Share

Chapter 51

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-09-08 15:37:43

Chapter 51

“Alessandro, apo,” wika ni Grandpa habang nakatitig sa bata. “She looks like you… noong bata ka pa.”

Parang tinamaan ako ng malamig na hangin.

Napatitig ako kay Julie. Hindi ko mapigilang mapansin ang bilog niyang mga mata, ang kurba ng kanyang pisngi, pati ang paraan ng pagkakangiti niya habang nakayakap kay Solidad.

Damn it… totoo ba ‘to?

Naramdaman kong unti-unting bumigat ang dibdib ko. Pinilit kong umiwas ng tingin pero lalo lang akong nabibitin. Parang may humihila sa akin pabalik.

“Apo, tama ako ‘di ba? Parang ikaw na ikaw noong two years old ka.” Masayang sambit ni Grandpa, parang wala siyang kaalam-alam na nilulunod ako ng sariling isip.

Hindi ako agad nakasagot. Napakuyom lang ako ng kamao, pilit na nilulunok ang laway.

Kung siya nga… paano ko haharapin si Solidad?

“Mommy, buti at umuwi ka na. Buti at walang masamang mangyari sa ’yo nang kinuha ka ng bad guy!” wika ng bata, sabay tingin diretso… sa akin.

Parang biglang may malamig na tumusok sa aking likod.

Bad gu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 54

    Chapter 54“Nais ko mang magpaliwanag, pero sa susunod na,” wika ni Zeon, malamig ngunit tiyak. “Ang mahalaga, andito kami, Sol. Kahit matalik naming kaibigan si Sandro, ipagtatanggol ka namin—kayo ni Julie.”Ramdam ko ang bigat ng mga salita niya. Para bang sa wakas, may panig ako. May kakampi.Napakagat-labi si Lillian at tumango. “Hindi ka nag-iisa, Sol. Huwag kang matakot.”“Tsk!” singhal bigla ni Alessandro, halos mabasag ang panga sa pagkuyom nito. “Pinagkaisahan ninyo ako!”Naramdaman ko ang galit na kumukulo sa boses niya. Matindi ang titig niya kay Zeon at Lillian—parang anumang oras, puputok na ang lahat ng galit at selos na kinikimkim niya.Napatingin ako kay Julie na mahigpit pa ring nakakapit sa akin. Paano kung lalo lang siyang masaktan dahil sa gulong ito?“Iha,” mariing sabi ni Don Ernesto, nakatingin diretso sa akin. “Ngayon ay nasa panig mo kami. Kaya huwag kang matakot. Kahit paghirapan mo ang apo kong si Alessandro, hindi kami makikialam.”Humugot siya ng malalim n

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 53

    Chapter 53 Solidad POV “I-ikaw? N-no? Hindi pwede…” halos pabulong ngunit nanginginig kong sambit, sabay atras ng ilang hakbang. Parang biglang lumiit ang mundo ko. Naroon siya, ang lalaking minsang sumira sa akin… at ngayon, siya pala ang ama ng anak ko. Mariin kong niyakap si Julie. Gusto ko siyang ilayo, gusto kong itakbo ang anak ko palayo rito. Ayaw kong maranasan niya ang kahit kapiraso ng sakit na dinanas ko noon. Hindi pwede… hindi siya pwedeng maging ama ng anak ko. Ramdam ko ang bigat ng kanyang mga mata sa akin. Malamig. Mabigat. At sa likod ng titig na iyon, parang may nakatagong galit pa rin — galit sa aking pamilya, galit sa nakaraan. At iyon ang kinatatakutan ko. Paano kung pati ang anak ko madamay sa galit niyang iyon? Hinimas ko ang buhok ni Julie, pilit na pinapakalma siya kahit ako mismo’y halos himatayin na sa kaba. “Don’t worry, anak… hindi kita pababayaan. Hinding-hindi.” Hindi pa man ako nakakahakbang para ilayo ang anak ko, biglang nagsalita si Don Er

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 52

    Chapter 52 “Hello, baby girl,” nakangiting bati ni Grandpa habang yumuko para maglevel sa mata ng bata. “Alam mo ba na kamukha mo ang ugok na ito?” sabay turo niya sa akin. Natawa si Julie, pero agad ding nagtaka. “Ugok?” Tumawa si Grandpa. “Oo, apo ko ’yan. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nun?” Kibit-balikat lang ang bata, inosenteng umikot ang mga mata niya kay Mommy. “Hindi po,” sagot niya habang nakangiti. Nagtawanan sina Nene at Solidad, pero ako? Nanatili lang akong tahimik, pilit pinapakalma ang sarili. Damn it, Grandpa. Bakit mo pa kailangang sabihin yun? Hindi ko alam kung matatawa ako o madudurog. Ang inosenteng kibit-balikat ng batang iyon ay parang sampal. Wala siyang kamuwang-muwang, pero bawat ngiti niya, bawat tingin, ay lalong nag-uukit ng tanong sa utak ko. Kung anak ko nga siya… paano ko haharapin ang katotohanang ako ang halimaw na nagbunga ng inosenteng buhay na ito? “Alam mo bang siya ang ama mo?” diretsong sabi ni Grandpa sa bata. Natahimik ang pa

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 51

    Chapter 51“Alessandro, apo,” wika ni Grandpa habang nakatitig sa bata. “She looks like you… noong bata ka pa.”Parang tinamaan ako ng malamig na hangin.Napatitig ako kay Julie. Hindi ko mapigilang mapansin ang bilog niyang mga mata, ang kurba ng kanyang pisngi, pati ang paraan ng pagkakangiti niya habang nakayakap kay Solidad.Damn it… totoo ba ‘to?Naramdaman kong unti-unting bumigat ang dibdib ko. Pinilit kong umiwas ng tingin pero lalo lang akong nabibitin. Parang may humihila sa akin pabalik.“Apo, tama ako ‘di ba? Parang ikaw na ikaw noong two years old ka.” Masayang sambit ni Grandpa, parang wala siyang kaalam-alam na nilulunod ako ng sariling isip.Hindi ako agad nakasagot. Napakuyom lang ako ng kamao, pilit na nilulunok ang laway.Kung siya nga… paano ko haharapin si Solidad?“Mommy, buti at umuwi ka na. Buti at walang masamang mangyari sa ’yo nang kinuha ka ng bad guy!” wika ng bata, sabay tingin diretso… sa akin.Parang biglang may malamig na tumusok sa aking likod.Bad gu

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 50

    Chapter 50Pagpasok namin sa kotse, agad sinabi ni Grandpa na dideretso kami sa Cavite—kung nasaan daw ang anak ni Solidad.Napailing ako. Alam ko kasi na wala naman talaga siyang anak… pero may bata raw doon.At nang marinig kong dalawang taong gulang ang bata, napahinto ang isip ko. Two years old?Mabilis kong binilang sa isip ang mga taon. Kung nabuo ang gabing iyon—ang gabing una ko siyang inangkin matapos kong bilhin ang kanyang puri…Sigurado akong… anak ko iyon.Pero hindi ko pa makita nang malinaw ang mukha ng bata. At isa pa, sinabi ni Lillian na anak iyon ng kaibigan ni Solidad.Tsk. Lillian… Solidad… alin ba ang totoo sa inyo?Habang tahimik ang biyahe, kumukulo ang dugo ko. Hindi ko alam kung mas galit ako sa posibilidad na niloko nila ako… o sa kaba na baka nga… ako ang ama ng batang iyon.“Apo, bakit ang tahimik mo yata?” tanong ni Grandpa habang nakatingin sa akin.“May iniisip lang akong trabaho, Grandpa,” mabilis kong palusot, pilit na pinapakalma ang sarili.Ngumiti

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 49

    Chapter 49Alessandro POVKahit galit na galit ako kay Solidad, wala akong magawa. Ang bawat titig ko sa kanya, gusto ko sanang lamunin siya ng lupa, para mawala na lang siya sa paningin ko.Pero… ayaw kong ma-stress si Grandpa. Kahit anong inis ko, hindi ko kayang isugal ang kalusugan niya. Kaya heto ako, ginagawa ang inuutos niya—binayaran ko ang bill sa ospital, inilakad lahat ng papeles, at tiniis ang init ng ulo ko.Habang pinipirmahan ko ang huling dokumento, napakuyom ang kamao ko. Kung hindi lang dahil kay Grandpa… matagal ko nang pinalayas ang babaeng ‘yon sa mansyon.Ngunit heto ako, parang aso na sumusunod sa utos. At siya? Nakikita kong nakadikit kay Grandpa, parang angel na malinis at mabait.Tsk. Hindi niya ako maloloko. Alam kong may tinatago ka, Solidad.Pagkatapos kong magbayad ay agad akong bumalik sa private yard kung saan nagpapahinga si Grandpa.Pagdating ko roon, agad akong napatigil. Kumunot ang noo ko nang makita ko silang dalawa—si Grandpa at si Solidad—na mas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status