Share

Chapter 27

Iyong ideya na gusto kong tanungin pa ang mga magulang ko, kung para saan ang mga iyon. Kung bakit may kampihan na nagaganap? Kaso hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na gawin iyon dahil kailangan daw nilang umalis at babalikan na lang nila ako mamayang gabi, para raw sa dinner namin.

Gustuhin ko man sabihin na hindi ako pwede, dahil kailangan kong bumalik sa bahay ni Elian dahil sa mga anak ko. Kaso ayaw ko namang tanggihan ang mga magulang ko, dahil ngayon lang kami nagkausap muli matapos ko silang taguan ng ilang taon. Baka iba pa ang maging pagkakaintindi nila kapag iyon ang sasabihin ko.

"Mamaya na lang anak, ha. May kailangan lang kaming asikasuhin ni papa mo."

Tumango ako, at ngumiti kay mama. Pinilit kong hindi ipahalata sa kanya, na may porsyento sa akin na hindi ako sang-ayon sa gusto nilang dinner mamayang gabi.

May nararamdaman akong kakaiba!

"Sige po, ingat kayo." Tugon ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinagkan sila pareho sa pisngi.

Saglit nilang binalingan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status