Chapter 2
Pagkatapos ng pag-uusap namin ng doktor, para akong nawala sa sarili. Wala na akong naririnig, ni hindi ko na maramdaman ang bigat ng katawan ko—tanging alalahanin kay Kaven ang laman ng isip ko. Hindi ko namalayan ang mga hakbang ko. Naglakad ako nang naglakad, hanggang sa mapansin kong nasa harap na pala ako ng plaza. Napahinto ako sa gitna ng daan. Pilit kong iniangat ang paningin sa langit na tila madilim kahit tirik ang araw. “Bakit ganito, Mom, Dad?” “Lagi na lang banghirap? Kailan matatapos ‘to?” Napasapo ako sa aking noo at dahan-dahang naupo sa lumang bangko sa gilid ng plaza. “Kalahating milyon…” Paulit-ulit itong umiikot sa isip ko na para bang isang bangungot na hindi ko matakasan. Napalingon ako sa paligid. Sa gilid ng plaza, nakita ko ang ilang pamilyang masayang nagkakasalo sa tanghalian. May mga batang tumatawa habang naglalaro, at mga magulang na may ngiti sa labi, para bang wala silang iniintinding problema sa mundo. “Sana… kahit minsan… maranasan din namin ‘yan ni Kaven.” Bulong ko sa sarili habang pinipigilan ang pag-agos ng luha. Habang nakaupo ako, isang mukha ang biglang sumagi sa isip ko—si Mamo Luz. Ang kilalang bugaw sa aming lugar. Marami siyang koneksyon sa mga mayayaman, pulitiko, at negosyanteng hayok sa laman. Marami na rin siyang mga babaeng inalok ng kapalit sa mabilisang pera. At ngayon… ako na yata ang susunod. Saglit akong napapikit, pilit na nilalabanan ang kirot sa dibdib habang pinipiga ng realidad ang puso ko. “Wala akong ibang mapagkukunan ng ganung kalaking pera…” “Ayokong mamatay si Kaven… Hindi ko siya hahayaang mawala sa akin.” At doon, sa gitna ng katahimikan ng plaza, habang tinatangay ng hangin ang mga tuyong dahon sa paanan ko. Hanggang nabuo ang isang desisyong kailanman ay hindi ko inakalang gagawin ko. Ibibenta ko ang sarili ko. Kapalit ng kalahating milyong piso. Kapalit ng buhay ng kapatid ko. Mabigat ang bawat hakbang ko habang tinatahak ko ang makipot na eskinita sa likod ng palengke—kung saan matatagpuan ang maliit na bahay ni Mamo Luz. Ang bahay ay parang karinderya sa harap, pero sa likod nito, lihim na nagaganap ang mga kasunduan at kalakalang bawal sa mata ng lipunan. Kumatok ako nang tatlong beses pero hindi pa man ako nakakatatlong katok, bumukas ang pinto at lumabas Ang isang babae siguro ay tulad ko ang sadya nito. Nakita ko si Mamo Luz nakaupo sa rocking chair, nakasuot ng pulang duster, habang naninigarilyo. "Oh? Solidad?" takang tanong ito habang napaangat ang kanyang kilay. "Anong masamang hangin at napadpad ka dito? Kahit kailan ay hindi ka naman nagpupunta rito, ah." Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Kailangan ko po ng pera, Mamo Luz," ani ko dito. Tumigil siya sa pag-rock ng upuan at tumitig sa akin, mula ulo hanggang paa. Parang binabasa ang laman ng kaluluwa ko. "Hmm... Gaano kalaki?" "Half million po." Diretsahan kong sabi, kahit nanginginig ang tuhod ko. Sandaling natahimik si Mamo Luz. Inapakan niya ang sigarilyo sa sahig bago muling nagsalita. "Alam mo ba ang pinapasok mo, iha? Hindi ito basta-basta. Kapalit ng perang ‘yan ang pagkatao mo. Kaya mo ba talagang ibenta ang sarili mo?" paniniguro Niya sa akin. Napalunok ako. Tumingin ako sa sahig. "Para sa kapatid ko po. Gagawin ko ang lahat… Kahit ano, para mailigtas ito sa kamatayan." Tahimik lang siya saglit, pagkatapos ay ngumiti. Hindi ngiting masaya, kundi ngiting parang may alam siyang hindi ko pa alam. "May isa akong kliyente." wika nito. "Exclusive, mapili, at laging naghahanap ng bago. ‘Yung malinis na babae. Disente pero mapanganib ito. Mayaman. Maselan." dagdag nitong sabi. "Kaya mo bang makipagkita sa kanya ngayong gabi?" Napaangat ako ng tingin. "Ngayong gabi po?" "Oo. Kung papasa ka sa kanya, hindi lang kalahating milyon ang kayang ibigay nun. Pero tandaan mo, Solidad, hindi na ito ang mundong dati mong ginagalawan. Isang maling galaw, maaaring ikapahamak mo." Nanginig ang mga kamay ko habang marahang tumango. "Kaya ko po." "Sige." Tumayo siya, kinuha ang telepono at may tinext. "Mamayang alas-nwebe, sunduin ka sa kanto ng labasan ng eskinita. Magsuot ka ng itim. Mag-ayos ka. At huwag kang magsalita hangga’t hindi ka kinakausap." Tumango ako. Ang kaba ay parang bomba sa dibdib ko at handa nang sumabog. "Salamat po… Mamo Luz." "Huwag muna, iha. Hindi pa tayo tapos. Sa mundong ‘to, ang tunay na bayad, hindi lang katawan mo kundi pati ang kaluluwa mo." Lumabas ako ng bahay ni Mamo Luz na parang wala pa ring ulirat. Nalulunod sa halo-halong takot, hiya, at pangambang baka wala na akong balikan pang dating ako. Paalis na sana ako nang biglang bumukas muli ang pintuan. Lumabas si Mamo Luz, may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha. "Iha," tawag niya. "Nagbago ang isip ng kliyente. Hindi na siya makikipagkita sa club." Napatigil ako. Lumingon ako pabalik sa kanya. "Mamayang gabi, alas otso. May susundo sa’yo—isang itim na van." "Ihahatid ka sa isang condo. Doon mo ibibigay ang katawan mo. At tandaan mo... magsuot ka ng maskara. Ayaw niyang makita ang mukha mo." Sabay kuha niya ng isang itim na maskara na parang ginagamit sa masquerade party—elegante, ngunit may misteryoso at nakakatakot na dating. "Oh, ito. Kunin mo." Iniabot niya iyon sa akin. Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggap ito. "Walang tanong. Walang usapan. Gawin mo lang ang ipinapagawa. Pagkatapos, iaabot sayo ang envelope na pera Ang laman at ihahatid ka pabalik. Malinaw ba?" Tumango ako kahit nanginginig pa rin ang tuhod ko. "Mabuti." At sa isang iglap, isinara na niya muli ang pinto, kasabay ng tunog ng kandadong iniikot. Na-realize ko lang ang bigat ng pinasok ko nang muli akong mapasandal sa pader. Sa kamay ko, hawak-hawak ang maskarang iyon na para bang sumisimbolo sa bagong pagkatao na kailangan kong yakapin ngayong gabi. Pagsapit nang gabi. 8:00 PM. Ang gabi ay tila mas tahimik kaysa dati. Mula sa madilim na kanto, tanaw ko ang unti-unting paglapit ng isang itim na van—walang plakang nakalagay, walang ilaw sa loob, at parang multong dumarating. Pilit kong pinatatag ang sarili. Isinuot ko ang maskara. Ito na ang simula. Para kay Kaven.Chapter 14Pagdating namin sa bahay, halos mapatid pa ako sa pagmamadali papasok. Agad kong ikinuwento kay Nene ang nangyari—kung paano kami hinabol, kung paano muntik na kaming maipit sa mga tauhan, at ang lalaking tumawag sa pangalan ko na parang kilalang-kilala ako.Pero imbes na kabahan o matakot, tumawa lang ang gaga. Yung tipong tawang parang nasapian.“Ay naku, Sol!” sabi nito habang hawak-hawak ang tiyan. “Natural lang ‘yun, noh! Hello? You’re a designer! Hindi ka lang basta gumagawa ng damit, you make statements! Aba, baka fan mo lang ‘yun, o baka gusto ka lang ligawan!”Napasinghal ako. “Nene! Ligawan agad? Eh halos himatayin na ako sa kaba! Hinabol kami, Nene, hinabol! Hindi ‘yun normal!”Pero mas lalo pa itong tumawa, halos maluha na. “Hala ka! Hinabol ka tapos takot na takot ka? Dapat nga ma-flatter ka, kasi ibig sabihin, girl, habulin ka talaga!”Napahampas na lang ako sa unan. “Loko ka talaga, Nene! Hindi ito biro!”Pero sa loob-loob ko, kahit nakakatawa ang hirit ng ga
Chapter 13Solidad POVHabang naglalakad kami ng anak kong si Julie sa loob ng mall, halos matunaw ang puso ko sa saya niya. Namimili siya ng mga laruan, at tuwing may makita siyang bago, kumikislap ang mga mata niya na para bang iyon na ang pinakamahalagang bagay sa mundo.“Baby Julie, gusto mo bang bumili ng teddy bear?” malambing kong tanong habang pinapahid ko ang buhok niyang bumabagsak sa noo.“Yes po, Mommy!” masiglang tugon niya, at napangiti ako. Kahit tatlong taong gulang pa lamang siya, malinaw at buo na agad magsalita. Hindi ko alam kung kanino siya nagmana—siguro sa ama niya… sa lalaking hindi ko man lang nakilala, nakamaskara noong gabing ipinagbili ko ang aking katawan.Bumuntong-hininga ako, pinilit itago ang pait ng alaala. Hindi niya kasalanan. Hindi kasalanan ng anak ko kung paano siya nabuo.“Tara na, doon tayo sa first floor. May nakita akong shop ng mga teddy bear doon.” Magiliw kong sambit, sabay karga kay Julie habang umaakyat kami sa eskalator.Pero bago ko pa
Chapter 12KINABUKASAN.Sunod-sunod na tunog mula sa cellphone ko ang gumising sa katahimikan ng umaga. Napapikit ako sa inis bago sinagot ang tawag.“What!” singhal ko agad.Narinig ko ang kaba sa tinig ng secretary ko.“S-sorry, Mr. Villaceran, sa istorbo. Pero… urgent po ito. Tungkol sa isang mall na pagmamay-ari ninyo.”Napakunot ang noo ko. “Ano na naman?”“May nanggugulong customer, Sir. At ayon sa manager doon… hihinto lang daw siya kapag personal kayong pumunta. Kung hindi… ipagkakalat niya na mga peke raw ang mga produktong binebenta sa mall natin.”Nabuhay ang dugo ko sa galit. Someone dares to threaten me this way?“Who the hell is that bastard?” malamig kong tanong.“W-wala pong gustong lumapit sa kanya, Sir. Naka-mask po siya at ayaw sabihin ang pangalan. Pero… may kasama po siyang isang bata.”Nanlaki ang mga mata ko, napatingin ako bigla sa bintana. Isang malamig na kilabot ang gumapang sa batok ko.Bata?Kahit na wala akong ganang kumilos dahil masakit Ang ulo ko sa hu
Chapter 11Alessandro POV "Dammit!" Malakas kong ibinagsak ang baso sa sahig. Tumilapon ang alak, kumalat ang bubog. Wala ni isa man sa mga tauhan ko ang gumalaw—lahat sila’y nakatungo, nanginginig."Apat na taon!" Sigaw ko, tinuturo ang mga nakayuko kong alipores. "Apat na taon na kayong kumakain ng sahod pero hanggang ngayon, wala pa rin kayong maibigay na impormasyon sa babaeng pinahahanap ko! Wala kayong silbi! Mga inutil!"Isa sa kanila ang naglakas-loob magsalita, nanginginig ang boses. "Boss… mahirap siyang hanapin. Parang bigla na lang siyang naglaho—"Sinapak ko ang mesa kaya muntik siyang matumba. "Walang mahirap! Lahat ng tao may kahinaan. At si Soledad… akala niya ba makakatakas siya sa akin?"Lumapit ako sa malaking bintana ng aking opisina. Mula roon, tanaw ko ang buong siyudad—maliwanag, magulo, pero wala siyang itinatago sa akin.“Soledad…” Mahina akong napatawa, halos bulong. "Akala mo sigurong ligtas ka na. Akala mo tapos na ako. Pero nagkakamali ka. Kahit na wala n
Chapter 10Lumipas ang oras, at naging umaga na.Ang liwanag ng araw ay tila walang pakialam sa bigat ng dinadala ko.Tahimik ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin.Parang lahat ay nakikiramay sa katahimikan—kahit ang kalangitan ay kulay abo, waring naghihinagpis din.Wala na kaming inaksayang oras.Agad naming inihatid ang kabaong ni Kevin sa huling hantungan—doon sa parehong lugar kung saan nakalibing sina Mom at Dad.Habang bumabaybay ang sasakyan papunta sa memorial park, halos hindi ako kumikibo.Nakatitig lang ako sa labas ng bintana, habang yakap ang maliit na puting sobre ng sulat ni Kevin.Pakiramdam ko, isa-isa silang nawawala sa buhay ko.At ako na lang ang natitira.Pagdating sa puntod, sinalubong kami ng katahimikan ng sementeryo—puno ng mga alaala at panata.Doon na kami huminto. Sa ilalim ng lumang punong mangga.Sa tabi mismo ng puntod ni Mommy at Daddy.Bumaba kami ng sasakyan. Marahang binaba ng mga tauhan ang kabaong.Habang binababa ito sa hukay, pakiramdam ko'
Chapter 9Hindi ko alam ang gagawin ko.Nakatulala lang ako sa bangkay ni Kevin habang ang mga nurse at staff ay dahan-dahan na siyang inihahanda para ilipat sa morgue.Para bang kinakaladkad nila ang puso ko.Wala akong magawa. Wala akong kapangyarihang pigilan ang katotohanan.Tumayo ako, nanginginig ang mga tuhod, at lumapit muli sa kanyang tabi.Inabot ko ang malamig niyang kamay at dahan-dahan akong yumuko sa tainga niya."Mahal na mahal din kita, Kevin…"Ang tinig ko'y mahina, parang bulong ng hangin."Kung magkita kayo ni Mommy at Daddy sa kabilang buhay… ikumusta mo ako sa kanila, bunso."Pumikit ako, pinilit kong huwag lumuha muli, pero ramdam kong basang-basa na naman ang pisngi ko."Masaya ako… dahil hindi ka na makakaranas ng sakit. Hindi na muling masasaktan ang katawan mo. Hindi na muling masasaktan ang puso mo…"Binitawan ko na ang kanyang kamay.At sa pagbitiw na iyon… parang unti-unti ko na ring pinapatay ang huling hibla ng dati kong pagkatao.Pinagmasdan ko siyang i