Share

Chapter 216

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-11-08 22:16:20

Chapter 216

Nang marinig ko ‘yon kay Julie, napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kakabahan sa kung ano ang gusto niyang pag-usapan.

“Oh sure, anak,” nakangiting sagot ni Mrs. Solidad habang nakatingin sa amin. “Maganda nga ‘yan, para makapag-usap kayo nang maayos. Nando’n sa garden ang ilaw, doon na lang kayo.”

Tumango si Julie at marahang hinila ang braso ko palabas ng sala. Tahimik kaming naglakad papunta sa garden ng mansion — ‘yong lugar kung saan maririnig mo lang ang hampas ng malamig na hangin at ang tunog ng mga kuliglig.

Pagdating namin doon, tumigil siya sa tapat ng fountain, huminga nang malalim, saka humarap sa akin.

“Adrian,” panimula niya, “hanggang kailan natin kayang itago ‘to?”

Napakuyom ako ng kamao. “Anong ibig mong sabihin?”

“Tungkol sa kasal natin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama bang magpatuloy tayo sa ganitong palabas. Nakikita mo naman kung gaano kasaya sila Mom at Dad.” Halata sa boses niya ang pag-aalala, pero ramdam ko rin an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 239

    Chapter 239 Pagkatapos kong uminom ng kape ay agad akong nagsimula sa pagtulong kina Manang. Habang sila ay naggagayat ng gulay at nag-aayos ng mga rekado, ako naman ay tumapat sa counter para mag–bake ng cookies. Tahimik ang buong kusina, maliban sa tunog ng mga kutsilyong sumasayad sa chopping board at ang mahihinang tunog ng oven na umiinit. At least… may nagagawa akong productive habang hinihintay ang oras. Pinagsama ko ang harina, asukal, butter, eggs, at chocolate chips—paulit-ulit, halos automatic. Isa sa mga bagay na nakakapagpakalma sa akin ay ang pagbe-bake. Parang lahat ng problema ay nagiging simple kapag nasa harap lang ako ng mixing bowl. “Senyorita, ang bango naman niyan,” sabi ni Manang habang napapatingin sa oven. “Magdadala po ako mamaya,” sabi ko, inilalapag ang tray ng bagong hugis na cookies. “Hindi ko naman sure kung may pagkain doon… at least may baon ako. For emergency purpose only.” Tumawa si Manang. “Hindi emergency ‘yan, senyorita. Strategy ‘yan. Ba

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 238

    Chapter 238“Ano ba ’tong nangyayari sa akin…?”bulong ko habang nakatitig sa kisame.“Dati, tahimik lang ang buhay ko. Walang drama, walang gulo, walang…walang lalaking nagpapagulo sa utak ko.”Napahagod ako sa buhok ko, halos mabunot ko na.“Pero ngayon… dalawa sila.”Dalawang lalaking pilit akong hinihila sa magkaibang direksyon.Dalawang boses sa isip ko.Dalawang tibok ng puso na hindi ko alam kung sino ang dapat kong sundan.Napabuntong-hininga ako, malalim—parang gusto ko nang iiyak lahat pero pagod na ang luha ko.Bagsak akong humiga ulit sa kama, parang sinusubsob ng unan ang bigat sa dibdib ko.“Bakit ngayon pa sila dumating?”mahina kong tanong sa sarili.At bago ko pa mapigilan.kumabog ng sobrang lakas ang puso ko.Hindi ko alam kung dahil sa kaba… o dahil sa takot… o dahil baka.. baka unti-unti na talaga akong nahuhulog.Sa isa sa kanila. O mas masahol— baka sa kanilang dalawa.Napalingon ako sa wall clock.3:00 AM.“Great… gising pa rin ako,” bulong ko, napairap sa sar

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 237

    Chapter 237 Alas-dos na pala ng umaga. Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong tulog—may kung anong kakaibang init na nakabalot sa bewang ko. Parang may braso… humihigpit… humihila sa akin palapit. Napakabilis kong iminulat ang mga mata ko. At doon ako napa­singhap, nanigas, muntik pang mapaatras. Isang bisig. Isang mainit, malakas na bisig ang nakayakap sa bewang ko. At ang may-ari nito— si Zeph. Ang mukha niya, ilang pulgada lang mula sa akin. Ang hininga niyang malamig ngunit nakakaantig. At ang presensya niya… nakakakuryente sa sobrang lapit. “Z–Zeph?” mahina kong bulong, halos pabulong na humahalo sa lamig ng gabi. Hindi siya agad gumalaw. Para bang komportableng komportable siyang nakayakap sa akin, para bang matagal na kaming ganito matulog. Para bang… akin siya. Muling lumakas ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung sa takot ba o sa kakaibang kilabot na gumapang sa balat ko. “B–bakit ka… nandito?” halos putol-putol ang tanong ko, ramdam ang pag-init ng pisngi

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 236

    Chapter 236 Pagpasok ko sa loob, agad akong sinalubong ni Mommy at Daddy—halos sabay nila akong nilapitan, para bang takot silang bumagsak ako anumang oras. “Julie, anak… okay ka lang?” bakas sa mukha ni Mommy ang pag-aalala. “Bakit hindi mo pinakinggan ang paliwanag niya?” Napayuko ako, pilit nilalabanan ang panibagong panginginig ng boses ko. “Hindi ko pa kaya, Mom…” Mabigat. Mapait. At totoo. Hindi ko kayang pakinggan ang paliwanag ni Adrian kung sa bawat segundo ay naaalala ko ang hawak niya kay Leeanne… ang tingin niya… ang mga salita nila… at ang buong mundong tumatawa sa kahihiyan ko. Lumapit si Daddy, marahan akong hinawakan sa balikat. “Honey… hayaan mo muna ang anak mo. Kailangan niya magpahinga.” Tumingin siya sa akin, mapagmahal ngunit may bigat sa mata. “Go to your room now, sweetheart. Tomorrow, we will be fine.” Gusto kong maniwala. Gusto kong paniwalaan si Daddy na bukas, kaya kong huminga ulit. Na bukas, hindi na ganito kasakit. Na bukas, kaya ko nang ha

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 235

    Chapter 235 Pagkababa ko ng sasakyan ay agad akong nakahinga, pakiramdam ko ay nakalabas ako mula sa isang sitwasyong hindi ko pa kayang intindihin nang buo. Tumango ako kay Zeph, pilit na ngumiti kahit kumakabog pa rin ang dibdib ko. “Maraming salamat sa’yo, Zeph. Papasok na ako sa loob,” mahina kong sabi. Bahagya siyang yumuko, seryoso ang mukha pero may bahagyang lambing sa boses. “Okay. Send my regards to your mommy and daddy. I have to go now—important meeting tomorrow.” Pagkasabi niya noon ay tumalikod na siya. Pinanood ko siyang pumasok sa sasakyan at parang humigop ng hangin ang buong paligid nang umandar ang kotse niya. Habang papalayo ito, ramdam kong may hinahatak siyang parte ng puso ko kahit pilit ko itong tinatabunan. Bakit ba may ganitong epekto siya sa akin? Bago pa ako makapagsimulang maglakad papasok ng mansyon, isang pamilyar na boses ang pumunit sa katahimikan. “Julie…!” Napatigil ako. Dahan-dahan akong napalingon. Nandoon siya—si Adrian. Nakayuko ang b

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 234

    Chapter 234 Nalaglag ang tingin ko. Napapikit sandali. Pero bago ako tuluyang malunod sa konsensya, hinawakan ni Zeph ang baba ko at marahan niyang iniangat ang mukha ko paharap sa kanya. “And listen carefully…” Nagtagpo ang mga mata namin. “…hindi ka malandi. Hindi ka masama. Hindi ka nahihibang.” Hinintay niya ang susunod na paghinga ko bago siya nagpatuloy. “You’re hurt.” “You’re betrayed.” “And you’re human.” Nalaglag ang luha ko bago ko pa napigilan. Pero hindi ko alam kung dahil sa sakit… o dahil sa paraan ng pagbigkas niya ng salitang human na parang pinatawad niya ako kahit hindi ko pa pinapatawad ang sarili ko. At doon niya ibinaba ang kamay niya, walang halong pag-angkin, walang pagpilit. “Choose at your own pace,” mahinahon niyang sabi. “I’ll protect you, not own you.” At sa unang beses mula nang mangyari ang iskandalo… nagaan ang dibdib ko ng kaunti. Dahil kahit magulo, kahit masakit, kahit hindi ko pa alam ang sagot, hindi niya ako hinusgahan. At iyon an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status