siya para yakapin nang umatras siya sa akin.

"Alam mo kung ano ang pinakamasakit? Iyong kapatid ko pa...."

Tumulo ang mga luha ko. Nasasaktan ako pero alam ko na higit siya ang mas nasasaktan.

"Kagabi noong nagkasagutan tayo... inisip ko na hindi mo na ako mahal. Bakit? Kasi akala ko nagpahangin ka lang sa labas kaya ka umalis sa condo ko. Na baka nagpawala ka lang ng galit at babalik ka rin. Babalik ka rin sa akin para yakapin ako at icomfort. Pero hindi ka bumalik..."

"Totoo iyon.... umalis ako para magpawala ako ng galit."

Bahagya siyang napatawa at pinunasan ang luhang patuloy na tumutulo sa mga mata niya.

Gusto ko siyang yakapin para pawalain ang sakit na nararamdaman niya. Pero hindi ko alam kung malalapitan ko pa siya. Natatakot ako.

"Alam mo Erlon.... sabi mo sa akin mo gustong ibigay ang unang experience mo bilang lalaki at ganoon din ako."

"T-totoo iyon..." Mahinang kong sabi.

"Ako iyong pinangakuan mo pero sa iba mo naman ibinigay. At ang mas masakit ay sa kapatid ko pa talaga...."

Tuluyan siyang tumalikod sa akin at pumasok sa elevator nang bumukas iyon. Humarap siya sa gawi ko ng tumutulo ang luha. Bahagya siyang ngumiti.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong napako. Gusto ko siyang hilain palabas ng elevator pero hindi ako makakilos. Hanggang sa magsara na lang ang elevator na nagkatitigan lang kami.

Nanghihina akong napaupo sa sahig at nasabunutan ang sarili ko.

____________________________

____________________________

©Khay2626

©Copyrights 2021.

All Rights Reserved 2021.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status