Share

Into Your Arms Tonight
Into Your Arms Tonight
Author: Serenity Amore

Chapter 1- Ang Unang Pagtatagpo

PATAY-sindi ang ilaw na may nakabibighaning awitin ang pumapailanlang sa buong paligid ng Club Mari sa maingay na siyudad ng Quenzon City. Katamtaman lamang ang laki ng establisyimento ngunit mahihinuha ang rangya at linis ng paligid nito.

Legal at may sariling papeles ang club upang mag-operate doon. Bagaman at may rules and regulation na sinusunod upang hindi masita ng batas.

Hile-hilera din ang club sa lugar at isa nga ang Club Mari sa pinakasikat at dinarayo ng mga lalaking parokyano dahil sa pinakadulo ng club na iyon ay may VIP room kung saan mas wild ang serbisyong ibinibigay nito kagaya na lamang ng mga babaeng n*******d na nagsasayaw sa stage.

Samantala, sa isang sulok ng bar counter ay tahimik na umiinom ng Pyrat rum si Ian Ramos habang nanonood sa tatlong babaeng nagsasayaw sa stage nang h**o’t h***d.

Hindi niya maalis ang tingin sa isang dancer na nasa gitna. Dahil hindi disente ang ginagawa ng mga ito kung kaya halata sa babae ang pagkapahiya at tila napipilitan lamang sa ginagawa. Nakuha ng babae ang atensyon niya.

Wala naman siyang pakialam kung anong hanapbuhay ang pasukin ng mga babaeng iyon. May kaniya-kaniya silang sirkumstansya sa buhay at ayaw niyang manghusga.

Subalit hindi niya mawari ang nararamdaman sa babaeng hindi naman niya kilala. Awa, kalituhan o pagnanasa lamang sa tuwing nakakakita siya ng maganda at sexy na babae? Hindi niya alam at wala siyang balak na alamin pa.

Pagod ang kaniyang katawan at isipan sa buong araw na pagtatrabaho sa sariling kumpanya na anumang sandali ay maaaring kuhanin sa kaniya ang pamamahala kung hindi niya paluluguran ang ama sa gusto nito. Ilang ulit na kasi siyang hinikayat nito na pakasalan ang anak ng kumpadre nitong katunggali niya sa negosyo.

Muli niyang naalala nang magtagpo sila ni Stephanie Alarcon, ang babaeng ibinubuyo ng ama, nang minsang dumalaw ito sa kanilang kumpanya.

“What are you doing here?” iritableng tanong niya rito.

“What should I reason for so I can see my fiance’s face?” mapang-akit namang tugon nito na inabot pa ang kaniyang kurbata na animo inaayos.

Dahil sa inis ay marahas niyang tinabig ang kamay nito at hinila sa leeg ang maayos na kurbata. Initsa niya ito sa sahig.

“Bullsh*t! Don’t think that you can fool me! Huwag n’yong hintaying mag-ama na ilantad ko sa publiko ang baho ninyo!” inis niyang banta rito.

“Do what you want... if you dare,” marahang tugon naman nito at tumawa nang malakas na tila nang-uuyam.

Alam ng dalaga na wala siyang kakayahan na kalabanin sila dahil mismong ang kaniyang ama ay hindi siya pinaniniwalaan. Iyon ang labis niyang ikinagagalit ngayon.

Napabuga ng hangin si Ian nang magbalik ang diwa sa kasalukuyan bago tuluyang tinungga ang natitirang laman sa inumin. At bago pa natapos ang maharot na musikang Careless Whisper ay nagpasya nang tumayo ang binata.

Balak na sana niyang umalis nang mga oras na iyon subalit nilapitan siya ng isang middle-aged woman na medyo may katabaan ang katawan. Marami itong alahas na palamuti na animo ipinapasikat sa mga nakakakita roon. May hinuha si Ian na ito ang manager ng club.

Malapad na ngumiti ang babae. “Sir, baka gusto mo ng babae?” bungad nito. “Napansin kong nakatitig ka sa dancer namin, puwede mo siyang i-take out.”

Lihim siyang napabuga ng hangin. Babae nga ang problema niya dahil sa pangungulit ng ama ngunit babae pa rin ang idinuduldol sa kaniya ng babaeng kaharap.

Subalit muling lumitaw sa kaniyang balintataw ang babaeng nagsasayaw kanina na ngayon ay nakababa na ng stage. Naispatan pa niyang nagmamadali itong nagtungo sa backstage upang takpan ang kahubdan. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyang mawala sa kaniyang paningin.

“Sure, I want the girl in the middle,”  wala sa loob na tugon niya sa babae na hindi pa rin inilalayo ang paningin sa stage.

“Yes, yes, sir!” taranta namang sagot ng babae na inakalang mabibigo sa pagkumbinsi sa kaniya. Pagkatapos ay malapad ang ngiting muling nagtanong sa kaniya, “Cash o credit card ang payment, sir?”

Napalingon naman siya rito at dinukot sa bulsa ang black credit card. Ang card na iyon ay mula pa sa isa sa tatlong pinakamalaking bangko sa bansa at sampung miyembro lamang sa buong Pilipinas ang nagmamay-a*i ng naturang card. Nagdalawang-isip si Ian na gamitin ang kaniyang credit card dahil ayaw niya ng problemang kaakibat kapag nalaman ng ama na nag-uwi siya ng babae. Siguradong madaling mate-trace ang kaniyang credit card kung sakaling gamitin iyon ng ama upang ipang-blackmail sa kaniya.

Muli siyang napabuntong-hininga at dinukot sa bulsa ang sariling wallet. “Cash, how much?”

“Thirty thousand, sir. Fresh and new pa kasi ang bet mo, sir,” sagot nitong malapad ang ngisi.

Agad naman siyang dumukot ng tatlumpung libong piso sa pitaka at ibinigay iyon sa babae. Agad din naman nitong tinaggap ang pera at agad inilagay sa bag belt nito. Pagkatapos ay ginanyak na siya nito na maghintay muna sa waiting area.

“Sir, sa waiting area na lang tayo maghintay,” anang babae na nagpatiuna na sa paglalakad.

*****

SAMANTALA, sa dressing room ay hindi mapakali si Cassandra. Sobrang kaba ang kaniyang nadarama dahil sa sinabi ni Tita Rose, ang kanilang club manager, na may gustong mag-take out sa kaniya ngayon.

Bago pa lamang siya sa club na iyon at hindi pa nate-take out ng ibang kliyente. Nang pumasok siya roon ay nakiusap siya kay Tita Rose na kung maaari ay ayaw niyang mag-table at uminom ng lady’s drink dahil hindi siya sanay uminom. Bukod pang hindi niya masikmura na hawak-hawakan siya ng kliyente sa maseselang parte ng kaniyang katawan kagaya na lamang sa nakikita niya sa kaniyang mga kasamahan.

Ang akala niya ay okay lang kay Tita Rose dahil madali itong pumayag sa pakiusap niya, subalit kanina ay kinausap siya nito na special request siya ng isa sa VIP nila at hindi siya maaaring tumanggi. Napag-alaman niya na ang kliyente nilang iyon ay hindi nagte-table at tanging mamahaling alak lamang ang iniinom kapag nagagawi roon. Samakatuwid ay ito rin ang first time nito at siya ang natitipuhan.

Dahil doon kung kaya wala siyang magawa kundi sundin ang kaniyang manager, bukod pang dinoble nito ang bayad sa kaniya sa gabing iyon.

Hindi mapakali ngayon si Cassandra dahil hindi niya sinabi kay Tita Rose na birhen pa siya. Alam kasi ng dalaga na ipagagamit siya nito sa bouncer nilang si Mang Gabo kapag nalaman nitong wala pa siyang karanasan. Ang tawag nila rito ay practice and experiences para daw kapag nasa kliyente na sila ay alam na nila ang gagawin.

“Uy! Girl, bakit ang tahimik mo?” untag ni Aria sa kaniya.

“Ha? Ah... ano... Ah, wala,” utal-utal niyang sagot dito.

“Hala ka, girl, ano sobrang excited lang sa first ‘Fafa’ mo?” natatawang biro pa ni Aria na ang tinutukoy ay ang unang kliyente niya na maaari niyang maging sugar daddy.

“Aigoo, nakakainggit ka Cass, ang pogi ng first customer mo. Iyong first customer ko dati, futa kampon yata ni satanas ang itsura, amoy putok pa!” singit naman ni Leny, ang adik sa Kdrama niyang kasamahan.

Silang tatlo ang sumayaw kanina sa stage. Beterano na ang mga ito dahil ilang taon nang nagtatrabaho roon. Ang mga ito pa nga ang nagte-train sa kaniya upang hindi siya magkamali. Mabuti na nga lamang at mababait ang mga ito kaya madali niyang naka-close.

“Ay, Len, my girl, huwag mo nang ipaalala ang nakaraan. Gusto kong masuka sa first customer ko. Hmp!” sita naman ni Aria rito.

Napapangiti na lang si Cassandra sa pagtatalo ng dalawang kasamahan. Mabuti na nga lamang na nawala na kahit papaano ang kabang kaniyang nararamdaman.

“Anyway, ang masasabi lang namin, Cass, swerte mo dahil mukhang disente ang unang customer mo. Sheety! Nakakalaglag panty ang itsura!” tili pa ni Aria at dahil hindi manalo kay Leny kaya ibinalik ang atensyon sa kaniya.

“Omo! Na-sight see ko nga kanina. Mukha siyang hindi mauubusan ng girlalu kaya nakakapagtaka na kukuha siya ng babae rito sa atin. Hmm... I smell something malansa,” saad naman ni Leny na tila detective. Idinikit pa ang hintuturong daliri sa noo at nagkunwang malalim ang iniisip.

Binatukan naman ito ni Aria. “Wala tayo sa shooting, girl. Hindi ba pwedeng sadyang maganda lang si Cass kaya siya natipuhan ni ‘Fafa’?”

At muli, nagtalo na naman ang dalawa. Doon naman nagbukas ang pinto ng dressing room at iniluwa niyon si Tita Rose.

“Aria, Leny, hanap kayo ng regular customer nating si Sir Almar. Girls,  alam n’yo na ang gagawin,” striktang utos nito sa dalawa.

“Hays! Nandito na naman si tabatsoy!” laglag ang balikat na d***g ni Aria at napipilitang lumabas na ng dressing room.

Sumunod naman si Leny rito na may panghuling mensahe pa sa kaniya, “Cass, enjoy! Lunukin mo, sayang ang genes!”

Hindi niya tuloy alam kung tatawa siya o lalong kakabahan? Ngunit mas nanaig sa kaniya ang huli dahil sa mga titig ni Tita Rose sa kaniya ngayon.

“Cassandra, alam kong ito ang unang kliyente mo. Maswerte ka at ikaw ang natitipuhan. Huwag kang magkakamali. Kung ano man ang ipagawa sa ‘yo huwag kang aangal at magrereklamo,” anito bago siya sinuri kung presentable na ang suot niya. “Halika na, hindi dapat pinaghihintay ang grasya.”

At ang mga sumunod na sandali ay hindi na naalala pa ng dalaga dahil sa kabang nadarama. Hindi siya pinahintulutan ni Tita Rose na pakalmahin man lang ang sarili.

Pangalawang gabi pa lamang niya sa club na iyon. Hindi niya gustong mapasok sa lugar na iyon kung hindi nga lang dahil sa pangangailangan ng salapi ay hinding-hindi niya papasukin ang ganoong trabaho.

Ngunit mas mahalaga sa kaniya ang kaligtasan at buhay ng kaniyang inang may sakit na breast cancer. Bagaman at nasa pangalawang stage pa lamang ito ay ayaw niyang ipawalang-bahala ang sakit ng ina dahil maaari iyong lumala.

Alam din naman ng dalaga na kung gugustuhin niyang makahanap ng disenteng trabaho ay hindi siya mahihirapan dahil nasa huling baitang na rin naman siya ng kursong kinukuha na Business Management.

Subalit kinakailangan niya ngayon ng agarang salapi upang mabilhan ng gamot ang ina. Kung aasa siya sa disenteng trabahong mapapasukan ay kinakailangan pa niyang maghintay na matapos ang kaniyang training. Maliit lang din ang sweldo na sapat lamang sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Ayaw niyang pangatwiranan ang desisyong nagawa ngunit para ito sa kaniyang ina. Hindi niya magagawang abandonahin ang ina dahil nang mga panahong maliit pa lamang siya, kahit gaano man kahirap ang buhay ay hindi siya iniwan nito.

Malalim na huminga si Cassandra upang hamigin ang sarili at alisin ang kaba sa d****b habang tahimik silang naglalakad ni Tita Rose sa pasilyo kung saan dinig pa rin niya ang saliw ng musika sa loob ng club at ang amoy ng alak na humahalo sa simoy ng hangin.

Nang makarating sila sa waiting area ay nakita niya ang kaniyang unang kliyente na prenteng nakaupo habang nagbabasa ng magazine. Nang mag-angat ito ng mukha at magtama ang kanilang mga paningin ay agad siyang yumuko dahil sa pagkapahiya. Habang ang lalaki naman ay tumayo na upang salubungin sila. Walang mababakasang kahit na anong ekspresyon sa mukha nito.

“Sir, ikaw na ang bahala sa alaga ko,” ani Tita Rose na tinapik pa siya sa braso. “Cass, paligayahin mo si sir...” nakangiting baling din nito sa kaniya na lalo lang siyang pinamulahanan ng mukha.

Napailing lang ang binata habang nakapamulsang nagtuloy-tuloy na sa paglabas sa waiting room. Hindi na rin siya nito sinuri pa na ipinagtaka niya. Ang akala niya ay tatanungin siya nito kahit man lang ng pangalan niya subalit walang ganoong ganap. Sa pakiwari tuloy ng dalaga ay tila siya insekto sa paningin nito.

“Bilis, sumunod ka na,” apura naman ni Tita Rose na itinulak pa siya.

Agad naman siyang sumunod dito hanggang sa makarating sila parking lot. Wala silang imikan habang nasa unahan ito at pinagmamasdan lang niya ang malapad nitong likuran.

Bakat sa suot nitong white polo ang maskuladong katawan. Kahit pa nga itinatago ng long sleeve ang mga braso nito ay umaalpas pa rin doon ang perpekto nitong biceps.

Bumaba ang paningin niya sa ibabang bahagi ng katawan ng lalaki. Nakasuot ito ng denim pants na hapit sa hita. Napansin niyang mahahaba ang mga biyas nito at bumabakat ang mga muscle doon. Halata sa binata na batak sa pag-eehersisyo kaya maganda ang hubog ng katawan.

Na-conscious nang bahagya ang dalaga at sinuri ang sarili. Bagama’t masasabi niyang sexy siya at may korte ang katawan kahit bihira siyang mag-ehersisyo ay alam niyang malambot ang kaniyang mga muscle. Lihim din niyang pinisil ang sariling tiyan na may baby fat pa.

Ang laki ng pagkakaiba nilang dalawa kung kaya hindi mawari ng dalaga kung bakit siya ang natipuhan nito? Wala rin siyang kumpiyansa sa sariling maganda siya. Sa tingin ng dalaga ay average lamang ang itsura niya.

“Ano, pasado na ba sa panlasa mo?” kapagdakan ay nakangiting tanong ng kliyente niya nang lingunin siya nito.

“Ha?” nagugulumihanan din naman niyang tugon.

“Kanina mo pa ako tinitingnan. What? Tingin mo hindi ko kayang tumagal sa ‘yo?” mapanuksong muling saad nito na kinabig siya sa baywang at naglapat ang kanilang mga katawan. “Wanna bet?” nakangisi pa nitong bulong bago kinagat nang bahagya ang dulo ng kaniyang tainga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status