Chapter 59Hanggang sa bumukas ang pintuan ng silid kung saan naroon sina Solidad at ang bata… ang anak ko.Yes, anak ko si Julie.Hindi ko na kailangan ng DNA test para makumpirma iyon. Sa bawat galaw, sa bawat titig, ramdam ko — anak ko siya. Anak namin ni Solidad, bunga ng mga gabing kami lang dalawa at ng semeralites naming pinagtagpo.Pero kahit gano’n, hindi maikakaila ang kaba at takot na bumabalot sa dibdib ko ngayon.Hindi maganda ang unang pagkikita namin. At sa murang edad niya… tinawag niya akong monster.Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Paano ko ba huhugasan ang imahe ng halimaw na nakita niya sa akin?At doon ko naramdaman — ito ang pinakamalaking laban ko. Hindi laban sa negosyo. Hindi laban sa mga kaaway. Kundi laban sa sarili kong anak… laban sa takot niyang ako ang halimaw sa kanyang mundo.“A-anak…” mahina kong basag sa katahimikan. Halos mabasag din ang boses ko sa kaba.Tumitig siya sa akin. Diretso, walang takot.“Tsk! Mister,” malami
Chapter 58“But… how? Saan ako magsisimula, Grandpa?” litong sambit ko, halos mawalan ng direksyon ang utak ko.Huminto siya, tumingin sa malayo na para bang binabalikan ang nakaraan. “Unahin mo ang paghahanap ng ebedensya,” mariin niyang sagot. “Kung sino talaga ang utak sa pagpatay sa mga magulang mo. Dahil malakas ang kutob ko… na hindi ang magulang ni Solidad ang may gawa.”Napakunot ang noo ko.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, ramdam ang biglang pag-ikot ng mundo ko.“Ang ibig kong sabihin, apo…” sagot niya, mabigat ang boses, “…mas malalim at mas malaki ang kalaban mo kaysa sa inaakala mo. At habang mali ang pinagbubuntunan mo ng galit, mas lalo silang nagtatago.”Nanlamig ako. Kung totoo ang sinasabi ni Grandpa, ibig sabihin… lahat ng galit at sakit na binuhos ko kay Solidad ay… pagkakamali.“Sa pamamagitan nito,” patuloy ni Grandpa, mababa pero buo ang boses, “unting-unti mong buksan ang puso mong bato.”Napatingin ako sa kanya. May kakaibang bigat sa mga salita niya, par
Chapter 57Alessandro POV“What is this?!” halos pasigaw kong tanong. “Bakit hindi n’yo ako sinabihan, ha?!”Nakatitig ako kina Lillian at Zeon, halos mabutas ko sila sa galit ko. “Wag n’yong sabihing pati si Jhovel… pati siya alam din niya ito?”Tahimik silang dalawa. Walang gustong sumagot. At sa bawat segundo ng katahimikan, mas lalo akong nagngingitngit.“Damn it!” napasabunot ako sa buhok ko, mariing naglakad paikot sa sala. “Ako mismo ang ama! Ako dapat ang unang nakakaalam!”Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko alam kung mas galit ako sa kanila dahil tinago nila ang totoo… o mas galit ako sa sarili ko dahil huli ko na nalaman.“Wag mo kaming sisisihin, gago ka!” matalim na sagot ni Lillian, walang pag-aalinlangan. “Binalaan na kita noon pa. Ano ang sinabi mo? Na wag kaming makialam.”Malamig ang tono niya, parang kutsilyong tumatarak sa tenga ko. At alam kong siya lang sa lahat ang may tapang sumagot nang ganoon sa akin.Napatingin ako kay Zeon, pero nakayuko lang ito, parang pinipil
Chapter 56Hindi ko namalayan na may nakatayo pala sa aking likuran. Nang lingunin ko, si Don Ernesto pala iyon— tahimik lang na nakikinig sa amin mula pa kanina.Nakakunot ang noo ko sa gulat. “D-Don Ernesto…”Ngumiti lang siya, malumanay ngunit bakas ang emosyon sa kanyang mga mata.“Hindi ko akalaing maririnig ko ‘yon mula sa apo ko sa tuhod,” mahinahon niyang sabi, sabay lapit sa kama.Agad namang tumakbo si Julie papunta sa kanya.“Lolo!” masigla niyang sigaw, walang pagdadalawang-isip na yumakap sa binti ni Don Ernesto.Napangiti si Don Ernesto, saka yumuko para salubungin ang bata. Hinaplos niya ang buhok ni Julie, at sa unang pagkakataon mula nang makilala ko siya, nakita kong naging malambot at mapagmahal ang kanyang mga mata.“Julie… apo… hindi mo alam kung gaano kalaking tuwa ang dala mo sa puso ng matandang ito.”Napaluha ako sa eksenang iyon. Isang sandali ng katahimikan at lambing, sa kabila ng lahat ng gulo at kasunduan.Kung sana ganito lang lagi. Kung sana hindi kompl
Chapter 55Napatingin ako kay Alessandro. Kita ko sa mga mata niya ang naglalagablab na galit — galit na galit siya sa akin dahil pumayag ako sa kasunduan.Alam kong gusto niyang sumigaw, gusto niyang lumaban… pero wala siyang lakas tumanggi.Dahil alam niyang bawal ma-stress ang kanyang Lolo.Si Don Ernesto mismo ang nagpahayag na may sakit siya sa puso, at anumang matinding emosyon ay maaaring ikapahamak nito.Kaya kahit nanginginig ang panga niya at halos umitim na sa galit ang kanyang mukha, nanahimik lang siya.Ito ang una kong pagkakataon na makita siyang wala sa kontrol. At sa totoo lang… natatakot ako sa kung anong gagawin niya kapag hindi na napigilan ang sarili niya.Tahimik lang si Alessandro, pero ramdam ko ang bigat ng titig niya sa akin. Para bang gusto niya akong lamunin ng buo, durugin, at iparamdam ang lahat ng galit niya. Ngunit wala siyang magawa.Kung wala lang sakit ang kanyang Lolo… malamang, kanina pa siya sumabog at kinaladkad ako palabas.Hinaplos ko ang buhok
Chapter 54“Nais ko mang magpaliwanag, pero sa susunod na,” wika ni Zeon, malamig ngunit tiyak. “Ang mahalaga, andito kami, Sol. Kahit matalik naming kaibigan si Sandro, ipagtatanggol ka namin—kayo ni Julie.”Ramdam ko ang bigat ng mga salita niya. Para bang sa wakas, may panig ako. May kakampi.Napakagat-labi si Lillian at tumango. “Hindi ka nag-iisa, Sol. Huwag kang matakot.”“Tsk!” singhal bigla ni Alessandro, halos mabasag ang panga sa pagkuyom nito. “Pinagkaisahan ninyo ako!”Naramdaman ko ang galit na kumukulo sa boses niya. Matindi ang titig niya kay Zeon at Lillian—parang anumang oras, puputok na ang lahat ng galit at selos na kinikimkim niya.Napatingin ako kay Julie na mahigpit pa ring nakakapit sa akin. Paano kung lalo lang siyang masaktan dahil sa gulong ito?“Iha,” mariing sabi ni Don Ernesto, nakatingin diretso sa akin. “Ngayon ay nasa panig mo kami. Kaya huwag kang matakot. Kahit paghirapan mo ang apo kong si Alessandro, hindi kami makikialam.”Humugot siya ng malalim n