HANGGANG NGAYON hindi pa rin ako makapaniwala na nasa lugar ako ng mga lobong itinuturing kong kaaway. Hindi ako makapaniwalang darating sa puntong makakaramdam ako ng ganitong pakiramdam na animo'y may tumanggap sa akin ng buo, ng walang pagdududa.
Nakaratay pa rin ako sa kama dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang igalaw ang mga binti ko dahil sumasakit ito. Hindi ko rin magawang tumayo dahil sa panghihinang nararamdaman ko. Hindi ko alam na may ganoon pa lang lason na pwedeng gamitin sa mga lobong kagaya ko. Paanong tila mas nagiging agresibo ang mga bampirang iyon? Handa na nila akong patayin. Sino sila? May mga bampira pa ba bukod sa mga nasa mansyon? Kung taga-mansyon ang mga bampirang gumawa nito sa akin, sino sila? Alam ba ni Volter ang ginagawa ng mga alagad nito? Ang daming tanong sa isip ko dahil sa nangyari sa akin.
"Ate, Syrie."
Napaigtad ako, saka mabilis na nag-angat ng tingin sa batang tumawag sa pangalan ko. Lumiwanag ang mukha ko nang mak
DAHAN-DAHAN KONG iginalaw ang mga binti ko, may konting kirot pa rin akong naramdaman pero hindi na ganoon kasakit. Pakiramdam ko rin bumabalik na ang lakas ko. Ilang araw na ba akong nakahiga lang dito? Mag-aapat na araw na akong nandito sa village. Sigurado akong nag-aalala na sila Trina at Vernon sa akin dahil sa pagkawala ko. Malamang na alam na rin ito ni Volter.Nang maitapak ko ang mga paa ko sa sahig na gawa sa kawayan, naramdaman ko ang lamig niyon na gumapang sa buo kong katawan. Sinubukan kong lagyan ng lakas ang binti ko para itayo iyon. Kumapit muna ako sa gilid ng dingding at saka sinubukang tumayo. Napangiti ako ng sa wakas ramdam kong kahit pa paano may lakas na iyon na sapat para makatayo ako.Sinubukan kong bumitaw sa pagkakahawak. Nagkaroon ng saya at pag-asa sa akin dahil pakiramdam ko malapit ng bumalik ang lakas ko. Humakbang ako. Napangiwi ako dahil may kirot pa rin sa binti ko. Sinabi sa akin ni Marcus na hindi normal na lason lamang ang nakalag
HANGGANG NGAYON nasa isip ko pa rin ang lahat ng sinabi sa akin ni Marcus nang nagdaang umaga. Dahil sa mga sinabi niya, nagkaroon ako ng confusion. Napaisip ako at napatanong sa lahat ng mga narinig ko na hindi ko alam kung ano'ng tamang sagot doon. Kahit ipilit ko sa sarili ko na baka sinabi lang iyon ni Marcus para linlangin ako, hindi iyon tinatanggap ng bahagi ng isip ko. Nandoon pa rin ang confusion na hindi ko maalis. Parang ang dami ko pang hindi na alam na kailangan kong malaman tungkol sa mga bampira, maging sa mga lobo. Bumuntong-hininga ako at saka pumikit. Hindi ko alam ang dapat kong isipin. Natatakot ako na baka tuluyan ng lumambot ang puso ko sa mga lobo. Habang tumatagal ako sa village na ito, nararamdaman ko ang simpatiya sa kanila. Nakikita ko ang kasiyahang nararamdaman ng bawat isa na gusto ko ring maramdaman. "Hello, Ate Syrie." Mabilis na nagmulat ang mga mata ko ng marinig ko ang boses na iyon ni Yena. Sumampa siya sa kama at a
DAHAN-DAHAN akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama at sa pagkakataong iyon hindi na ako nakakaramdam ng matindi sakit, bahagya na lang iyon. Napangiti ako dahil alam kong bukas makalawa maaaring bumalik na sa normal ang lakas ko."Kumusta na ang pakiramdam mo, Syrie?"Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Marcus sa pintuan habang nakatingin sa akin. Humakbang siya palapit. Tiningnan niya ang mga paa ko."Pakiramdam ko bumabalik na ang lakas ko," masaya kong pagtatapat.Nag-angat siya ng tingin sa akin, mula sa pagkakatingin mula sa paa ko hanggang sa suot ko na pinahiram lang sa akin ni Rossa. Mabuti nga at halos magkasing laki lang kami ng katawan kaya nagkasya sa akin iyon."Mabuti naman kung ganoon, Syrie ibig sabihin lang niyon na nawawala na ang lason sa katawan mo," paliwanag niya. Hindi ko alam pero may naramdaman akong lungkot sa boses niya. "Alam kong gusto mo na ring makauwi sa inyo."Bumaling ako sa kaniya at kita ko s
HINDI KO pa rin alam kung ano'ng dapat kong isipin sa mga bagay na narinig ko mula kay Marcus at sa lalaking iyon na nagngangalang Trigo. Dapat ko ba silang paniwalaan sa lahat ng sinabi nila tungkol sa bampirang tinuring kong mga magulang at sa sinasabi nilang magulang ko? Ang hirap niyon dahil may bahagi sa isip ko na nagsasabing subukan kong pakinggan si Marcus at ang lalaking iyon.Napabuntong-hininga ako. Tahimik na lumingon ako sa harap ng bintana habang nakaupo ako sa kamang iyon. Maayos na ang pakiramdam ko. Sa totoo nga kaya ko ng bumalik sa bahay pero may kung ano'ng pumipigil sa akin at nagsasabing manatili pa ako sa lugar na iyon. May lungkot akong nadarama sa isiping aalis ako at iiwan ang lugar kung saan nakita ko ang tunay na saya at ang pagtanggap ng mga lobo."Kumusta ka na, Syrie?"Napalingon ako sa lalaking nagsalitang iyon at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si Colby doon. Hindi ko nakita ang pagkagulat niya na makita ako roon.
HINDI KO NA hinintay pa na magising si Yena sa tabi ko, maging ang iba pang mga lobo bago ako umalis. Maayos na ang pakiramdam ko ngayon at bumalik na sa normal ang lakas ko. Nagsisimula ng lumiwanag ang paligid pero tahimik pa rin ang lahat sa village. Muli akong lumingon kay Yena na mahimbing pa rin na natutulog. Nilapitan ko muli siya at marahang hinaplos ang kaniyang buhok. Alam kong pananabikan ko ang batang ito at ang lugar na ito na nagparamdam sa akin ng mga bagay na hindi ko nararamdaman sa lugar kung saan ako namulat. Bigla na lang pumasok sa isip ko si Marcus. Umiling ako para alisin sa isip ko na pananabikan ko rin siya. Tumayo ako at lumayo na sa kamang iyon. Huling tingin ang ginawa ko kay Yena bago ko tuluyang nilisan ang silid na iyon. May nararamdaman akong bigat habang inihahakbang ko ang mga paa ko palayo sa village na iyon. Sa mahigit pitong araw na pananatili ko roon, napalapit na sa akin ang lugar na nagparamdam sa akin ng tunay na pagtanggap. N
KATULAD NG inaasahan ko, inulan ako ng mga tanong mula kay Vernon at Persuz nang bumalik sila sa bahay ng araw ding iyon kung kailan ako bumalik. Katulad ng isinagot ko kay Trina, iyon din ang sinabi ko sa kanila. Bakas din sa mukha ni Vernon ang pag-aalala sa akin habang hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha ni Persuz.Seryosong nakatingin lang sa akin si Persuz na animo'y binabasa ang mukha ko. "Kung sinasabi mong napulot ka ng taong iyon mula sa gubat bakit hindi ka agad bumalik o kaya nama'y gumawa ng paraan para ipaalam sa amin ang nangyari sa 'yo?" patuloy na pag-uusisa ni Persuz na halatang hindi kumbinsido sa mga sinabi ko.Nanliit ang mga mata kong bumaling kay Persuz. "Pinagdududahan mo ba ako, Persuz? Gustuhin ko mang bumalik agad o ipaalam sa inyo ang nangyari, hindi ko iyon magawa dahil wala akong lakas dulot ng lasong nasa katawan ko dahil sa palasong iyon na tumama sa akin," inis kong paliwanag uli sa kaniya."Sino ang lalaking iyon na tumulong sa
TAHIMIK AKONG nakatingin sa maingay na batis na umaagos ang tubig pababa sa kung saan ang tungo niyon. Nalala ko ang mga sinabi ni Volter sa akin. Tama siya, nakakalimutan ko na ang totoong pakay ko. Ang paghihigante. Nawawala ako sa pokus na dapat nandoon lang ang sentro ng isip ko. Dahil sa kakaibang pakiramdam na ipinaparamdam sa akin ng mga lobo, nakakalimutan ko ang pakay ko sa kanila.Bumuntong-hininga ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa malaking tipak ng bato. Umihip ang malakas na hangin, pumikit ako at nilasap ang sariwang hanging iyon na yumayakap sa akin na naghahatid ng bahagyang kaginhawahan.Nagmulat ako ng maramdaman kong may ibang tao roon. Nagulat ako at halos hindi makagalaw ng tumambad sa akin si Marcus na halos isang dipa na lang ang layo ng mukha sa akin. Parang tumigil ang paligid. Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Naaamoy ko na nga ang mabango niyang hininga at ang mainit na h
MULI KONG pinag-isipan kung tama ba ang ang sinabi ko kay Marcus nang nagdaang araw. Handa na ba akong kilalanin ang mga lobo sa likod ng pagkatao ko? Pero sa huli'y naisip kong iyon marahil ang tama kong gawin para tuluyang masagot ang mga tanong sa isip ko tungkol sa pagkatao ko.Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa berdeng paligid mula sa bintana. Nasa sala ako ngayon habang nasa mansyon ang magkapatid na sina Trina at Vernon. Si Persuz naman hindi ko alam kung nasaan. Simula nang mag-usap kami at pinagdudahan niya ako, hindi ko na siya inimikan pa. Matagal ko ng alam na wala sa akin ang loyalty niya at kung pwede ko nga lang siyang pabalikin sa mansyon ginawa ko na, pero alam kong hindi papayag si Volter dahil mawawalan siya ng mata sa bahay na ito. Hindi ko pa rin makuha kung bakit hanggang ngayon kailangan pa rin niyang bantayan ako at pagdududahan, gayong alam naman niya kung gaano ko kagustong ipaghigante ang mga magulang namin.'Hanggang ngayon ba iyon p