Share

Galit at Kasinungalingan

ISANG linggo na ang nakalipas simula ng pumirma ng kontrata sa kompanya ni Sir Iñigo ang Miss Shane na 'yon. Madalas silang magkasama ni Sir kaya naman halos hindi na rin kami nagkakasabay sa pananghalian ng boss ko. Minsan ay dalawang beses sa isang linggo na lang din niya ako sinusundo at ihinahatid sa bahay.

Ngayon ay mag-isa na naman akong manananghalian kaya't naisipan kong lumabas na lang at doon na lang ako kakain sa restaurant na malapit dito.

Matapos kong mag-order ay naghanap ako ng bakanteng mesa na puwede kong okupahin. Subalit nakakailang hakbang pa 'lang ako nang biglang tumawag si Sir Iñigo kaya naman nabaling na ang atensiyon ko sa aking cellphone at hindi ko namalayan na natamaan pala ng handbag ko ang inumin na nakapatong sa mesa ng isang costumer.

"Hey, you! Stupid bitch!" Bigla akong napalingon matapos kong marinig ang sigaw na 'yon ng isang babae. Para kasi'ng pamilyar ang boses nito at gayo'n na lamang ang aking pagkamangha matapos kong mapagsino ang nagmamay-ari
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status