Share

Chapter 2- Walang Large, Sir!

NAPAPITLAG naman si Cassandra sa ginawa ng binata at malakas na naitulak ito. Pagkatapos ay nabigla siya sa nagawa dahil naalala niya ang paalala ni Tita Rose sa kaniya. Hindi siya maaaring magkamali rito at baka magreklamo ang kanilang kliyente.

“S-sorry,” mahinang paumanhin niya.

“Sorry for what?” tugon naman nitong tila balewala rito ang ginawa niya. Pagkatapos ay ginanyak na siya nito at pumasok na sa sariling sasakyan. “Let’s go, mukhang hindi ka sanay sa biro.”

Hindi na siya umimik pa sa sinabi ng binata. Pagkatapos ay agad na siyang sumunod dito at sumakay sa backseat na tinawanan naman nito ang ginawi niya.

“Ano, driver mo ako? Come here, sa tabi ko,” utos nitong tila naa-amuse sa kaniya.

“Ah, s-sorry,” aniya na aligaga itong  sinunod.

“Ha!” Napabuga na lang ng hangin si Ian sa kainosentehan ng dalaga.

Hindi na namalayan ni Cassandra nang makarating sila sa Diam Hotel kung saan ipinasok ng binata ang sasakyan sa parking lot. Ang Diam Hotel ay isa sa 5 star hotel dito sa Pilipinas kaya namangha siya na hindi sa isang cheap na hotel siya dinala nito. Sabagay, ang sabi nga ni Tita Rose ay mayaman ang kaniyang kliyente.

Pagdating sa reception area ay agad nag-check in ang binata. At hindi nga naglaon ay nasa loob na sila ng kanilang room.

Nakatayo lang ang dalaga roon habang pinagmamasdan ang rangya ng paligid. Ang buong kuwarto ay mas malaki pa sa barong-barong nilang tinitirhan ng kaniyang ina. Maging ang mga palamuti at mga kagamitan doon ay nakakasilaw ang kintab. Kinakabahan siyang baka may mabasag na isang gamit doon at siguradong kulang pa ang sweldo niya ngayong gabi upang mabayaran iyon.

Maging ang disenyo ng silid ay pinag-isipan. Sa pakiwari nga ni Cassandra ay nasa silid siya ng isa sa mga royal family na sa mga larawan lamang niya nakikita. Ngayon may ideya na siya kung bakit isa ang Diam Hotel sa pinakamalaking hotel sa buong bansa.

Nakita niyang nag-dial ang binata sa telepono at nag-order ng room service. Hindi siya pinapansin nito bagaman at ilang beses siyang sinulyapan. Pagkatapos ay napapailing. Hindi niya nakikita ang sariling itsura ngayon ngunit may palagay siyang kita sa mukha niya ang pagkamangha sa buong paligid.

Namula ang pisngi niya sa pagkapahiya nang ma-realize iyon at inilayo ang paningin sa binata.

“Hays! Hindi man lang ako alukin maupo ng lalaking ito,” pipi niyang reklamo sa sarili.

Well, blangko rin naman ang isipan niya sa sobrang kabang nadarama kaya kahit ang sariling katawan ay hindi na niya madama kung ngalay na ba sa ilang minutong pagkakatayo roon.

Hindi rin naman naglaon ay dumating na ang in-order nitong pagkain. Narinig niyang kumatok ang room boy at balak sana niyang pagbuksan ito ngunit mabilis sa kaniya ang binata.

“Room service, sir,” anunsyo ng room boy nang pagbuksan ito ni Ian.

“Meron ba ‘yung ni-request ko?” bungad naman ng binata rito.

“Walang large, sir, small and medium size lang ang available kami.”

Nagtaka naman siya kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Lalo pa nga siyang na-curious dahil pasilip-silip sa kaniya ang boy.

“Bihira kasi, sir, ang nagre-request sa amin nito... p-pero hindi naman nagkakalayo ang size ng medium sa large, sir. Meron din po kaming strawberry and chocolate flavor na siguradong masisiyahan si ma’am,” suhestiyon pa nitong muling sumilip sa kaniya na lalo naman niyang ipinagtakahan.

“Ha! Nevermind,” tugon naman ng binata na napatapik pa sa noo.

  

Pagkatapos ay ipinapasok na nito ang mga pagkain. Nakita niyang iba’t ibang putahe ang in-order nito na ngayon lamang niya nakita sa tanang buhay niya.

Muling naupo sa harapan ng lamesa ang binata at binuksan ang in-order nitong alak. Naglagay sa baso bago ito inisang tungga. Pagkatapos ay nagsalin muli bago siya tinawag.

“Come here and eat,” untag ng binata na tinitigan siya upang lumapit dito.

“Ah, y-yes,” impit na tugon naman niya.

Mabilis siyang lumapit dito at naupo sa tapat nito. Sa pakiwari nga ni Cassandra ay isa siyang alipin na sunud-sunuran sa bawat sabihin nito. Maging ang sariling mga paa ay kusang nagpatianod sa utos ng binata.

Nakatitig lang siya sa pagkain sa kaniyang harapan. It is a beef stake na maganda ang pagkakadisenyo. Nakakapanghinayang na galawin ito sa pagkakaayos dahil tila binigyan ng effort ng chef upang maging kaaya-aya sa paningin ang pagkain.

Ilang minuto siya sa ganoong ayos nang abutin ng binata ang beef stake sa kaniyang harapan at isa-isang hiniwa nang maliliit bago muling iniabot sa kaniya.

“Eat,” maiksing utos nito.

“Y-yes,” mahinang bulong niya na tila wala sa sarili at inabot ang tinidor.

Napapailing na lang ang binatang pinagmamasdan siya habang hawak ang baso ng alak na marahan nitong sinisimsim.

“Is this your first time?” kapagdakan ay tanong nito sa kaniya.

“Ah, y-yes,” muli namang tugon niya.

“Are you still a virgin?” walang gatol na tanong nitong muli.

Napahinto siya sa pagsubo at pinamulahan ng mukha sa tanong nito. Subalit hindi na niya maitatago ang katotohanang iyon lalo na kung gagalawin siya nito ngayong gabi. Marahan siyang tumango rito na hindi tumitingin sa gawi ng binata.

“Tsk!” palatak nito habang napapailing sa kaniya bago tumayo. “Finish your meal,” habol na utos pa nito at naglakad patungo sa terrace ng hotel habang bitbit pa rin ang baso ng alak.

Matamang nakatitig ang binata sa labas ng hotel room at tila malalim ang iniisip. Sa pakiwari ni Cassandra ay disappointed ito na nalamang birhen pa siya base sa ikinilos nito kanina.

Ang unang paalala sa kaniya ni Tita Rose noong mag-apply siya sa club ay ang kasiyahan ng kanilang kliyente ang dapat na laging nauuna. Dapat ma-satisfy ang mga ito sa kanilang performance. Bukod pa roon ay karamihan ng kliyente nila ay naghahanap ng magaling sa kama.

“Dapat bang sinabi ko kay Tita Rose na wala pa akong karanasan?” bulong na tanong niya sa sarili.

 Nakagat ng dalaga ang pang-ibabang labi habang sinisipat ang binatang hindi kalayuan sa gawi niya. Sinusuri ang mukha nito kung may bahid na galit ang ekspresyon. Ngunit blangko lamang ang kaniyang nakikita.

“Hays! Bahala na nga si Batman. Kung disappointed siya, uuwi na lang ako. Total naman ay bayad na ang serbisyo ko kay Tita Rose. Swerte ko dahil buo pa ang pagkababae ko kung sakaling walang mangyayari sa amin ngayon. Yeah, tama, it’s still a win-win for me!” aniya sa sariling pinapalubag ang loob.

Dahil sa pag-iisip niya ng positibo kung kaya masayang naubos ni Cassandra ang pagkain sa kaniyang harapan. Nang matapos siyang kumain ay determinado pa niyang nilapitan ang binata sa beranda upang pakinggan ang masasakit na salita nito dahil hindi ito nasiyahan sa kaniya. Inihanda na rin ng dalaga ang sarili sa malulutong na mura na kung sakali ay matatanggap niya mula sa lalaking kliyente.

“Are you done?” kapagdakan ay tanong nito nang maramdaman siya sa tabi nito.

Bigla naman siyang mariing napapikit upang tanggapin ang mararahas nitong salita. “I’m sorry, sir!” agad niyang wika bago napahinto at napamulat ng mata. Napakurap-kurap pa siya habang iniisip ang sinabi nito.

Napakunot naman ng noo si Ian sa tugon ng dalaga at sinulyapan ang lamesang iniwanan.

“What are you sorry for? Hindi mo kailangang mag-sorry kung naubos mo ang lahat ng pagkain mo,” nakangising tugon naman nito sa isiping iyon ang dahilan ng paghingi niya ng tawad dito.

Napakamot na lang sa ulo si Cassandra sa hindi nila pagkakaintindihan ng binata. Napayuko siya sa kahihiyan sa isiping tila patay-gutom siya sa pagkakaintindi nito.

Ilang minuto sila sa ganoong tagpo na walang imikan. Dahil sa katahimikan ng paligid kung kaya naging awkward pa lalo ang sitwasyon niya. Muli siyang napapikit ng mga mata habang hindi pa rin iniaangat ang sariling paningin upang tagpuin ang mga titig nitong dama niyang nakatingin sa kaniya.

Nahiling ni Cassandra na sana lamunin na siya ng lupa ngayon sa sobrang kahihiyang kaniyang nadarama. Kung maaari nga lamang ay kakaripas na siya ng takbo palayo rito upang hindi na niya ito muli pang makita.

Ilang sandali pa ay narinig niyang pumalatak ang binata. Sinilip niya ito ng kaniyang kaliwang mata at nakita niyang nakatalikod na ito sa kaniya. Napahugot naman siya ng hininga nang makaraos sa kaniyang sitwasyon bukod pang kanina pa pala niya pigil-pigil ang hininga.

Subalit muli siyang napahugot ng hininga nang maghubad ito ng polo sa kaniyang harapan. Lumantad sa paningin ni Cassandra ang maskulado nitong katawan na may 6 pack abs, binilang niya nang mabilis kaya nalaman niya kung ilan ang abs nito.

Hindi pa nasiyahan ang binata at sinunod naman nito ang pants at itinira ang itim na brief na tanging saplot na lamang nito. Nabistahan pa ng dalaga ang namumukol nito roon na lalong nagpainit sa kaniyang mukha at tainga.

Agad naman siyang nagtakip ng mga mata at tumalikod sa binata. Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso nang mga sandaling iyon. Inakala rin niyang walang matutuloy na sagupaan ngayon dahil hindi ito nasiyahan sa kaniya. Ngunit bakit ito naghuhubad sa harapan niya ngayon na tila stripper ng kalaban nilang club?

Mula sa Club Mari ay may katabi silang gay bar na ang puntirya naman ay mga matrona at gay. Hindi magkapareho ang serbisyo nila sa kani-kanilang mga kliyente subalit ang owner nila sa Club Mari at ang owner ng gay bar ay mortal enemy dahil madalas na ginagaya ng huli ang pamamaraan ng kaniyang amo. Kagaya na lamang sa mga babaeng naghuhubad sa stage na di-kalaunan ay ginaya rin ng kabila sa mga lalaking worker nila.

“A-ano’ng ginagawa mo, sir?” impit na tanong niya at sumilip dito nang kaunti. Muli niyang napagmasdan ang maala-Adonis nitong katawan at masasabi niya sa sariling ngayon lamang siya nakakita ng ganoong kaperpektong hubog kahit napapaligiran siya ng iba’t ibang lalaki dahil sa pagtatrabaho niya sa club.

Napangisi naman ang binata sa tanong niya at inilahad pa ang kanang kamay nito. “Let’s shower together,” ganyak nito na pinanlakihan niya ng mga mata.

Tila siya naestatwa sa sinabi nito at ang mga balahibo sa kaniyang batok ay animo nagtayuan sa isiping sabay silang maliligo ng lalaking hindi nga niya lubos na kilala maliban lang sa kliyente niya ito.

“What, you don’t want to?” muling tanong nito na nagpabalik sa kaniyang kamalayan.

“Ah, s-sir, m-mauna ka na kasi... busog pa ako, masama raw ang maligo na hindi pa natutunawan sabi ng nanay ko,” agad niyang kaila rito at umatras pa ng isang hakbang para makalayo rito.

Subalit malakas lang siyang tinawanan ni Ian na animo giliw na giliw sa kaniya at mabilis siyang pinangko. Napatili na lang si Cassandra sa ginawa nito at mahigpit na napakapit sa batok ng binata sa takot na baka mahulog siya.

Dahil sa kahubdan ni Ian kung kaya dumadaiti sa braso ni Cassandra ang namumukol nitong mga muscle. Sumusuot din sa ilong ng dalaga ang pabango ng binata at ang natural na amoy ng katawan nito.

Napapikit nang mariin si Cassandra dahil sa init na kaniyang nararamdaman mula sa kaniyang tiyan. Tila may paruparong naglalaro doon na ngayon lamang niya naramdaman. Maging ang mga daliri niyang nakakapit sa batok ng binata ay animo may mga boltahe ng kuryente na kumikiliti sa bawat dulo ng mga daliri niya at  dumadaloy iyon sa mga sensitibong parte ng kaniyang katawan.

Dahil sa kakaibang nararamdaman kung kaya tila naging blangko ang kaniyang isipan. Naramdaman na lamang ni Cassandra nang ibaba siya ng binata at lumapat ang mga paa niya sa tiles ng shower room.

Malaki at elegante rin ang shower room na may katamtamang bathtub na animo sadyang hinulma para sa dalawang tao.

Parang tuod siyang nakatayo roon habang si Ian ay banayad na binuksan ang gripo ng bathtub. Pagkatapos ay nagbukas ng kabinet at namili ng oil essence na nais nito.

“Found you,” narinig pa niyang nakangising saad nito bago ibinuhos sa bathtub ang oil essence na amoy rosas.

Dumukot din ito ng red rose petals sa basket na nakahanda roon at inilagay sa tubig upang maging romantiko ang paligid. Pagkatapos ay marahan siya nitong nilapitan at inabot ang butones ng kaniyang blusa. Walang paalam nitong inalis isa-isa ang bawat butones. Walang pagmamadali sa bawat kilos ng binata. Sa pakiwari ba ay ninanamnam nito ang bawat sandali.

“I will take it slow and make you mine,” bulong pa ng binata na tila nagpahinto sa kaniyang puso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status