Share

Chapter 40

Masigabong palakpakan ang namayani pagkatapos ng closing ceremony.

"Congrats, ate!"

Malaki ang ngiti na niyakap ko ang kapatid ko.

"Salamat. Yung gift ko?"

"Nasa bahay ate. Hindi ko na dinala dahil baka masira pa," sagot ni Drei.

Natatawa akong kumalas sa kanya at binalingan si mama na nasa aking tabi, naiiyak at tahimik na nanunuod sa amin ni Drei.

Nginisihan ko siya. "Bakit naman kayo umiiyak, 'ma? Hindi ba dapat ay masaya ka?"

Umiling si mama at niyakap ako ng mahigpit.

"Pasensya na. Hindi ko lang mapigilan. Hindi lang ako makapaniwala na sa wakas ay graduate ka na. Congratulations, anak. Patawarin mo sana ako kung hindi kita nasoportahan noon. Proud na proud ako sa iyo," iyak niya sa aking balikat.

Naiiyak na rin ako pero pinigilan ko lang.

Nasa gitna kami ng malawak na gymnasium dito sa paaralan. Katatapos lang ng graduation ceremony at sobrang ingay ng paligid. Tulad namin ay may mga mag-anak na nagyayakapan, kumukuha ng mga larawan at iba pa.

Pumikit ako at umusal ng pasasala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status