LOGINChapter 3
Pilit kong pinatatag ang aking sarili dahil para ito sa aking kapatid — upang madugtungan ko ang kanyang buhay. Habang papalapit ang van, ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso. Parang sasabog. Parang sinasakal ako ng maskarang suot ko. Pero hindi ako pwedeng umurong. Tumigil ang van sa harapan ko. Bumukas ang pinto sa gilid. Walang salita. Walang mukha ang lalaking nakaupo sa loob — tanging anino lamang. Tahimik akong pumasok at umupo. Agad na sumara ang pinto, at nagsimulang umandar ang sasakyan. Sa bawat liko, sa bawat segundong lumilipas, pakiramdam ko ay papalapit ako sa isang bangin na walang kasiguraduhan kung may sasalo sa akin. Ngunit isinasaisip ko lang si Kaven. Ang kanyang mahina at inosenteng katawan na umaasa sa akin. Pagkalipas ng halos tatlumpung minuto, tumigil ang van sa tapat ng isang mataas at magarang condominium. Tahimik na bumukas ang pinto. Isang lalaking naka-itim ang sumalubong sa akin at tahimik na naglakad papasok sa building. Sumunod ako, walang imik. Sumakay kami ng elevator. Habang tumataas ito, naririnig ko ang tibok ng puso ko. ‘Solidad, kaya mo ‘to. Para kay Kaven ito,’ ulit-ulit ko sa aking isipan. Pagdating namin sa itaas, huminto ang elevator sa penthouse. Bumukas ito at bumungad sa akin ang isang marangyang unit na parang hotel sa sobrang linis at elegante. Walang tao, ngunit may naiwan na sulat sa mesa. Dahan-dahan akong lumapit. "Maligo ka. Isuot mo ang pulang damit sa silid. Huwag mong alisin ang maskara." Nilamon ng katahimikan ang buong paligid. Nanginginig ang kamay ko habang binabasa ito. Pinilit kong kontrolin ang kaba, at tumuloy sa banyo. Habang bumubuhos ang malamig na tubig sa katawan ko, hindi ko mapigilang mapaiyak. Wala akong ibang hiniling kundi mabuhay ang kapatid ko. Kung ito ang kailangan kong gawin, kakayanin ko. Pagkatapos maligo, isinuot ko ang pulang damit. Ito’y hapit sa katawan, halos walang tinatago. Binalikan ko ang sulat—at umupo sa gilid ng kama, hinihintay ang pagdating ng taong magmamay-ari sa akin ngayong gabi. Hanggang sa marinig ko ang “klik” ng pinto mula sa labas. Dumating na siya. Pagkatapos kong maligo, agad kong isinuot ang pulang damit na iniwan sa silid. Hapitin ito sa aking katawan — bawat galaw ko ay ramdam ko ang kaba, ang takot, at ang bigat ng desisyong pinasok ko. Sinuot ko na rin ang maskara. Itim ito, may gintong detalye sa gilid, at tinatakpan ang halos kalahati ng mukha ko. Sapat upang hindi niya ako makilala. Sapat upang maitago ko ang tunay kong pagkatao — kahit papano. Paglabas ko ng silid, tahimik ang buong lugar. Tanging tunog ng aircon at mahinang tik-tak ng wall clock ang naririnig. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang laylayan ng pulang tela sa aking tagiliran. Pumunta ako sa sala, kung saan may maliit na lamesa at dalawang baso ng alak. Naupo ako sa gilid ng sofa, pinilit maging kalmado kahit gusto ko nang umatras. Ngunit huli na. Nandito na ako. Ilang saglit lang, may narinig akong tunog mula sa pinto. Klik. Bumukas ang pintuan. Napatingin ako sa direksyon nito. Isang lalaking matangkad, nakasuot ng pormal na kasuotan — black slacks, bukas ang dalawang butones ng polo, at may suot na relo na halatang mamahalin. Hindi ko mabasa ang kanyang mukha. Walang ekspresyon. Walang emosyon. Tahimik siyang lumapit sa mesa, kinuha ang isang baso ng alak at iniabot ito sa akin. Hindi siya nagsalita. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin. "Uminom ka," malamig ngunit malalim ang kanyang boses. Mahinahon, ngunit may puwersang hindi pwedeng tanggihan. Kinuha ko ang baso at dahan-dahang uminom. Pagkatapos ng ilang saglit ng katahimikan, naupo siya sa tapat ko. Pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. “Ngayon lang kita nakita rito,” aniya, habang hawak pa rin ang kanyang baso. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot. Hindi ko rin alam kung paano. Kaya tumango lang ako ng bahagya. “May dahilan kung bakit ka nandito,” dagdag pa niya. “At kahit hindi mo sabihin, ramdam ko... mabigat iyon.” Napayuko ako. Pinipigilan ang pagluha. Hindi ko kayang ilabas ang sakit at takot ko sa harap ng estranghero. Ngunit sa loob ng katahimikan, isa lang ang sigurado ako — hindi na ako babalik sa dating ako matapos ang gabing ito. Kahit na tanging labi at ilong lang ang makikita ko mula sa kanyang mukha — natatakpan ng anino at buhok ang karamihan — alam ko na isa itong gwapong lalaki. Mula sa hugis ng kanyang panga, sa matulis niyang ilong, hanggang sa mapupulang labi na tila kay sarap bigkasin ang bawat salita... may kakaibang presensyang bumabalot sa kanya. Malamig ang kanyang aura, pero hindi nakakakilabot. Kabaligtaran — nakakaakit. Nakakatukso. Parang may misteryong gusto mong tuklasin kahit alam mong maaaring masaktan ka. “Anong pangalan mo?” tanong niya, habang nakatitig pa rin sa akin. Napakagat ako sa labi. Dapat ba akong magsinungaling? O sabihin ang totoo? “Red,” mahina kong tugon. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Marahil dahil iyon ang kulay ng damit ko. O baka dahil iyon ang kulay ng gabi ko ngayon — isang mapusok at masalimuot na pula. “Red,” sambit niya, habang pinaglalaruan ng daliri ang kanyang baso. “Bagay.” Hindi ko na siya sinagot. Sa halip, tumingin ako sa labas ng bintana. Gabi na. Ilang minuto na lang, magsisimula na ang gabing hindi ko kailanman inakalang mararanasan ko. Lumapit siya sa akin. Tumigil ang oras nang bahagyang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. "Ngayon, wala kang ibang iisipin... kundi ako," bulong niya. "Ako lang." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sa takot, o sa kung anong damdaming pilit kong itinatanggi. At sa unang haplos ng kanyang kamay sa aking pisngi — biglang bumalik sa akin ang larawan ni Kaven. Ang hininga niyang mahina. Ang monitor na tumutunog sa hospital. Ang pangakong binitawan ko. Kailangan ko itong gawin. Para sa kanya. Para kay Kaven. "Don't worry, I'll be gentle... I know it's your first time," bulong niya, habang dahan-dahang lumalapit ang kanyang labi sa aking leeg. Isang kilabot ang gumapang sa aking katawan — halo ng kaba, takot, at kakaibang init. Nang dumikit ang kanyang labi sa balat ko, marahan pero may pag-aangkin, napapikit ako. Para siyang hayok... hindi sa dugo, kundi sa damdamin. Sa bawat galaw niya, para bang gusto niyang basagin ang lahat ng depensang pilit kong itinatayo. "K-kailangan ko lang tapusin 'to... para kay Kaven," mahina kong sabi sa sarili habang pilit pinipigilan ang panginginig ng aking katawan. Pero sa bawat sandaling lumilipas, parang unti-unting nabubura ang linya sa pagitan ng sakripisyo at tukso. Sino ba siya? Bakit ganito ang epekto niya sa akin? Hindi ko alam kung paano matatapos ang gabing ito... pero isang bagay ang sigurado ko. "Pagkatapos nito, ito na ang huling gagawin ko. Ang ibinta ang aking dangal," usal ko sa aking sarili. "Ughhh!"Chapter 217 Julie POV Tahimik ang paligid, pero ang loob ko ay magulo. Parang may kulang—hindi, parang marami—pero hindi ko alam kung ano. May babaeng hawak ang kamay ko. Umiiyak siya, pilit ngumngiti, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib niya. “Anak…” mahina niyang tawag. “Ako ang mommy mo.” Mommy. Sinabi niya iyon na parang sapat na dapat para maalala ko siya. Pero wala. Blangko. Tumingin ako sa paligid, isang kwarto na halatang mamahalin, maraming tao, lahat may mga matang puno ng pag-aalala. Lahat sila ay tila may koneksyon sa akin, pero ako… parang bisita lang sa sarili kong buhay. At doon ko siya nakita. Isang lalaki ang nakatayo sa bandang paanan ng kama. Matangkad, matikas, malamig ang tindig—pero ang mga mata niya… hindi tugma sa itsura niya. May sakit. May takot. May pangungulila. “Julie,” mahinang sabi niya, parang natatakot na marinig ko ang pangalan ko. “Ako si Zeph. Asawa mo.” Napakunot ang noo ko. Asawa? Sinubukan kong hanapin sa loob ko ang kahit anong
Chapter 216 “Bahala na,” mariin kong sabi, mabigat pero buo ang loob. “Gagawa na lang ako ng kanta. Para kay Julie… walang hindi ko magagawa para sa kanya. Lahat ay gagawin ko.” Tahimik ang paligid sa loob ng silid na parang kahit ang hangin ay huminto para pakinggan ang sinabi ko. Hindi ito pananakot. Hindi ito utos. Isa itong panata. “Wow… exciting!” biglang sigaw ni Aldrich, kumikinang ang mga mata na parang batang nakakita ng paborito niyang laruan. “Isipin mo ‘yon—isang mafia boss na kakanta! At hindi lang kakanta, ikaw mismo ang magko-compose!” Napailing ako pero may bahagyang ngiti sa labi. “Tumawa ka na habang maaga,” sabi ko sa kanya. “Dahil kapag narinig na niya ang kantang ‘to, hindi na ito biro.” Sumandal si Zeon sa sofa, seryoso na rin ang tono. “Zeph, huwag mong isipin kung maganda o perpekto. Ang mahalaga, mararamdaman niya. Kahit wala siyang alaala, maririnig ng puso niya.” Napatingin ako sa direksyon ng kwarto kung saan nagpapahinga si Julie. N
Chapter 215 Tahimik muna ng Isang segundo o Dalawa. Tapos biglang umaalingawngaw tawa ni Zeon. “Hahaha…!” malakas na tawa ni Zeon, halos mapaupo sa kakatawa. “Grabe talaga ‘yang pamilya n’yo. Mas malala pa sa teleserye!” Pero walang tumawa sa amin nina Aldrich at Dad Alessandro. Si Aldrich ay nakatitig lang kay Miss Lillian, parang naglo-load pa ang utak niya sa dami ng impormasyong ibinagsak. “So…” mabagal niyang sabi, “technically… strategic pregnancy pala ako?” “Hoy!” sabat ni Dad Alessandro, sabay irap. “Planned, pero may pagmamahal.” “Talaga?” taas-kilay ni Aldrich. “Mom tortured you emotionally for years.” “Deserve ko,” diretso ni Dad. “Kasalanan ko ang maraming bagay noon.” Tahimik si Mommy Solidad. Nakaupo lang siya, hawak ang rosaryo niya. Hindi niya tinanggi. Hindi rin siya nagalit. Parang matagal na niyang tinanggap ang kwentong iyon—na ang nakaraan ay sugat, pero ang kasalukuyan ay pinili. “Enough,” mahina pero matatag niyang sabi. “Ang mahalaga, nand
Chapter 214"Pero, Dad. Curious lang ako. Paano mo nga niligawan so Mom?" tanong ulit ni Aldrich."Dinaan niya sa pagbili ng virginity, noong nasa critical na condecion ang kanyang Kapatid sa puso pero na matay pa din ito. Walang alam ni ang Ina mo na si Sandro pala ang lalaking nag balatkayong bumili dito." walang dalawang sagot ni Miss Lillian. Napailing na lang ako dahil kapag ang isang taong general ay walang paligoy-ligoy pang sagot deretso at walang halong biro.Nanahimik ang buong silid matapos magsalita ni Miss Lillian.Walang paligoy-ligoy.Walang preno.Diretso—gaya ng bala.Napailing na lang ako, dahan-dahan, habang pinipigilan ang sariling reaksyon. Kapag ang isang general ang nagsalita, hindi mo aasahang may sugar coating. Katotohanan agad, minsan masakit, minsan nakakagulat.“Ano ba—” si Dad Alessandro ay napakamot sa sentido. “Lillian, hindi naman kailangang gano’n ka-detalyado.”“Tinatanong niya,” kalmadong sagot ni Lillian. “Sumagot lang ako.”Si Mommy Solidad ay tah
Chapter 213 Zeph POV “But how?” Lumabas ang tanong sa bibig ko na mas mabigat pa sa bala. “Hindi ako marunong manligaw,” diretso kong amin. Wala nang dahilan para magpanggap. “Oo, aaminin ko na sa duguan, sa barilan, sa patayan ay sanay na ako.” Napangiti ng kaunti si Tito Jhovel. Hindi natutuwa—parang nauunawaan lang. “Pero…” huminto ako sandali. Parang may bumara sa lalamunan ko. “…pero sa ganitong sitwasyon na manligaw, tang-ina,” napailing ako, “mas mahirap pala ‘to kaysa digmaan at patayan.” Tahimik ang silid. “Sa digmaan,” dugtong ko, “alam mo kung sino ang kalaban. Alam mo kung kailan ka puputok. Kailan ka gagalaw.” Napatingin ako sa pinto kung nasaan si Julie. “Pero dito,” mahina kong sabi, “isang maling galaw lang… puwede ko siyang tuluyang mawala.” Huminga ako nang malalim. “Paano kung natakot siya sa akin?” “Paano kung pag nakita niya ako… maalala niya ang sakit? O mas masahol ay wala siyang maramdaman kahit ano?” Hindi ako nanginginig sa bala. Pero ngayon, na
Chapter 212 Pagpasok namin sa loob, parang may malamig na kutsilyong bumaon sa dibdib ko. Si Mommy… umiiyak. Tahimik, pero durog. Hawak niya ang kamay ni Ate Julie, mahigpit, parang baka tuluyan itong mawala. Pero si Ate ay nakaupo siya sa kama. Diretso ang likod. Kalma. At walang emosyon ang mga mata. Hindi blangko. Hindi rin nalilito. Para siyang… nakatingin sa mga estranghero. “Ate?” maingat kong tawag. Walang sagot ni hindi man lang kumurap. Tumingin lang siya sa amin at kay Mommy, kay Zeph, sa akin na parang sinusuri kung sino kami. “Mommy…” basag ang boses ko. “Tawagin ko si Dad.” Agad kong kinuha ang phone at tinawagan si Dad, kasunod si Tito Jhovel. “Dad,” mabilis kong sabi, “gising na si Ate… pero may mali. Hindi niya tayo kilala.” Tahimik sa kabilang linya. Tapos isang mabigat na buntong-hininga. “Darating kami agad,” sagot niya. Ilang minuto lang, dumating sila—si Dad, si Tito Jhovel, at ang mga tauhan na agad nagsara ng paligid. Lumapit si Tito Jhovel ka







