Share

Past II

ACERLON MONTEREALEZ

Malakas na suminghap at d*****g si Acerlon nang mapasalampok siya sa sahig dahil sa malakas na suntok ng kanyang uncle Ryker.

"YOU MORON!" Itinayo siya ni Ryker. "Pakasalan mo si Meira!"

Nagtiim-bagang siya. Hindi niya alam kung paano mabilis na nakarating sa uncle Ryker at sa grandama't grandpa niya ang bagay na iyon. Totoo ngang may pakpak ang balita. Wala pang isang taon nang mamapatay ang mga magulang niya sa isang aksidente. Kilala niya ang may kasalanan, gusto niyang magalit pero may awa pa siya. Si Zseto na ang bahala sa batang iyon. In his age of twenty four kaya na niyang pamunuan ang hacienda na ipinamana sa kanya ng kanyang lolo, even his parents wealth and company.

"A-yo-ko!" Muli siyang sinuntok ng kanyang uncle Ryker at napasalampok sa sahig.

"Ni hindi ka kayang makita ng grandma't grandpa mo. Kakausapin ka lang nila kapag nagpakasal kayo at pagbayaran ang mga katarantaduhang ginawa mo."

Nandidilim ang paningin na pinunasan niya ang dugong nasa labi. Gusto niyang sumbatan ang uncle niya dahil sa pangingialam nito pero alam niya na ginagawa lang nitong disiplinahin siya. Gusto niya ring isumbat na si Zseto nga ay hindi niya macontrol siya pa kaya?

"Si Chira ang mahal ko at siya lang ang papakasalan ko," Mariin niyang sabi.

Madilim ang mukha ng uncle niya. "May nangyari na ba sa inyo ng girlfriend mo?"

Natigilan siya at napailing.

"THAT'S THE POINT! WALA PA DI BA? PAANO SI MEIRA? PAANO KUNG NABUNTIS MO SIYA? GAGAWIN MONG BASTARDO ANG BATA? MAAATIM MO BA NA WALANG KOMPLETONG PAMILYA ANG ANAK MO?"

Napalunok siya sa sinabi nito. Ni hindi niya naisip ang bagay na iyon. Hindi niya naisip na posibleng magbunga ang ginawa nila ni Meira dahil hindi naman sila gumamit ng proteksyon.

"H-hindi naman siya mabubuntis." Nangangatal na bigkas niya.

Bahagyang napatawa ang uncle Ryker niya at umupo kapantay sa pagkakaupo niyang salampok sa sahig.

"Do you remember your intercourse with her?"

Napakagat siya ng labi at marahang napatango. "Y-yes, but-"

"No, buts." Ngumisi ang uncle Ryker niya sa kanya kaya napalunok siya at kinakabahan. Para siyang nasa interogation dahil sa itsura nito. "Do you like it?"

Natameme siya at nanlaki ang mga mata. Lalong ngumisi ang uncle niya. "Why? Bakit di ka makasagot? Nasarapan ka? Nasarapan ka di ba?"

Awang ang labi niya, gustong magsalita pero hindi makapa ang sasabihin.

"Answer me..."

"M-masarap, s-yempre lalaki ako at n-"

Humalakhak ang uncle niya kaya napatigil siya. Napakagat labi at tiim-bagang na nagsalita sa uncle dahil pakiramdam niya ay pinaglalaruan at pinagkakatuwaan siya nito.

"Kahit ano pang sabihin niyo hindi pa rin magbabago ang isip ko na pakasalan siya. Masarap man o hindi si Chira pa rin ang mahal ko at pipiliin."

Napaseryuso ang uncle Ryker niya. "Last questions, and I will let you decide. inside or outside?"

Huh?

He can't understand that. His forehead furrowed.

"Po?"

"Inside or outside? Saan mo ipinutok?"

Muli siyang natigalgal sa tanong nito at muling natameme.

"Nah! Don't answer it, I already know the answer. Ito na lang ang itatanong ko. Ilang beses niyong ginawa?"

Bumuka ang bibig niya pero walang salita na lumabas. Gusto niyang depensahan ang sarili pero hindi niya magawa dahil alam niya sa sarili kung ano ang totoo.

Muling ngumisi ang uncle niya at tinapik ang balikat.

"Tsk. Don't answer it, base sa reaksyon mo nakarami ka."

Hanggang ngayon ay natulala pa rin siya sa uncle Ryker niya. Pinanuod niya pa kung paano hagurin nito ang sariling buhok.

"Ganito, Ace... galit sa 'yo ang lolo't lola mo at least give them a respect. Pakasalan mo si Meira, give her 3 to 4 months if hindi mo siya nagawang mahalin or kung hindi mo naman siya nabuntis, file a divorse. If you impregnant her you better stay with her and be with it."

"C-can I do that?"

Tumango ito. "Yes! Nasa iyo ang panig ko. If that time happen na makikipagdivorse ka, ako ang bahala kina Mommy at Daddy magpaliwanag. For now, huwag ka ng dumagdag sa sakit ng ulo na ibinibigay ni Zseto sa amin."

Tumayo ang uncle Ryker niya at napasintido.

"Haist. Kayong magpipinsan sakit talaga sa ulo. Ni walang matino sa inyo. Lalo na si Zseto, tumatanda ako ng maaga dahil sa kanya."

Muling bumaling ang uncle sa kanya. "Nagkakaintindihan na ba tayo, Ace?"

Pikit matang tumango siya sa uncle. "Y-yes po."

"Good! Tumayo ka na diyan at gamutin ang putok mong labi bago ko pa dagdagan 'yan. Uuna na ako at baka maghisterikal na naman si Zarie dahil kay Zseto. Konti na lang talaga at ipaparehab ko na ang suwail na iyon."

Tumalikod sa kanya ang uncle habang kumakaway papalayo.

Ganyan man magsalita si uncle Ryker pero mahal na mahal niyan si Zseto.

Napabuntong hininga siya.

Wala na siyang magagawa kundi ang pumayag. May garantiya naman siya sa uncle at sigurado siyang tumutupad ito sa mga sinasabi. Spoiled silang magpipinsan dito, kaya nga siguro hindi niya macontrol si Zseto dahil sa pag-ispoiled nito dito. Alam naman nila na kahit ano pang gawin ni Zseto, susundin pa rin siya ng ama, taliwas kasi ang sinasabi ng uncle Ryker niya sa ginagawa nito. Sabihin man ni Uncle Ryker na kinukwesyon niya si Zseto, makausap lang nito ng masinsinan ang ama, ilang minuto lang at panig na kaagad si Uncle sa Anak. Spoiled nga kasi.

Napahagod siya ng buhok at napakuyom. Damn you Meira! Magbabayad ka sa ginawa mong ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status