Share

Just a Bride, Not a Wife
Just a Bride, Not a Wife
Author: Spinel Jewel

Kabanata 1- The Betrayal

Pasado alas kwatro na ng hapon nang makalabas si Valerie sa bangkong kanyang pinapasukan.  Nagtatrabaho siya bilang teller sa Banco de Oro, Quezon City branch sa loob na ng tatlong taon. At ngayon kailangan niyang magmadali upang makarating kaagad sa condo ng kanyang nobyong si Ivan. Plano kasi niyang sorpresahin ito sa kanyang kaarawan at isang dinner date ang kanyang napagplanuhang gawin. Umorder siya kaninang umaga ng mga bulaklak, romantic candles at birthday cake sa Annabelle's Cookies and Pastries at nagpaluto na rin siya ng mga paboritong pagkain ng kanyang nobyo. Kaya kailangan niyang makarating agad sa condo dahil idedeliver ang mga iyon ng alas sais ng gabi.

Sumakay kaagad siya ng taxi ngunit naabutan siya ng matinding traffic sa daan kaya lampas alas singko na nang makarating siya sa condo unit ni Ivan. Nasa ikalawang palapag iyon kaya kailangan muna niyang sumakay ng elevator. Medyo kinakabahan siya sa kanyang plinanong sorpresa kasi first time niya itong gagawin. Umaasa na lamang siya na ma- appreciate ito ng kanyang boyfriend at mapasaya niya ito kahit papano.

Pagdating niya sa mismong pintuan ng condo, hindi na siya nag door bell pa dahil tiyak niyang wala pa ito. Kadalasan, alas syete na ng gabi ito nakakauwi mula sa pinapasukan nitong ospital. Isang doktor ang kanyang nobyo sa St. Luke Medical Center kaya laging abala ito lalo na kapag maraming pasyente na inaasikaso. 

Alam naman niya ang passcode ng condo unit ng lalaki nu'ng dinala siya rito isang linggo na ang nakakaraan at iyon din ang panahong naisuko niya ang kanyang sarili dito. Dahil sa labis na pagmamahal ni Valerie sa kanyang nobyo, buong puso niyang ipinagkaloob ang kanyang pagkababae kahit nais niyang sa araw pa ng kasal iyon mangyayari.  Mapilit din naman kasi ang nobyo niya kaya hindi na siya nakapagpigil pa at tuluyan na niyang naisuko ang kanyang pagkabirhen.

Si Ivan ang unang lalaking minahal niya at isinumpa niyang ito na rin ang magiging huli. Mahal na mahal niya ito at nangako siya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya mag-aasawa kung hindi rin lang ito ang makakasama niya. Mahal din naman siya ni Ivan pero kahit minsan ay hindi siya inalok nito ng kasal. Kaya naisip niyang baka hindi pa handa and lalaki kaya maghihintay na lamang siya kung kailan ito magpo-propose. At sa isip niya, siguro nga'y nagbabakasali din ito na alukin siya ng kasal dahil alam nitong may mga kapatid pa siyang pinapag-aral sa probinsya.

Twenty five years old si Valerie at tatlong taon lang ang tanda ni Ivan sa kanya. Kaya kung tutuusin maari na silang lumagay sa tahimik dahil pareho na silang nasa tamang edad na. Apat na taon na rin ang kanilang relasyon at wala naman silang naging problema dito. Mabait at maasikaso naman ang nobyo niya kaya mas lalo itong napamahal sa kanya. Lagi siya nitong sinosorpresa tuwing may special na okasyon kagaya ng birthdays, monthsaries and anniversaries. Kaya ngayong kaarawan nito, siya naman ang magbibigay ng sorpresa.

Pagkatapos niyang mapindot ang passcode ng pintuan, pinihit niya ang doorknob at saka siya pumasok. Inilagay niya ang kanyang bag sa sala at kinuha doon ang pink na blouse na dala niya. Pumasok siya ng banyo upang magpalit ng kanyang uniform. Saglit na inayos ang sarili at naglagay pa ng konting pabango saka ito lumabas. Pagkatapos ay kinuha niya ang puting table cloth na bagong bili niya sa mall kahapon at inilagay ito sa mesa. Habang patuloy siya sa pag-aayos, bigla siyang natigilan nang makarinig siya ng lagaslas ng tubig. Huminto siya saglit sa kanyang ginagawa upang mapakinggan niya ito ng maayos. Lagaslas nga ng tubig ang kanyang naririnig at parang nanggagaling sa banyo ni Ivan. Dalawa ang CR ng condo, ang isa ay malapit sa kusina at ang isa naman ay nasa loob ng kwarto ng kanyang nobyo. Naisip niya baka nakalimutan nitong isara ang shower kaninang umaga. Kaya tinungo niya ang silid nito at dahan-dahang pinihit ang siradura ng pinto at saka siya pumasok. Ngunit, nagulat siya nang makita ang mga nakakalat sa sahig; isang pares ng sandal, damit at undies ng babae.

Biglang kinabahan si Valerie at napuno ng agam-agam ang kanyang puso. Pumasok siya sa loob ng silid at muling pinakinggan ang lagaslas ng tubig sa banyo. Maya’t maya’y nakarinig siya ng halinghing ng isang babae.

“Ivan…aaahhhh!”…

Palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil hindi siya maaring magkamali ng pandinig, sinasambit ng babae ang pangalan ng kanyang nobyo. Bahagya niyang itinulak ang pintuan ng banyo, dahil hindi naman iyon naka lock. At nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakikita. Ang boyfriend niya ay may kasamang babae sa loob, parehong hubo’t hubad na nakahiga sa sahig habang pinagsasaluhan ang libog ng kanilang katawan. Si Ivan ay nakapatong sa ibabaw ng babae habang patuloy ito sa pagbayo. At ang babae naman ay patuloy din sa paghalinghing sa bawat pagtaas-at pagbaba ng katawan ng lalaki.

“Ivan…cge paaah..”

Hindi na niya kaya pang saksihan ang eksenang iyon. Tigmak na ng luha ang kanyang mga mata at halos hindi na siya makahinga. Pinahid niya ng kanyang mga kamay ang mga luhang malayang dumadaloy sa kanyang mga pisngi at mabilis na inihakbang ang kanyang mga paa papalabas sa silid na iyon. At sa sobrang pagmamadali niya nasagi niya ang lampshade sa bedside table ni Ivan kaya ito nahulog at nakalikha ng malaking ingay. Wala na siyang panahon pa para pulutin iyon dahil ang tanging nasa isip lamang niya ay makaalis na sa condo ng lalaki.

Walang patid ang pag-agos ng kanyang mga luha at nababalot ng sobrang kalungkutan ang puso niya. Matapos niyang kunin ang kanyang bag ay mabilis na tinungo niya ang pintuan at akmang bubuksan na sana niya ito nang mahawakan siya ni Ivan.

“Val, please let me explain”.

Hindi niya akalain na lumabas ito ng banyo para sundan siya. Nakatapis lamang ng tuwalya ang lalaki at basang-basa pa ang buo nitong katawan. 

“Bitawan mo ko Ivan! Walang hiya ka!!!”, isang malakas na hiyaw ang kanyang pinakawalan kasabay ang pagbuhos ng matinding emosyon na kanina pa niya pinipigilan.

“Val..patawa---“, hindi na naipagpatuloy ni Ivan ang kanyang sasabihin dahil isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya.

“Ayaw na kitang makita pa Ivan!”, muling sambit niya saka ito tuluyang umalis ng condo.

Nasalubong niya sa may pintuan ang delivery boy na bitbit ang mga inorder niya ngunit para saan pa ang mga iyon?

"Ma'am, nandito na po ang order niyo", wika nu'ng lalaki.

Hindi na nagawa pa ni Valerie ang sumagot dahil parang kinakapos na siya ng hininga. Pakiramdam niya parang unti-unti siyang pinapatay sa sakit na kanyang nararamdaman. Kung sana'y bumuka na lang ang lupa at lamunin siya para matapos na ang matinding bangungot na ito sa buhay niya.

Naglalakad siya ng hindi niya alam kung saan pupunta. Pumara siya ng taxi ngunit hindi niya sinabi sa drayber kung saan siya bababa. Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha at hindi niya alam kung kailan matutuyo ang mga mata niya.

“Saan po tayo ma’am?”, tanong ng drayber. Siguro nga’y nagtataka ito bakit hindi man lang niya sinabi kung saan ang punta niya.

“Ma’am saan po tayo?”, muling tanong ng drayber.

“Okay lang po ba kayo?”, dagdag pa nito na halatang nag-alala dahil sa kanyang walang tigil na paghikbi. Buti nga’y hindi siya napunta sa walang hiyang drayber, kung hindi baka may masamang nangyari na sa kanya. Kahit hindi pa naman dis-oras ng gabi dahil alas syete pa lang, ngunit wala namang pinipiling oras ang mga taong halang ang kaluluwa. Uso pa naman ngayon sa ka Maynilaan ang rape at brutal na pagpatay.

“Ma’am may problema po ba tayo?”.

Saglit na natauhan si Valerie. Kanina pa pala nagtatanong ang drayber sa kanya.

“Okay lang po ako manong. Ibaba niyo na lang po ako sa Restobar”, mahinahong sagot niya.

Kailangan niyang magpakalasing upang makalimutan saglit ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi niya lubos na maisip paanong nagawa ni Ivan ang bagay na iyon. Paano nitong nagawa na lokohin siya? Nasayang ang lahat ng plano niyang sorpresa dahil siya pala ang higit na nasorpresa. Masakit tanggapin ang katotohanan na niloko siya at sinaktan ng lalaking kaisa-isa niyang minahal sa buong buhay niya. Parang sinakluban siya ng buong mundo. Sobrang sakit…parang apoy na tumutupok sa bawat himaymay ng kanyang kaluluwa. Sa isip niya ng mga sandaling iyon, sana mamatay na lang siya upang hindi na niya maramdaman pa ang sakit ng kalooban. Kahit pilit niyang iwaksi sa isipan ang eksenang kanyang naabutan ngunit patuloy itong nagsusumiksik sa kanyang utak.

Sa isang iglap lang, nasira ang kanyang binuong pangarap. Pangarap ng isang masayang pamilya kasama ang lalaki. Ngayon ang tanging nararamdaman niya ay poot at panghihinayang. Sinayang niya ang kanyang panahon sa isang walang kwentang tao. Nagkamali siya nang ibigay niya ang buong pagtitiwala niya sa taong inaakala niyang totooong nagmamahal sa kanya.

“Ma’am nandito na po tayo”, wika ng drayber.

Inabot ni Valerie ang bayad at pagkatapos bumaba na siya ng taxi. Halos hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa dahil sumasabay din ito sa bigat na kanyang nararamdaman. Ngunit pinilit niyang makarating sa loob ng restobar dahil umaasa siyang dito niya saglit na makakalimutan ang kasawian niya sa pag-ibig.

Hanggang sa makapasok na  siya ng bar at mabilis na nakahanap ng table. Umorder siya ng dalawang boteng beer, at nang dumating ang order niya’y agad niya itong tinungga. Inubos lahat ng laman ng dalawang bote at dahil hindi sanay uminom ay nalasing na siya kaagad. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo at bumibigat na ang kanyang mga talukap. Ngunit parang gusto niyang umihi kaya naglalakad siyang pasuray-suray habang naghahanap ng CR. Buti na lang at natunton niya kaagad ang ladies' room. At dahil hindi niya kabisado ang kanyang dinaraanan dala na rin ng kalasingan, bigla siyang nabangga sa isang matipunong dibdib, at eksaktong iyon din ang pagbaligtad ng kanyang sikmura kaya du'n niya naisuka ang lahat ng mga nainom niya.

"What the hell---", pabulyaw na wika ng lalaking kanyang nakabangga.

"You have to pay for this, clumsy woman!" muli nitong sigaw.

"Hoy, huwag mo akong inglishin ha...Ka-sha-la-nan mo iyan dahil paharang harang ka sha daanan ko", pabalang na sagot niya na halatang hindi na maayos ang pagssasalita dahil sa kalasingan.

Bahagyang tumingin siya sa mukha ng lalaki ngunit hindi malinaw sa kanya iyon.

"At ikaw kung shi-no ka man, pare-pareho kayong lahat. Mga wala kayong kwenta!!!", malakas na sigaw niya at pagkatapos noon ay hindi na niya alam ang sumunod na nangyari. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status