Compartilhar

Chapter 20

Autor: BM_BLACK301
last update Data de publicação: 2026-09-29 08:07:01

Kinabukasan maagang nagising si Elena. Hindi dahil nakatulog siya nang maayos. Sa katunayan ‘ay halos hindi siya nakatulog.

Ilang beses siyang napapikit ngunit mayamaya ay nagigising din. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Lance. Hindi na kita mahal, pirmahan mo na.

Pati ang sinabi ng ina nito.nKung ayaw na niyang manatili, pareho lang kayong mahihirapan.

Sa bawat pagmulat niya, parang may mabigat na nakadagan sa dibdib niya. Pero ngayong umaga, wala nang luha. Parang naubos n
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 20

    Kinabukasan maagang nagising si Elena. Hindi dahil nakatulog siya nang maayos. Sa katunayan ‘ay halos hindi siya nakatulog.Ilang beses siyang napapikit ngunit mayamaya ay nagigising din. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Lance. Hindi na kita mahal, pirmahan mo na.Pati ang sinabi ng ina nito.nKung ayaw na niyang manatili, pareho lang kayong mahihirapan.Sa bawat pagmulat niya, parang may mabigat na nakadagan sa dibdib niya. Pero ngayong umaga, wala nang luha. Parang naubos na lahat kagabi dahil iniiyak na niya lahat.Tahimik siyang bumangon at tiningnan si Lucas na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakabuka nang bahagya ang bibig ng anak habang yakap ang maliit na unan.Napangiti si Elena. Marahan niyang inayos ang buhok nito.“Good morning, baby.” mahinang bigkas niya hindi naman nagising si Lucas.Hinalikan niya ito sa noo.“Simula ngayon, tayo na lang muna.”nl Doon bahagyang nangilid ang luha sa mga mata niya dahil sa sinabi niyaPero mabilis niya iyong pinun

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 19

    Halos buong araw na hindi ginalaw ni Elena ang divorce papers na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Ilang beses niya ‘yon dinaanan. Ilang beses ‘ding napahinto ang mga mata niya sa papel, ngunit hindi niya magawang lapitan iyon at kunin ang ballpen para simulang pirmahan.Hindi pa niya kaya. Marahil dahil may maliit na bahagi pa rin sa puso niyang umaasa. Kahit sinaktan na siya ng labis. Umaasa siyang baka bumalik si Lance at sabihin nitong nagkamali lamang siya.Na baka sabihin nitong gusto pa niyang ayusin ang pamilya nila. Baka kapag nakita nitong masayang lumalapit si Lucas kay Lance, maalala nito kung ano ang mawawala kapag tuluyan silang naghiwalay.Nakakatawa man, umaasa pa rin si Elena at kahit alam niyang napakatanga niya sa parte na ‘yon wala na siyang pakialam.“Mama…”Napalingon siya. Nasa sahig si Lucas habang hawak ang maliit nitong laruang kotse. Paulit-ulit nitong itinutulak iyon sa sahig habang gumagawa ng hindi maintindihang mga tunog.Napangiti nang bahagya si Elena. “An

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 18

    Pagkasara ni Sandra ng pinto ng condominium unit ay agad niyang inihagis ang handbag sa sofa.“Damn it!”Mabilis siyang naglakad patungo sa maliit na bar counter at kumuha ng bottled water mula sa mini refrigerator. Binuksan niya iyon at sunod-sunod na uminom, ngunit hindi pa rin nawala ang inis na kanina pa kumukulo ang dibdib niya sa galit.Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin pumipirma si Elena. Pati kay Lance ay nagagalit na siya dahil hindi nito magawan ng paraan na matapos ng pirmahan ang divorce paper.Hindi niya maintindihan kung ano pa ba ang hinihintay ng babaeng iyon. Malinaw naman ang sinabi ni Lance. Hindi na nito mahal si Elena.Siya ang mahal nito at siya lang mamahalin ni Lance. Pero bakit ayaw pa ring bumitaw? Ganun ba siya katanga?“Ang tibay talaga ng mukha niya.”Mariing inilapag ni Sandra ang bote sa ibabaw ng counter. Naalala niya kung paano lumuhod si Elena sa harap ni Lance noong gabing dinala nila ang divorce papers.Kung siya lamang ang masusunod,

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 17

    “Hindi mo kailangang luhuran ang lalaking katulad niya.”Sabay-sabay na napalingon sina Lance at Sandra sa lalaking biglang nagsalita. Walang iba kung hindi si Kael. Samantalang si Elena ay nanatiling nakatayo matapos siyang hilahin ni Kael mula sa pagkakaluhod. Nanlalabo pa ang mga mata niya dahil sa mga luha nang makilala niya kung sino ang lalaking nasa tabi niya.“Kael…”Hindi niya inaasahang makikita niya itong muli at sa ganung sitwasyon pa. Parang muling bumalik sa isip ni Elena ang gabing una silang nagkakilala. Ang gabing nahuli niya si Lance sa site kasama si Sandra.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya kung paano tila gumuho ang buong mundo niya nang makita mismo ng dalawang mata ang pagtataksil ng asawa. Hindi niya maalala kung paano siya nakalayo nang maayos mula roon. Basta ang alam niya, tumakbo palayo habang umiiyak hanggang sa mapunta siya sa kalsada.Doon niya nakilala si Kael. Ang lalaking bumusina sa kaniya dahil halos hindi na niya namamalayang nasa gi

  • Is It Too Late My Love?   chapter 16

    Alas otso ng gabi nang marinig ni Elena ang tunog ng sasakyang huminto sa labas ng kanilang bahay. Napalingon siya sa bintana. Saglit na tumigil ang kanyang paghinga.Ilang araw niyang hinihintay na umuwi si Lance at nang makita niya ang pamilyar na sasakayan ay ganun nalang ang tuwa niya. Matapos ang pag-uusap nila ni Mila ay nagdesisyon siya na bigyan ng pagkakataon ang asawa at humingi ng tawad dahil para sa anak nila at ayaw niyang hindi buo ang pamilya niya.Maayos siya ngayon hindi tulad noon, hindi man siya naka-make up ay nakabistida siya na bumagay sa kanya. Maganda nga ngunit bakas sa mukha at mata ni Elena ang matinding paghihirap dahil sa panlalalim ng mga mata.Agad niyang ibinaba ang hawak na damit ni Lucas. Excited na binuksan ang pintuan para salubungin ang asawa.Habang nasa sahig ang ilang laruan ng anak niya. Mahimbing na natutulog ang bata sa maliit nilang kwarto matapos niya itong patulugin kanina.Mabilis na inayos ni Elena ang buhok niya gamit ang mga daliri at

  • Is It Too Late My Love?   chapter 15

    Pagkaalis ni Kael sa lugar kung saan nakatira si Elena ay nagtino para makipagkita sa kanyang private investigator. Pagdating sa isang restaurant kung saan ay wala masiyadong customer doon napili ni Kael makipag-usap dahil ayaw niya ng masiyadong maraming tao.Sumandal si Kael sa kaniyang upuan pagdating ni Gigo ang private investigator niya at magalang na yumukod sa kanya.“Yung babaeng nakita ko sa kalsada, may construction site malapit doon. “Alamin mo kung kanino ang property ‘yon.”“Okay po.”“Alamin mo rin kung sino ang contractor, project manager at foreman pati ang buong detalye nila.”“Opo, sir.”“Tinanong mo kung may nakakita sa babaeng iyon kagabi sa lugar na ‘yun.” Seryosong ani niya.“Masusunod po.”“Gusto ko lang malaman kung sino ang mga taong naroon.” Tumahimik si Gigo. “Kung ano ang nangyari sa babae na ‘yon noong gabi.” dagdag ni Kael.“Opo, sir.”“Hindi mo kailangan kausapin ‘yung babae ang tanging gusto ko ang detalye doon sa site na ‘yon.”“Understood, sir.”Mata

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status