Share

Chapter 59: Ang Pagtakas

“ARGH!” daing ni Cassandra nang siya ay nagkakamalay niya dahil sa lamig ng panggabing hangin na tumatama sa kaniyang balat. 

Sinubukan niyang imulat ang mga mata subalit tanging kadiliman lamang ang naaaninag niya. Maliban pang hindi niya maigalaw ang kaniyang kamay at paa dahil nakatali ang mga ito. 

“Nasaan ako?” tanong pa niya sa sarili at nagpalinga-linga sa paligid. Hindi niya masigurado kung nasa lumang bodega pa rin siya ng mga sandaling iyon. 

Sa paghahanap niya ng kasagutan ay napansin niya ang isang nilalang na nakaupo sa may tabi niya habang yakap ang sarili. Napahinto siya sa pagpupumiglas upang hindi siya mapansin nito. Ikinalma rin ng dalaga ang kaniyang puso na mabilis na pumipintig dahil sa kabang nadarama pagkakita sa nilalang na hindi niya kilala.

 Bagama’t nahihinuha niyang hindi ito ang isa sa mga dalawang lalaki na nagbabantay sa kaniya kanina sa bodega sapagkat magkaiba ng physic ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status