Share

KABANATA 12

Hindi ko pa siya agad natawagan pagkauwi. Hindi niya sinasagot. Ngayong gabi na lang ulit.

"Hindi ka na ba talaga babalik?"

Nakadapa siya sa higaan niya at walang pang-itaas. Nakatagilid pa ang ulo paharap sa camera, nakapikit pa. Lalo lang tuloy bumibigat ang kalooban ko sa kakaisip na ayaw niya akong kausapin.

"Hm."

Simpleng ungol niya bilang pagsang-ayon ngunit hindi nag-abalang idilat ang mga mata.

"K-uya. B-umalik k-a."

Tumakas ang isang hikbi sa bibig ko ngunit hindi siya natinag.

"Shut it, Brat. Buhay pa ako. Huwag kang umatungal diyan."

Nagtakip pa siya ng unan kaya naman lalo akong naluha. Kaya lang mukhang hindi niya ako haharapin kung iiyak pa ako.

Pinunasan ko ang luhang tumakas at pinigilan ang hikbi ko. Kinalma ko ang sarili ko bago siya ulit binalak na kausapin.

"Paano 'yong apartment mo, Kuya?" inayos ko ang boses ko, walang bakas ng iyak.

Marahan niyang tinanggal ang unan bago bahagyang dinilat ang kaliwang mata niya. Ngumiti ako nang malapad. Nagbabakasakaling dalawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status