LOGINChapter 203
Tahimik ang ospital—masyadong tahimik. Sanay ako sa katahimikan bago ang putok ng baril. Nakatingin ako sa CCTV monitor nang mapansin ko ang isang bagay na hindi tugma. Tatlong lalaki. Naka-scrubs. Pero mali ang lakad—military. “Boss,” mahina ngunit mabilis na sabi ni Kane sa comms, “nakita rin namin. Hindi sila staff.” Hindi pa ako nagsasalita nang biglang. NAMATAY ANG ILAW. Isang segundo ng dilim. Isang segundo lang ang kailangan para mamatay ang isang reyna. “LOCKDOWN!” sigaw ko. “PROTECT THE ICU!” Naglabasan ang mga tauhan ko mula sa bawat sulok nakasuot bilang nurses, guards, janitors. Lahat armado. Sa dilim, narinig ko ang unang putok. BANG! Isang bala ang tumama sa pader, ilang pulgada lang mula sa ulo ng isang nurse. “CONTACT!” sigaw ng isa kong tauhan. Muling bumukas ang emergency lights—pula. At doon ko sila nakita. Anim na armadong lalaki. May suppressors. May thermal goggles. Professional assassins. “Target confirmed,” marinig kong bulong ng isa sa kanila. “Female. Comatose. Pregnant.” Nanlilimahid ang dugo ko sa galit. “Mga putang-ina kayo. Dadaan muna kayo sa ibabaw ng bangkay ko,” malamig kong bulong bago itaas ang baril. PUTUKAN. Hindi ito basta barilan—ito’y pagpatay na sinanay. Isa. Dalawa. Tatlo. Bumagsak ang tatlong kalaban bago pa sila makalapit sa ICU door. Ngunit ang ikaapat ay may dalang syringe. Hindi bala kundi LASON. “STOP HIM!” sigaw ko. Mabilis siya. Halatang alam ang pasikot-sikot ng ospital. Tinamaan ko ang balikat niya—pero nakalusot. Hanggang..... Isang pigura ang sumulpot sa gilid. KANE. Isang malakas na sipa. Basag ang tadyang at laglag ang syringe. Hinawakan ko ang lalaki sa leeg, itinulak sa pader. “Sino ang nag-utos?” malamig kong tanong. Tumawa siya—may dugo sa bibig. “Too late…” hingal niya. “Alam na nila…” BANG. Isang putok mula sa likod. Tinapos ng tauhan ko ang kalaban bago pa siya makapagsalita. Tahimik ulit. Pero alam kong hindi ito ang wakas. Lumapit ako sa ICU door—buo pa. Hindi sila nakapasok. Pumasok ako agad. Nandoon si Julie—mahimbing pa rin. Walang galos. Walang sugat. Lumuhod ako sa tabi niya, hawak ang kamay niya na nanginginig na ngayon—hindi sa takot, kundi sa galit ko. “Julie,” bulong ko, “sinubukan ka na nilang patayin… at ang anak natin.” Tumayo ako, ang mukha ko’y bato. Lumapit si Kane. “Boss,” sabi niya, “may iniwang mensahe ang isa sa kanila.” Iniabot niya ang isang maliit na coin—itim, may ukit ng korona na basag. Kilala ko iyon. Simbolo ng angkan ng ina ko. Ng mga itinakwil. Ng mga gustong bawiin ang trono sa dugo. Pinisil ko ang coin hanggang magdugo ang palad ko. “Good,” malamig kong sabi. “Lumabas na kayo sa lungga niyo.” Tumingin ako pabalik kay Julie. “Dahil ngayon at hindi na ako maghihintay.” "Boss, kailangan dalhin si Ma'am Julie sa ligtas na Lugar at walang iba ang Vellecaran ang pamilya nito. Dahil sila ang may kayang ipagtanggol ang kanilang anak at apo sa ngayon. Habang tutugasin natin ang kalaban natin," sambit ni Kane sa akin. Tumitig ako kay Kane. Alam kong tama siya—at mas kinamumuhian ko ang katotohanang iyon. “Ang Vellaceran…” mababa kong ulit. “Kung may lugar na kayang ipagtanggol ang reyna at anak ko habang nililinis ko ang kalaban—doon ‘yon.” Huminga ako nang malalim, saka tumango. “Gawin natin,” mariin kong utos. “Immediate extraction. Walang sirena. Walang record. Ghost move.” Mabilis kumilos ang mga tauhan ko. Isang medical convoy ang inihanda—hindi mukhang convoy. Parang karaniwang ambulansya na may dalang pasyente. Pero sa loob, tatlong layer ng proteksyon ang nakapaligid kay Julie. Pumasok ako sa ICU bago ilabas siya. Lumapit ako sa kama niya. Maingat kong hinaplos ang buhok niya. “Julie,” mahina kong sabi, “ilalayo muna kita. Hindi dahil mahina ka, kundi dahil masyado kang mahalaga.” Inilapat ko ang palad ko sa tiyan niya. “Anak… sandali lang ‘to. Babalik ako. Ipinapangako ko.” Lumabas ang convoy sa likod ng ospital—walang ilaw, walang tunog. Sa bawat kanto, may nakaabang na tauhan. Sa bawat overpass, may sniper na mata. Pagdating sa mansyon ng Vellaceran, sinalubong kami ng pader na parang kuta—matandang disenyo, pero moderno ang depensa. Mga taong sanay sa pagtatago, sa pag-iingat, sa pagbuhay ng dugo. Nandoon si Aldrich. Hindi siya ngumiti. Diretso lang. “Sa akin na,” sabi niya. “Sa lupang ito, walang kukuha sa kapatid ko o sa magiging anak niya na pamangkin ko.” Tumango ako. “Sa’yo ko siya ipinagkakatiwala,” sagot ko. “Habang ginagawa ko ang dapat gawin.” Nagkatinginan kami—walang salita, pero malinaw ang kasunduan. Pagbalik ko sa sasakyan, bumalik ang lamig sa dibdib ko. “Kane,” tawag ko. “Boss.” “Simula ngayon,” utos ko, “hindi na depensa ang laro. Opensa na. Gusto kong malaman kung sino-sino ang kasali—isa-isa. At gusto kong maramdaman nila na nagkamali sila ng tinarget.” Tumango si Kane. Habang umaandar ang kotse palayo, tumingin ako sa salamin—papalayo sa mansyon ng Vellaceran. “Maghintay ka, Julie,” bulong ko, “Lilinisin ko ang mundong ‘to para sa’yo… at sa anak natin.” At sa gabing iyon, nagsimula ang paghihiganti. Hello all happy New Year sa inyong lahat. Bago pa matapos ang taon nito ay nais kong magpasalamat sa inyong walang sawang suporta sa aking mga mahal na akda. Love you all ......Chapter 250 Pagdating namin sa sakayan ng jeep, agad akong nagbayad sa tricycle driver saka dumiretso sa nakaparadang jeep. Gusto ko nang makauwi agad sa Pasig—doon sa maliit na kwartong tinutuluyan ko. Makalikom lang ako ng malaking halaga, aalis din ako sa quarter area, bulong ko sa sarili. Matagal ko nang gustong umalis doon. Pero dahil sa gipit, tiniis ko na lang—ang ingay, ang sigawan, ang murahan ng mga kapitbahay na parang araw-araw may galit sa mundo. “’Oh, umurong kayo sa kaliwa para makaupo na ang isa, nang makalarga na tayo!’” sigaw ng driver. Sumunod ako, umusog, at tuluyang nakaupo. “Salamat,” sabi ko, may kasamang maliit na ngiti. Habang umaandar ang jeep, pinanood ko ang mga ilaw sa labas—mga tindahan, tao, buhay na hindi humihinto. Sa bawat pag-alog ng sasakyan, ramdam ko ang bigat ng katawan ko, pero mas mabigat ang mga iniisip. Kaunting tiis pa, Quin, sabi ko sa sarili. Kaunting kanta pa sa gabi. Kaunting linis pa sa umaga. At balang araw, hindi n
Chapter 249 Habang nagpapatuloy akong maglinis sa toilet ng isang floor ng company, di ko maiwasang balikan ang mga nakaraan ko. Sa bawat kuskos ng basahan, parang binubura ko rin ang mga alaala—pero kahit anong pilit, may mga bagay talagang hindi nawawala. Bata pa lang ako, ulila na ako sa aking mga magulang. Walang yakap na uuwian, walang boses na tatawag sa pangalan ko kapag pagod na pagod na ako. Natuto akong tumayo mag-isa, kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko. Kaya ngayon, dalawa ang trabaho ko. Sa gabi, isa akong singer sa isang kilalang bar. Doon ako humihinga. Doon ko inilalabas ang mga sakit na hindi ko masabi kahit kanino. Sa ilaw ng entablado at tunog ng musika, nagiging ibang tao ako—mas matapang, mas buo. Sa umaga naman, nandito ako. Janitress. Tahimik. Hindi pinapansin. Parang multong dumadaan lang sa hallway ng mga taong may pangarap na mas malinaw kaysa sa akin. Sa bar, ang tawag nila sa akin ay Barbara. Isang pangalang madaling banggitin, madaling tandaan, a
Chapter 248 Barbara POV Dalawang araw na akong regular na nagtatrabaho sa Vellaceran Company bilang janitress. Ito lang ang available na trabaho—iyon ang sabi ng HR. At iyon din mismo ang sinabi ni Mr. Vellaceran… Aldrich. Hindi ako namili. Kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko ng pera. Kaya kahit masakit sa pride, tinanggap ko. Pero sa unang araw ko pa lang, ramdam ko na agad may ayaw na sa akin. Hindi ko kailangan ng pangalan para malaman. Kita ko sa mga tingin. Sa mga bulungan kapag dumadaan ako. Sa biglang pananahimik kapag naririnig ang yapak ko. “Bagong salta,” pabulong ng isa. “Bakit siya?” sabi ng isa pa. “Janitress lang naman…” may kasamang tawa. Mahigpit kong hinawakan ang mop. Nagkunwari akong walang naririnig. Trabaho lang, Barbara. Lilipas din ’to. Pero hindi lang salita ang problema. Sa pantry, may biglang natapong kape sa bagong linis kong sahig. Sa restroom, may iniwang kalat na halatang sinadya. At kanina lang ay may naglagay ng basura sa locker ko. Hin
Chapter 247“Ang dating angkan ng kaalyado ng Black Dragon… at gusto nilang kunin ito sa’yo.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa batok ko.“Pangalan,” mariin kong sabi. Walang emosyon, pero sa loob ko, nag-aalab na ang galit.Lumapit ang tauhan ko at bahagyang yumuko. “Ang Ravenholt Clan, sir. Akala po namin tuluyang naglaho matapos ang huling internal war. Pero mukhang nagtatago lang sila—at ngayon, gusto nilang kunin ang Black Dragon.”Napangiti ako. Mabagal. Delikado.“So buhay pa pala ang mga multo,” bulong ko. “At may lakas pa silang mangarap.”Tumingin ako sa direksyon ng ICU kung nasaan ang ama ko. Mahina ang tibok ng ilaw sa labas ng silid—parang orasan na nagbibilang ng oras.“Hindi nila ako inambos para lang sa kapangyarihan,” dugtong ko. “Ginamit nila ang pamilya ko para pilitin akong yumuko.” Tumalim ang tingin ko. “Maling hakbang.”Kinuha ko ang phone ko at nagpadala ng iisang mensahe—isang code na matagal ko nang hindi ginagamit.ACTIVATE: DRAGON’S WAKEIsa-isang
Chapter 246 Tahimik ang warehouse sa labas ng lungsod ng Bicol. Isang ilaw lang ang bukas, sapat para ipakita kung sino ang nasa gitna—at kung sino ang tunay na nagkasala. “Lumabas ka na,” malamig kong utos. Mula sa anino, dahan-dahang humakbang ang taong hindi ko inaasahang makikita roon. Hindi tauhan. Hindi kalaban sa labas. Kampi. “Hindi ko ginusto ’to, Aldrich,” nanginginig niyang sabi. “Pero wala akong pagpipilian.” Ngumiti ako—hindi mapang-asar, kundi malinaw. “Lahat may pagpipilian. Ang kaibahan lang, may handang managot.” Sa gilid, naroon ang reporter. Tahimik. Namumutla. Hindi na matapang gaya ng nasa headline. “Akala mo ba ang Black Dragon ay alamat lang?” tanong ko sa kanya. “Ang alamat, pinaniniwalaan. Ang totoo—tahimik na gumagalaw.” Isang kumpas lang ng kamay ko, at ibinaba ng mga tauhan ang mga ebidensiya: recordings, bank trails, kontrata. Isang domino na bumagsak sa harap nila. “Nagkamali kayo,” dugtong ko. “Hindi dahil nalaman ninyo ang sikreto. Kundi dahil
Chapter 245 Tahimik ang paligid.at nakabibingi ang katahimikan. Isa-isang inupo ang mga lalaking nahuli namin. Walang posas, walang sigawan. Mas nakakatakot ang ganito. Ang mga matang nagmamasid sa kanila ay hindi pulis—mga taong sanay maglinis ng problema. Lumapit sa akin ang kanang-kamay ko. “Sir, kumpirmado na po. May tatlong pangalan dito na konektado sa kalabang grupo. Ang isa… dating tauhan ninyo.” Bahagya akong napangiti. So that’s it. “Nasaan siya?” tanong ko, mababa ang boses. “Parating na po. Nahuli sa kabilang baryo. Sinubukan tumakas.” Tumalikod ako at naglakad palayo ng kaunti, tinignan ang madilim na ulap na nagbabadya ng ulan. Ang hangin ay may dalang amoy ng lupa—parang babala. Ilang minuto pa, dumating ang van. Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang isang lalaking pamilyar ang mukha, pero puno ng takot ang mga mata. “Sir Aldrich…” paos niyang sabi. “Hindi ko sinasadya—” Huminto ako sa harap niya. “Alam mo,” mahinahon kong wika, “ang pinaka-delikado sa pag
Chapter 83Matapos ang ilang oras ng walang humpay na pagtahi, pagputol, at pagtanggal ng dumudugong bahagi ng kanyang katawan, sa wakas ay tumigil ang pag-ugong ng monitor sa nakakatakot na tono.Stable na si Sandro. Successful ang operation.Pero hindi iyon nangangahulugang ligtas na siya. Nang i
Chapter 86Hindi pa man natutuyo ang luha sa pisngi ko, biglang nagsalita ang isang pamilyar na tinig mula sa pinto.“Magandang araw, Ma’am Solidad,” wika ng isang lalaking nakasuot ng itim na amerikana, may dalang sobre at selyo. Hindi ko siya agad namukhaan, marahil dala ng pagkagulat at bigat ng
Chapter 91Matapos ang huling pagbasa, marahang isinara ng abogado ang makapal na dokumento at itinabi ito sa kanyang portfolio.“Hanggang dito na lamang po muna. Paumanhin, ngunit kailangan ko nang umalis. May isa pa akong hearing na dadaluhan ngayong hapon. Nakasulat na lahat ang mga habilin, at
Chapter 84Nangingilid ang luha sa mga mata ni Khanna, pilit niyang nilalabanan ang pagkabasag ng kanyang tinig. “I’m sorry… I didn’t know na ganito ang mangyayari.”Tahimik kaming lahat. Ramdam ang bigat ng kanyang paghingi ng tawad, pero kasabay nito ang galit at sama ng loob na hindi basta-basta







