Biglang nagising si Valerie dahil nakakaramdam siya ng pananakit ng kanyang ulo at para siyang mahihilo. Nararamdaman niya na parang nasa ibang silid siya at nakahiga sa isang kama. Natitiyak niyang hindi ito ang apartment na kanyang inuupahan at mas lalong hindi ito ang kama niya. Iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid. Nasa ibang silid nga siya at kung kanino ito, hindi niya alam. Malaki at napakalawak ng kwarto, halos kasing laki ito ng kanyang inuupahang apartment. At iniisip niya, kung ganito na kalaki ang kwarto, ano na kaya ang buong bahay. Siguro nga ay nasa loob siya ng isang mansyon.
Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili at sinikap na maalala ang nangyari kagabi sa restobar. Ang huli niyang naalala ay nu'ng mabangga siya sa dibdib ng isang lalaki at nasukahan niya ang damit nito. Pagkatapos nu'n ay tuluyan na siyang nakalimot. At nang matanto niyang iba ang damit na suot niya ngayon, ay bigla siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib. Nakapajama at nakasweatshirt lang siya at wala naman sa tabi niya ang mga damit na isinuot niya kahapon. Wala namang masakit sa katawan niya kaya natitiyak niyang hindi siya na rape.
Maya't maya'y bumukas ang pinto at pumasok ang isang may edad na babae na sa tingin niya'y nasa mga 50's na. Nakangiti itong lumapit sa kanya at may dala itong isang paper bag.
"Magandang umaga po ma'am. Narito na po ang mga damit niyo. Bagong laba at plantsa na po ito. At saka ma'am pinapatanong ni sir kung okay na po kayo", sabi nu'ng babae.
"Ah eh, ok na po ako---", Natigilan siya dahil hindi niya alam kung ano ang itatawag niya sa babaeng kausap.
"Ako si Martha. Tawagin niyo nalang po akong 'manang'. Ito ang tawag nila sa akin dito. Ako kasi ang pinakamatanda sa bahay na ito", nakangiting sagot nito.
"Ah, ok na po ako manang. Pero matanong ko lang po, kanino pong bahay ito?"
"Nasa bahay po kayo ni sir Lester Montefalcon, ma'am".
"Siguro po ma'am first time niyo po makapunta dito sa bahay ni sir Lester. Hindi kasi nagdadala ng babae si sir. Kayo pa lang po ang dinala niya rito", wika ng katulong na parang may ibig itong sabihin.
"Ahm, ako po si Valerie. Pwede pong Val na lang po manang. At hwag niyo lang din po akong po-po in kasi bata pa po ako", nakangiting wika niya. Ngumiti din si Aling Martha pero sinabi nito na hindi niya maaring tawagin sa pangalan lang ang girlfriend ng kanyang amo.
Nabigla siya sa kanyang narinig. Girlfriend? Paano siya naging girlfriend ng isang Lester, ni hindi nga niya ito kilala?
"Maari na po kayong maligo ma'am. Kanina pa po nakahanda ang banyo at naroon na rin ang lahat ng mga kakailanganin niyo. Pagkatapos niyo po ma'am, maari na po kayong lumabas dahil naghihintay na po si sir Lester sa mesa. At saka ma'am may bago po palang damit na kasama sa mga itinupi ko at may undies din po.", nakangiting sabi ni Aling Martha.
"Salamat po manang", buong galang na sagot niya.
Tumango lang ang ginang, pagkatapos lumabas na ito ng kwarto at maingat na isinara ang pinto.
Tumayo siya at bahagyang nag-unat ng mga braso pagkatapos ay pumasok na siya ng banyo. Napakaganda ng bathroom at napakalinis pa. May hot and cold shower at may bath tub sa loob at kumpleto rin ito sa lahat ng mga gamit pampaligo. Sa isip niya napakayaman pala ng Lester na ito. Kinuha niya ang toothbrush na nakalagay sa wall mounted na bathroom shelf at nagsimulang magsipilyo.
Binuksan niya ang hot shower at nagsimulang maligo. Tumingin ulit siya sa kanyang wristwatch. Napakabilis nga ng oras, dahil nagising siya pasado alas syete at ngayon malapit na ring mag-aalas otso kaya kailangan na niyang magmadali at baka ma-late siya sa trabaho. Medyo masakit pa nga ang ulo niya ngunit kailangan niyang pumasok dahil hindi naman siya sanay umabsent.
Habang patuloy siya sa pagsabon sa buo niyang katawan, biglang sumagi sa isipan niya ang panloloko ni Ivan sa kanya. Hanggang ngayon ay sobrang masakit pa rin sa puso niya ang ginawa ng kanyang dating nobyo. 'Dati'... dahil bahagi na lang ito ng kanyang nakaraan, na ayaw na sana niyang maalala pa ngunit ayaw ding mag cooperate ng kanyang utak. Patuloy pa ring sumisiksik sa kanyang isipan ang napakasakit na tagpo na iyon. Unti-unti na namang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Tumigil siya saglit sa pagsabon sa kanyang buong katawan at itiningala saglit ang ulo niya para mapigilan ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ayaw na niyang maalala pa si Ivan. Kailangan na niyang mag move-on. Sapat na ang isang gabing nagpakalasing siya dahil dito, at hinding-hindi na ito mauulit pa. Ayaw niyang sirain ang kanyang buhay dahil sa isang walang kwentang lalaking katulad nito. Marami pa siyang mga pangarap sa kanyang pamilya sa probinsya. Pinapag-aral pa niya ang isa niyang kapatid sa kolehiyo at ang isa sa highschool. May sakit ang kanyang ama kaya hindi na makapagsaka sa bukid. Ang ina naman niya ay kaunti lang ang kinikita sa paglalabada at hindi sapat para sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Buti na lamang at nakapasa siya noon ng scholarship sa UP Diliman kaya nakapag-aral siya ng kolehiyo. Kaya sinikap niya na makapagtrabaho kaagad pagkatapos ng pag-aaral. At dahil maganda naman ang school records niya natanggap agad siya bilang teller sa Banco de Oro. Hindi nga naman kalakihan ang sweldo pero kahit papano'y makatulong na rin sa kanyang pamilya.
Iisipin na lang niya ngayon ay ang kanyang pamilya at hindi na siya kailanman magpakatanga pa sa pag-ibig. Sapat na ang minsang nagmahal siya at nasaktan. Hinding-hindi na ito mauulit pa kahit tumandang dalaga pa siya. Sa isip niya, pare-pareho lang ang lahat ng mga lalaki. Magaling lang sa umpisa pero pag nakuha na ang gusto ay saka na rin lumabas ang totoong kulay.
Nang matapos na siyang maligo ay itinapis niya ang tuwalya sa kanyang katawan habang ang face towel naman ay pinampupunas niya sa kanyang basang buhok at pagkatapos ay lumabas na siya ng banyo. At nang biglang bumukas ang pinto. Akala niya'y bumalik si Aling Martha ngunit natigilan siya dahil isang gwapong lalaki ang bumungad sa kanyang paningin. Maayos ang pangangatawan nito at halatang palagi ito sa pagwo-workout. Nakasuot ito ng kulay blue na long sleeve at itinupi lang ito hanggang siko. Halatang bihis na bihis na ang lalaki at parang handa na itong pumasok sa trabaho o kung ano mang pinagkakaabalahan nito.
"Hoy, bakit hindi ka man lang kumatok?", naiinis na sambit niya.
"Ba't ang tagal mo? Nanlalamig na iyong pagkain sa kakaantay sa iyo. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko", naiirita ding tugon ng lalaki. Natitiyak ni Valerie na ito nga ang Lester na sinasabi ni Aling Martha na amo niya, dahil halata naman sa kutis at pananamit nito.
"At bakit hindi ka kumain? Dala-dala ko ba ang kaldero?"
"What a fucking shit! Bilisan mo ang pagbibihis dyan. Ang kupad mo!" pagalit na wika ng lalaki.
"O sya, umalis ka na at nang makapagbihis na ako", aniya.
"Eh di magbihis ka, ang arte mo. Nakita ko naman yan kagabi pa", usal ng lalaki at pagkatapos ngumisi ito ng nakakaloko.
Biglang siyang nagulat sa kanyang narinig. Ang ibig sabihin pala kung ganun, ang lalaking ito ang nagpalit ng damit niya. Sinugod niya ito at pinaghampas-hampas ng face towel.
"Pervert!", sigaw niya dito.
"Hoy Miss, I'm not a pervert ha. And for your information hindi ako interesado sa iyo. Hindi kita type. Kaya h'wag kang assuming!!!"
Mas lalo siyang nanggagalaiti sa galit dahil unang-una nasasaling ang pride niya. Aba maganda yata siya at may ipinagmamalaki naman siyang seksing katawan.
"At saka, may atraso ka sa akin Miss. And you'll have to pay for it", sabi nu'ng lalaki saka pabagsak na isinara ang pinto.
"Ang rude niya ha", wika niya sa sarili. Bigla nyang naalala nakatapis lang pala siya ng tuwalya at nalalantad ang mga hita niya.
Ngunit saglit na napaisip siya kung ano kaya ang atraso niya sa Lester na 'yon at kailangan niyang magbayad.
Tiningnan niya ang mga nakatuping damit na inihatid ni Aling Martha. Buti na lang at wash day ngayon kaya pwedeng hindi siya magsusuot ng uniporme. Isang kulay pink na 3/4 blouse ang napili niya at pinaresan na lang niya ng itim na slacks na sinuot niya kahapon. Pagkatapos niyang suklayin ang kanyang buhok ay lumabas kaagad siya ng kwarto. Nakita niya si Aling Martha na nakaabang pala sa kanya sa labas at sinamahan siya nito papunta sa kusina. Nasa ikalawang palapag pala sila at kailangan pa nilang dumaan sa hagdan papunta sa unang palapag. Mas lalo siyang namangha sa laki at ganda ng bahay, lalo na nu'ng makarating sila sa first floor. Maayos ang disenyo ng buong bahay at puro mamahalin ang mga kagamitan.
"Cge ma'am tumuloy na po kayo, naghihintay na po si sir Lester sa mesa. Dito lang po ako ma'am at baka may ipag-uutos pa si sir", sabi ni Aling Martha.
Tumuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa hapag-kainan. At hindi nga siya nagkamali dahil ang lalaking pumunta sa kwarto kanina ay siyang may-ari nitong napakalaking bahay. Si Lester Montefalcon.
"Umupo ka dyan at nang makakain na tayo", pabagsak na utos ng lalaki. Wala man lang itong sense of gentleness. Nasa isip niya, ganito pala siguro ang mga mayayaman nawawalan na ng GMRC sa sarili.
Tahimik lang na kumakain ang lalaki ni hindi man lang ito tumitingin sa kanya.
"Oh, ba't hindi ka pa kumakain dyan. Bilisan mo at ihahatid pa kita sa bangkong pinagtatrabahuan mo!"
Natigilan siya at iniisip niya baka nagkamali lang siya ng pandinig. Ihahatid daw siya ng lalaking kaharap niya sa bangkong kanyang pinapasukan. At bakit naman? Tanong niya sa kanyang sarili. At paanong nalaman nito na sa bangko siya nagtatrabaho. Siguro nga'y hinalungkat nito ang pitaka sa bag niya nu'ng nawalan siya ng malay, at nakita doon ang I.D. niya. Gago talaga itong tao na ito. Usal niya sa kanyang sarili.
"What the hell are you murmuring about? I said, kumain ka na.", pabagsak ang tono ng boses ng lalaki.
Agad namang siyang tumalima at baka mahuli siya sa trabaho. Alas nwebe magbubukas ang Banco de Oro, kaya dapat 8:30 pa lang nasa loob na siya ng bangko. Pagkatapos niyang kumain, tumayo siya at sinamahan naman siya ni Aling Martha sa sala. Saglit na nag-ayos siya sa kanyang sarili sa harap ng malaking salamin, at naglagay ng lip tint at konting pulbo sa kanyang pisngi. Pagkatapos ay sinuklay niya ulit ang kanyang buhok at hinayaan lang niyang makalugay iyon, kasi basa pa naman.
Hindi niya alam na nakamasid lang sa kanya si Lester Montefalcon na para bang pinag-aaralan ang bawat kilos niya.
"Ano bang atraso ko sa iyo Mister?", tanong ni Valerie nang makasakay na siya ng kotse. "Hindi mo naalala Miss Suka Girl?" naiinis na sagot ng lalaki sa kanya. Nagkaroon ng kaunting katamihikan. Ayaw magsalita ang isa man sa kanila. Sa isip ni Valerie ano kaya ang nagiging atraso niya sa Lester na ito at tinawag pa siyang 'Suka Girl". Saglit siyang nag-isip. At nang... "Oh my God!", bulalas niya. Naalala na niya. Ito pala 'yong lalaking nakabangga niya kagabi at nasukahan niya! "O ano, Miss Suka Girl, naalala mo na ba?" "Kasalanan mo iyon hoy, Mister Bakulaw kasi di ka tumingin kagabi sa dinaanan mo. Kita mo yatang pasuray-suray ako. Eh di ikaw na lang sana ang umiwas", mabilis at sarkastikong tugon niya. Dahil sa sobrang pagkainis tinapakan bigla ni Lester ang brake ng kanyang kotse at kung hindi pa siya nakapag seatbelt malamang, tatama ang ulo niya sa salamin ng sasakyan. "Hoy, bakulaw magpapakamatay ka ba? o baka gusto mong patayin ako?", inis na bulyaw niya dito. Galit na
Malapit ng mag-aalas singko ng hapon kaya nagpaalam si Valerie sa kaibigan niyang si Faye na mauna na lang muna siyang lumabas ng bangko dahil may dadaanan pa siya. Hindi na rin nagtanong pa ang kanyang kaibigan kung saan ang lakad niya. Ngunit ang totooong dahilan kung bakit gusto na niyang lumabas ng bangko ay dahil naalala niya ang sinabi ni Lester na susunduin siya nito. Ayaw na niya itong makita pa dahil kapag nakakaharap niya ito'y palagi na lang kumukulo ang dugo niya. Nagmamadali siyang naglakad papunta sa sakayan ng LRT, dahil ayaw na niyang sumakay ng taxi para makatipid ng pamasahe. Nang biglang humarang ang itim na kotse sa harap niya kaya tuloyn natakot siya at abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib. Maya't maya ay ibinaba ang salamin ng sasakyan at tumambad sa paningin niya ang lalaking kani-kanina lang ay tinawag niyang 'Mister Bakulaw'. Kunot-noo itong tumingin sa kanya na tila nagagalit na naman. "Iniiwasan mo yata ako Miss Suka Girl", naiinis na wika nito. "Now, h
"Salamat naman at dumating ka na mars. Nag-alala na ako sa iyo. Hindi mo naman kasi sinasagot ang mga text at tawag ko. Akala ko napaano ka na. Kanina ka pa umalis ng bangko ah. Ba't ngayon ka lang?", tanong ni Faye sa kanya nang makarating na siya sa apartment na kanyang tinutuluyan. "O ba't ganyan ang mukha mo mars? Ano naman ang problema ba't nakasimangot ka? Nagkita ba kayo ni Ivan?", sunud-sunod na tanong nito. Hindi pa nga siya nakabihis ay inuulan na siya ng maraming mga tanong. Hanggang sa makapasok siya sa kanyang silid at nakasunod pa rin ito sa kanya. Umupo ito sa kama habang naghihintay ng kanyang sasabihin. Tinitingnan lang siya nito habang nagbibihis. Nasanay naman kasi silang dalawa ng ganu'n at wala silang pakialam kahit nalalantad ang kanilang mga katawan dahil pareho naman silang babae. Matapos siyang makapagbihis, umupo siya sa tabi ng kanyang kaibigan. "Kumain ka na ba? Nauna na akong kumain kasi nagutom na ako kanina. Tagal mo kasi eh", wika ni Faye. "Mars,
Nakasanayan na ni Valerie ang gumising ng maaga kapag may may pasok sa trabaho. Kahit hindi pa nga siya magpa-alarm, kusa na lang siyang nagigising kapag alas singko na. Bahagya siyang nag-unat ng mga bisig bago siya tumayo. Ngunit bigla na namang sumagi sa isipan niya si Ivan, ayaw yata siyang tantanan ng walang hiyang lalaki na iyon at kahit wala na sila ay patuloy pa ring ginugulo nito ang isipan niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tingnan kung may nagtext sa kanya. Marami ngang nagpa-pop-up na mga text messages at nang malaman niyang nanggagaling kay Ivan ang mga iyon, ay binura niya kaagad. May mga missed calls pa nga ito sa kanya pero dahil naka silent mode ang cellphone niya, hindi na niya ito narinig kagabi. Iniskrol muna niya saglit ang cellphone niya hanggang sa napunta siya sa kanyang gallery. Nand'un pa pala ang mga pictures ng manloloko niyang nobyo. Mga kuha iyon noong huli silang magkasama. Habang tiningnan niya ang mga iyon, muli na naman siyang nagiging emo
Araw ng sabado at walang pasok sa trabaho nang pumunta si Valerie sa opisina ng abogado ni Lester. Kumakabog ang puso niya nang makarating na siya sa loob ng building at kasalukuyang hinahanap ang opisina ni Attorney Leandro Alcantara. Hindi niya maiwasang nerbyusin dahil ngayon ang araw na itatali niya ang kanyang sarili sa isang kasunduan kay Lester Montefalcon, ang lalaking hindi niya masyadong kilala at ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang magkrus ang kanilang landas. Oo nga't alam niya ang buong pangalan nito pati na rin ang estado nito sa buhay ngunit ,maliban dito'y wala na siyang nalalaman pa. Matapos nilang mag-usap kahapon ng lalaki ay sinabi nito sa kanya na ngayon siya pipirma ng kontrata. At ngayong nandito na siya, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba sa kanyang puso. Pero kailangan niyang magiging matatag alang-alang sa kanyang amang maysakit. Nakatanggap siya ng tawag kahapon mula sa kanyang ina na lumalala na ang sakit ng kanyang ama kaya kinakailangan na nito
"Wow mars, you look so gorgeous! Nababagay talaga sa iyo yang damit na suot mo! Para ka ng si Cinderella sa makabagong panahon!", bulalas ni Faye nang lumabas siya mula sa dressing room ng beauty salon na kanilang pinuntahan. Dito kasi siya pinapunta ni Lester para sa kanyang makeover. Kaibigan nito ang isa sa mga makeup artist dito lalo na itong baklang si Georgia. Hindi naman malayo ang salon mula sa kanilang apartment kaya nilakad lang nila ito ni Faye kanina. Hindi komportable si Valerie sa kanyang suot na maxi dress. Bagama't paborito niya ang kulay maroon, pero hindi niya type ang style at disenyo. Fitted off-shoulder kasi ito at may slit pa sa gilid, nakikita tuloy ang hita niya kapag naglalakad siya. Sa dinami-dami ba naman ng damit na sinubukan niyang i-fit in kahapon sa mall, ay ito pa ang napili ni Lester. "Hindi ko type 'tong damit na 'to mars, kung alam mo lang", nakasimangot na wika niya kay Faye habang nakaupo siya sa harap ng malaking salamin para sa kanyang makeover
Pagkaraan ng isa't kalahating oras ay nakarating na rin sila sa Montefalcon Ancestral House sa Batangas kung saan dito gaganapin ang salo-salo sa kaarawan ng lola ni Lester. Nang makarating na sila sa tapat ng bahay, namangha si Valerie sa laki nito. Gawa ito sa dalawang palapag at mga matitibay na mga kahoy at bato ang pangunahing ginamit sa pagpapatayo nito. Maliwanag ang buong paligid ng bahay dahil sa mga nag-iilawang mga lamp post. Nakita niya na medyo marami-rami na rin ang nakaparadang sasakyan sa labas kaya natitiyak niyang marami ng tao sa loob. "Nandito na tayo", wika ni Lester at nagtanggal ito ng seatbelt. Nagtanggal na rin siya ng kanyang seatbelt at akmang bubuksan na sana niya ang pintuan nang pigilin ng lalaki ang kamay niya. "Pinapaalala ko sa iyo ang trabaho mo Miss Valerie", wika nito at saka ito bumaba para pagbuksan siya ng pintuan. Iniabot ni Lester ang kamay niya para alalayan siya sa pagbaba. Sa isip niya, nagsimula ng gampanan ni Lester ang kanyang papel kaya
Alam ni Valerie na hindi siya gusto ng mommy ni Lester. Halata naman kasi sa mga kilos nito. Matalim ang tingin sa kanya ni Madam Elena nu'ng ipinakilala siya ng lalaki bilang fiancée. At kahit na nu'ng pormal na inanunsyo ng binata ang kanilang pagpapakasal, ay tahimik lamang na nakaupo ang mommy nito at nakasimangot itong tumingin sa kanya kasabay ng pag-arko ng isang kilay nito. Napakaistrikta nitong tingnan at sa tingin niya, matapobre nga ito kaya alam niyang may naghihintay na napakalaking gulo sa pagpasok niya sa buhay ni Lester Montefalcon. Ngunit nandito na siya, hindi na siya pwedeng umurong pa lalo na't nakapirma na siya ng kontrata at naihulog na rin sa kanyang bank account ang limang milyong piso bilang paunang bayad. Bukas ay ipapadala na niya ang isang milyon sa kanyang ina sa probinsya para maipagamot kaagad ang kanyang ama. Of course, hindi niya sasabihin na pumasok siya sa isang kasunduan kaya nagkaroon siya ng ganoon kalaking halaga. Sasabihin lang niya sa nanay niya