Share

KABANATA 11

Hindi ko mapigilang ngumiti na kahit pa nakataas ang kilay sa akin ni Erica ay hindi ko magawang sumimangot.

Hindi ako sanay na mahiwalay kay Kuya nang matagal. I'm his clingy baby Heaven. Pero dahil nangako siya ng dinner ay nawawala ang lungkot ko at hindi maiwasang masabik. Nakalimutan ko na nga ang pagkapahiya sa kanya mula sa video call.

"Para kang baliw," ingos ni Erica.

Pabagsak pa niyang nilapag ang pinasuyo kong sandwich at bottled water.

"Sorry. Magkano pala?"

Inirapan niya ang pagdukot ko sa wallet at tinabig iyon nang marahan.

"Huwag na. Kwento mo na lang kay Rigel ko."

Kahit ang marinig sa bibig niya ang pangalan ni Kuya ay hindi ko ikinainis.

"Thanks. Wala kang lakad mamaya?"

Hindi niya ako sinagot. Binubuklat niya ang bag niya at tila may inaayos sa loob no'n.

"Wala kang hook-up?" ulit na tanong ko.

Ngumisi lang siya ngunit hindi pinansin ang tanong ko.

"Here! Read these, Heavs."

Tuwang-tuwa pa siya na ilapag ang tatlong libro galing sa bag niya. Lahat pa ng mga iyon ay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status