Se connecter
Chapter 1
Claudia Diaz POV
Hinahabol ko ang hininga ko. Pagod na pagod na ako. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang bigat ng dalawang malalaking plastic bag na bitbit ko.
Tirik na tirik ang araw dito sa Divisoria, pero mas matindi ang init na nagmumula sa semento at sa dikit-dikit na katawan ng mga taong naghahanap din ng mura. Maliliit na hakbang lamang ang nagagawa ko para makapunta sa patutunguhan. Wala namang ibang magawa dahil gusto rin nilang mabuhay, kaya naisip kong konting tiis pa.
Nakakainis, biglang bumuhos ang ulan. Sa isang iglap, ang kalsada ay nagiging putikan, napakabaho na rin ang amoy nito. Ramdam ko ang mga talsik ng maduming tubig sa pantalon ko, pero wala akong pakialam. Mas masangsang pa ang amoy ng kanal dito kaysa sa sarili kong pawis.
Napapapikit ako. Bakit ako nandito?
Limang taon na ang nakalipas... "Happy Anniversary, Miguel," bulong ko sa sarili ko habang maingat na binubuksan ang pinto ng CEO’s Office. May dala akong paborito niyang pagkain, tamang-tama at mainit pa ito. Siguradong magugustuhan niya ito.
Gusto ko siyang isurpresa dahil nitong mga nakaraang buwan, ramdam ko ang panlalamig niya. Akala ko, dahil lang sa stress sa kumpanya ng mga Montefalco. Akala ko, kailangan lang niya ng suporta ko. Pero tumitigil ang mundo ko sa naririnig ko. Mula sa bahagyang nakabukas na pinto, umaabot sa pandinig ko ang malalakas na halinghing. Hindi lang 'yun basta tunog ng pagod—tunog 'yun ng pagnanasa. Maririnig mong sarap na sarap ang isang babae. Dahan-dahan kong itinutulak ang pinto. Ang bawat sentimetro ng pag-awang nito ay parang kutsilyong sumasaksak sa dibdib ko. At doon, sa mismong mesa kung saan kami madalas mag-usap tungkol sa aming pangarap, nakikita ko ang asawa ko. Nakaibabaw siya sa isang babaeng hindi ko kilala. Ang mga kamay ni Miguel—ang mga kamay na humahaplos sa akin kagabi lang—ay mahigpit na nakakapit sa baywang ng babae. "Miguel..." halos walang boses na tawag ko. Humihinto siya. Lumingon siya sa akin, pawis na pawis at gulo-gulo ang buhok. Pero sa halip na takot at hiya sa kataksilan niya, iritasyon ang nakikita ko sa mga mata niya. "Anong ginagawa mo rito, Claudia? Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na may meeting ako? Bakit ka andito?" malamig na tanong niya, habang ang babae ay dahan-dahang nag-aayos ng damit na parang wala lang. "Miguel. anniversary natin..." Ang boses ko ay nanginginig na. Ang dala kong pagkain ay nahuhulog sa sahig. Pero para sa kanya, ako ay walang halaga at pang-abala lamang.
"Sino siya, Miguel? Bakit? Ano ang ibig sabihin nito?”
Tumatawa ang babae. Isang mapait at mapang-asar na tawa.
"Poor Claudia. Did you think na sapat na ang pagiging 'mabuting asawa' para manatili sa iyo si Miguel? You’re a bore. You can't even satisfy a man. Hindi ka nababagay sa mundo namin." pangiinsulto pa nito.
"Umuwi ka na, Claudia. Mag-usap tayo mamaya." utos ni Miguel.
Hindi niya man lang ako nilalapitan para patahanin at sabihing nagkamali siya.
Tumalikod ako at tumatakbo papalabas ng opisina. Nasusuka ako at nandidiri. Ang bawat halik niya sa akin, ang bawat "I love you" niya, lahat 'yun ay kasinungalingan, Naghihinagpis ako.
Pagdating ko sa mansyon, hindi pa ako nakakaakyat sa kuwarto nang harangin ako ni Senyora Ingrid. Nakapamewang siya, ang kilay ay nakataas sa akin. "Saan ka pupunta? Mag-iimpake?" tanong niya. May hawak siyang mga dokumento at ibinato sa akin. Kumalat iyon sa sahig. Wala akong naiintindihan sa mga tinutukoy niya." Hindi ka na makakatungtong sa aming pamamahay.
Masama kang babae, isa kang linta. Simula ngayong araw, wala ka nang puwang sa pamilyang ito. Magnanakaw ka, Claudia. Nilimas mo ang pondo ng kumpanya."
"Ano? Wala akong kinalaman diyan! Hindi totoo iyan," sigaw ko, pero bago pa ako makalapit at makalaban, dalawang armadong lalaki ang humahawak sa mga braso ko. "Kaladkarin niyo siya sa bodega!" utos ni Senyora.
Sinusubukan kong manlaban, pero isang malakas na sampal ang nagpapatigil sa akin. Dumidilim ang paningin ko. Ang huling nakikita ko ay ang malamig na mukha ni Miguel na nakatayo sa pinto, pinapanood niya lang kung paano ako hamakin at itapon na parang basura.
“I can make it all go away Claudia.” habang bumubulong sa tenga ko ang hayop na si Senyora Ingrid.
Gusto niyang umalis ako sa aming bayan sa Luisiana, iwan ang lahat at huwag ng bumalik pa.
“Kapag hindi mo ito ginawa, ipapakulong kita at pati ang pamilya ko ay idadamay ko. Lahat kayo! Pare-pareho kayong mabubulok sa kulungan. Marami akong ebidensiya laban sa iyo. Claudia.” ang sinabi ni Senyora Ingrid.
Wala akong nagawa. Wala akong ibang opsiyon kundi ang tumakas. Magang-maga pa ang mukha ko dulot ng paulit-ulit na pambubugbog nila sa akin. Dala-dala ko ang isang maleta na in-empake nila. Nagbigay ng kaunting awa si Miguel para linisin ang kanyang kaunting konsiyensang natitira. Nagsilid siya ng kaunting halaga sa bulsa ng damit na suot-suot ko, para makaalis na ako sa harap niya. Hindi ko na tiningnan iyon, kahit hinang-hina pa. Binuhat ko ang mga paa ko at nagsimulang maglakad papalayo sa mansiyon. Nilingon ko ang tahanang minsan naging bahagi ng buhay ko. Baon-baon ko ang napakalaking galit sa puso ko. Nangangatal ako at tahimik na nagbanta sa isip ko.
“May araw din kayong lahat.”
“ Isinusumpa ko mula sa araw na ito, darating ang panahon na luluhod at iiyak ng dugo at magmamakaawa kayo sa akin.”
“At ikaw Miguel, ipaparanas ko ang pait at pagdurusa, na mas gugustuhin mo pang mamatay na lang.”
Natuyo na ang luha sa mga mata ko, dahil sa kakaiyak naubos na ito.
Sumakay na ako sa bus. Walang tiyak na patutunguhan. Basta malayo sa pamilyang Montefalco na nagdusta sa buo kong pagkatao.
Chapter 38Claudia’s POVPapalapit na ang resulta ng eleksyon.Buong bansa ay tila sabay-sabay na huminto ang paghinga habang naghihintay kung sino ang magiging susunod na presidente.Lahat ng telebisyon ay nakatutok sa live counting.Lahat ng social media ay naglalabasan ang samu’t saring prediksyon.At sa loob ng mansyon ng mga Amores…Halos walang marinig kundi ang mahinang tunog ng telebisyon at kabog ng mga dibdib namin.Kahit si Don Leon Amores—na halos hindi na makapagsalita dahil sa kanyang kondisyon—ay makikitang seryosong nakatutok sa malaking screen.Nagdesisyon kasi si Vanruth na iuwi muna ang kanyang ama sa mansyon upang mas mabantayan namin ito habang nagpapagaling. At kahit gaano pa kaabala ang kampanya noon, tiniyak naming may oras kaming mag-alaga kay Don Leon.Ngayon…Narito kaming lahat sa living room. Naghihintay at umaasaMahigpit na magkahawak ang mga kamay namin ni Vanruth habang nakaupo sa gitna ng sala.Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.
Chapter 37Claudia’s POVMadalas na laman ng headline si Vanruth sa lahat ng diyaryo, radyo, telebisyon, at kahit sa social media. Halos araw-araw ay may panibagong balita tungkol sa kanya—may inauguration ng proyekto, may scholarship program, may pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo, at kung anu-ano pang dahilan, kaya lalo siyang minahal ng mga tao.Sa totoo lang, nakakaproud talaga siyang panoorin.Kapag nakikita ko siyang nagsasalita sa harap ng maraming tao, ibang klase ang dating niya. Hindi iyong tipong pilit lang maging mabait para sa camera. Ramdam mo na sincere siya. Kaya siguro kahit gaano karaming intriga ang ibato sa kanya, mas marami pa ring naniniwala.Minsan habang nanonood kami ng balita sa sala, napailing na lang ako nang marinig ko ang reporter.“Tinaguriang People’s President si Vanruth Alejandro matapos niyang personal na puntahan ang mga magsasakang naapektuhan ng tagtuyot…”Napangiti ako habang umiinom ng kape.“People’s President ka na pala,” natatawa kong sabi.
Chapter 36Claudia's POVHabang naghahapunan kaming mag-asawa sa isang eksklusibong restaurant sa gitna ng siyudad, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Van.Suot niya ang simpleng itim na polo, ngunit kahit ganoon ay hindi maitago ang natural niyang karisma. Para bang kahit saan siya dalhin ay kusa siyang napapansin ng mga tao. Tahimik lamang siyang kumakain habang paminsan-minsan ay sinusubuan ako ng steak na hiniwa niya para sa akin.“Taste this, honey. Masarap,” nakangiti niyang sabi habang inilalapit ang tinidor sa labi ko.Napatawa ako.“Para naman akong bata.” sabi ko sa kanya“Hayaan mo na. Favorite hobby ko na alagaan ka,” pabiro niyang sagot, dahilan para lalo akong kiligin.Pero hindi pa man kami nakakalahati sa dinner namin ay may lumapit na isang lalaki sa mesa namin.“Excuse me, sir… kayo po si Vanruth Amores, right? Maaari po bang magpa-picture?”Napansin kong bahagyang natigilan si Van ngunit agad din siyang ngumiti.“Sure,” magalang niyang sagot.Tumay
Chapter 35Van Ruth Amores POV“Mr. Alejandro Alvaro, totoo po bang may napili na kayong susuportahan para maging susunod na pinuno ng bansa?” tanong ng isang reporter habang halos mag-unahan ang mga mikropono na inilapit kay Don Alejandro." tanong ng isang kilalangreporterNakatayo si Don Alejandro sa harap ng napakaraming media personnel. Nakaayos ang kaniyang mamahaling amerikana at bakas sa mukha niya ang seryosong ekspresyon. Isa siya sa mga pinakamaiimpluwensiyang negosyante sa bansa, kaya bawat salita niya ay sinusundan ng publiko.Ngumiti siya nang bahagya bago nagsalita.“Oh yes,” kalmado niyang sagot. “Matagal ko nang nakita ang taong makapag-aahon sa bansa natin. Isang lider na may tunay na malasakit sa mamamayan. Taong magbibigay ng patas na hustisya, magtatanggol sa karapatan ng kababaihan, at magpapaunlad sa ekonomiya.” tugon ni Don AlejandroSaglit siyang tumingin sa paligid bago muling nagsalita.“I’ve been watching this person all my life. Nakita ko kung gaano siya k
Chapter 34Vanruth’s POVMasaya kaming nag-almusal noon ni Claudia sa bahay. Nang tumawag si Don Alejandro Álvaro.“Yes, Don Alejandro," sagot ko.“Pupunta ako sa Amores, lets meet there.”sabi ni Don AlejandroHindi ako makatanggi. Napakalaki ng utang na loob ko kay Don Alejandro. Marami siyang naituro sa akin na hanggang ngayon ay ginagamit ko sa pamamahala ng law firm at pagnenegosyo.Nagmamadali akong pumunta sa opisina. Naroroon na sila pagdating ko.“I’m impressed with how you run things here,” sabi pa niya sa akin.“I think mas lumaki ngayon ang mga revenues ng Amores compared to Don Leon’s management.”sabi pa niya.“You know what, Van, I think you can run an office sa government, a president of the country perhaps.” sinabi pa niya."That's a lot of responsibility, a whole nation?” tanong ko.“Yes, why not, with your character, I know na mananalo ka.” Pangungumbinsi pa niya.“Pag-isipan mo, when you are ready. Tawagan mo ako,” sabi ni Don Alejandro. “Nakakatukso ang offer
Chapter 33Vanruth’s POVNang hiniling na ni Beatriz kay Claudia na isayaw ako, pumayag naman siya. “Your wife is so kind,”sabi ni Beatriz“Yes, she is amazing!”sabi ko.“How are you, Van? Are you happy with your life?”tanong ni Bea sa akin“Yes, I am” sabi ko “At least isa sa atin ay naging masaya.”Natigilan ako at hindi agad nakasagot sa sinabi ni Beatriz.Ang totoo, naging malapit kaming magkaibigan ni Beatriz noon. Magaan ang loob ko sa kanya dahil napakabait niya. Marami kaming pinagsamahan. Mga kasong naipanalo namin at naipatalo sa korte. Masasabi kong minsan sa buhay ko ay minahal ko si Beatriz nang higit pa sa kaibigan at ganoon din siya sa akin. Pero dahil sa mga kasunduan ay nagkahiwalay din kami kalaunan. Itinakda ang kanyang kasal sa iba. Bata pa ako noon, kaya wala akong nagawa para mapigilan siya. Naalala ko pa noong sinabi niyang sasama siya sa akin kahit saan.Hinintay ko siya, pero hindi siya dumating sa aming tagpuan. Kaya naintindihan ko na hindi niya p







