登入Chapter 4
Claudia Diaz POV
Tinanggap ko ang offer. Hindi ko alam kung bakit, pero pinirmahan ko. Baka nga si Van Amores ang maging daan para makabalik ako sa pamilya ko na matagal ko nang inaasam. Ang makaganti sa mga kasumpa-sumpang mga taong humamak sa akin.
Pinaayos na ni Van ang lahat. Nakalipat na rin ako sa bahay niya. Nagbigay rin ako ng kondisyon sa kanya. Ayaw kong malaman sa kumpanya na ako ay asawa niya; sa setup ay isa pa rin akong assistant.
Gusto niyang magkasama kami sa pag-aalmusal at paghahapunan. Gaya ng ginagawa ng mga tunay na magasawa. Napakapormal man ay, puwede na rin. Ako na rin ang pinamahala niya sa kanyang bahay. Kung gusto kong palitan at itapon ang mga bagay na naroroon, malaya ko iyong gagawin. Ako na ang reyna, ang sabi niya. Hindi pa ako komportable na makasama siya sa higaan, kaya pinagamit niya ang isang malaking kuwarto na katabi ng master’s bedroom. Nirespeto niya ako at bilang ganti ay sinusuportahan ko naman siya sa kanyang mga desisyon.
Kalaunan, nalaman ko kung bakit inalok niya ako ng kasal. Pinipilit kasi siya ng kanyang ama na pakasalan ang isang anak ng kaibigan nito sa negosyo at sinabing makakatulong ito para madagdagan ang kanilang kapangyarihan. Tinanggihan niya ito at sinabing may nagugustuhan na siya, kaya minadali na niya ang proseso na pagpapakasal para makaiwas sa kompromiso. Pero mapilit pa rin ang kanyang ama at kailangan muna niyang kilalanin ang babae bago tumanggi.
Kahit kanino ay puwede niyang ialok ito. Ako ang pinili niya at nakita niyang ako ang pinakamahusay na kandidato.
Linggo noon, pareho kaming nasa bahay. Nagdayoff na ang ilang kasambahay, kaya kami na lamang ang naiwan. Sa inip ko, nag-umpisa na akong maglinis ng silid. Hindi ko kasi ito pinapalinis sa iba. Pagkatapos ay naligo na rin ako. Nagutom ako, kaya lumabas na ako, at naroroon siya sa harap ng pinto ko, naghihintay.
“May kailangan ka ba?” ang tanong ko.
Bigla niyang kinuha ang katawan ko papalapit sa kanya at hinalikan niya ako. May pagnanasa at mainit iyon.
“Ikaw ang kailangan ko” mahinang sinabi niya
Noong una ay tinutulak ko pa siya, pero nanabik din ako. Naisip kong, tutal legal ko naman siyang asawa, kaya bakit ako tatanggi. Naging napakabuti niya sa akin at gusto kong masuklian iyon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko noong oras na iyon. Hinayaan ko siyang gamitin ako sa paraang gusto niya. Pumasok kami sa kuwarto niya. Hinubad na niya ang pang-itaas niya. Tinulungan niya rin akong tanggalin ang mga butas sa suot kong blouse. Marahan niya akong hinahalikan, ninanasa. Naramdaman ko ang mga palad niya sa dibdib ko. Inumpisahan niyang iparamdam ang kanyang pagkalalaki. Inangkin niya ako nang paulit-ulit at ayaw kong tumigil siya.
“Sige pa,” ang sabi ko. Kakaibang sensasyon iyon para sa akin.
Natuwa siya dahil nakita niyang nasisiyahan ako sa ginagawa niya, kaya mas lalo siyang ginanahan.
“I love you,” ang bulong niya sa akin.
Narito ngayon sa harap ko, ang asawa ko. Pinagsaluhan namin ang bawat init at mga halik na sana ay noong pa'ng sa simula.
Mula noon ay naging normal na sa amin na nagkakadikit. Hindi na kami nagkakahiyaan. Narinig ko na rin sa kanya ang paghalakhak kahit sa lugar ng trabaho. Minsan ay nawawala sa isip niya na naiinuman ang baso ko, kaharap ang ibang tao. Naging mas exciting sa amin ang bawat araw, at lalo na sa tuwing magkasama kami. Gusto niyang isigaw sa lahat na ako ang asawa niya. Pero tumanggi ako dahil hindi pa ako handa. Kuntento na muna ako sa setup namin na iyon. Ninanakawan na lamang niya ako ng halik kapag walang nakatingin. Naiinis ako pero, gusto ko iyon. Ayaw kong may makahalata.
Isang umaga, may nag-leak sa opisina na may fiancé o asawa na ang aming CEO. Ang daming comment sa GC or group chat. Naka-curious ang lahat at maraming espekulasyon. Siguro ang asawa niya ay galing din sa mayamang pamilya, anak ng isang pulitiko o baka artista ito.
Natawa na lamang ako sa mga comment nila.
Iniiscreenshot ko ang laman ng gc at ipinapadala sa kanya. Tawa rin siya nang tawa. At kinukumbinsi ako na ia-announce na niya ito. Nakiusap akong huwag niya itong gawin at talagang magagalit ako sa kanya kung kaya’t nangako naman siya at maghihintay kung kailan handa na rin ako.
May dumating na mga bagong kliyente. Hinilingan siyang maging corporate lawyer at mag-represent ng kumpanya nito. May ibang meeting ako noon kaya hindi ko nakita ang mga ito. Pagbalik ko sa opisina, nagkaroon ng bulong-bulungan. Nakita na raw nila ang magiging asawa ng CEO. May isang nagsabi na bata pa ito at mestiza. Tiningnan ko ang sarili ko. Maputi nga ako pero hindi ako ganun ka mestiza. Kaya na-curious ako kung sino ang sinasabi nila. May nagsabi pa na nandito pa ito sa opisina at baka maabutan ko pa, kaya dali-dali akong sumakay ng elevator. Pagpasok ko sa opisina, narinig ko ang isang pamilyar na boses ng babae. Malakas ang tawa nito at kasama ang kanyang mga magulang. Nagulat na lamang ako dahil sa pagkakita ko. Ito ang babaeng sumira ng buhay ko. Hindi ako makapaniwala. Kausap niya ngayon ang asawa kong si Van. Pinipigilan ko ang sarili ko, pero nanghihina ang tuhod ko; halos mapaupo ako sa sahig.
“Oh, Claudia, is that you?” pagtatanong niya.
Nilapitan ako ni Van at itinayo niya ako. Hiniling niyang umalis na ang pamilyang iyon. At nagdahilan na may iba siyang meeting. Binigyan niya ako ng tubig para kumalma. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap niya ako.
“I’m sorry, Claudia,” ang sinabi niya at awang-awa siya sa akin.
“Please, don’t cry, my love,” habang hinahaplos niya ang buhok ko.
Bumalik sa akin ang lahat ng takot at pangamba. Pero tinulungan ako ni Van. Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat at alam niya ang nakaraan ko. Pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako at gagawin ang lahat para protektahan. Ipinangako rin niya sa akin na mananagot ang lahat ng lumapastangan sa akin.
“Pangako, Claudia, gagawin ko ang lahat at ibabalik ko ang mga nawala sa iyo nang ilang ulit.
Yumakap ako kay Van. I felt secure and relieved, dahil ngayon may kakampi na ako sa mga laban ko.
Chapter 58Claudia’s POV“Mr. Former President, ngayong pong lumabas na ang katotohanan, ano po ang masasabi ninyo sa madlang mamamayan na nakatutok sa ₱10 Billion Scam na ito?” tanong ng isang reporter habang nakatutok sa kanya ang halos lahat ng kamera ng media.Tahimik munang tumingin si Van sa mga mamamahayag. Hindi siya nagmamadaling sumagot. Kilala ko ang asawa ko—kapag seryoso ang usapan, bawat salitang bibitawan niya ay pinag-iisipan niyang mabuti.Nang magsalita siya, kalmado ang kanyang tinig ngunit ramdam ang bigat ng bawat salita.“Huwag tayong basta-basta maniwala sa mga nakikita, naririnig, at sinasabi ng mga tao sa ating paligid. Ang ating mga paniniwala ay dapat nakabatay sa katotohanan at sa mga ebidensiyang nakalap. Huwag tayong humatol, dahil hindi pa tapos ang laban. Ang korte ang magdedesisyon kung ang isang tao ay inosente o may sala. Maniwala tayo sa hustisya ng ating bansa. Buhay ang katarungan.”Pagkatapos niyang magsalita ay nagsunod-sunod na naman ang tanong
Chapter 57Claudia’s POVHEADLINE: Former President Van Ruth Amores, Tagapagtanggol Nga Ba ng SCAMMER?“Van, ano ba itong headline tungkol sa iyo?”Halos manginig ang boses ko habang ipinapakita sa kanya ang balitang sunod-sunod nang lumalabas sa telebisyon at social media. Sa loob ng maraming taon, napakalinis ng pangalan ni Van. Bilang dating pangulo at isa sa pinakaginagalang na abogado sa bansa, maingat niyang pinangalagaan ang kanyang reputasyon.Ngunit ngayon, tila isang iglap lang ay nabahiran iyon ng pagdududa.Nag-ugat ang lahat nang mangako si Van sa pamilyang Montecillo na tutulungan nila si Arnold Montecillo sa kaso nito. Si Van mismo ang nagsisilbing pangunahing adviser habang ang kanyang mga apprentice at kasamahan sa law firm ang hahawak sa aktuwal na paglilitis.“Former President Van Ruth Amores, ipinagpalit ba ang prinsipyo kapalit ng bilyones?”“Van Ruth Amores, tagapagtanggol ng pinakamalaking scammer sa bansa?”Isa-isa kong binasa ang mga headline.“Grabe naman sil
Chapter 56Claudia’s POV“Hello Ana, andyan ba si Judge Amores?”“Yes, Ma’am Claudia, may kausap lang pong mga tao ngayon. Mukhang seryoso po sila, Ma’am.”“Ah, ganoon ba? Kilala mo ba kung sino?”“Mga Montecillo po, Ma’am Claudia.”“Oh, sige. Pakisabi na lang sa kanya na tawagan ako agad sa store kapag tapos na siya ha.”“Sige po, Ma’am.”Pagkababa ko ng telepono ay napaisip ako.“Montecillo?”Parang ngayon ko lang narinig ang apelyidong iyon sa opisina ni Van. Karaniwan kasi, ang mga kliyente nila ay tungkol sa mga properties, hatian ng mana, tax disputes, at iba pang usaping pinansyal. Kilala ang pamilya Amores sa pagiging eksperto sa mga komplikadong kaso tungkol sa yaman at ari-arian.Kaya naman nagtaka ako.“Bagong kliyente kaya?”“O may malaking problema?”Hindi ko na masyadong inisip iyon dahil marami rin akong inaasikaso sa store. Ngunit hindi pa man lumilipas ang ilang minuto ay tumawag agad si Van.“Hello, honey.”“Honey, bakit ngayon ka lang sumagot? Kanina pa kita tinataw
Chapter 55Claudia’s POV“Hon, Claudia, kung samahan mo kaya ako sa opisina?”Napalingon ako kay Van na noon ay nakayakap sa akin mula sa likuran habang nag-aalmusal kami sa kusina.“Ay, bakit?” tanong ko habang nakangiti.“Don't you miss working with me?”Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya.Napatawa ako.Minsan talaga, para siyang batang naghahanap ng kakampi.“Sige.”Masyado yatang mabilis ang sagot ko dahil agad siyang napangiti.“Talaga?”“Talaga.”“Teka,” sabi ko habang lumilingon sa kanya. “Bakit nga ba, honey?”Napabuntong-hininga siya bago sumeryoso.“The truth is, magre-retire na si Linda.”Agad kong naunawaan ang ibig niyang sabihin.“Ah.”Tumango ako.“It's about time. Ang tagal na rin ng serbisyo niya sa kumpanya.”Mahigit dalawampung taon nang sekretarya ni Van si Linda. Halos lahat ng mahahalagang yugto ng kompanya ay nasaksihan nito.Siya ang isa sa mga haligi ng organisasyon.“Sino ang ipapalit mo?” tanong ko.“Maraming candidate.”Saglit siyang tumingin sa akin
Chapter 54Claudia’s POVPagkatapos ng funeral at cremation ni Tatay, nagdesisyon na lamang kami ni Van na dalhin ang kanyang abo sa Maynila. Doon namin ito ilalagay sa ipinagawa naming mausoleo, katabi ng kanyang ama. Pakiramdam ko iyon na ang pinakatamang lugar—isang tahanang walang hanggan para sa dalawang lalaking naging haligi ng aming mga pamilya.Tahimik ang buong biyahe namin.Walang gustong magsalita.Parang bawat salita ay may kasamang panibagong sakit na ayaw naming galawin.Nang makarating kami sa mausoleo, magkatabi naming inilapag ang dalawang urn sa harapan namin. Ilang sandali kaming nakatayo roon, walang imik.Napakabigat ng damdamin namin ni Van habang pinagmamasdan ang mga iyon.Dalawang urn.Dalawang ama.Dalawang taong minsang naging pinakamalakas na sandalan sa aming buhay.Naalala ko ang lahat ng sakripisyo ni Tatay para sa amin. Ang kanyang mga payo, ang kanyang mga sermon kapag may nagagawa akong mali, ang kanyang walang sawang pagsuporta sa bawat pangarap ko.
Chapter 53Claudia’s POVLinggo noon at isa sa mga bihirang araw na kumpleto kaming pamilya sa bahay. Punong-puno ng tawanan ang sala habang nagkukuwentuhan kami. Sila Lindsay at Gab ay naglalaro ng Fickle Ball, habang kami naman ay nagkakape at nagkukuwentuhan tungkol sa mga simpleng bagay sa buhay.Matagal ko nang pinapangarap ang mga ganitong sandali.Yung walang iniisip na negosyo.Walang iniisip na problema.Walang kailangang habulin na meeting.Pamilya lang.Tahimik.Masaya.Ngunit minsan, sapat lamang ang isang tawag upang baguhin ang lahat.Tumunog ang cellphone ko.Nakita ko ang pangalan ng Tiyo ko sa screen.Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.Agad ko iyong sinagot.“Hello, Tiyo?”Tahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita.“Claudia...”Parang may mabigat sa kanyang boses.“Ang tatay mo... isinugod namin sa ospital.”Parang huminto ang mundo ko.Nanlamig ang buong katawan ko.“Ano po?”“Inatake na naman siya.”Napahawak ako sa dibdib ko.Pangatlong beses
Chapter 44Claudia's POVLumuwag ang dibdib ko nang tuluyan nang sabihin ni Van na hindi na siya tatakbo sa pagkapangulo.Sa loob ng maraming taon, nakita ko kung paano siya binago ng politika. Hindi siya naging masamang tao, ngunit unti-unti nitong ninakaw ang kanyang oras, katahimikan, at maging
Chapter 43Vanruth’s POVMula nang isilang ni Claudia ang aming anak na si Gabriel, tila nagbago ang buong pananaw ko sa buhay.Dati, nagtatrabaho ako para sa mga pangarap ko.Ngayon, nagtatrabaho ako para sa kinabukasan ng anak ko.Tuwing gigising ako sa umaga at makikita ang kanyang munting mukha
Chapter 34Vanruth’s POVMasaya kaming nag-almusal noon ni Claudia sa bahay. Nang tumawag si Don Alejandro Álvaro.“Yes, Don Alejandro," sagot ko.“Pupunta ako sa Amores, lets meet there.”sabi ni Don AlejandroHindi ako makatanggi. Napakalaki ng utang na loob ko kay Don Alejandro. Marami siyang
Chapter 32Claudia's POV“Ano yan honey?“tanong ko“Sino ang mga Alvaro?” dagdag kong tanong.. “Mga pamilyang abogado sila. 20 years ago, if I'm not mistaken, nag-migrate sila sa Amerika. Mayaman at maimpluwensiya ang kanilang pamilya. Tinatawag silang Kingmaker sa bansa natin,” kuwento nito.“A







