Tatlong araw matapos ang kanilang kasal, nakatayo si Elena sa harap ng isang maliit na bahay na paupahan kung saan ay nakuha na nila sa isang tahimik na lugar.Simple lang ang bahay, may isang silid, isang maliit na sala, kusina at isang banyo. Napapangiti si Elene habang pinagmamasdan ang magiging saksi sa kanilang pagsasama at pag-uumpisa.May ilang bahagi rin ng dingding na nangangailangan ng pintura. Ngunit habang nakatayo siya sa pintuan at pinagmamasdan ay alam niyang madali lang ‘yon lahat."Pwede na," mahina niyang sabi.Napalingon siya sa likuran niya si Lance may bitbit na kahon na naglalaman ng ibang gamit namin."Sigurado ka na dito?" Tanong nito.Tumango siya. "Oo naman at parang feel ko na ‘tong bahay."Ibinaba ni Lance ang kahon sa sahig. "Alam kong maliit.""Lance." Tumingin ito sa kanya. "Hindi ko naman kailangan ng malaking bahay." Sabi ko at hinawakan siya sa kamay. "Ang importante kahit umuupa tayo ay sa atin pa rin ito."Saglit na natigilan si Lance bago lumapit a
최신 업데이트 : 2026-09-07 더 보기