Share

pagtakas

Kinabukasan,

Maagang gumising si Izzy upang maghanda ng almusal. Naisip niyang mag-saing dahil ayaw ni Karson ng tinapay ang almusal.

"Hamsilog with black coffee for the win!" masiglang wika niya habang naghahain.

Sakto naman na pababa ng hagdan si Karson kaya agad niya itong niyaya.

"Sir, nakahanda na po 'yung almusal."

Hindi siya kinubo ng kaniyang amo at dire-diretso lang itong nagtungo sa lamesa.

Nang makita ni Izzy na nagsisimula na itong kumain ay agad siyang pumunta sa kaniyang kwarto upang magpalit ng damit pang eskwela.

Matapos magbihis ay kinuha niya rin ang kaniyang bag at isinukbit iyon sa kaniyang likuran.

"Nasaan na 'yun? Nandito lang 'yun kagabi."

Halos mahilo na si Izzy sa kakahanap ng kaniyang essay ngunit hindi pa rin niya ito makita. Deadline na kasi ng pasahan nila ngayon at tiyak na babagsak siya kapag hindi niya ito naipasa.

"Sino kaya ang gumawa nito?" mangiyak-ngiyak niyang sabi nang makita niya ito na nasa basurahan.

Wala naman silang ibang kasama rito sa mansyon kaya iisang tao lang ang naisip niyang gumawa nito.

Dali-dali siyang bumaba patungong dinning table kung saan kumakain ang kaniyang amo.

"Sir, bakit mo naman tinapon sa basurahan 'yung essay ko." paninita niya rito.

Bigla namang kumunot ang noo ni Karson. "What? Anong essay?" maang-maangan nito.

Hindi na napigilan ni Izzy na magtaas ng boses dahil sa sobrang inis.

"Tayong dalawa lang ang tao rito kaya sigurado akong ikaw 'yung nakialam no'n! Alam mo bang maaari akong bumagsak kapag hindi ko naipasa ngayon 'yon!?" wika ni Izzy habang nanginginig sa galit.

"Paano mo naman nasiguro na papasa ka kapag pinasa mo 'yun? Wrong spelling na nga, wala pang laman." natatawang sabi ni Karson.

"Edi, inamin mo na, na ikaw ang nagtapon no'n."

"So what kung ako? Alam mo kung ako sa 'yo, hihinto na lang ako sa pag-aaral dahil sayang lang ang oras ng teacher mo. Hindi ka naman natututo." iiling iling na sabi ni Karson bago sumubong muli.

Tila nagpigting naman ang tenga ni Izzy matapos siya nitong insultuhin. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?"

"Sigurado ka? Baka masaktan ka lang. Alam mo, sasahuran naman kita eh, maglinis ka na lang dito. Huwag mo nang sayangin ang osas ng teacher mo."

Sobrang nasaktan si Izzy sa mga sinabi nito kaya naman dali-dali siyang lumapit sa kinauupuan nito.

"Sumusobra ka na!!" sigaw niya sabay tadyak sa maselang bahagi ni Karson dahilan para mamilipit ito sa sakit.

Napayuko si Karson sa sobrang sakit kaya naman sinamantala iyon ni Izzy upang tumakas.

"Hoy!! Bumalik ka rito!" sigaw ni Karson ngunit hindi niya ito magawang habulin dahil sa iniinda niyang sakit. "Humanda ka sa 'kin kapag naabutan kita!" banta pa niya.

"Maghanap ka na ng bago mong katulong!" saad pa ni Izzy bago tuluyang lumabas ng bahay.

Lakad takbo ang kaniyang ginawa, makalayo lamang sa mansyon ni Karson.

Alam niya sa kaniyang sarili na malilintikan siya kapag naabutan siya nito.

Habang tumatakbo ay panay ang lingon niya sa kaniyang likuran upang tignan kung nasundan siya nito at laking tuwa niya ng walang Karson na sumunod sa kaniya.

"Miss, Sandali!" pigil ng Security guard sa kaniya.

Nagtaka naman si Izzy kung bakit siya pinahinto nito.

"Po?"

Ang hindi alam ni Izzy ay bago pa man siya makatakas ay naitimbre na ni Karson sa guard na huwag siyang palabasin ng Villages.

"Saan po kayo pupunta?"

"Sa school po,"

"Sorry miss, pero bilin na bilin ni sir Karson na huwag kayong palalabasin ng villages."

"Ha? Eh, bakit po?"

Ilang sandali pa ay may huminto na isang kulay itim na BMW sa kanilang harapan.

"K-karson,"

"Ako na ang bahala sa kaniya. Salamat!"

Hindi makapaniwala si Izzy na masisundan siya nito. "Patay, katapusan ko na." sa isip-isip niya.

Halos mapatalon siya sa kaniyang kinatatayuan matapos nitong magsalita.

"SAKAY!!" Matigas nitong sabi.

Gustong sumigaw ni Izzy para humingi ng tulong ngunit alam niyang walang tutulong sa kaniya dahil sobrang yaman ni Karson at kayang kaya siya nitong baliktarin.

Wala nang nagawa si Izzy kun 'di sumakay sa sasakyan. Alam niya sa sarili niya na hindi matatapos ang galit ni Karson habang hindi lumilitaw ang kaniyang ama.

Nang pihitin ni Karson ang manibela pabalik sa mansyon ay biglang umiyak ng malakas si Izzy na parang bata.

"Bakit ka ba ganiyan? ang lupit-lupit mo sa 'kin."

Nagulat naman si Karson sa inasta nito kaya inihinto niya ang kotse sa tabi.

"Ano bang inaarte mo? Wala pa nga akong ginagawa sa 'yo."

Ngunit imbis na mapatamik si Izzy ay mas lalo pa nitong nilakasan ang iyak.

"Hayaan mo na kasi akong pumasok, naglilinis naman ako sa mansyon ha."

Halos sabunutan ni Karson ang kaniyang sarili dahil naririndi na siya kay Izzy.

"Ok, ihahatid na kita ro'n." wika ni Karson na tila nagtitimpi. Hindi niya kasi lubos maisip na gagawin pa siya nitong school driver. "Saan ka ba nag-aaral?"

Para namang bata na nabigyan ng candy si Izzy matapos siyang payagan ni Karson na mag-aral.

"Talaga? Wow, yeheyy!"

Nang makarating sila sa eskwelahan ay halos hindi makapaniwala si Karson na sa ALS pala nag-aaral si Izzy. Buong akala niya kasi ay colleges na ito at sa isang university ito nag-aaral.

"What? Bakit hindi ka pa bumaba?"

"P-p'wede bang makahiram ng 100 pesos? Bibili kasi ako ng yellow pad at pamasahe ko na rin pauwi." nahihiyang sabi ni Izzy.

Halos mapahilamos ng mukha si Karson sa narinig. Hindi niya akalain na gagawin pa pala siya nitong sponsor sa pag-aaral. "Am i look a father to her?" sa isip-isip niya.

Wala na siyang nagawa kun 'di bigyan ito ng baon. "Anong oras ang uwian niyo?" tanong niya matapos iabot ang isang daang pisong papel sa dalaga.

"11:30 am."

"Ok. I will fetch you later."

Iniwan na ni Karson si Izzy matapos niyang makita na nakapasok na ito sa gate ng eskwelahan.

Pagdating niya sa opisina ay agad sumalubong sa kaniya ang tambak na papeles na kailangan niyang pirmahan.

Karson is the CEO/President of Luxury K Company. Sikat ang kompanya niya world wide dahil sa galing niya sa larangan ng pagdedesenyo ng alahas.

"Sir, hindi matatapos 'yan kung titigan mo lang." wika ni Nancy gamit ang malanding boses.

"Yeah, i know!" sagot ni Karson na mukhang malalim ang iniisip.

"Well, if you want, i can pleasure you." alok ng kaniyang secretary habang unti-unting kinakalas ang butones ng kaniyang blouse.

"Wala ako sa mood, Nancy." tamad niyang wika.

"I can suck your..."

Hindi na natapos ang sasabihin ni Nancy ng bigla siyang tinignan ni Karson ng matalim.

"Look Nancy, from now on, kakalimutan mo na ang mga nangyari sa atin dito sa loob ng office or else sisisantihin kita." diretsahang sabi ni Karson sa kaniyang sekretarya.

Parang basahan lang niya itong tratuhin na pagkatapos gamitin ay basta na lamang niyang itatapon.

Marahil ay nanawa na siya sa paulit ulit nilang ginagawa o 'di kaya ay sa iba na siya nakakaramdam ng init.

Pilit nag-concentrate si Karson sa kaniyang trabaho ngunit hindi siya makapag-focus gawa nga ng palagi niyang naiisip ang bago niyang katulong.

Oo, galit siya rito ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit parang unti-unti na siyang naaattract dito.

Bukod kasi sa maganda nitong katawan ay mukha rin itong anghel. Inosente at sensitibo sa lahat ng bagay. Madali itong mauto at pasunurin sa lahat ng kaniyang sabihin.

"My God, Karson! She's a high school student!" saway niya sa kaniyang isipan matapos niyang maalala ang itsura nito habang naliligo sa pool.

Maya maya pa ay pumasok muli si Nancy sa kaniyang opisina. Nakasimalmal ang mukha nito at tila nagtatampo sa kaniya.

"Sir, nandito po si sir Billy, gusto raw kayong makausap." walang gana nitong wika sa kaniyang amo.

"Papasukin mo," sagot naman ni Karson nang hindi ito tinatapunan ng tingin.

"Kumusta, karson?" bungad ni Billy sa kaibigan.

Si Billy ay ang matalik na kaibigan ni Karson mula pa pagkabata. Para na silang magkapatid kung sila ay magturingan. Business partner ang mga magulang nila kaya naman lalo silang naging malapit sa isa't isa.

"Oh, Billy, nice to see you again!" masayang bati ni Karson matapos niyang makita muli ang kaibigan.

Isang taon kasing namalagi si Billy sa Australia kaya naman hindi ito nakarating sa burol ng kaniyang mag-ina.

"Pasensiya ka na kung hindi kita nadamayan no'ng mga oras na kailangan mo ng karamay." malungkot na wika ni Billy.

"Ayos lang. Naiintidihan kita."

"Base sa itsura mo ngayon, mukhang naka move-on ka na."

Kung titignan kasi si Karson ay hindi mo mababanaag na may mabigat siyang pinagdadaanan. Ang hindi alam ng nakararami ay gabi-gabi itong umiiyak dahil sa matinding pangungulila.

"Brad, alam mo naman na magaling lang akong magdala."

"Sabagay, wala naman na tayong magagawa kun 'di ituloy ang buhay. Bata ka pa naman at tiyak na makakakita ka pa ng makakasama mo sa buhay." payo ni Billy sa kaibigan.

Napaisip naman si Karson sa sinabi ng Billy.

"Tama ka, brad. Pero ngayon gusto ko munang panagutin ang may kasalanan sa pagkamatay ng mag-ina ko. Hindi ako matatahimik hanggang hindi siya nahuhuli." matigas niyang sabi.

"Si mang Caloy ba?"

Kilala rin kasi ni Billy si mang Caloy dahil minsan ay pinagmamaneho siya nito kapag day-off ng kanilang driver.

"Yes. Siya nga! Tinitiyak kong pagsisisihan niya kung bakit niya tinakasan ang kasalanan niya."

"Kung sakaling hindi na siya magpakita?"

"Sa ibang tao ko ibabaling ang galit ko sa kaniya."

Si Izzy ang tinutukoy niya. Dinala niya ito sa mansyon upang pahirapan at ngayon ay nakaisip siya ng bagong plano.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Dimple
baka ikaw ang mahulog karzon...
goodnovel comment avatar
Yam AgiƱuz Adezas
very nice ......
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
mahuhulog rin ang loob mo kay Izzy
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status