Karson's point of view
Dahil ngayon lang kami ulit nagkasama ng aking kababata na si Billy ay masyado kaming nalibang sa aming pagkwe-kwentuhan. Marami kaming napag-usapan na tungkol sa mga buhay-buhay namin pati na rin sa mga negosyo.Kahit na gusto ko pa sanang makabonding siya ay kailangan ko nang magpaalam dahil mayroon pa akong kailangang sunduin."Brad, pasensya ka na, may importante pala akong appointments ngayon, i have to go." pagsisinungaling ko, i can't believe na heto ako ngayon at nagsisinungaling. Ayoko naman kasing aminin sa kaniya na katulong ko ang susunduin ko. Nakakahiya.Nagmamadali kong iniligpit ang aking mga gamit at mabilis na tumayo. "Magkita na lang ulit tayo sa ibang araw."Sinubukan kong umarte ng normal at propesyonal na isinalansan sa attachecase ang aking mga gamit."Seriously? Hindi yata ako maniniwala sa 'yo na appointment 'yang pupuntahan mo. Umamin ka nga, babae 'yan noh?" natatawa niyang sabi."Brad, meeting ang pupuntahan ko, anong babae ka d'yan?" pagmamatigas ko.Marahil ay hindi nga talaga ako magaling sa pagsisinungaling. Sa halip kasi na mapaniwala ko si Billy ay pinaghinalaan pa ako nito nang may babae."Ohh, ok!" iiling-iling siyang tumayo at nakakalokong tumingin sa 'kin bago umalis. "Ayos lang 'yan, paminsan-minsan kailangan mo ring paligayahin ang sarili mo." tinapik niya pa ako sa balikat bago tuluyang lumabas ng aking opisina."Huyy! Nagkakamali ka!!" sigaw ko ngunit huli na, dahil nakalabas na siya."I'm not desperate," sa isip-isip ko. Hindi ko kasi tipo ang tulad ni Izzy at isa pa, dinala ko siya sa mansyon upang pahirapan. Hindi niya deserve ang mahalin ng tulad ko. Isa lamang siyang basura sa aking paningin.Ngunit kahit na gano'n ang sinasabi ng aking isipan ay ibang-iba naman ang ikinikilos ng aking katawan."Fuck!! It's already 2 pm," napamura ako sa aking isipan nang makita ko ang oras. Kanina pa kasing 11:30 am ang uwian ni Izzy at malamang ay kanina niya pa ako iniintay.Halos paliparin ko na ang aking sasakyan upang mabilis na makarating sa kaniyang eskwelahan. I don't get my self, "why am i concern to her?" eh ano naman kung mag-antay siya roon? What the hell i care?Habang nasa biyahe ako papuntang eskwelahan ay biglang nag-ring ang aking cellphone. Kinuha ko iyon ng mabilis sa aking bulsa at hindi ko inaaasahan ang tawag ng aking inupahan na private investigator.* *Agad kong sinagot ang tawag nito dahil tiyak akong importante ang kaniyang sasabihin."Yes, hello?""Hello, sir!""Oh Garner, napatawag ka?""Yes boss, nasaan ka ngayon? P'wede ba tayong magkita? Importante lang,""Tungkol ba 'yan kay mang Caloy?""Oo, boss. May lead na kami kung saan siya nagtatago."Matapos kong marinig ang magandang balita na mula may Garner ay dali-dali kong ipinihit ang manibela. "Sige, magkita tayo." nanginginig ang aking mga laman sa galit matapos kong marinig ang pangalang Caloy.Muli na namang nanumbalik sa akin ang matinding galit at ang hangaring mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking mag-ina."Mga 4 pm boss, puntahan kita r'yan sa opisina mo. Andito pa kasi ako sa sm at may kinatagpo lang."Parang hindi ko na ata kayang mag-intay pa ng dalawang oras. "No. Sabihin mo sa akin kung saan ang eksakto mong lugar, pupuntahan kita." gigil na gigil ako na matunton ang kinaroroonan ni mang Caloy. Humanda siya sa akin at magbabayad siya. Sinisigurado ko iyan."Kayo po ang bahala, nandito po ako ngayon sa sm north edsa, sa may parking lot. Dito ko po kayo aantayin.""Ok. Papunta na 'ko."Sakto naman na malapit lang ako sa kinaroroonan ni Garner at sampong minuto lang ang binilang at narating ko rin agad ang kaniyang pinaparadahan.Ikinalma ko muna ang aking sarili bago ko siya itext na nandito na 'ko. Pakiramdam ko kasi ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa matinding galit.Hinilamos ko ang aking mukha gamit ang aking palad. Sa wakas, makakamit na rin ni Lucy at ni Luna ang hustiya sa kanilang pagkamatay. Ngunit bago ko ipadampot si mang Caloy sa mga Pulis ay gusto ko muna siyang personal na makausap. I want to punch his face and breaks his bones into pieces.Ipaparanas ko sa kaniya ang sakit na naramdaman ng isang amang nangulila sa kaniyang mag-ina.Isang buntung hininga muna ang aking ginawa bago ko napagpasiyahan na kontakin muli si Garner.Nang nagsisimula na 'kong kontakin si Garner ay para akong namalik-mata. Sa 'di kalayuan ay parang may nakita ako na isang pamilyar na bulto."Izzy?" ewan ko kung namamalikmata lang ba ako o siya talaga ang nakita ko. "No way! i thought..." hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Ang alam ko kasi ay naroroon siya sa eskwelahan at nag-aaral pero papaano siya napunta rito at sino ang lalaking kasama niya? "M-may boyfriend na siya?" kahit sino naman siguro ang makakita sa kanila ay ganoon din ang iisipin.Nakaakbay pa 'yung lalaki sa kaniya habang papalabas ng mall at nagtatawanan pa sila habang naglalakad papunta sa parkinglot.Napayuko pa ako nang madaan sila sa harapan ng kotse ko. Mabuti na lang at naalala ko na tinted itong kotse ko at sigurado akong hindi nila ako makikita.Gusto ko sanang bumaba ng kotse upang hilahin si Izzy palayo sa lalaking iyon ngunit wala na akong nagawa nang sumakay na sila sa loob ng pulang kotse.Halos dumoble ang galit na nararamdaman ko ngayon dahil sinira nilang mag-ama ang araw ko."Humanda ka mamaya, pag-uwi ko!" sinisiguro ko na sasamain talaga siya sa akin mamaya. Sa ngayon ay uunahin ko munang puntahan ang kaniyang ama.Ilang sandali pa ay nakita kong papalapit na sa aking sasakyan si Garner. Naka-suot ito ng jacket na itim at kulduroy na pantalon. Nakasuot rin siya ng itim na cap at itim na facemask.Mabilis itong sumakay sa aking kotse dala-dala ang isang folder na sa tingin ko'y naglalaman ng mga impormasyon na tungkol sa kinaroroonan ni mang Caloy."Sir, and'yan na po ang lahat ng impormasyon tungkol kay mang Caloy." inabot niya sa akin ang nasabing folder at inabot ko naman sa kaniya ang puting sobre."Sigurado ka bang sa tondo talaga siya nakatira ngayon?" ayon kasi sa nakasulat dito ay sa isang eskwater sa tondo nagtatago itong si mang Caloy."Opo. Ako po mismo ang nakakita sa kaniya. Kung inutos mo lang sir na tirahin ko na, papatayin ko na talaga eh." pagyayabang pa ni Garner."No. Hindi sapat ang buhay niya bilang kabayaran sa pagkamatay ng mag-ina ko. Gusto ko, ako mismo ang magpaparanas sa kaniya kung ano ang pakiramdam ng nasa impyerno." mabagsik kong pagkakasabi. Hindi na ako makapag-intay at kating-kati na ang aking mga kamay na balian siya ng buto."Oh, paano boss? Mauuna na ako, tawagan mo na lang ako kapag may ipag-uutos ka pa." inilagay na niya ang hawak niyang sobre sa loob ng kaniyang dala-dalang bag at mabilis na bumaba ng sasakyan.Ako naman ay agad na pinaharurot ang kotse upang puntahan si mang Caloy sa tondo.IZZY'S POINT OF VIEWIbang-ibang Karson na Ang kaharap ko ngayon. Napaka lamig na ng tingin Niya sa akin. Hindi ko naman sya masisisi kung bakit na naging ganito na sya sa akin. Totoo ngang Walang lihim na Hindi na bubunyag pero Hindi ko naman ginusto na ilihim ko ito ng ganitong katagal pero kahit saan Banda pa ring tignan. Naging mahina ako at naging duwag. Ngayong sukol na ako ay Wala na. Imbis na bumalik Ang pagmamahalan namin ni Karson ay lalo lang nawala. Ngayon, nanlilimos na ako ng awa sa kanya. Pumasok sya sa loob ng mansyon nang Hindi naisasarado ng maayos Ang aming pag-uusap. Nasa loob si baby Zion kaya pumasok na rin ako. Sinundan ko si Karson at patuloy lang ako sa paghingi ng tawad.Habang nakasunod ako sa kanya ay muling nanumbalik sa akin Ang mga ala ala namin sa mansyon. Kung pwede lang bumalik sa nakaraan, itatama ko Ang mga mali Kong desisyon kaso huli na, Galit na si Karson. "Karson, sandali! Mag-usap tayo, kausapin mo ako, please?" Para syang walang naririnig.
KARSON'S POINT OF VIEW.Pinaghandaan ko talaga Ang pagpunta namin ni Stacy sa birthday ng anak ni Izzy. Gustong gusto ko ng hilahin Ang Oras. Hindi na ako nakapag-antay. Sabik na sabik na akong malaman Ang katotohanan. Kaya pala, kaya pala ng makita ko Ang Bata ay may iba na akong naramdaman. Ngayon ko mapapatunayan kung lukso ba iyon ng dugo o ano. Magkasama kami sa sasakyan ni Stacy para mas maging makatotohanan Ang gagawin Kong pagpapanggap. Sya Ang aking bala sakaling mapahiya ako mamaya sa hinahanap Kong katotohanan.Ang gusto ko lang naman ay pumasok sa mansyon nila ng tahimik at walang nagkakilala. Sinadya na nga namin na nag-umpisa na Ang birthday party para Hindi mapansin Ang aming presensya kaso kaagad kaming sinalubong ni Hershey dahil close pala Sila ng Kasama ko ngayon.Matapos Niya kaming batiin ay inistima nya kami. Pinaupo Niya kami sa may bandang harapan kaya mabilis akong Nakita ni Izzy. Ang titig na 'yon... Hindi ko mawari. Ang Hindi ko maintindihan ngayon ay kun
Tatlong Araw matapos Ang malagim na aksidente na nagising si Izzy. May mga benda sya sa magkabila niyang paa at swerte na sinementohan lang ito. Kaagad nyang hinanap sa mga nurse na tumitingin sa kanya Ang kan'yang asawa na si Emmerson na Kasama rin nyang naaksidente. Bukod sa bumangga Kasi Sila sa truck ay Wala na s'yang maalala."N-nurse, ku-kumusta po 'yung asawa ko? Nasaan po sya?" Hirap s'yang makapagsalita at makagalaw gawa nga na nasa state of shock pa Ang katawan nya. Nag-iintay rin sya ng sagot Mula sa mga nurse kaso Hindi sya sinagot ng mga ito."Mam, Meron Po ba kayong kamag-anak na p'wedeng kontakin? Kailangan po Kasi namin na may makausap kahit Isang kamag-anak nyo o ng mister nyo dahil may mga papel silang kailangang sagutan." Mahinahon na paliwanag ng nurse."Ha, eh.... Kamag anak ko na Lang," muling gumuhit Ang sakit at kirot sa puso ni Izzy matapos nyang maalala kung saan Sila papunta Bago mangyari Ang aksidente. Pupunta sana sila sa Paris para ayusin Ang necrolog
Tatlong Araw matapos Ang malagim na aksidente na nagising si Izzy. May mga benda sya sa magkabila niyang paa at swerte na sinementohan lang ito. Kaagad nyang hinanap sa mga nurse na tumitingin sa kanya Ang kan'yang asawa na si Emmerson na Kasama rin nyang naaksidente. Bukod sa bumangga Kasi Sila sa truck ay Wala na s'yang maalala."N-nurse, ku-kumusta po 'yung asawa ko? Nasaan po sya?" Hirap s'yang makapagsalita at makagalaw gawa nga na nasa state of shock pa Ang katawan nya. Nag-iintay rin sya ng sagot Mula sa mga nurse kaso Hindi sya sinagot ng mga ito."Mam, Meron Po ba kayong kamag-anak na p'wedeng kontakin? Kailangan po Kasi namin na may makausap kahit Isang kamag-anak nyo o ng mister nyo dahil may mga papel silang kailangang sagutan." Mahinahon na paliwanag ng nurse."Ha, eh.... Kamag anak ko na Lang," muling gumuhit Ang sakit at kirot sa puso ni Izzy matapos nyang maalala kung saan Sila papunta Bago mangyari Ang aksidente. Pupunta sana sila sa Paris para ayusin Ang necrologi
IZZY'S POINT OF VIEW"I'm very sorry, Emmerson. Pinilit ko naman na mahalin ka ngunit Hindi ko talaga maturuan ang puso ko. Patawarin mo ako kung kailangan Kong gawin ito pero ito talaga Ang dapat na matagal ko ng ginawa. Wala na rin si dad kaya Wala na akong dahilan pa para manatili sa tabi mo. Salamat sa Isang taon ng pagmamahal. Salamat sa pagtanggap at pagrespeto sa akin. I am doing this for you also. Hindi ako Ang babae na nararapat sa tapat mong pagmamahal. Masasaktan lang tayo pareho kung ipipilit pa rin natin. Isa pa, may gusto nga pala akong ipagtapat sa 'yo. Hindi Ikaw ang tunay na ama ni Zion Kun 'di si Karson. Matagal ko na dapat pinagtapat ito sa 'yo kaso Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon. Ngayon, hinihiling ko lang sa 'yo na sana ay hayaan mo na kaming makaalis. Huwag mo na sana kaming hanapin ni Zion. Palagi mong tandaan na habang Buhay Kong maalala Ang Isang Emmerson de Leon dahil sa kabutihan at pagmamahal na ipinaranas mo sa aming mag-ina. Tatanggapin ko kung magaga
IZZY'S POINT OF VIEW.Mahigpit na yakap Ang ibinigay ko sa aking kapatid na si Hershey pagkadating na pagkadating pa lamang namin sa burol ni dad. Mabuti pa sya, naramdaman nya Ang pagiging ama ni dad samantalang ako, eto, nangungulila pa rin sa pagmamahal nya. Masakit mang isipin na nagawa nya akong ipambayad ng utang at ibinigay sa lalaki na Hindi ko mahal. sa Isang Banda naman ay napabuti rin Ang aking Buhay kaso bitin na bitin ako dahil maikli lang Ang panahon ng pag sasama namin.Dad has a right choice. Mabait na tao si Emmerson at mabuti syang asawa sa akin. Responsible rin syang ama Kay baby Zion kaya ano pa ba Ang hahanapin ko? Secured na rin Ang future ng anak ko dahil pinamanahan sya ng mga magulang ni Emmerson ng nasa limang hotels at 3 high end restaurant. Hindi ko iyon ginusto, ngunit naipit na Lang kami ng anak ko sa sitwasyon. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin Kay Emmerson Ang tungkol sa tunay na ama ni baby Zion dahil paniwalang-paniwala sya na kanya iy