PAGDATING ko dito sa bahay ay halos sumabog na ang aking cellphone sa sunud-sunod na chat at call ni Iñigo. "Oh, Sam! Ba't 'di mo sagutin 'yan?" Hindi na nakatiis pa si Nicole."Hayaan mo lang 'yan." Tipid kong tugon."Nagkasagutan na naman ba kayo?" Muli niyang tanong na ang tinutukoy ay si Iñigo.Hindi ako nakasagot agad. Sa halip ay nagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntonghininga. "Sus, sabi ko na nga ba eh." Dagdag pa niya at pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. "Ano ba talaga ang-"Naudlot ang iba pang sasabihin ni Nicole nang biglang may kumatok sa pintuan."May inaasahan ka bang bisita na darating ngayon?" Aniya bago tumayo at tinungo ang pintuan. Umiling naman ako kaya't napilitan na rin itong buksan ang pinto.Namilog ang aking mga mata nnag pumasok na si Iñigo. Balak ko sana'ng senysasan si Nicole na palabasin ito ngunit huli na ang lahat. Dahil eksaktong paglingon ko ay siya naman'g pagtama ng aming paningin ni Iñigo.Wala na rin akong nagawa lalo pa't inanyay
MASARAP sa pakiramdam na bumalik ulit sa dati ang pakikitungo saakin ni Iñigo. Ngayon ay lulan na naman ako sa kanyang kotse pauwi sa aming bahay.''Oh, ba't huminto tayo?" puno ng pagtataka'ng tanong ko sa kanya matapos namin'g huminto sa tapat ng isang mamahaling restaurant.Nginitian niya lang ako. Kapagkuwa'y nagmamadali itong bumaba at pagkatapos ay inalalayan rin akong makababa."Anong meron?" muli kong tanong."Nothing." Kibit balikat niyang tugon. ''Tara na, kakain muna tayo bago umuwi." Dagdag pa niya."Ang dami mo ng ginastos sa'kin ngayong araw ah."Reklamo ko."Sus, wala 'yon. Gusto ko lang bumawi sa'yo kaya pagbigyan mo na 'ko.''''Sige na nga.'' Napipilitang pagsang-ayon ko.Nagpatiuna na ito sa pagpasok kaya't walang imik na sumunod na lang din ako.Nang tuluyan na kaming makaupo ay hinayaan ko na lang siya na mag-order ng aming pagkain."Baka may gusto ka pang idagdag?'' aniya na bahagya akong binalingan."Uhm...wa-wala na! Okay na sa'kin 'yon.''''Okay.''Tanging nasabi
HINDI ko maiwasan ang mapangiti sa hallway habang binabasa ang chat ni Iñigo. Hindi niya kasi ako sinundo ngayon sa bahay dahil may kailangan daw siyang ayusin para sa exhibit. Kaya't late na rin siyang darating sa office.Di-deretso na sana ako sa aking table ngunit bigla kong nakasalubong si Mr. President."Hi!" Aniya na siyang naunang bumati saakin."Oh, good morning Mr. President!" Bahagya pa akong yumukod bilang pormal na pagbati sa kanya."Uhm...maaari ba kitang yayain na magkape sa opisina ng anak ko?" anang presidente. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba dahil naisip ko na baka kung anong kasalanan ang nagawa ko at bigla itong sumulpot ngayon."Si-sige po Mr. President." Nagpatiuna na ito kaya't walang imik na sumunod na lang din ako."Sandali lang Mr. President. Magtitimpla lang po ako ng kape natin." Paalam ko matapos namin'g makapasok sa loob. Kaagad naman itong tumango kaya't binilisan ko na ang pagtitimpla.Ilang segundo ko rin'g pinag-isipan kung ano nga ba ang posible n
KANINA pa akong nakapangalumbaba habang nakaupo sa couch dito sa sala. Hanggang ngayon kasi ay hirap pa rin akong i-proseso sa utak ko ang mga sinabi kahapon ni Mr. President."Hoy, linggo ngayon Samantha! Hindi biyernes santo!" sita saakin ni Nicole matapos nitong umupo sa tabi ko."Alam ko." Walang buhay na sagot ko."Ano, malungkot kapag weekends kasi wala si Daddy Iñigo?""Tumigil ka nga! Grabe ka sa'kin huh!" naiinis na singhal ko dito."Sus, aminin mo man sa'kin o hindi, alam kong si Iñigo naman talaga ang nasa isip mo ngayon.""Oo na! Tama ka, si Iñigo nga!" napipilitang pag-amin ko sa kanya."Hmm...bakit, nag-away na naman kayo?""Hindi. Kinausap kasi ako kahapon ni Mr President. Katulad mo ay iginigiit rin niyang may gusto sa'kin si Iñigo.""Tsk...see? Kahit 'yong ama niya ay nakakahalata na rin. Ikaw na lang 'yong hindi!" Pinagdiinan pa talaga nito ang huli niyang sinabi."Nicz, naguguluhan na 'ko!""Gaga, 'wag kang maguluhan. Go on with the flow na lang. Bakit, napo-fall ka
"WHAT the hell is going on sir? Akala ko ba ako lang ang bisita?'' puno ng iritasyon sa aking tinig matapos namin'g huminto ni Iñigo sa kusina."Sam, i'm sorry...hi-hindi ko talaga alam na inimbita ni dad si Miss Shane.''"Sir, sa totoo lang ay nawalan na ako ng gana'ng bumalik do'n.'' Patuloy kong pagrereklamo. "Puwede ba ihatid mo na nga lang ako pauwi!''''No! Babalik pa rin tayo do'n! Nakakahiya kay dad!'' giit nito ngunit patuloy pa rin akong nagmamatigas."Kung ayaw mo akong ihatid, eh 'di ako na lang ang uuwing mag-isa!'' Nakakadal'wang hakbang pa lang ako nang muli siyang magsalita, dahilan upang muli ko siyang lingunin ngunit hindi rin kaagad ako nakakibo.''Sam, bakit ba kasi big deal sa'yo na nandito si Miss Shane? Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo? At saka si dad naman ang nag-imbita sa'yo dito di'ba?'' Tila ba napipikon na ito saakin. Hindi pa rin ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kawalan. Kaya't siya na mismo ang kusang lumapit saakin.Hinawakan nito ang magkabi
KINABUKASAN ay tila wala pa rin ako sa sariling katinuan habang naglalakad papunta sa banyo. Muntik ko pa nga'ng masagi ang kape ni Nicole na nakapatong sa gilid ng mesa."Hoy, Samantha! Tulog ka pa ba?" Aniya. Buong akala ko ay nakaligtas na sa kanyang paningin 'yon ngunit hindi pa rin pala. "Inaantok pa ako." Tinatamad na palusot ko sa kanya."Sus, anong petsa ka na kasi inihatid ni Daddy Iñigo kagabi eh. Hayan tuloy, para kang lasing diyan!""Oo nga eh." Tanging nasabi ko na lang."Naku, bilisan mo na diyan at ipagtitimpla na kita ng kape para mawala 'yang antok mo!" Dagdag pa ni Nicole habang naroon ako sa loob ng banyo.Maya-maya pa ay magkaharap na kami sa hapag. Siya na rin ang nagluto at naghain ng almusal namin. Pati ang masarap na kape ko ay siya rin ang nagtimpla kaya wala na akong ibang gagawin kundi ang umupo na lang at kumain."Hmm...Sam, hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" Anang kaibigan ko nang mapansin na kakaiba at malamya pa rin ang kilos ko."Huh? Syempre, nagustu
PAREHO kaming natigilan ni Iñigo sa biglaang pagsulpot ni Lesley."Oh, ba't para kayong nakakita ng multo?" Ani Lesley na siyang dahilan upang mapilitan akong magsalita."A-anong ginagawa mo rito?" Bahagya pa akong nautal. Si Sir Iñigo naman ay tahimik lang na nakatayo sa aking likuran.''Tsk...ang pangit niyo naman mag-approach ng bisita.'' Magkakrus ang mga braso na saad ni Lesley."Excuse me! M-may kailangan ka ba dito sa kompanya ko?'' Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Sir Iñigo."Hmm...actually, wala akong kailangan sa'yo Iñigo. Pero sa babaeng ito ay may kailangan ako.'' Ani Lesley na bahagya pa akong dinuro sa mukha. Kaya naman hindi ako nakatiis at nakakuyom ang kamao na bigla akong tumayo. Subalit muli rin akong naupo ng agad akong awatin ni Sir Iñigo.''Ang kapal ng mukha mong duruin ako Lesley!"Nanggagalaiting singhal ko sa kanya."Really? Ako talaga ang makapal ang mukha, Sam?'' Mapakla itong natawa at mas lalo pa'ng lumapit sa kinauupuan ko.''Ano ba talaga'ng kailangan
SIMULA pa kanina ay hindi ko pa rin matanggap sa aking sarili na palagi na lang si Miss Shane ang kinakampihan ni Iñigo. Kaya naman ang kawawang pagkain na inihanda ni Nicole ang napagbuntunan ko pa ng sama ng loob. Sa halip na kumain na ay nakapangalumbaba lamang ako habang tinititigan ang mga iyon."Hoy! Anong kadramahan na naman 'yan?'' sita sa'kin ni Nicole.Umiling lang ako bilang tugon."Sus, nagsisinungaling ka na naman!''Hinayaan ko lang na magdaldal ito.Wala talaga ako ngayon sa mood para makipagtalo. Dahil okupado ang isip ko ng mga bagay na patungkol samin'g tatlo nina Iñigo at Shane.."Matutulog na ako Nicz. Bukas na lang siguro tayo mag-usap.''''Ano? Eh pa'no 'to? Ang dami kong inihain na pagkain? Ano, wala ka bang balak na maghapunan?''''Busog pa ako." Tipid kong sagot."Haist, bahala ka nga!'' aniya na puno ng iritasyon ang tinig.Dumiretso na ako sa aking silid. Ni-hindi ko na nagawang magpalit pa ng pantulog na damit. Basta na lang ako humiga sa kama at ginugol ko