ログイン"Whoever gave you that card made a mistake."
Malamig ang boses ng lalaking nagsabi kay Alyssa. Walang bahid ng paghingi ng paumanhin ang boses ng lalaking nasa harapan niya.
Nanatiling nakataas ang kamay ni Alyssa nang ilang segundo, tila hindi agad naintindihan ng isip niya ang narinig. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang tinanggap ang matte black card na ibinabalik nito.
Napakurap siya. Hindi na niya naiintindihan ang nangyayari. Bakit ba ayaw nitong maniwala na may nag-invite nga sa kaniya? Ano bang gusto nitong ipahiwatig diba? Na ninakaw niya ang card na to, gano’n ba?
What the heck? Uy, alam niyang hindi siya mayaman pero di siya nangunguha ng gamit na hindi sa kaniya ah. Wala nga siyang alam na may island palang ganito.
Parang sandaling huminto ang paligid. Okay, wala rin naman siyang magagawa kung ayaw maniwala ng lalaking to. Feeling gwapo, akala siguro talaga nito na porque mayaman ito ay gwapo na ito. Ew!
Ibinaling niya ang tingin sa card na mahigpit niyang hawak. Pareho pa rin iyon, matte black, may gintong ukit ng logo ng Isla Verde sa gitna, at mabigat sa palad. Wala naman iyong ipinagbago mula nang ibigay sa kaniya. Black na black pa rin talaga.
Kung gayon, bakit siya biglang nagkamali?
Marahan siyang napatingala. Ngayon lamang niya napagmasdan nang mabuti ang lalaking kaharap niya.
Matangkad ito at halos kailangan pa niyang bahagyang itingala ang ulo para magtama ang mga mata nila. Pero wala siyang pakialam kahit pa na matangkad ito.
Perpektong nakaplantsa ang itim nitong suit, na para bang wala ni isang gusot ang pinapayagang dumikit sa mamahaling tela. Kumislap ang silver nitong relo nang tamaan ng sinag ng araw na tumatagos mula sa salaming kisame ng entrance. Pero wala pa rin talaga siyang pakialam.
Ngunit ang higit na kapansin-pansin ay ang ekspresyon nito.
Malamig itong nakatitig sa kaniya na parang hindi pa rin talaga makapaniwala na may black card siya ng isla. Big deal ba talaga sa islang to na may black card ang mahihirap na katulad niya?
Pero ano pa bang silbi ng pagdadrama ng isip niya? Parang kahit anong sabihin niya ay hindi nito babaguhin ang desisyon. Hindi niya alam kung CEO ba ito, manager, o kung ano mang posisyon nito sa isla.
Pero isang tingin pa lang, halata nang sanay itong masunod. Sanay itong sinusunod ng mga tao sa isla.
Sa likuran nito ay tahimik na nakapuwesto ang ilang security personnel. Kahit ang mga empleyadong dumaraan ay bahagyang bumabagal ang lakad habang palihim na sumusulyap sa kanila.
Pakiramdam tuloy ni Alyssa ay bigla siyang naging palabas sa gitna ng lobby. Para siyang naging instant artista kasi ang daming mata na nakatingin sa kanila. Pero parang wala rin namang mga pakialam ang mga tao sa kung anong gawin niya. Pag nakalagpas na kasi ang mga ito sa pwesto nila ay parang may mga sariling mundo na ang mga ito at parang hindi na siya nakikita.
Huminga siya nang malalim. Hindi siya papayag na siya pa ang magmumukhang may kasalanan.
"Excuse me?”
Bahagya siyang napailing nang muli niyang hinarap ang lalaking ayaw talaga siyang papasukin.
"I'm sorry..." Sandali siyang tumingin sa hawak na card bago muling itinuon ang tingin sa lalaki. "...pero parang hindi yata ako ang dapat ninyong sabihan niyan diba?"
Bahagyang umangat ang isang kilay nito. At parang hindi rin nito inaasahan na sasagot pa siya. Eh, syempre, nandito na siya eh. May pasundo-sundo pang nalalaman ang islang to tapos sasabihin na may “mistake” na nangyari. Ay aba! Hindi pwede yan, nagsayang lang siya ng panahon kung ganon diba? At isa pa, ayaw niya munang umuwi sa apartment niya lalo na ngayong wala pa siyang nahahanap na trabaho.
"Kayo po ang may problema." Kalmado ang boses ni Alyssa, ngunit may diin ang bawat salita. "Hindi ako ang gumawa ng card na 'to." Iniangat niya ang black card sa pagitan nila. "Kayo ang nagsasabing exclusive ang Isla Verde at kayo rin ang nagsasabing original ang mga card na hawak ko.
"Kung gano'n..." Bahagya siyang nagkibit-balikat. "...bakit parang kasalanan ko?"
Tumahimik ang paligid. Kahit hindi siya lumingon, ramdam niyang may mga matang nakatingin sa kaniya.
Siguro iniisip ng mga taong naroon na baliw siya. Sino ba naman ang lakas-loob na makipagtalo sa lalaking ito? Hindi rin niya alam. Pero wala rin naman siyang balak magpatalo kung alam niyang wala siyang ginawang mali.
Muling ibinaba ng lalaki ang tingin sa black card na hawak niya. Hindi ito agad nagsalita. Lalong nagpatindi iyon sa kaba ni Alyssa.
Sandali siyang napalunok. Huwag naman sanang isipin ng mga ito na peke ang card. Hindi naman niya iyon pinulot kung saan. May nagbigay talaga sa kaniya.
"Miss Reyes." Mas naging pormal ang tono ng lalaki. "I understand your frustration but I'm afraid I still can't let you in."
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ni Alyssa. Napalabas ang isang mahinang buntong-hininga.
"Sir..." Mahina niyang tawag. "May itatanong lang sana ako."
Tumango ito nang bahagya.
"If you're going to send me away..." Saglit siyang tumigil. "...okay lang."
Nakita niyang bahagyang kumunot ang noo nito. Hindi yata nito inaasahan ang sagot niya.
"Okay lang talaga." Napangiwi siya at napakamot sa batok. "Pero..." Nag-aalangan siyang ngumiti. "...pwede bang sagutin n'yo muna ang pamasahe ko pauwi?"
Nanahimik ang buong entrance. Pakiramdam niya pati ang hangin ay biglang tumigil.
Nakakahiya man pero wala nga siyang pera. Hindi naman niya alam kung saang sulok ng Pilipinas itong Isla Verde eh. Malay ba niya kung nasa Mindanao pala to. Paano siya makakauwi, aber? Dinagdagan pa talaga ang problema niya sa buhay.
"What?" Iyon lang ang naging sagot ng lalaki.
"Eh kasi..." Mas napakamot siya sa ulo. "Sinundo n'yo ako. Tapos sinabi n'yo, libre. Nag-resign pa naman ako kahapon kaya wala na akong trabaho ngayon."
Bahagya niyang itinaas ang malaking canvas tote bag na nakasabit sa balikat niya. Wala na siyang pakialam kung nakakahiya man tong ginagawa niya. Hindi naman niya kasalanan kung bakit siya napunta sa lugar na to diba?
"At sa totoo lang, wala na rin akong gaanong pera."
Ramdam niya ang mga tinging nakatuon sa kaniya. May kung sinong tila napasinghap. May isa ring parang napigil ang ubo.
Napapikit na lang siya sandali.
Naku. Baka kung anu-ano na ang iniisip ng mga ito tungkol sa kaniya. Pero ano bang magagawa niya? Totoo naman.
Kung hindi siya isinundo ng mga ito, hindi sana siya napadpad sa isla. Humigpit ang hawak niya sa strap ng tote bag. Bahagyang nakaawang ang zipper kaya sumilip ang ilan sa mga laman nito.
Ang maliit niyang sunflower bouquet na balak sana niyang iregalo. Isang kahon ng tsokolate na nabalutan pa ng simpleng birthday ribbon, planner, at ang maliit na stuffed toy na halos mahulog na sa bag.
Napabuntong-hininga siya. Hindi na yata matutuloy ang lahat ng plano niya ngayong araw. Ang gusto lang naman niya ay makapasok. Pero mukhang bago pa man siya makarating sa loob ng Isla Verde...
Pinauuwi na siya.
Matagal na nakatitig si Alyssa sa maliit na papel. Nanginginig nang bahagya ang mga daliri niyang nakahawak dito.You already chose him once.Choose carefully this time.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kaniya. Biglang bumigat ang hangin sa loob ng silid. Hindi niya alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mensaheng nakasulat o ang posibilidad na totoo iyon at may nakakaalam ng galaw nila.Muli niyang ibinaba ang tingin sa bracelet na hawak ni Damien. Kumikislap ito sa ilalim ng ilaw, mukhang inosente, pero alam nilang hindi."Ano'ng ibig sabihin nito?" basag niya sa katahimikan.Hindi agad sumagot si Damien. Nakakunot ang noo nito, seryosong nakatitig sa alahas. Sa halip na magsalita, maingat nitong kinuha ang bracelet at ibinalik sa loob ng maliit na kahon."Hindi natin alam," seryosong sagot ng binata, bakas ang pagpipigil sa boses nito.Napabuntong-hininga si Alyssa at napahilot sa sintido niya. "Akala ko ba tapos na tayo sa mystery ngayong gabi?"Bahagyang lumambot ang ek
Nanatili si Alyssa sa mahigpit na yakap ni Damien nang ilang minuto. Nakasandal ang ulo niya sa matipunong dibdib ng binata, dinig na dinig ang kalmado at regular na tibok ng puso nito.Tahimik ang paligid. Tanging ang maindayog na hampas ng mga alon sa pampang at ang malamig na hangin mula sa dagat ang pumapasok sa bukas na bintana. Amoy na amoy niya ang pamilyar at mamahaling pabango ni Damien na humahalo sa maalat na simoy ng Isla Verde.Kung tutuusin, napakasimple lamang ng sandaling iyon. Walang engrandeng setup.Pero para kay Alyssa, parang iyon na ang pinaka-mapayapang oras mula nang tumuntong siya sa islang ito.Walang black card. Walang misteryosong mensahe na nagpapagulo sa isip niya. Walang lumang litrato. Walang nakakakabang tanong tungkol sa nakaraan.Siya lang at si Damien, sa gitna ng katahimikan."Damien?" mahinang tawag niya."Hmm?" umugong ang malalim na boses nito mula sa dibdib."Pagod ka ba?""Not anymore." Naramdaman ni Alyssa ang marahang paghigpit ng yakap nito
Parang umurong ang dila ni Alyssa. Walang lumabas na salita mula sa mga labi niya.Nakatitig lang siya sa naninilaw at lumang dokumentong naka-open sa ibabaw ng wooden desk. Ramdam niya ang panlalamig ng kaniyang mga kamay habang pabalik-balik ang tingin niya sa iisang linya.Marriage ceremony date: August 17, 2001.Muli niyang binasa. At muli.Parang sa bawat pagbasa niya sa petsang iyon, lalo lang bumibigat ang paghinga niya. Ang daming tanong na nag-uunahan sa isip niya, nagdudulot ng mahinang kirot sa kaniyang sentido."Damien..." basag ang boses niya nang tawagin niya ang lalaking nasa harapan niya."Forget about it for tonight."Napatingin siya rito. Salubong ang mga kilay niya. "What?"Hindi ito sumagot agad. Sa halip, humakbang ito palapit. Marahan nitong kinuha ang lumang papel mula sa nanginginig niyang mga kamay at isinara ang folder. Ang tunog lang ng pagsara nito ang narinig sa tahimik na kwarto."I said, enough for tonight," malumanay pero seryosong ulit nito."But—""Yo
Nanginginig ang mga daliri ni Alyssa habang mahigpit na nakahawak sa gasgas na gilid ng lumang litrato. Tila nanlamig ang buong katawan niya nang mabasa ang nakasulat sa likod nito.SHE DIDN'T DIE IN THE ACCIDENT.Ilang beses niyang pinasadahan ng tingin ang pangungusap. Kinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata, umaasang baka mali lamang ang pagkakabasa niya dahil sa dim na ilaw ng kwarto.Pero hindi. Hindi nagbago ang mga salita. Malinaw na malinaw ang bawat letra na nakasulat gamit ang kumukupas na itim na tinta."Damien..." tawag niya, halos pabulong na dahil sa kaba.Hindi ito agad sumagot. Nakatitig lang si Damien sa hawak niyang litrato, salubong ang makakapal nitong kilay. Halatang pinoproseso pa ng utak nito kung paano napunta roon ang bagay na iyon sa gitna ng inabandonang kwarto."Your aunt didn't die in the accident.""I know what it says," seryosong sagot nito, hindi pa rin inaalis ang tingin sa litrato."Then what does it mean?""I don't know."Isang mabigat na buntong-hi
Hindi agad nakapagsalita si Alyssa. Nakatitig lang siya sa screen ng cellphone ni Damien.DON'T TRUST THE MAN BESIDE YOU. HE WAS THERE WHEN YOU DISAPPEARED.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang dalawang mensahe. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang tungkol sa pagkawala niya. At higit sa lahat, hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo.Napatingin siya kay Damien. Tahimik itong nakatitig sa cellphone nito. Mahigpit ang pagkakakuyom ng panga at hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito."Damien..."Agad itong tumingin sa kaniya. "Don't."Napakunot ang noo niya. "Hindi mo pa nga alam kung ano ang itatanong ko."Para na naman itong manghuhula eh. Kahit wala pa siyang sinasabi ay alam na agad nito ang tumatakbo sa utak niya. Samantalang siya ay hindi man lang niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Tapos siya, litong-lito na siya sa mga nangyayari. Hindi na niya alam kung tama pa ba itong napasukan niya. Parang gusto na lang ni
Mabilis ang tibok ng puso ni Alyssa, pero parang nanigas ang buong katawan niya. Hindi siya agad nakagalaw.Nakatitig lamang siya sa laptop screen na ngayo'y puro itim na lamang at nagre-reflect sa sarili niyang takot na mukha. Wala na roon ang mukha ni Elena, pero parang nanatili pa rin sa malamig na silid ang boses nito na umaalingawngaw sa isip niya.Don't let him open the east wing.At ang batang lalaki sa likuran nito sa video.Si Damien. Ang batang Damien na blangko ang ekspresyon.Hindi niya alam kung alin ang mas nakakatakot, ang katotohanang nasa video ang isang babaeng dalawampu't tatlong taon nang patay, o ang katotohanang kasama nito ang lalaking nasa harap niya ngayon.Bata pa ito noon. Sigurado siya, dahil pamilyar sa kaniya ang mga mata nito."That's you."Mahina at nanginginig ang boses niya.Hindi sumagot si Damien. Nakatayo lamang ito sa tabi ng malaking kahoy na mesa. Ang mga mata nito ay nakapako sa itim na screen, parang may pilit na inaalala mula sa isang panahon







