Share

Chapter 195

Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James.

Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata.

Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito.

Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama.

Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.

Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.

Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status