MasukChapter 238“Ano ba ’tong nangyayari sa akin…?”bulong ko habang nakatitig sa kisame.“Dati, tahimik lang ang buhay ko. Walang drama, walang gulo, walang…walang lalaking nagpapagulo sa utak ko.”Napahagod ako sa buhok ko, halos mabunot ko na.“Pero ngayon… dalawa sila.”Dalawang lalaking pilit akong hinihila sa magkaibang direksyon.Dalawang boses sa isip ko.Dalawang tibok ng puso na hindi ko alam kung sino ang dapat kong sundan.Napabuntong-hininga ako, malalim—parang gusto ko nang iiyak lahat pero pagod na ang luha ko.Bagsak akong humiga ulit sa kama, parang sinusubsob ng unan ang bigat sa dibdib ko.“Bakit ngayon pa sila dumating?”mahina kong tanong sa sarili.At bago ko pa mapigilan.kumabog ng sobrang lakas ang puso ko.Hindi ko alam kung dahil sa kaba… o dahil sa takot… o dahil baka.. baka unti-unti na talaga akong nahuhulog.Sa isa sa kanila. O mas masahol— baka sa kanilang dalawa.Napalingon ako sa wall clock.3:00 AM.“Great… gising pa rin ako,” bulong ko, napairap sa sar
Chapter 237 Alas-dos na pala ng umaga. Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong tulog—may kung anong kakaibang init na nakabalot sa bewang ko. Parang may braso… humihigpit… humihila sa akin palapit. Napakabilis kong iminulat ang mga mata ko. At doon ako napasinghap, nanigas, muntik pang mapaatras. Isang bisig. Isang mainit, malakas na bisig ang nakayakap sa bewang ko. At ang may-ari nito— si Zeph. Ang mukha niya, ilang pulgada lang mula sa akin. Ang hininga niyang malamig ngunit nakakaantig. At ang presensya niya… nakakakuryente sa sobrang lapit. “Z–Zeph?” mahina kong bulong, halos pabulong na humahalo sa lamig ng gabi. Hindi siya agad gumalaw. Para bang komportableng komportable siyang nakayakap sa akin, para bang matagal na kaming ganito matulog. Para bang… akin siya. Muling lumakas ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung sa takot ba o sa kakaibang kilabot na gumapang sa balat ko. “B–bakit ka… nandito?” halos putol-putol ang tanong ko, ramdam ang pag-init ng pisngi
Chapter 236 Pagpasok ko sa loob, agad akong sinalubong ni Mommy at Daddy—halos sabay nila akong nilapitan, para bang takot silang bumagsak ako anumang oras. “Julie, anak… okay ka lang?” bakas sa mukha ni Mommy ang pag-aalala. “Bakit hindi mo pinakinggan ang paliwanag niya?” Napayuko ako, pilit nilalabanan ang panibagong panginginig ng boses ko. “Hindi ko pa kaya, Mom…” Mabigat. Mapait. At totoo. Hindi ko kayang pakinggan ang paliwanag ni Adrian kung sa bawat segundo ay naaalala ko ang hawak niya kay Leeanne… ang tingin niya… ang mga salita nila… at ang buong mundong tumatawa sa kahihiyan ko. Lumapit si Daddy, marahan akong hinawakan sa balikat. “Honey… hayaan mo muna ang anak mo. Kailangan niya magpahinga.” Tumingin siya sa akin, mapagmahal ngunit may bigat sa mata. “Go to your room now, sweetheart. Tomorrow, we will be fine.” Gusto kong maniwala. Gusto kong paniwalaan si Daddy na bukas, kaya kong huminga ulit. Na bukas, hindi na ganito kasakit. Na bukas, kaya ko nang ha
Chapter 235 Pagkababa ko ng sasakyan ay agad akong nakahinga, pakiramdam ko ay nakalabas ako mula sa isang sitwasyong hindi ko pa kayang intindihin nang buo. Tumango ako kay Zeph, pilit na ngumiti kahit kumakabog pa rin ang dibdib ko. “Maraming salamat sa’yo, Zeph. Papasok na ako sa loob,” mahina kong sabi. Bahagya siyang yumuko, seryoso ang mukha pero may bahagyang lambing sa boses. “Okay. Send my regards to your mommy and daddy. I have to go now—important meeting tomorrow.” Pagkasabi niya noon ay tumalikod na siya. Pinanood ko siyang pumasok sa sasakyan at parang humigop ng hangin ang buong paligid nang umandar ang kotse niya. Habang papalayo ito, ramdam kong may hinahatak siyang parte ng puso ko kahit pilit ko itong tinatabunan. Bakit ba may ganitong epekto siya sa akin? Bago pa ako makapagsimulang maglakad papasok ng mansyon, isang pamilyar na boses ang pumunit sa katahimikan. “Julie…!” Napatigil ako. Dahan-dahan akong napalingon. Nandoon siya—si Adrian. Nakayuko ang b
Chapter 234 Nalaglag ang tingin ko. Napapikit sandali. Pero bago ako tuluyang malunod sa konsensya, hinawakan ni Zeph ang baba ko at marahan niyang iniangat ang mukha ko paharap sa kanya. “And listen carefully…” Nagtagpo ang mga mata namin. “…hindi ka malandi. Hindi ka masama. Hindi ka nahihibang.” Hinintay niya ang susunod na paghinga ko bago siya nagpatuloy. “You’re hurt.” “You’re betrayed.” “And you’re human.” Nalaglag ang luha ko bago ko pa napigilan. Pero hindi ko alam kung dahil sa sakit… o dahil sa paraan ng pagbigkas niya ng salitang human na parang pinatawad niya ako kahit hindi ko pa pinapatawad ang sarili ko. At doon niya ibinaba ang kamay niya, walang halong pag-angkin, walang pagpilit. “Choose at your own pace,” mahinahon niyang sabi. “I’ll protect you, not own you.” At sa unang beses mula nang mangyari ang iskandalo… nagaan ang dibdib ko ng kaunti. Dahil kahit magulo, kahit masakit, kahit hindi ko pa alam ang sagot, hindi niya ako hinusgahan. At iyon an
Chapter 233Julie POV Habang palabas kami ng venue, ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko.Hindi ko alam kung dahil sa gulo… o dahil sa kamay ni Zeph na hindi bumibitaw mula sa kamay ko.Pakiramdam ko, para akong hinihila palabas sa isang bangungot, pero hindi ko alam kung saang direksyon niya ako dadalhin.Pagkalabas namin ng main hall, doon ko lang napansin kung gaano karami ang security niya.Parang pelikula—maitim na suit, ear piece, matitigas ang panga, at lahat ay nakatingin sa paligid na parang may inaabangan na panganib.Hindi ako sanay dito.Hindi ako sanay na may nagpoprotekta sa akin.Hindi ako sanay na may taong handang humarang sa mundo para sa akin.Kaya mas lalo akong kinabahan.“Julie,” tawag ni Mommy, nasa likuran namin.Nauna pa ring maglakad sina Zeph at ang mga tauhan niya kaya kami ni Mommy at Daddy ay sumunod.“Anak, are you okay?” nag-aalalang tanong Niya.Hindi ko alam ang isasagot.Gusto kong sabihin na “oo” pero ang totoo, hindi.Hindi ko alam kun




![ACADEMIC AFFAIRS [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


