Share

KABANATA 5

Kanina pa nagbabangayan sina Lisa, Erica at Paul para sa project.

"Ano ba! Tagline lang 'yan," balik na sagot nito kay Lisa matapos mag-suggest ni Paul.

Ngumuso ako at mas lalong namroblema sa kanila.

I think, our group is a bad idea.

"Can we just drop this subject?" bored na tanong ko.

Sumimsim ako sa Juice at nagbukas ng magazine.

"Better idea. Kaya nga ba frenny kita, future sister." Yumakap-yakap pa si Erica sa braso ko at kinikiskis ang pisngi niya.

"Umayos ka nga! Sister? Mangarap ka. Para kang pusa." Inirapan ko siya at inis na sinara ang magazine.

Hindi ko talaga gusto ang ideya na magkaroon ng sister-in-law dahil kay Kuya.

"Chill, Sis," natatawang lambing nito.

"Regaluhan na lang natin ng ballpen si Ms. Salonga para pasado na tayo," suhestiyon ni Lisa.

"Hmp! Hindi tayo papasa sa ganoon. Ibalot natin ang kuya ni Heaven, for sure flat one tayong lahat." Ngumuso si Erica pagkatapos ay nilingon ako.

"Pero huwag, Heaven. Reserve mo sa akin si Rigel," dagdag na sabi nito.

Ano ba ang attractive sa itsura ni kuya? Iyon bang freckles niya? Burahin ko na lang kaya.

"Sandali lang. Ipapaayos ko lang ang dinner kay Manang Karing," Iwas ko.

Tumayo ako at iniwan sila doong nag-iisip. Wala naman akong maiaambag doon kundi pagkain.

"Manang, okay na po ba 'yong pagkain?" Dinatnan ko itong naglalagay ng ulam sa malaking plato.

The smell of roasted chicken, paella, and pork embutido is all around the kitchen. Tinulungan ko na rin siyang mag-ayos ng hapag.

"Kakain na ba kayo?" tanong nito bago nilapag ang sauce para sa roasted chicken.

"Siguro po. Parating na rin naman po sila Mama."

Natigil ako matapos marinig ang ugong ng sasakyan nila Daddy. Agad akong lumabas para salubungin sila.

Hindi ko rin kasi nasabi sa kanila na matutulog dito ang mga kaklase ko. For sure kay Mama, okay lang. Hindi ko lang sure kay Daddy.

Tumayo ako sa labas ng pinto at inabangan silang lumabas ng sasakyan.

Paglabas pa lang ni Daddy ay salubong na ang mga kilay nito. He looks older now than his real age. Maybe because of the company's ongoing problem.

"Hon, we could ask the school for his credentials. For sure may record sila," si Mama na humawak sa braso ni Dad.

"For what? Sa Laguna siya nag-aral, Hindi sa school ni Heaven. It's clear, malinaw ang nasa diploma niya. He didn't study business. I can't believe we were scammed." Umiling ito at napabuga ng hininga.

"Let's just wait na sabihin niya. We shouldn't meddle with his dream."

"No. Hahanapin ko 'yang kubo niya sa Laguna. Ano bang meron siya? Gulayan?" Tumigil si Daddy noog makita akong nakatayo sa harap ng pinto, "Heaven, kanina ka pa?"

"Hm. Hindi naman po," pagsisinungaling ko, "Nasa loob po kasi mga classmates ko at dito po sana sila matutulog. Is it okay, Dad?" Ngumiwi ako noong hindi ko mabasa ang reaksyon nila ni Mama.

"My boys ba, Baby?" si Mama ang unang nakabawi ngunit mariin pa rin ang tanong.

"Y-es po. Dalawa. Mababait naman po sila."

"We'll think about it. After dinner tapusin niyo na agad ang ginagawa niyo. Then let's see if I'll let them stay." Tumigil ito at binalikan ako ng tingin. "Huwag mong ipaalam sa Kuya mo ang tungkol sa mga lalaking kaklase mo," bulong pa nito.

Ano daw? Kaya kong magsinungaling sa kanila pero hindi kay Kuya. Baka wala nga iyong pakialam.

Tumabi ako ng pumasok sila Mama. Bumuntot lang ako sa kanila.

Agad namang nagsitayuan sila Erica pagkapasok nila Mama. Naibaba ni Lisa ang baso ng Juice, si Erica naman ay inayos ang dress niya. Si Paul ay linunok ang nginunguya nyang chips at si Aldrin lang ang matinong nakatayo.

"Good evening po!" magalang na bati nila na tinanguan lang ni Daddy at umuna na sa kusina.

Bin*ti sila pabalik ni Mama at niyayang kumain.

"Shems! Nakakagutom. Heaven, paampon," dinig kong bulong ni Lisa.

"As if naman naghihirap kayo," inis na sagot dito ni Paul.

"So what? Kuripot ang parents ko kaya dito na lang ako," depensa nito.

"So, close friend kayo ng anak ko?" tanong ni Mama kay Erica.

"Yes po, Tita. Kami lang pong dalawa ang close sa room." Malapad ang ngiti niya na kinangiwi ng tatlo.

Umubo-ubo pa si Paul at Aldrin.

"Pa-good shot," bulong ni Lisa na nadinig ata ni Erica dahil bahagya niyang pinanlakihan ito ng mata.

"Mabuti. I thought she's a loner. Kuya niya lang kasi ang madalas niyang kasama." Kumibit balikat pa ang Mama niya.

"Mas close po kasi sila ni Rigel. Nasaan po pala siya?"

Napangiwi si Mama at si Daddy naman ay umasim ang mukha.

"He's busy. Na-meet mo na siya?"

"Nakita pa lang po. Crush ko po siya kaso ayaw akong ilakad ni Heaven sa kanya." Ngumuso pa ito na parang nagtatampo.

Why would I?

"Hindi ka niya type," asar dito ni Lisa. "Ako din po, crush ko si Rigel," dagdag ni Lisa.

"Hindi ka din niya type no." Irap dito ni Erica.

Nangiti si Mama sa kanilang dalawa. Magiliw pa itong nakamasid sa kanila. Si Dad naman ay lalong kumunot ang noo.

"I'm thankful na crush niyo ang anak ko. Pero hindi na siya pwede. Off limits na," banayad na paliwanag ni Mama. Sinulyapan pa ako nito nang mabilis.

Off limits? May girlfriend na si Kuya? Bakit hindi ko alam?

"Po? Hindi pa naman po siya nakatali. May chance pa kami, Tita," pilit ni Erica.

"Gaga ka. Basted ka na nga sa Nanay, pinipilit mo pa." Irap dito ni Lisa

"Enough, girls. Nakakahiya kila tita." Nakataas kamay na sabat ni Paul.

"Crush mo din ang anak ko?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Mama kay Paul. Nakatitig pa sa kamay nitong nakataas.

"Ay! Hindi po, Tita. Straight po ako. Kukuha lang po ako ng manok. Ang sarap po nitong chicken," sabi ulit nito matapos kumuha ng isang hita ng manok.

"Ang grossed mo, Paul," asar dito ni Erica.

Nagtawanan kami at inasar pa silang dalawa.

"Does Heaven doing fine at school?" natahimik kami sa biglang tanong ni Daddy.

"Of course, Dad," salo ko kahit na bahagyang kinabahan sa tono niya.

"Yes po. She's actually... enjoying the course," ngiwi ni Aldrin.

"Good."

Lahat ay nanahimik at wala nangahas na mang-asar. Natapos ang dinner na wala na ulit kulitan. Natakot ata sila kay Daddy.

1 message

From: Kuya

Video call.

Pagkabasa ay mabilis akong umahon sa sofa. Liningon pa ako ni Lisa.

"Wait lang, guys. May kukunin lang ako sa kwarto ko," paalam ko at hindi na sila hinintay pang sumagot.

Sa hagdan pa lang ay nagflash na ang tawag ni Kuya. 

Sinagot ko iyon at agad na sinara ang pinto ng kwarto ko. Ni-lock ko rin iyon.

Bakit ba feeling ko may tinatago ako?

"Hey, hindi ka pa naligo?" Kunot-noo ito at nakamasid lang sa t-shirt ko.

"Hindi pa, Kuya. Nasa baba ang mga kaklase ko at dito sila matutulog." Ngumiti pa ako bago sinandal ang cellphone sa baba ng lamp shade.

"Classmate? All girls?" kuryosong tanong niya. Nakasandal siya sa upuan. Ang likod niya ay kahoy na dingding.

"Just two girls, then two boys—" 

"What?! No. Pauwiin mo sila," matatag niyang utos.

Mariin ang tingin niya at tila galit. Kabaligtaran sa naiisip kong reaksyon niya. Ito ba ang rason kung bakit ayaw ipasabi ni Mama?

"Bakit? Sa guestroom naman sila matutulog," kunot-noong rason ko. Hindi maintindihan kung bakit kailangan ko pa silang pauwiin.

Pumikit siya nang mariin, "You do know kung paano ka matulog, Heaven."

"And so what? Hindi naman sila sa kwarto ko."

"Even so. Hindi mo alam kung ano ang nasa utak ng mga lalaking iyon. No. Send them home," pinal na utos niya.

Nanlaki pa nang bahagya ang mga mata ko sa biglaan niyang pagpatay ng tawag. Profile niya na lang ang nasa screen.

Ngumuso ako at hindi maintindihan ang inakto niya. I can't really see the logic. Ang daming guestroom sa bahay at pwede sila doon. Tsaka sa tingin ko ay payag naman na sila Mama.

Hinayaan ko na lang at binalikan ang mga kaklase ko sa baba. Nakatayo na sila na kinakunot ng noo ko.

"Oh bakit ganyan ang ayos ninyo?"

"Kainis itong si Paul! Tinawagan ng Mama niya. Masyadong pa-baby." Irap ni Erica.

"Uuwi na lang kami. We can't even think properly kapag magkakasama tayo. Iisip na lang ako sa bahay." Ngumiti pa si Aldrin. 

"Yeah. Kaya na ni Aldrin 'yan," si Lisa na tinapik pa sa balikat si Aldrin ngunit sinamaan siya nito ng tingin.

"Is that so? Okay sige. Ipapahatid ko kayo sa driver namin." Ngumiti ako at binuksan ang pintuan palabas ng bahay.

"Pero Heavs~ I can stay naman para good shot kay Rigel ko." Si Erica na kumapit sa braso ko. Ayaw pa nitong pumasok sa sasakyan.

"Tsk. He's not yours—" 

"And not yours too," asar na bulong nito, "Huwag ka ngang madamot. We can share naman— ouch!" 

Sinabunutan ko siya nang bahagya at pilit na pinasok sa sasakyan, "Uwi ka tapos deretso tulog ah! Puyat lang 'yan."

Sinarado ko ang pinto ng sasakyan at kinawayan sila. Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan nila bago bumalik sa kwarto para tawagan si Kuya.

"What?" bungad niya sa video call.

"Umuwi na sila."

Umayos siya ng upo at napahagod ng buhok.

"I can't stay calm knowing that there are boys around you."

"Stop on being a protective brother. I can handle myself." Inirapan ko siya sa inis. 

Ngumisi siya, "As if I am a protective brother. I am not... Baby."

Ayun na naman ang ibang tono ng Baby niya. Masarap sa tainga ngunit... nakakailang.

"Ano?" Nabitin sa ere ang tanong ko matapos makitang may babaeng dumaan sa likod niya.

Natameme ako matapos niyang lingunin iyon.

"Thanks, Lalay," sambit pa nito.

"Walang anuman. A-ano, uuna na ako sige," paalam ng babaeng tinawag niyang Lalay.

Naningkit ang mga mata ko at tinaasan siya ng kilay. Tama si Mama, may girlfriend si Kuya!

"So you're hiding a girl ah. Kuya, may binabahay ka na?!" 

"What? No. Hinatid niya lang 'yong basket," depensang sagot niya.

"All this time, I was right. Hindi kubo kundi babae."

"Seriously, Heaven. Drop that tone."

"Bahala ka. Daddy is so mad. Kanina ko pa gustong sabihin na balak niyang hanapin yang kubo mo na lungga pala ng Eva mo." Umingos ako at pinagkrus ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko sa sobrang inis.

"What? Alam ba niya kung nasaan ako?" Ramdam ko ang panic sa boses niya.

Kumibit balikat ako, "Malay ko. Ako nga na katawagan mo ay hindi alam kung nasaan ka. Tanong ko ba kay Daddy?" sarkastikong asar ko.

"Brat! Kung hindi ka lang tunay na anak," inis niyang reklamo.

"Oh ano?!" hamon ko naman.

"Nothing. That is much better. Mabuti na lang at tunay na anak ka pala." Ngumisi pa siya nang makahulugan.

Napahawak siya sa labi niya at tila may napagtanto.

"Does my fandom isn't there earlier?" lihis niya sa usapan.

"Can't you just forget them?" Umiwas ako ng tingin at walang balak na punan ang tanong niya.

"Sure. Anyway, Anong gusto mong pasalubong?"

Napaisip ako ngunit walang maisip, "I don't know. Saan ka ba? Para may basis ako."

"Tar—No. Ako ng bahala," pigil niya sa sasabihin niya.

"Ihh spill it na," pinilit ko pa siya ngunit natatawa lamang siyang umiiwas.

"No. Mahirap na at baka sabihin mo pa kay Daddy. Uuwi na lang ako bukas."

Nilaglag ko ang buhok ko upang makaligo na pagkatapos ng tawag niya.

"Tsk. Hindi ako madaldal."

"Still. Basta, uuwi na lang ako. Maligo ka na at matulog. Please lang iyong bra at panty mo lagay mo sa laundry basket."

Hindi naman niya kailangan ipaalala! Nakakahiya!

"Kuya!" gusto kong magprotesta ngunit pinatay na niya ang tawag ngunit hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagbabalik noong Lalay.

Huwag mong sabihing may gagawin pa silang dalawa?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status