Share

Chapter 18

Author: BM_BLACK301
last update publish date: 2026-09-17 06:56:53

Pagkasara ni Sandra ng pinto ng condominium unit ay agad niyang inihagis ang handbag sa sofa.

“Damn it!”

Mabilis siyang naglakad patungo sa maliit na bar counter at kumuha ng bottled water mula sa mini refrigerator. Binuksan niya iyon at sunod-sunod na uminom, ngunit hindi pa rin nawala ang inis na kanina pa kumukulo ang dibdib niya sa galit.

Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin pumipirma si Elena. Pati kay Lance ay nagagalit na siya dahil hindi nito magawan ng paraan na matapos ng p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 18

    Pagkasara ni Sandra ng pinto ng condominium unit ay agad niyang inihagis ang handbag sa sofa.“Damn it!”Mabilis siyang naglakad patungo sa maliit na bar counter at kumuha ng bottled water mula sa mini refrigerator. Binuksan niya iyon at sunod-sunod na uminom, ngunit hindi pa rin nawala ang inis na kanina pa kumukulo ang dibdib niya sa galit.Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin pumipirma si Elena. Pati kay Lance ay nagagalit na siya dahil hindi nito magawan ng paraan na matapos ng pirmahan ang divorce paper.Hindi niya maintindihan kung ano pa ba ang hinihintay ng babaeng iyon. Malinaw naman ang sinabi ni Lance. Hindi na nito mahal si Elena.Siya ang mahal nito at siya lang mamahalin ni Lance. Pero bakit ayaw pa ring bumitaw? Ganun ba siya katanga?“Ang tibay talaga ng mukha niya.”Mariing inilapag ni Sandra ang bote sa ibabaw ng counter. Naalala niya kung paano lumuhod si Elena sa harap ni Lance noong gabing dinala nila ang divorce papers.Kung siya lamang ang masusunod,

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 17

    “Hindi mo kailangang luhuran ang lalaking katulad niya.”Sabay-sabay na napalingon sina Lance at Sandra sa lalaking biglang nagsalita. Walang iba kung hindi si Kael. Samantalang si Elena ay nanatiling nakatayo matapos siyang hilahin ni Kael mula sa pagkakaluhod. Nanlalabo pa ang mga mata niya dahil sa mga luha nang makilala niya kung sino ang lalaking nasa tabi niya.“Kael…”Hindi niya inaasahang makikita niya itong muli at sa ganung sitwasyon pa. Parang muling bumalik sa isip ni Elena ang gabing una silang nagkakilala. Ang gabing nahuli niya si Lance sa site kasama si Sandra.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya kung paano tila gumuho ang buong mundo niya nang makita mismo ng dalawang mata ang pagtataksil ng asawa. Hindi niya maalala kung paano siya nakalayo nang maayos mula roon. Basta ang alam niya, tumakbo palayo habang umiiyak hanggang sa mapunta siya sa kalsada.Doon niya nakilala si Kael. Ang lalaking bumusina sa kaniya dahil halos hindi na niya namamalayang nasa gi

  • Is It Too Late My Love?   chapter 16

    Alas otso ng gabi nang marinig ni Elena ang tunog ng sasakyang huminto sa labas ng kanilang bahay. Napalingon siya sa bintana. Saglit na tumigil ang kanyang paghinga.Ilang araw niyang hinihintay na umuwi si Lance at nang makita niya ang pamilyar na sasakayan ay ganun nalang ang tuwa niya. Matapos ang pag-uusap nila ni Mila ay nagdesisyon siya na bigyan ng pagkakataon ang asawa at humingi ng tawad dahil para sa anak nila at ayaw niyang hindi buo ang pamilya niya.Maayos siya ngayon hindi tulad noon, hindi man siya naka-make up ay nakabistida siya na bumagay sa kanya. Maganda nga ngunit bakas sa mukha at mata ni Elena ang matinding paghihirap dahil sa panlalalim ng mga mata.Agad niyang ibinaba ang hawak na damit ni Lucas. Excited na binuksan ang pintuan para salubungin ang asawa.Habang nasa sahig ang ilang laruan ng anak niya. Mahimbing na natutulog ang bata sa maliit nilang kwarto matapos niya itong patulugin kanina.Mabilis na inayos ni Elena ang buhok niya gamit ang mga daliri at

  • Is It Too Late My Love?   chapter 15

    Pagkaalis ni Kael sa lugar kung saan nakatira si Elena ay nagtino para makipagkita sa kanyang private investigator. Pagdating sa isang restaurant kung saan ay wala masiyadong customer doon napili ni Kael makipag-usap dahil ayaw niya ng masiyadong maraming tao.Sumandal si Kael sa kaniyang upuan pagdating ni Gigo ang private investigator niya at magalang na yumukod sa kanya.“Yung babaeng nakita ko sa kalsada, may construction site malapit doon. “Alamin mo kung kanino ang property ‘yon.”“Okay po.”“Alamin mo rin kung sino ang contractor, project manager at foreman pati ang buong detalye nila.”“Opo, sir.”“Tinanong mo kung may nakakita sa babaeng iyon kagabi sa lugar na ‘yun.” Seryosong ani niya.“Masusunod po.”“Gusto ko lang malaman kung sino ang mga taong naroon.” Tumahimik si Gigo. “Kung ano ang nangyari sa babae na ‘yon noong gabi.” dagdag ni Kael.“Opo, sir.”“Hindi mo kailangan kausapin ‘yung babae ang tanging gusto ko ang detalye doon sa site na ‘yon.”“Understood, sir.”Mata

  • Is It Too Late My Love?   chapter 14

    Tahimik na nakaupo si Elena sa sofa habang yakap niya si Lucas, nakatingin lang si Mila dahil gusto niyang hayaan mo na si Elena. Ayaw niyang pilitin itong magkuwento.“Kumain ka na ba?” Basag ni Mila sa pananahimik ni Elena.Nakatulog na rin si Lucas habang karga ni Elena. Muling nagbalik sa isip ni Elena ang nakita at nagsisikip na naman ang dibdib niya at nagbagsakan ang luha. Dito na lumapit si Mila at niyakap siya.“Sige lang umiyak ka ilabas mo.” Naiiyak na rin na sabi ni Mila dahil nasasaktan rin siya sa nakikita sa kaibigan.“Ang s-sakit-sakit…” dito na lumabas ang boses ni Elena kasabay ng pagyugyog ng balikat niya. “Nandito ako Elena, alam kong makakayanan mo ‘yan.” Nagpupunas ng luhang sabi ni Mila.“Ano’ng gagawin ko Mila, hindi ko kaya… hindi ko matangggap…” sabi niya na walang tigil sa pagpatak ang luha pati ang anak niya ay natutuluan ng luha pero mahimbing pa rin ang tulog.“Akina muna si Lucas ililipat ko siya.” Kinuha ni Mila si Lucas ng dahan-dahan at dinala sa hig

  • Is It Too Late My Love?   chapter 13

    Kinabukasan, maaga pa lamang ay umalis na si Sandra iniwan niyang natutulog si Lance pero nagpaalam siya na pupuntahan lang ang negosyo. Dahil ang balak niya simulan ang drama, kasalukuyang naroon na si Sandra malapit sa bahay ng magulang ni Lance.Ilang segundo muna siyang nakatayo sa tabi ng kaniyang sasakyan, nakatingin sa sarili sa maliit na salamin na dala niya.Pinunasan niya ang sulok ng kaniyang mga mata. Bahagyang ginulo ang buhok, pagkatapos ay huminga siya nang malalim.Kailangan niyang magmukhang siyang talunan at mabuting babae. Dahil yon ang paraan niya para magawa ang plano niya.Kumatok siya, makalipas ang ilang sandali, bumukas ang pinto at lalaki ang nagbukas at natigilan si Sandra pero sa huli dahil napansin niyang kamukha ni Lance ay naisip niya na papa ito.“Sino sila?” Tanong nito at hindi agad nakasagot si Sandra.“Sandra ikaw ba ‘yan?” Napalingon si Sandra at napangiti si Marissa ng malaman na siya nga, bahagyang ngumiti siya.“Arnold sige na ako ng bahala dit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status