ログインChapter3
Claudia Diaz POV
Dumating si Mr. Amores sa kanyang opisina. Kasunod niya ang 6 na executive. Tumayo ako nang tuwid at taas noong bumati sa kanya.
Huminto siya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Walang ekspresyon ang mukha niya habang ginagawa iyon. Pagkatapos ay pumasok na. Halos natataranta ang mga executives sa presensiya niya.
Sinenyasan lang ako ni Ms. Linda para pumasok din ako sa loob ng opisina nito.
Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nila—mga terminong ngayon ko lang narinig. Kaya lagi akong nakakagat sa labi ko. Nagsusulat na lang ako na mga narinig ko. May mga tinatanong siyang detalye at mabuti na lamang ay nandito si Ms. Linda para sumagot nito. Nakinig na lang muna ako nang maigi, gaya ng tip ni Ms. Linda.
Bigla siyang nagsalita, at nagtatanong, “What to do with those who abuse their power?
Walang sumasagot. Sa pagtataka , inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. Ako pala ang tinatanong niya, kaya sa pagkapahiya, mabilis ko na lang nasabing “Tinatanggal po.”
Natawa siya sa sinabi ko. Pero tumahimik siya at nagsimulang magsalita nang napakaseryoso.
“Hindi basta-basta tayo nagtatanggal; laging may proseso dahil puwede kang balikan nito.”
Sumang-ayon naman ang mga taong nandudoon. Hiyang-hiya ako sa sinabi ko. Inisip kong nagkamali ako. Simpleng tao lamang ako, kaya nakapagsalita ng ganoon, pangangatwiran ko.
Nakakapanindig-balahibo si Mr. Amores. Nakahinga na lamang ako nang natapos na ang meeting with the executives.
Umupo na ako sa table na nadidismaya sa sarili.
Dumaan siya sa harap ko at ibinagsak ang librong “Surrounded by Idiots”
At pagkatapos ay umalis na.
“Grabe siya sa akin, idiot daw ako?” Pero okay lang iyon; mas nakaka-challenge ito.
Lumipas ang mga buwan na nakasunod ako kay Mr. Amores. Halos nakakasabay na ako sa kanya, sa tingin ko. Ipinasa na rin ni Ms. Linda ang ilang major commitment nito at ako na ang nag-asikaso. Totoong istrikto si Mr. Amores, pero marami kang matutuhan sa kanya. Makatuwiran din siya: kapag may sakit ka, ay hindi ka naman niya pipiliting magtrabaho.
Isang gabi, nagkaroon ng major problem sa isang account na hinahawakan nila. Kaya napilitan kaming mag-overtime. Masipag si Mr. Van Amores, kaya nakakahiyang magtatamad-tamad ka. Pinauwi na nito si Ms. Linda dahil sa edad nito. Kaya wala siyang choice kundi ako.
Habang pinagmamasdan ko siya, di ko maiwasang humanga. Napakakisig niya, maganda ang mukha niya at mukhang ang bango-bango palagi. Nagpapantasya na yata ako sa kanya, kaya ginising ko na lamang ang sarili ko. Nagtama ang tingin namin, kaya bigla na lamang niya akong inutusan na hanapin ang isang file. Noong nakita ko ito, lumapit na ako sa kanya, at inabot ko ito. Nagbibigay siya ng mga input niya. Pinapakinggan kong mabuti ang bawat detalye. Pagkatapos ay sinimulan ko nang gawin iyon. Mag-alas-11pm na pala nang tingnan ko ang relo ko. Pinipigilan ko ang antok ko, pero di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Namalayan ko na lang na may coat na sa balikat ko at wala na siya. Nagbilin na lamang siya sa security na samahan ako at ihatid sa bahay. May mga naka-standby na driver sa company.
“Ang sweet naman niya.”pagpapantasya ko.
Mag-alas-2pm na noon, siguro makakatulog pa ako ng kahit 3 oras lang.
Kinaumagahan, nagmamadali na akong pumasok, kahit late na akong nakauwi. Hindi pa rin valid iyon para mahuli. Pero pagdating ko sa opisina. Nauna pa rin siya sa akin. Tinawag niya ako at tiningnan ang ginawa ko. Nakuntento naman na siya, kaya't pinaupo na niya ako.
May dumating na delivery ng Café Americano, isa pang additional na Latte at Apple Juice at 1 sandwich. Dinala ko ito sa kanya at kinuha niya ang café americano at sinenyasan niya ako na kunin ko ang latte, apple juice at sandwich.
“Thank you Sir” ang saya naman sa isip isip ko
“Ms. Diaz, naayos mo na ba ang reservation mamayang lunch?
“Opo, Sir,”tugon ko
Kaya lang, biglang umalis si Mr. Amores at pinaka-cancel ng last minute ang appointment namin sa isang major client. Tinanong niya ako kung kaya ko daw na ako na lamang ang makipag-usap dito. Sumang-ayon naman ako, dahil alam ko na ang mga gusto at mga ayaw niya.
Ok naman at natapos ko ang lunch meeting. Gumawa na ako ng summary at mga kontrata na puwedeng niyang tingnan pagpasok niya kinabukasan. Naisip kong bumalik na lamang ako sa office para ayusin ito.
Pagkatapos ko sa mga ito, tumungo na ako sa loob ng opisina niya, nagulat ako at naroroon siya
“Ay, Sir, sorry po, andito pala kayo.” sabi ko na takot na takot.
Ang dilim dilim sa office nya, pero hindi ko mabuksan ang ilaw dahil baka ikagalit niya.
“Ms. Diaz, maupo ka,” utos niya.
Bigla kong nagisip, “May nagawa ba akong mali?”
May inabot siyang papel sa akin, isang marriage license, at nakalagay ang pangalan ko, Claudia Diaz, kaya biglang nanlaki ang mata ko tapos ang spouse, Vanruth Amores.
“Sir, ano po ito? Tanong ko
“After signing that, magiging marriage contract na iyan bukas.”
“Ha?” Pagtataka ko.
“Bakit? Kasal ka na ba? pagtatanong niya
“Hindi po, pero…” tugon ko.
Sa isip ko: “Oo, akala ko noon kasal na ako kay Miguel Montefalco, pero sinabi ng bruhang si Senyora Ingrid na peke pala ang kasal-kasalan namin noon.”
“Here’s my proposal: Be my wife. And you will get some of my estate and my whole protection. Hindi kita gagalawin kung ayaw mo, pero titira ka sa bahay ko,” paglalatag nito.
“May mga conditions ka ba? Tanong niya sa akin.
Hindi po madaling magpakasal, Sir. Hindi po ninyo ako lubos na kilala at ganoon din kayo sa akin. Maaaring sa trabaho ay kilala ninyo ako pero…
“I have my reason, Claudia, and besides, we have all the time in the world para makilala mo ako, what you see is what you get,” ang sabi nito.
Chapter 58Claudia’s POV“Mr. Former President, ngayong pong lumabas na ang katotohanan, ano po ang masasabi ninyo sa madlang mamamayan na nakatutok sa ₱10 Billion Scam na ito?” tanong ng isang reporter habang nakatutok sa kanya ang halos lahat ng kamera ng media.Tahimik munang tumingin si Van sa mga mamamahayag. Hindi siya nagmamadaling sumagot. Kilala ko ang asawa ko—kapag seryoso ang usapan, bawat salitang bibitawan niya ay pinag-iisipan niyang mabuti.Nang magsalita siya, kalmado ang kanyang tinig ngunit ramdam ang bigat ng bawat salita.“Huwag tayong basta-basta maniwala sa mga nakikita, naririnig, at sinasabi ng mga tao sa ating paligid. Ang ating mga paniniwala ay dapat nakabatay sa katotohanan at sa mga ebidensiyang nakalap. Huwag tayong humatol, dahil hindi pa tapos ang laban. Ang korte ang magdedesisyon kung ang isang tao ay inosente o may sala. Maniwala tayo sa hustisya ng ating bansa. Buhay ang katarungan.”Pagkatapos niyang magsalita ay nagsunod-sunod na naman ang tanong
Chapter 57Claudia’s POVHEADLINE: Former President Van Ruth Amores, Tagapagtanggol Nga Ba ng SCAMMER?“Van, ano ba itong headline tungkol sa iyo?”Halos manginig ang boses ko habang ipinapakita sa kanya ang balitang sunod-sunod nang lumalabas sa telebisyon at social media. Sa loob ng maraming taon, napakalinis ng pangalan ni Van. Bilang dating pangulo at isa sa pinakaginagalang na abogado sa bansa, maingat niyang pinangalagaan ang kanyang reputasyon.Ngunit ngayon, tila isang iglap lang ay nabahiran iyon ng pagdududa.Nag-ugat ang lahat nang mangako si Van sa pamilyang Montecillo na tutulungan nila si Arnold Montecillo sa kaso nito. Si Van mismo ang nagsisilbing pangunahing adviser habang ang kanyang mga apprentice at kasamahan sa law firm ang hahawak sa aktuwal na paglilitis.“Former President Van Ruth Amores, ipinagpalit ba ang prinsipyo kapalit ng bilyones?”“Van Ruth Amores, tagapagtanggol ng pinakamalaking scammer sa bansa?”Isa-isa kong binasa ang mga headline.“Grabe naman sil
Chapter 56Claudia’s POV“Hello Ana, andyan ba si Judge Amores?”“Yes, Ma’am Claudia, may kausap lang pong mga tao ngayon. Mukhang seryoso po sila, Ma’am.”“Ah, ganoon ba? Kilala mo ba kung sino?”“Mga Montecillo po, Ma’am Claudia.”“Oh, sige. Pakisabi na lang sa kanya na tawagan ako agad sa store kapag tapos na siya ha.”“Sige po, Ma’am.”Pagkababa ko ng telepono ay napaisip ako.“Montecillo?”Parang ngayon ko lang narinig ang apelyidong iyon sa opisina ni Van. Karaniwan kasi, ang mga kliyente nila ay tungkol sa mga properties, hatian ng mana, tax disputes, at iba pang usaping pinansyal. Kilala ang pamilya Amores sa pagiging eksperto sa mga komplikadong kaso tungkol sa yaman at ari-arian.Kaya naman nagtaka ako.“Bagong kliyente kaya?”“O may malaking problema?”Hindi ko na masyadong inisip iyon dahil marami rin akong inaasikaso sa store. Ngunit hindi pa man lumilipas ang ilang minuto ay tumawag agad si Van.“Hello, honey.”“Honey, bakit ngayon ka lang sumagot? Kanina pa kita tinataw
Chapter 55Claudia’s POV“Hon, Claudia, kung samahan mo kaya ako sa opisina?”Napalingon ako kay Van na noon ay nakayakap sa akin mula sa likuran habang nag-aalmusal kami sa kusina.“Ay, bakit?” tanong ko habang nakangiti.“Don't you miss working with me?”Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya.Napatawa ako.Minsan talaga, para siyang batang naghahanap ng kakampi.“Sige.”Masyado yatang mabilis ang sagot ko dahil agad siyang napangiti.“Talaga?”“Talaga.”“Teka,” sabi ko habang lumilingon sa kanya. “Bakit nga ba, honey?”Napabuntong-hininga siya bago sumeryoso.“The truth is, magre-retire na si Linda.”Agad kong naunawaan ang ibig niyang sabihin.“Ah.”Tumango ako.“It's about time. Ang tagal na rin ng serbisyo niya sa kumpanya.”Mahigit dalawampung taon nang sekretarya ni Van si Linda. Halos lahat ng mahahalagang yugto ng kompanya ay nasaksihan nito.Siya ang isa sa mga haligi ng organisasyon.“Sino ang ipapalit mo?” tanong ko.“Maraming candidate.”Saglit siyang tumingin sa akin
Chapter 54Claudia’s POVPagkatapos ng funeral at cremation ni Tatay, nagdesisyon na lamang kami ni Van na dalhin ang kanyang abo sa Maynila. Doon namin ito ilalagay sa ipinagawa naming mausoleo, katabi ng kanyang ama. Pakiramdam ko iyon na ang pinakatamang lugar—isang tahanang walang hanggan para sa dalawang lalaking naging haligi ng aming mga pamilya.Tahimik ang buong biyahe namin.Walang gustong magsalita.Parang bawat salita ay may kasamang panibagong sakit na ayaw naming galawin.Nang makarating kami sa mausoleo, magkatabi naming inilapag ang dalawang urn sa harapan namin. Ilang sandali kaming nakatayo roon, walang imik.Napakabigat ng damdamin namin ni Van habang pinagmamasdan ang mga iyon.Dalawang urn.Dalawang ama.Dalawang taong minsang naging pinakamalakas na sandalan sa aming buhay.Naalala ko ang lahat ng sakripisyo ni Tatay para sa amin. Ang kanyang mga payo, ang kanyang mga sermon kapag may nagagawa akong mali, ang kanyang walang sawang pagsuporta sa bawat pangarap ko.
Chapter 53Claudia’s POVLinggo noon at isa sa mga bihirang araw na kumpleto kaming pamilya sa bahay. Punong-puno ng tawanan ang sala habang nagkukuwentuhan kami. Sila Lindsay at Gab ay naglalaro ng Fickle Ball, habang kami naman ay nagkakape at nagkukuwentuhan tungkol sa mga simpleng bagay sa buhay.Matagal ko nang pinapangarap ang mga ganitong sandali.Yung walang iniisip na negosyo.Walang iniisip na problema.Walang kailangang habulin na meeting.Pamilya lang.Tahimik.Masaya.Ngunit minsan, sapat lamang ang isang tawag upang baguhin ang lahat.Tumunog ang cellphone ko.Nakita ko ang pangalan ng Tiyo ko sa screen.Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.Agad ko iyong sinagot.“Hello, Tiyo?”Tahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita.“Claudia...”Parang may mabigat sa kanyang boses.“Ang tatay mo... isinugod namin sa ospital.”Parang huminto ang mundo ko.Nanlamig ang buong katawan ko.“Ano po?”“Inatake na naman siya.”Napahawak ako sa dibdib ko.Pangatlong beses
Chapter 15Claudia's POV“Van! Van,” mahinang tinatawag ang pangalan niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Natatakot na ako. Narinig ko na pumunta agad sa presinto sina Roselle at mga magulang niya, pero hindi sila hinayaang makausap ako. Wala daw puwedeng makadalaw dahil tapos na ang
Chapter 13Claudia’s POV“Something happened?” tanong sa akin ni Van“Wala naman.” nakangiting sagot ko.Nakapag-shower na siya. Kaya nahiga na rin siya sa tabi ko.Napahalakhak lang siya sa sagot ko. Sa tingin ko, alam na niya ang nangyari.“Nakakairita ang babaeng yun, kung maliitin niya ako ay
Chapter 11Claudia’s POVNagpunta ako sa hospital para dalawin si Tatay. Hinatid na lamang ako ni Van. Dahil may pupuntahan pa siyang meeting sa labas ng opisina. May pinaiwan siyang apat na bodyguard na mas marami kaysa sa karaniwang nagbabantay sa akin. Ang sabi niya, ito ay para sa aking seg
Chapter 10Vanruth's POVIsinayos kong mailagay si Tatay Edmundo sa isang napakalaking hospital. Gusto kong manumbalik ang dati niyang lakas. Alam kong mapapanatag na si Claudia kapag nangyari iyon. Ipinasya ko ring palipatin na ang pamilya ni Roselle sa isang condo na pagmamay-ari ko. Para







