"B-Bakit po tayo nandito?" Nanatili lamang ang tingin ko kay Miss Manager naghihintay ng kanyang isasagot. Pero halos bumagsak ang balikat ko nang hindi pa rin niya akong nagawang sagutin. Lumabas siya ng kotse, at pinag-buksan ako. "Let's go... I'll answer all your questions later. But, for now, you have to follow me." Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Kahit naman nasa labas kami, boss ko pa rin siya. Kailangan kong sumunod sa kanya. Gusto ko na talagang malaman kung bakit niya ako dinala rito. Dalhin ba naman ako sa hospital, pero wala naman akong nararamdaman na sakit. Ano kaya ‘yon, ‘di ba? Baka may mali lang talaga sa pang-amoy ko? O baka naman may mali sa ilong ko? Pwede rin naman na baka si Miss Manager ang may nararamdaman na kakaiba, at isinama niya lang talaga ako rito. Bakit naman kasi nagco-conclude ka agad Kali? Paano kung hindi naman pala ikaw, ang dami mo pang sinabi! Nanatili lang ako sa likod niya. Pumasok siya sa elevator kaya mabilis ako
Warning: R-18. Read at your own risk.Napatingin naman ako kay Miss Manager na naghihintay ng sasabihin ko. Nag-aalangan akong sabihin sa kanya, dahil nasa kalagitnaan pa kami ng trabaho. Marami na akong absent, ayaw ko naman na madagdagan pa iyon.Hindi naman sa hindi importante ang pupuntahan ko, pwede ko naman siyang tanggihan kung sakali. Kung ano man ang sasabihin niya, pwede naman after na lang ng trabaho.Tinaasan ako ng kilay ni Miss Manager. "What is it?" "U-Uhm...""Go on, what is it?" Tila naiinip niyang sabi. Napapansin ko na ayaw niyang pinaghihintay siya."Tinanong po kasi ni Wyatt kung pwede kaming magkita."Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Mukhang naging iba pa ang pagkakakuha niya sa gusto kong iparating sa kanya. "You want to see him? Hmm?"Napakamot ako sa ulo ko. Nabaliktad tuloy iyong dating. "Si Wyatt po ang may gusto." Pagtatama ko, iyon naman kasi talaga.May pagdududa pa sa kanyang tingin. Siguro, iniisip niya na ako talaga ang may gusto. "Sure, no problem..
"Anong niluluto mo, friendship?" Hindi ko na nilingon pa kung sinong nagtanong noon, isa lang naman ang nagpauso niyang friendship na tawagan dito. Halos lahat naman ng ka-trabaho namin iyon din pala ang tinatawag niya. Medyo umasa ako sa part na ako lang ang friendship niya. Iyon pala marami kami. Baka ganoon talaga ang nature niya, palakaibigan. Siya rin kasi ang daldal nang daldal, eh. Iyon bang laging nagsisimula ng topic. "Jadey, ihaw to!" Pagtama ko. Inihaw ko muna kasi 'yong laman ng baboy, iyon kasi ang sabi nitong si Jadey. Magaling din kasi siyang magluto, siya nga ang taga-luto rito, eh. "Friendship, luto rin naman iyon." Pinagpilitan pa talaga niya. "Samahan mo na nga lang ako rito." Utos ko, kaysa magtalo pa kaming dalawa. Kanina pa kasi masakit ang kamay ko. Medyo marami pa akong iniihaw, nag-request din kasi si Miss Manager na gusto niya. Kaya dinagdagan ko na. Inaabot ko sa kanya ang pamaypay, pero kita ko ang hindi pagsang-ayon sa mata ni Jadey. "Sige, hindi ka
"Mommy, why do we need to go home po?" Tanong ng baby boy ko na si Spike, nakanguso pa siya. Medyo mahiyain ang isang 'to. Minsan lang magtanong. Kaya bawat tanong niya, sinusubukan ko laging sagutin. "Isn't our home here, po?" Kyuryoso niyang dagdag. Nabanggit ko kasi sa kanila na kailangan na naming umuwi ng Pilipinas, gustuhin ko man na dito na lang kami tulad nang gusto nila. Pero hindi talaga pwede, may mga bagay na kailangan akong harapin. Hindi na iyon pwedeng ipagpaliban pa, dahil matagal nang naghihintay sa akin. “Yes, anak,” Tumango pa ako. “But, our real home is in the Philippines.” Lagi ko naman na ipinapaliwanag iyon, para kung dumating man sa puntong kailangan naming umuwi. Hindi na ako mahihirapan pa na ipaliwanag sa kanila. Tumango lang siya sa akin, at muling ibinalik ang atensyon sa panonood ng telebisyon. Sa mahigit pitong taon na lumipas, sa US ang naging tahanan namin. Dito ako dinala ni Miss Manager matapos ang huling pangyayari na pinagdaanan ko sa Pilipina
Kinaumagahan, maaga ko nang ginising ang mga bata dahil ngayon ang flight namin pauwi ng Pilipinas.Maaga ko na silang pinatulog kagabi, para hindi na ako mahirapan na gisingin sila ngayong araw. Napakahirap pa naman nilang gisingin, lalo na si Zevria.Hindi na ako magugulat kung kanino siya nagmana, dahil kahit saang anggulo ko tingnan. Hindi kami mapaglalayo sa isa't isa. Ganyan din kasi ako noong bata pa ako. Mas malala nga lang yata siya sa akin.Kasalukuyan kaming kumakain ng umagahan kasama namin si Manang Cecil dahil mamayang tanghali pa naman ang flight namin. Pero kailangan na dalawang oras bago ang flight namin dapat nandoon na kami sa airport. Iyon ang paalala sa akin ni Miss Manager, mahirap daw kasi baka maiwan kami.Ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa rin nababawasan iyong nilagay kong kanin at ulam sa plato ni Zevria. Nakatitig lamang siya roon. Habang ang kambal naman niya na si Spike tahimik lang na kumakain. Hindi naman na sila nagpapasubo pa sa akin, kaya naman
"What are you doing here?"Nanatiling nakataas ang kilay ko sa kanya. Paano na napunta siya rito? Sa pagkakaalam ko kasi busy siya kakalibot sa iba’t ibang bansa dahil sinusulit daw niya ang pagiging binata niya. Base iyon sa huli naming pag-uusap. Ngumuso naman si Eli. "Love, you're so mean to me!" Bakas ang pagtatampo sa boses niya.Napairap na lang ako. Nagpapaawa na naman ang lalaki na ‘to. Sa tingin ba niya aandar sa akin iyon? Asa siya! Kung sipain ko kaya siya pabalik kung saan siya nanggaling. May pa-love love pa siyang nalalaman, eh? Marami naman siyang babae!"Tigilan mo ako!" Sita ko. Alam naman niyang naririnig kami ng kambal ko, mabuti sana kung hindi nila maintindihan. Eh, mukhang mas matalino pa sa akin ang dalawang ‘to. Binalingan ko na sila Manang Cecil at ang mga kambal. "Let's go."Si Miss Manager ang magsusundo sa amin, iyon ang usapan naming dalawa. Maghihintay na lang muna kami ng kaunti, baka may ginagawa pa kasi siya kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya nak
"Spike, Zevria..." Marahan kong tapik sa pisngi ng kambal ko. Nakarating na kasi kami sa bahay ni Elian. "Hm..." Ungot ni Zevria, nasa session na naman kami ng pahirapan manggising ng batang babae. Hindi na bago sa kanya na bumaling sa kabila tuwing ginigising siya at ayaw niyang magpagising. "Mommy, where are we po?" Mapungay ang mata ni Spike, kinukusot-kusot pa niya iyon. "We were in my place, young man." Si Eli na ang sumagot. Kumunot naman ang noo ng anak ko. "Why are we here, po? Mommy, I thought we'd go to Ninang Manager po?" Baling niya sa akin, halata kong iwas na iwas siya kay Elian. Hindi niya man lang binalingan ng tingin, eh. Siraulo kasi si Elian. "Uhm, she just messaged me that she's not at home because she's busy, anak..." Paliwanag ko. Iyon kasi ang sinabi ko sa kanila, iyon nga lang nagkaproblema dahil napaka-wrong timing nang pagpunta ni Kuya Lucas sa bahay ni Miss Manager. Napangisi ako, mukhang may namamagitan na talaga sa kanila. Nakita kong tumango naman
Nang marinig ko ang pangalan ko, hindi na ako nag-atubili pa at lumapit na ako sa tabi ni Alaina.Sobrang lawak ng ngiti ko, nagpapatunay lamang iyon kung gaano kasaya iyong puso ko ngayon.Iyong ngiti ng mga tao, iyong sarap sa tainga ng kanilang palakpakan. Hindi kailanman nakakabingi, dahil ang palakpak na iyon ay isang senyales ng paghanga, suporta at para sa akin isang ebidensya na nakamit ko ang isa sa plano ko sa buhay.Ang makapagpatayo ng sarili kong restaurant.Malaki ang parte ng pagiging barista ko noon, isa iyong magandang experience na tumulong sa akin kung paano ko hinarap ang trabaho ko ngayon. Kung ano ang mayroon ako ngayon, dahil din sa mga pinagdaanan ko noon."Good morning," Nakangiting bati ko, punong-puno ang puso ko sa kagalakan. "Isa pong karangalan sa akin, na ako'y nasa harap ninyong lahat ngayon. Ang makita po kung gaano karaming tao ngayon ang nag-aabang at naghihintay ngayon, bago po namin buksan ang restaurant... ay sobrang laking bagay po sa akin iyon."