Share

Family Day

KINABUKASAN ay sinadya kong huwag sumabay sa kanila ng pag-aalmusal. Ayokong makasabay si Iñigo lalo pa't naaalala ko ang nangyari kagabi.

Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nakatakip ng unan ang aking mukha.

Kapagkuwa'y may kumatok. Ngabingi-bingihan ako. Ngunit hindi ko inaasahan na si Iñigo pala iyon.

Naramdaman kong binuksan niya ang pinto at naglakad palapit sa'kin.

"Baby, mag-aalmusal na." Aniya habang pilit na hinihila ang unan na naroon sa aking mukha.

"Ano ba, Iñigo! Mauna na kayong kumain." reklamo ko.

"Tss, galit ka pa rin ba?"

"Lumabas ka na nga lang!"

"Hmm...galit ka pa rin nga. Akala ko pa naman okay na tayo. Tumugon ka na sa halik ko kagabi, kaya't inakala ko na okay na tayo." naging malungkot na naman ang tinig nito.

Ibinato ko sa kanya ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Nakakainis ka! Ba't pinaalala mo pa ang halik na 'yon? Kaya nga ayaw ko lumabas dahil do'n eh."

Nakangisi na lumapit ito saakin.

"Kaya pala eh. Gusto mo bang ulitin natin 'yon at-"

"S
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status