Share

KABANATA 13

Nagising si Don Hector mula sa pagkakatulog nang maramdaman ang mainit na paligid at tagaktak niyang pawis. Naimulat na niya ang mata subalit wala siyang makita kundi itim at ilang butil-butil na liwanag mula sa bagay na nakasuot sa ulo niya. Sinubukan niyang kumilos pero nakatali ang kaniyang mga kamay at paa sa silyang kaniyang kinalalagyan dahilan para siya'y balutin ng kaba.

" Mabuti naman at gising ka na, " mula sa harapan ni Don Hector, narinig niya ang isang malalim na boses ng lalaki. Hindi iyon pamilyar sa kaniyang pandinig kaya wala siyang ideya kung sino ang taong nasa harapn niya.

" Anong kailangan mo? " buong-tapang na tanong ni Don Hector sa kabila ng takot na nararamdaman niya. Pilit niyang inaaninag ang labas, sa pagbabakasakaling makita ang hitssura ng lalaki sa maliliit na butas ngunit bigo siya. " Sino ka ba? Ano bang kailangan mo saakin? "

" Baliktad yata ang sitwsyon, Don Bustamente. Baka kayo ang may kailangan saakin? "

Nagsalubong ang kilay ng Don at sa mg
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myra Joy Bautista
wow..mukhang inlove na SI maximo... thanks author sa update more pa please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status