Share

Kabanata 95-Excitement

Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.

Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila.

"Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto.

"Yes babe, malapit na!"

"Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye.

"Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto.

"Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap.

"Ang alin mars?"

"Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email.

"Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status