Share

Tattoo

Penulis: pinkbeller
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-09 17:12:10

"HI," bati sa amin ni kuya Josh nang huminto kami sa tapat ng booth nila. Kunot-noo kong sinulyapan si Brent. Nandoon pa rin ang babae na kahalikan niya kanina lang. Ang sarap nitong suntukin. Umagang-umaga naglalandian na sila.

"We'd like to have a tattoo. Magkano ba?" malanding tanong ni bakla.

"Depende naman. Pero ang pricing namin two-hundred fifty pataas," sagot ng lalaki.

Ang mahal ah. Ubos allowanceko nito. E, 'yong two-hundred fifty pang two days ko na 'yon. E, hindi naman raw permanent ang tattoo nila.

Pero 'yong kita naman nila ay mapupunta sa charity. Lahat ng kita ng bawat booth ay mapupunta sa charity. 'Yon kasi ang layunin ng M.U. Ang hangad kasi ng eskwelahan ay ang makatulong sa mga taong nangangailangan. Next month nga ay fieldtrip namin pero ang gagawin namin ay hindi para magsaya, 'yon ay ang tumulong. Sa Zambales yata ang destinasyon. Bibisitahin namin ang mga katutubong aeta.

"May mga pagpipilian naman kayo. Here." Iniabot niya kay bakla ang isang makapal na plastic folder. "Maupo na muna kayo ng makapili kayo ng maayos," anito at itinuro nito ang upuan. May tatlo silang round tables. Malamang ito ang uupuan ng mga magpapa-tattoo.

Sumunod naman kami kay Rowela.

"Pero pwede naman na kayo ang mag-suggest ng gusto niyong design," dagdag nito.

"Ay 'yon na lang sa 'kin. I suggest na pangalan ko na lang. Tapos may butterfly sa side nito," sabi ni bakla sa malanding boses.

Napaubo ako. Pambihira. Praktisado si bakla. Naka-prepare talaga. Samantalang ako ay walang naihanda, ipapaubaya ko na lang sa utak ko. Basta ngayong araw ang simula ko.

"Sige. Tara na do'n." Nakangiti nitong turo sa upuan malapit sa counter nila. Ngumiti naman ng malapad si Rowela. Ang harot ni bakla. Paano kung sabihin ko kaya na ang baklang kasama ko ang nagnakaw sa boxer niya?

"Anong pangalan mo?" rinig kong tanong ni kuya Josh.

"Rowel, kuya!" malakas kong pagkakasabi. Napangiwi si bakla. Tumawa kami ni Amy. Ang sama na ng tingin ni bakla sa 'min. Natawag-pansin rin namin ang dalawang naglalandian. Hmft.

"Rowela. Rowela ang ilagay mo. Huwag mo ng pansinin ang mga 'yan," anito. Inirapan kami. Ang sarap niyang asarin.

Ipinagpatuloy namin ni Amy ang paghahanap ng magandang design. Ayaw ko ng may kulay. Gusto ko 'yong maliit lang pero maganda.

"Ito na lang kaya sa 'yo, Bree..." turo ni Amy sa larawan ng maliit na korona pang reyna. "Minimalist ka naman 'di ba. maganda 'to." Inilapit niya ang bunganga niya sa kaliwa kong tainga. "'Tapos palagyan mo ng B sa gitna ng korona, B means Bree or Brent."

Tumango-tango naman ako at ngumiti. "Kuya Josh, may napili na ako." Kuya tawag ko para naman masasabi ni Brent baby na respectful ako.

"Sige. Brent..." tawag nito sa lalaki. "Ikaw na maglagay sa kaniya," anito.

Tumayo naman ang babaeng katabi ni Brent. "See you later, babe," paalam nito. 'Yan, umalis ka na muna at ng magka-moment naman kami ni crushy ko. May pa-babe babe pang nalalaman.

"Lapit ka na do'n para makapagsimula na," utos naman ni kuya Josh sa 'kin.

Pinahawak ko ang sling bag ko kay Amy. "Dito ka lang, ha," wika ko. Tumango naman ito.

Naglakad ako papalapit sa upuan na itinuro ni kuya Josh. Bago ako maupo, sinulyapan ko na muna si bakla. Nakapikit ito. Natawa naman ako sa itsura niya.

"Uy, bek. 'no itsura mo?" tanong ko. Hindi ito sumagot at inirapan lang ako.

"What design?" O to the M to the G! Ang sarap sa ears ang boses niya.

Nakakapanindig balahibo. Nakakalaglag panty men.

Inilapag ko ang folder sa lamesa sa tapat namin. "Ito." Turo ko sa picture ng korona. "'Tapos sa gitna ng korona, do'n sa may space, lagyan mo ng letter B," paliwang ko. Hindi ko siya tatawaging kuya.

"Where do I place it?" he asked again. Tae, mapapalaban ako sa English. Mabuti na lang marunong ako.

Hinawi ko ang hanggang baywang kong buhok. Hindi ako nag-pony tail ngayon. Para naman ma-attract 'tong si crushy. Nabasa ko sa g****e, a boy is more attracted to a girl with long hair. Pero depende pa rin. Nabasa ko lang 'yon. Paano kapag mahaba nga ang buhok pero hindi  naman maganda 'di ba? Kaya it depends. Hindi naman sa nagmamayabang ako, masasabi ko naman na maganda ang lahi ni inay at itay. For short, maganda ako.

Slow mo kong inilagay sa kanang balikat ang lahat ng strand ng buhok ko. Itinuro ko ang likuran ng kaliwang tainga ko. "Dito na lang."

Hindi na umimik pa si Brent. Inilapat ko ang kanang pisngi ko sa patungan sa aking harapan. Hmm. Ang lambot.

Pumuwesto na rin si Brent sa gilid ko. Pinunasan nito ng maliit na tela ang parteng lalagyan niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang hawak niya. Gosh, ang laki ng karayom.

"Aray ko po!" bulalas ko at ako'y napapitlag.

"What the..." reklamo nito. "Stay still." Idiniin nito ang mukha ko sa head rest ng upuan. Wow. Ang gentle naman.

Kaya pala nakapikit si bakla dahil masakit pala talaga. Sabi nila hena lang, bakit tattoo naman pala ito na totoo. Fake news si Claudet. Yari sa 'kin ang babaeng 'yon pagnakita ko.

"Ano bek, masarap ba?" himig-biro ni Rowela.

"Tumahimik ka, gaga," asar kong sagot.

"Don't move," ma-awtoridad nitong sabi. Sungit.

Nasasaktan man ako sa bawat pagtusok ng karayom ngunit aking tinitiis upang ang aking crush ay hindi magalit.

Makata ang peg.

Sa bawat diin ay aking tinitiis. Ngunit sa isang biglang tusok ay ako'y napatili. Ay hindi na rhyme.

"Aray!" itinigil naman nito ang ginagawa. Tiningnan ko ito ng masama. Siyempre kunware pa-suplada effect. Tatarayan ko muna. Tiningnan ko ito sa kanyang mga mata. "Ano ba. Ang sakit ha. Hindi pa nga tayo, sinasaktan mo na ako." Kumunot naman ang noo nito. Nagbaba ako ng tingin at sinulyapan si bakla.

Napapalatak sa tawa si bakla. Tapos na pala ang mga ito. "Bongga, bek." Pumapalakpak pa ito. Pati si kuya Josh. Nakikitawa na rin. Ganoon din si Amy.

***

NAKAUPO KAMING tatlo dito sa cafeteria. Kumakain kami ng spaghetti.

"Bilib naman ako sa 'yo, Bree. Akalain mong nasabi mo 'yon?" wika ni Amy. Natatawa.

"Ang kapal nga ng fes, girl," sabi naman ni bakla.

"So? At least hindi ako na isang libo." Alam naman ni Amy kung bakit ko 'yon ginawa. Si bakla, hindi niya alam.

Tumawa kami ni Amy.

"'Yan kasi ang napapala ng taong padalus-dalos. Hindi muna tinatanong ang price. 'Yan tuloy, bye bye one thousand," pang-aasar ko. Nagulat si bakla kanina no'ng sabihin ni kuya Josh ang price. Kapag customize ay mahal daw. E itong si bakla, hindi nagtanong bago magpalagay.

Ako naman ay walang problema dahil two hundred fifty pa rin kahit pinadagdagan ko. E, siya, isang libo.

Sa tingin ko nakuha ko sa banat ko 'yong discount. Kaya hindi ako siningil ni Brent ng additional fee para sa letrang pinalagay ko.

...

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Journey To The Bad Boy's Heart   The Ending

    SUMMER ENDS. Like how the dandelions dance along with the wind. Finally, his mission has an end. But he left me something unwritten. How long I have been waiting for him to come back? Days? Weeks? Three weeks. He left, without me knowing his whereabouts.Damn that man! He really fond of pissing me off. He promises to tell everything, but where on earth he has been? Sam got traumatized. Her parents suddenly went home when they found out what happen. One of their maids told me that she doesn't want to talk. That's why her parents decided to bring her to a psychia

  • Journey To The Bad Boy's Heart   Mission Accomplished

    I WAS awakened by loud noises. Screams. Cries. Seeking helps! Fears. I can sense their fears. I opened my eyes but closes them again when the light coming from the yellow bulb embraced my sight. My hands hurt, so as my back.Darn! I slept on the cold floor."Let me go! Help!""Let us go!"All I can hear were those words. They. Yes, they. They keep on screaming and shouting. But no one dared to look us in. Seeing their faces hopeless, makes me want to kill that freaking devil!I gritted my teeth! Wait until a grim reaper reaps your soul, Liam Prynne!Kung hindi lang ito planado, maaaring isa na rin a

  • Journey To The Bad Boy's Heart   The Scheme and Execution

    “EXACTLY, baby.”Help! I can’t breathe!Baby daw?Baby!!!!“At sino naman angipapainniyo?” tumingin ako sa kaniya. “Ang please, don’t call me baby, lalo na’t may fiancé ka na.Kilabutanka nga.”Tumawa ito. “You’re cute when you’re jealous.”Tumaas ang isa kong kilay, “Jealous? Saan banda?” angkapaltalaga ng mukha niya.Umiling ito, &

  • Journey To The Bad Boy's Heart   His Secret

    I EMBRACED myself as the wind blew stronger. I should’ve brought a jacket. The lights hanging on the garlands gives a fantastic view all over the place.I look serious as I reached his place. He’s sitting above the soft sand, both hands towering from aback, with eyes intently looking on the beautiful horizon… I supposed.I composed myself not to make unnecessary noise. But I was shocked on what he did.“The sand was still warm… and you need this,” his voice seems so concern, “You may get urinary tract,” sabi nito nang tanggalin niya ang kaniyang damit at inilagay iyon sa ibabaw ng buhangin para aking upuan.Damn muscles!My mind screamed out.

  • Journey To The Bad Boy's Heart   Thoughts

    NANG MATAPOS kaming mag-usap ni Amy ay nagpasya kaming bumalik sa loob dahil talagang nagugutom na ako. Nakakainis nga ito dahil tawa ng tawa dahil sa tunog ng aking tiyan.Tinanggal ko ang aking sapatos dahil nalagyan na ito ng buhangin. “Besh, hindi ba’t may klase tayo bukas? Wala ka namang balak mag-absent hindi ba?”Tumawa ito. “Gosh, nasaan ba utak mo besh?”Kumunot-noo ako. “What do you mean?” inilapag ko ang aking sapatos sa shoe rack sa gilid ng pintuan.“Wala tayong pasok bukas dahil disinfecting.”“Ano?” bakit hindi ko alam iyon?

  • Journey To The Bad Boy's Heart   Unfold Secret

    “WHERE THE hell are you taking me?” I glared at him. Hindi ito sumagot at nanatili sa daan ang kanyang konsentrasyon.I frowned. Bahagyang nakaharap ang katawan ko sa direksyon niya.“Brent!” I screamed out of frustration.He lazily looked at me. “What?” he asked, seems innocent. And diverted again his gaze in front.Sinuntok ko ito sa kanyang kanang braso ngunit hindi man lang ito natinag. Still sitting there, eyes on the road. But I saw his grip on the steering wheel, tightened.I punched his arm again, lightly.I almost bumped my head on the dashboard when he stepped on the break and pulled ove

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status