LOGINNagising si Alyssa sa marahang pag-uga ng sasakyan. Bahagya siyang napakunot-noo habang dahan-dahang iminulat ang mga mata.
"Hmm…"
Ilang segundo siyang nakatitig lang sa kisame. Hindi pamilyar sa kaniya ang kisame na yon. In short, hindi ito ang kisame ng apartment niya at mas lalong hindi rin ito ang kisame ng opisina nila.
Kaloka, nag-resign na nga pala siya.
Makapal na kulay cream ng kisame ng sasakyan, may maliliit na LED lights na tila mga bituin, at napakalamig ng hanging nagmumula sa air conditioner.
Napakurap siya. Saka niya tuluyang naalala. 'Yong black card, yong luxury van, ‘yong misteryosong nagsundo sa kaniya.
Bigla siyang napabangon.
"Ay!"
Muntik pa siyang mawalan ng balanse dahil sa antok. Napatingin siya sa bintana at halos mapasinghap siya. Kulay blue na lang ang nakikita niya.
Sa magkabilang panig ng sasakyan ay dagat na ang nakikita niya.
Napakalinaw ng tubig, tila salamin na sumasalamin sa bughaw na kalangitan. Kumikislap ang sinag ng araw sa bawat alon, habang ang banayad na hampas ng hangin ay nagpapagalaw sa mga puno ng niyog na nakahilera sa gilid ng kalsada.
"Wow." Mahina niyang bulong.
Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Siguro dahil sa pagod kasi magdamag din siyang gising tapos idagdag pa ang excitement na nararamdaman niya kanina. Hindi niya alam kung gaano katagal silang bumiyahe. Hindi rin niya alam kung saan sila dumaan.
Nag-ferry ba sila? May tulay ba? May private tunnel? O baka naman ay may sarili talagang daan ang resort na ito?
Napakamot siya sa ulo. "Wala talaga akong maalala."
Napatingin siya sa chauffeur sa harapan. "Sir..."
Napasilip ito sa rearview mirror. "Good morning, Miss."
"Gaano po katagal akong natulog?"
Bahagya itong ngumiti. "For quite some time."
"Pasensya na po."
"Wala pong dapat ipagpaumanhin, Miss."
Napabuntong-hininga siya. Nakakahiya. First time niyang sumakay sa mamahaling sasakyan tapos natulog pa siya.
Ibinaba niya ang bintana nang bahagya. Agad siyang sinalubong ng maalat ngunit preskong simoy ng dagat. Pumikit siya sandali. Ang bango talaga ng dagat, hindi amoy usok, hindi rin amoy sasakyan.
Ang tanging maririnig lamang ay ang huni ng mga ibon, ang mahinang hampas ng alon, at ang ugong ng makina ng sasakyang dahan-dahang umaandar.
Pakiramdam niya tuloy ay parang ibang mundo ang lugar na ito. Hindi nagtagal ay bumagal ang takbo ng van. May napakalaking gate na unti-unting bumungad sa harapan nila.
Gawa ito sa itim na bakal na may mga gintong details pa. Sa gitna ay nakaukit ang isang eleganteng simbolo, ang parehong simbolong nakita niya sa black card.
Sa itaas ng arko ay nakasulat ang dalawang salitang agad niyang binasa.
ISLA VERDE
Nanlaki ang mga mata niya. "Totoo pala talaga."
Hindi ito prank at hindi rin ito panaginip. Isa itong totoong lugar.
Sa likod ng gate ay tanaw ang isang napakalawak na boulevard na napapalibutan ng matatangkad na palm trees. Sa di kalayuan ay makikita ang mga modernong villa, mga puting gusali na tila five star hotel at ang kumikislap na dagat na parang walang katapusan.
Halos hindi siya makapaniwala. Ganito pala ang mundo ng mga bilyonaryo.
Hindi maingay, malinis, at napakaganda. Huminto ang van sa harap ng security checkpoint. Agad na bumaba ang chauffeur upang buksan ang p***o para sa kanya.
"Welcome to Isla Verde, Miss."
Marahan siyang bumaba. Halos mapapikit siya nang tamaan ng mainit-init na sinag ng araw. Napalingon-lingon siya sa paligid.
May ilang luxury cars na papasok. May mga taong nakasuot ng mamahaling damit. May isang pamilya na bumaba mula sa pribadong helicopter.
Sa di kalayuan ay may isang puting yacht na nakadaong sa pribadong pantalan.
Pakiramdam niya, siya lang ang hindi nababagay sa lugar. Napayuko siya at sinulyapan ang sarili.
Simpleng puting blouse lang ang suot niya at light blue jeans at puting sneakers. At isang tote bag na puno ng farewell gifts.
Napatawa siya sa sarili. "Mukha yata akong naligaw."
"Identification."
Naputol ang iniisip niya nang marinig ang isang malamig na boses. Malalim at matigas pa ang pagkakasabi nito at halos walang emosyon.
Unti-unti siyang napalingon at doon niya ito nakita. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa gitna ng entrance. Naka-itim itong tailored suit na tila eksaktong ginawa para sa kanya. Maayos ang pagkakasuklay ng itim nitong buhok. Matangos ang ilong at matalim ang panga. At ang pares ng kulay gray ang mga mata nito ay tila kayang basahin ang pagkatao ng sinumang kaharap.
Hindi ito ngumingiti at hindi rin ito mukhang natutuwa sa presensya niya. Lumalakad ito nang may kumpiyansa na parang sanay na inuutosan ang lahat.
Huminto ito sa harap niya. Mas matangkad ito kaysa sa inaasahan niya. Napilitan siyang bahagyang magtaas ng ulo upang magtama ang mga mata nila.
"Your invitation." Malamig nitong sabi.
Nagmamadali niyang inilabas ang black card mula sa sling pocket ng bag.
"Ah... ito po."
Hindi pa man niya lubusang naiaabot ay napasulyap na ang lalaki rito. At sa unang pagkakataon ay bahagyang nagbago ang ekspresyon nito. Hindi man halata sa iba pero napansin ni Alyssa ang halos hindi makita na pagtaas ng isa nitong kilay.
Kinuha nito ang card at matagal itong tinitigan. Pagkatapos ay muling tumingin sa kanya.
"Where did you get this?"
Napakurap siya. "Ha?"
"The Black Card." Mas naging seryoso ang tono nito. "Who gave this to you?"
Napakamot siya sa ulo. Bakit ba ito nagtatanong? Eh, hindi nga niya alam kung saan galing tong black card na to eh.
"Sa totoo lang, hindi ko rin po alam."
Napakunot-noo ang lalaki.
"I found it inside my bag yesterday. So, I guess, someone invited me. I thought it was just a birthday gift."
Tumahimik ito. Tinitigan siyang mabuti mula ulo hanggang paa na para bang may hinahanap. Ibinaba nito ang tingin sa tote bag niyang puno ng stuffed toys at chocolates. Pagkatapos ay muli siyang tiningnan.
"Your name."
"Alyssa Reyes."
"Occupation?"
"Former call center agent."
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Pagkaraan ng ilang segundo ay ibinalik nito ang black card.
"I'm sorry." Mahinahon ang boses nito ngunit malamig pa rin. "There must be a mistake."
Napakurap siya. "Po?"
"This island is exclusive." Bahagyang tumalikod ang lalaki. "It is only open to the wealthy, influential, and invited members."
Napalunok si Alyssa. "Pero, invited nga po ako." Iniangat niya ang black card. "Kung hindi po ako invited, bakit po may ganito ako?"
Muling napatingin ang lalaki sa card. Mababasa sa mga mata nito ang pagkalito. Hindi siya nagsisinungaling at alam niyang totoo ang card na hawak niya. Kaso alam din niya na hindi dapat siya magkaroon ng card kasi sabi nga nito ordinary girl lang siya.
Unti-unti nitong ibinalik ang tingin sa kanya. "My name is Damien Montenegro and I oversee admissions to Isla Verde." Huminga ito nang malalim. "And I can assure you, someone made a very serious mistake."
Sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Alyssa na ang misteryosong black card na akala niya'y simpleng regalo lamang ay maaaring magbukas ng isang mundong hindi siya kailanman dapat napasukan.
Binalot ng mahabang katahimikan ang dalawa matapos ang sinabi ni Damien. Tanging ang marahang ihip ng hangin sa Isla Verde ang naririnig nila.I've been looking for you all these years.Paulit-ulit na nag-echo ang mga salitang iyon sa isip ni Alyssa. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Parang biglang umurong ang dila niya.Sa dami ng mga misteryong unti-unting bumabalik sa kaniyang alaala na nagpapagulo sa isip niya, ito ang unang bagay na hindi niya gustong i-analyze nang husto. Gusto lang niyang paniwalaan.Na may taong matiyagang naghahanap sa kaniya.Na may taong hindi siya kinalimutan kahit kailan.At higit sa lahat, na may isang lalakeng ngayon ay nakatayo sa mismong harapan niya, nakatingin sa kaniya nang diretso, at handang manatili.Marahan niyang pinunasan ang mainit na luhang tumakas at dumaloy sa kaniyang pisngi."Sorry," basag niya sa katahimikan, bahagyang nakayuko."For what?" malumanay na tanong ni Damien."Umiyak na naman ako."Bahagyang ngumiti si Dami
Napadilat si Alyssa kinabukasan hindi dahil sa pamilyar na tunog ng alarm clock, at lalong hindi dahil sa anumang ingay mula sa labas ng kwarto. Nagising siya dahil sa isang malamig at basang bagay na paulit-ulit na dumadampi sa kaniyang pisngi.Napakunot ang noo niya, pero nang tuluyan siyang magmulat ng mga mata, agad na bumungad sa kaniya si Atlas. Nakatayo ang aso sa gilid ng kama at masayang iwinawagayway ang buntot nito."Atlas..." mahinang usal niya, sabay ngiti. "Ikaw pala."Bumangon siya at marahang hinaplos ang malambot na balahibo nito sa ulo. "Good morning." Bilang sagot, mabilis na dinilaan ni Atlas ang kaniyang kamay kaya napatawa siya. "Ang aga-aga, lambing agad?""He learned from me," isang pamilyar at malalim na boses ang narinig niya mula sa pintuan.Napalingon si Alyssa. Nakatayo roon si Damien, gwapong-gwapo kahit sa simpleng ayos nito sa umaga, at may hawak na tray ng pagkain. Napakurap siya, biglang na-conscious kaya mabilis niyang inayos ang buhok niya gamit ang
Matagal na nakatitig si Alyssa sa maliit na papel. Nanginginig nang bahagya ang mga daliri niyang nakahawak dito.You already chose him once.Choose carefully this time.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kaniya. Biglang bumigat ang hangin sa loob ng silid. Hindi niya alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mensaheng nakasulat o ang posibilidad na totoo iyon at may nakakaalam ng galaw nila.Muli niyang ibinaba ang tingin sa bracelet na hawak ni Damien. Kumikislap ito sa ilalim ng ilaw, mukhang inosente, pero alam nilang hindi."Ano'ng ibig sabihin nito?" basag niya sa katahimikan.Hindi agad sumagot si Damien. Nakakunot ang noo nito, seryosong nakatitig sa alahas. Sa halip na magsalita, maingat nitong kinuha ang bracelet at ibinalik sa loob ng maliit na kahon."Hindi natin alam," seryosong sagot ng binata, bakas ang pagpipigil sa boses nito.Napabuntong-hininga si Alyssa at napahilot sa sintido niya. "Akala ko ba tapos na tayo sa mystery ngayong gabi?"Bahagyang lumambot ang ek
Nanatili si Alyssa sa mahigpit na yakap ni Damien nang ilang minuto. Nakasandal ang ulo niya sa matipunong dibdib ng binata, dinig na dinig ang kalmado at regular na tibok ng puso nito.Tahimik ang paligid. Tanging ang maindayog na hampas ng mga alon sa pampang at ang malamig na hangin mula sa dagat ang pumapasok sa bukas na bintana. Amoy na amoy niya ang pamilyar at mamahaling pabango ni Damien na humahalo sa maalat na simoy ng Isla Verde.Kung tutuusin, napakasimple lamang ng sandaling iyon. Walang engrandeng setup.Pero para kay Alyssa, parang iyon na ang pinaka-mapayapang oras mula nang tumuntong siya sa islang ito.Walang black card. Walang misteryosong mensahe na nagpapagulo sa isip niya. Walang lumang litrato. Walang nakakakabang tanong tungkol sa nakaraan.Siya lang at si Damien, sa gitna ng katahimikan."Damien?" mahinang tawag niya."Hmm?" umugong ang malalim na boses nito mula sa dibdib."Pagod ka ba?""Not anymore." Naramdaman ni Alyssa ang marahang paghigpit ng yakap nito
Parang umurong ang dila ni Alyssa. Walang lumabas na salita mula sa mga labi niya.Nakatitig lang siya sa naninilaw at lumang dokumentong naka-open sa ibabaw ng wooden desk. Ramdam niya ang panlalamig ng kaniyang mga kamay habang pabalik-balik ang tingin niya sa iisang linya.Marriage ceremony date: August 17, 2001.Muli niyang binasa. At muli.Parang sa bawat pagbasa niya sa petsang iyon, lalo lang bumibigat ang paghinga niya. Ang daming tanong na nag-uunahan sa isip niya, nagdudulot ng mahinang kirot sa kaniyang sentido."Damien..." basag ang boses niya nang tawagin niya ang lalaking nasa harapan niya."Forget about it for tonight."Napatingin siya rito. Salubong ang mga kilay niya. "What?"Hindi ito sumagot agad. Sa halip, humakbang ito palapit. Marahan nitong kinuha ang lumang papel mula sa nanginginig niyang mga kamay at isinara ang folder. Ang tunog lang ng pagsara nito ang narinig sa tahimik na kwarto."I said, enough for tonight," malumanay pero seryosong ulit nito."But—""Yo
Nanginginig ang mga daliri ni Alyssa habang mahigpit na nakahawak sa gasgas na gilid ng lumang litrato. Tila nanlamig ang buong katawan niya nang mabasa ang nakasulat sa likod nito.SHE DIDN'T DIE IN THE ACCIDENT.Ilang beses niyang pinasadahan ng tingin ang pangungusap. Kinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata, umaasang baka mali lamang ang pagkakabasa niya dahil sa dim na ilaw ng kwarto.Pero hindi. Hindi nagbago ang mga salita. Malinaw na malinaw ang bawat letra na nakasulat gamit ang kumukupas na itim na tinta."Damien..." tawag niya, halos pabulong na dahil sa kaba.Hindi ito agad sumagot. Nakatitig lang si Damien sa hawak niyang litrato, salubong ang makakapal nitong kilay. Halatang pinoproseso pa ng utak nito kung paano napunta roon ang bagay na iyon sa gitna ng inabandonang kwarto."Your aunt didn't die in the accident.""I know what it says," seryosong sagot nito, hindi pa rin inaalis ang tingin sa litrato."Then what does it mean?""I don't know."Isang mabigat na buntong-hi







