"Ano bang atraso ko sa iyo Mister?", tanong ni Valerie nang makasakay na siya ng kotse.
"Hindi mo naalala Miss Suka Girl?" naiinis na sagot ng lalaki sa kanya.
Nagkaroon ng kaunting katamihikan. Ayaw magsalita ang isa man sa kanila. Sa isip ni Valerie ano kaya ang nagiging atraso niya sa Lester na ito at tinawag pa siyang 'Suka Girl".
Saglit siyang nag-isip. At nang...
"Oh my God!", bulalas niya. Naalala na niya. Ito pala 'yong lalaking nakabangga niya kagabi at nasukahan niya!
"O ano, Miss Suka Girl, naalala mo na ba?"
"Kasalanan mo iyon hoy, Mister Bakulaw kasi di ka tumingin kagabi sa dinaanan mo. Kita mo yatang pasuray-suray ako. Eh di ikaw na lang sana ang umiwas", mabilis at sarkastikong tugon niya.
Dahil sa sobrang pagkainis tinapakan bigla ni Lester ang brake ng kanyang kotse at kung hindi pa siya nakapag seatbelt malamang, tatama ang ulo niya sa salamin ng sasakyan.
"Hoy, bakulaw magpapakamatay ka ba? o baka gusto mong patayin ako?", inis na bulyaw niya dito.
Galit na tumingin ang lalaki sa kanya at parang nanlilisik ang mga mata nito sa sobrang galit. Bigla tuloy siyang kinabahan. Para itong mabangis na leon na nakahanda siyang silain ano mang oras.
"At ako pa ngayon ang may kasalanan? Pinatulog na nga kita sa bahay ko at pinakain, tapos sa akin mo pa sinisisi ang nangyari sa akin kagabi. Painom-inom ka di mo naman pala kaya!", galit na wika ng lalaki.
"At bakit, sinabi ko bang patulugin at pakainin mo ako sa bahay mo?"
Hindi niya alam kung bakit bigla din siyang na high blood sa sinabi ng lalaki sa kanya. Hindi naman ganito ang ugali niya. Hindi siya mahilig makikipagtalo at hindi rin siya masungit pero hindi niya maisip bakit konti lang ang pasensiya niya sa lalaking kausap niya ngayon.
"What a fucking shit!!!", galit na bulyaw ni Lester sa kanya.
"Iba ka rin Miss Suka Girl ano? Instead na magiging thankful ka, eh ikaw pa ngayon ang galit? Wow! Ibang klase ka", dagdag na sabi nito na ang mukha'y hindi na maipinta sa sobrang galit. Kulang na nga lang at sasapakin siya nito. Kaya tuloy nagdududa siya kung totoo nga bang lalaki itong kausap niya o may pagka bakla ito. Ayaw na niyang makipagtalo dito kaya bababa na lang siya kaysa makipag-away pa sa bakulaw na ito na katabi niya. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng kotse nang pigilin ni Lester ang kamay niya.
"What the hell are you planning to do?", muling bulyaw nito sa kanya. Pagkatapos ay pinaandar nito ang kotse at seryosong nagmamaneho.
Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Saglit na nag-isip si Valerie. Bakit nga ba siya nagagalit? Kung tutuusin naman talaga, siya ang may kasalanan dahil uminom siya kahit hindi naman sanay, kaya tuloy nalasing siya at nakapagbigay ng perwisyo nitong mayamang may-ari ng kotse na sinasakyan niya. Ang nais lang naman niya ay makalimutan saglit ang sakit na naramdaman niya at hindi naman niya inaakalang may taong madadamay sa kasawian niya. Hindi nga niya tinawagan ang kaibigan niyang si Faye dahil gusto lang niyang mapag-isa. Pero ano ngayon itong nangyayari at may biglang naagrabyado dahil sa kanyang kalasingan kagabi?
"Uhm, Mister---", alanganing wika niya. Hindi niya kasi alam kung anong itatawag niya rito.
"Call me Lester. Hindi ako si Mister Bakulaw, okay?", inis pa ring wika ng lalaki.
"Ah, Lester sorry sa nangyari kagabi. Bigla na lang kasing sumama ang pakiramdam ko eh".
"Alam mo Miss Suka Girl, dahil sa kagagawan mo, hindi ako nakapunta sa birthday celebration ng kaibigan ko. Dinumihan mo na nga ang suot ko, binigyan mo pa ako ng malaking perwisyo!", pabulyaw na namang wika ng lalaki.
Sa isip niya, hindi yata marunong makipag-usap ng maayos itong Lester na ito. At wala itong ibang alam na gawin kundi ang sumigaw na akala nito bingi ang kausap niya.
Kahit na gusto niyang makikipagsagutan dito pero nagpipigil na lang siya dahil kasalanan naman talaga niya ang lahat. Ngunit ang salitang naperwisyo niya kagabi itong lalaking katabi niya, ay mukhang masakit yata sa pandinig niya.
"Teka nga Mister Lester, unang-una hindi ako si Miss Suka Girl. Valerie ho ang pangalan ko. Alam kong kasalanan ko kung bakit di ka nakapunta doon sa birthday celebration ng kaibigan mo. Kaya nga ako nag sorry di ba? Pero ang sabihin mong naperwisyo kita, aba hindi naman yata tama iyon", reklamo niya.
"At bakit naman kita naperwisyo aber?"
"Miss Suka Girl, nawalan ka kasi ng malay kagabi at alangan naman pabayaan kita kaya isinakay nalang kita sa kotse ko at dinala sa bahay para makapagpahinga ka. Hindi ko rin naman alam ang address mo, huli na nu'ng makita ko sa I.D mo kung saan ka nakatira. Ngunit habang nakapikit ang mga mata mo ay nagdidileryo ka na parang nasapian ng masamang espiritu, at inaway mo pa ako. Pagkatapos panay ang iyak mo na parang batang, inagawan ng laruan", may halong pagkainis pa rin ang tono ng boses ni Lester.
Hindi siya nakasagot dahil hindi siya makapaniwalang ganoon pala siya ka desperada kagabi. Marahil dala lang iyon ng kalasingan niya at ng kalungkutang naramdaman niya sa kanyang puso. Hindi siya inagawan kundi niloko siya ng lalaking akala niya tunay na nagmamahal sa kanya. At ang mas lalong masakit ay kitang-kita pa sa dalawa niyang mga mata kung paano siya pinagmumukhang tanga ng taong pinagkakatiwalaan niya. Muli na namang nangilid ang kanyang mga luha. Agad niyang ikinurap-kurap ang kanyang mga mata at baka hindi siya makapagpigil at mapahagulgol siya.
"I'm sorry, Mr. Lester", paumanhin niya.
"Kahit na. Hindi ka pa rin bayad sa akin", tugon nito.
Kumunot ng bahagya ang noo niya dahil sa sinabi nitong hindi pa siya bayad. Sa isip niya, magpapabayad ba itong Lester na ito ng pera? Aanhin pa niya iyon gayong ang yaman na ng mokong na ito.
"Ahm, Mister Lester, sino ang nagbihis sa akin kagabi?", sinadya niyang ibahin ang usapan.
"Of course ako! Sino pa nga ba? Nangangamoy ka na kasi kaya kita binihisan", tugon ng lalaki sabay ang pagsilay ng nakakalokong ngiti.
"Ikaw ang nagbihis sa akin? Eh di---", hindi maituloy ni Valerie ang kanyang sasabihin dahil nararamdaman niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Tumingin si Lester sa kanya at humagalpak ito ng tawa. Pagkatapos bigla itong sumeryoso.
"Honestly, hindi ako, kundi si manang Martha"
Parang nabunutan siya ng tinik kasi ang akala niya ito talaga ang nagpalit ng damit niya. Hindi yata niya matanggap na isang lalaking hindi niya kilala ang makakakita ng pinakatago-tago niyang kayamanan.
At nang makarating na sila sa bangkong kanyang pinagtatrabahuan, "Hoy Miss Suka Girl, susunduin kita mamaya may mahalagang pag-uusapan tayo", wika ni Lester, t'saka ito bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan.
"Hoy Mister Bakulaw, di ba sinabi kong may pangalan ako? Ba't ang hirap mong makaintindi?", inis na wika niya sabay inirapan niya ito at saka mabilis na tumalikod.
"Basta susunduin kita mamaya, Miss!"
Nang makapasok na si Valerie sa loob ng bangko, sinalubong kaagad siya ng kanyang kaibigan na si Faye.
"Hoy, mars, kumusta ang birthday surprise mo kay Ivan?" nakangiting tanong nito sa kanya.
Hindi siya sumagot hanggang sa makarating siya sa teller desk. Sumunod naman si Faye sa kanya at patuloy pa rin ito sa pangungulit. Si Faye ay isa ring teller sa Banco de Oro at itinuturing niyang kanyang matalik na kaibigan. Kaklase niya ito nu'ng college at kagaya niya lumaki din ito sa hirap. Taga probinsiya rin ito ngunit malayo lang sa kanila, at lumuwas lang ito ng Maynila nu'ng makapasa ng scholarship sa UP Diliman.
"At bakit iba ang naghatid sa iyo? In fairness, gwapo siya ha!", humahagikgik na sambit ni Faye.
"Mars, shut up! Nasa trabaho tayo", saway niya.
"Mars, may problema ba?",
Mamaya na tayo mag-usap mars, oras na ng trabaho", sagot niya habang binubuksan ang computer na nasa teller desk niya.
Oo nga't nakapokus ang mga mata niya sa computer screen ngunit lumilipad ang kanyang isip. Patuloy na bumabalik sa kanyang isipan ang ginawang pagtataksil ni Ivan sa kanya at hanggang ngayon ay napakasakit pa rin sa puso niya. Muli na namang nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Mars, okay ka lang ba? May problema ba tayo?", tanong ni Faye nang makita nitong namumula ang kanyang mga mata.
Umiling siya at sinabing okay lang siya. Ngunit, nararamdaman niyang naninikip ang kanyang dibdib kaya bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa ladies' room.
Nagtataka naman si Faye kung anong nangyayari sa kaibigan niya kaya nag-excuse muna siya sa kanilang mga kasamahan. Buti nalang at hindi matao ang bangko ngayon at konti lang ang customer sa loob. Marami din naman silang teller, kaya okay lang na aalis muna siya saglit sa teller desk.
Doon sa loob ng ladies' room ibinuhos ni Valerie ang kanyang matinding emosyon. Humahagulgol siya ng iyak dahil sobrang masakit pa rin sa puso niya ang ginawa ng kanyang nobyo. Hindi niya basta-basta makakalimutan ang lahat dahil apat na taon din naman ang kanilang pinagsamahan. Tinanong niya sa kanyang sarili kung anong naging pagkukulang niya at nagawa nitong lokohin siya. Buong akala niya na kapag maibigay na niya ang buong sarili niya rito ay mas lalo siyang mamahalin ng lalaki ngunit hindi ganu'n ang nangyari.
Habang patuloy siya sa pag-iyak, may naririnig siyang kumakatok sa pintuan. Natitiyak niyang si Faye iyon, dahil nakita niya itong nakasunod sa kanya. Alam niyang nag-alala na sa kanya ang kanyang kaibigan ngunit dahil oras pa ng trabaho, ayaw muna niyang magkwento. At least nakapaglabas na siya ng sama ng loob kaya magiging okay na rin siya kahit papano. Muli siyang nagpunas ng kanyang mga luha at pagkatapos ay lumabas na siya ng ladies' room.
"Mars, anong nangyari sa iyo?", mangiyak-ngiyak na wika ni Faye, dahil sa labis na pag-aalala.
"Mars, okay ka lang ba? Kung hindi mo talaga kaya, umabsent ka nalang muna. Magpaalam ka kay Manager na magha-half day leave ka", dagdag na sabi nito.
"Okay lang ako mars, kaya ko 'to. Kakayanin ko".
"Basta okay ka lang ha. Nandito lang ako mars. Makikinig ako sa iyo", wika ng kanyang kaibigan sabay yakap nito sa kanya.
At nang makabalik na sila sa teller desk tinanong siya ng kanilang mga kasamahan kung anong nangyari. Sinabi niyang okay lang siya at walang dapat ipag-alala. Hindi rin naman kasi siya nagkukwento ng mga personal na bagay sa kanyang mga kasamahan maliban na lang kay Faye, dahil bukod sa best friend niya ito, kasama pa niya ito sa apartment na kanyang inuupahan.
Bigla niyang naalala ang kanyang cellphone na inilagay niya sa kanyang bag. Pinatay niya pala ito kagabi nu'ng lumabas siya sa condo ni Ivan. Naisip niya baka may tawag sa kanya o text message ang kanyang ina mula sa probinsya, kaya dali-dali niya itong kinuha at pinindot ang power button. Pagkaraan ng ilang sandali ay marami ng nagpa pop-up na mga text messages. At nang tingnan niya ito ay nanggagaling lahat kay Ivan ngunit agad naman niyang binura dahil wala ng kwenta sa kanya ang lahat ng mga iyon.
Para ano pa?
Malapit ng mag-aalas singko ng hapon kaya nagpaalam si Valerie sa kaibigan niyang si Faye na mauna na lang muna siyang lumabas ng bangko dahil may dadaanan pa siya. Hindi na rin nagtanong pa ang kanyang kaibigan kung saan ang lakad niya. Ngunit ang totooong dahilan kung bakit gusto na niyang lumabas ng bangko ay dahil naalala niya ang sinabi ni Lester na susunduin siya nito. Ayaw na niya itong makita pa dahil kapag nakakaharap niya ito'y palagi na lang kumukulo ang dugo niya. Nagmamadali siyang naglakad papunta sa sakayan ng LRT, dahil ayaw na niyang sumakay ng taxi para makatipid ng pamasahe. Nang biglang humarang ang itim na kotse sa harap niya kaya tuloyn natakot siya at abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib. Maya't maya ay ibinaba ang salamin ng sasakyan at tumambad sa paningin niya ang lalaking kani-kanina lang ay tinawag niyang 'Mister Bakulaw'. Kunot-noo itong tumingin sa kanya na tila nagagalit na naman. "Iniiwasan mo yata ako Miss Suka Girl", naiinis na wika nito. "Now, h
"Salamat naman at dumating ka na mars. Nag-alala na ako sa iyo. Hindi mo naman kasi sinasagot ang mga text at tawag ko. Akala ko napaano ka na. Kanina ka pa umalis ng bangko ah. Ba't ngayon ka lang?", tanong ni Faye sa kanya nang makarating na siya sa apartment na kanyang tinutuluyan. "O ba't ganyan ang mukha mo mars? Ano naman ang problema ba't nakasimangot ka? Nagkita ba kayo ni Ivan?", sunud-sunod na tanong nito. Hindi pa nga siya nakabihis ay inuulan na siya ng maraming mga tanong. Hanggang sa makapasok siya sa kanyang silid at nakasunod pa rin ito sa kanya. Umupo ito sa kama habang naghihintay ng kanyang sasabihin. Tinitingnan lang siya nito habang nagbibihis. Nasanay naman kasi silang dalawa ng ganu'n at wala silang pakialam kahit nalalantad ang kanilang mga katawan dahil pareho naman silang babae. Matapos siyang makapagbihis, umupo siya sa tabi ng kanyang kaibigan. "Kumain ka na ba? Nauna na akong kumain kasi nagutom na ako kanina. Tagal mo kasi eh", wika ni Faye. "Mars,
Nakasanayan na ni Valerie ang gumising ng maaga kapag may may pasok sa trabaho. Kahit hindi pa nga siya magpa-alarm, kusa na lang siyang nagigising kapag alas singko na. Bahagya siyang nag-unat ng mga bisig bago siya tumayo. Ngunit bigla na namang sumagi sa isipan niya si Ivan, ayaw yata siyang tantanan ng walang hiyang lalaki na iyon at kahit wala na sila ay patuloy pa ring ginugulo nito ang isipan niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tingnan kung may nagtext sa kanya. Marami ngang nagpa-pop-up na mga text messages at nang malaman niyang nanggagaling kay Ivan ang mga iyon, ay binura niya kaagad. May mga missed calls pa nga ito sa kanya pero dahil naka silent mode ang cellphone niya, hindi na niya ito narinig kagabi. Iniskrol muna niya saglit ang cellphone niya hanggang sa napunta siya sa kanyang gallery. Nand'un pa pala ang mga pictures ng manloloko niyang nobyo. Mga kuha iyon noong huli silang magkasama. Habang tiningnan niya ang mga iyon, muli na naman siyang nagiging emo
Araw ng sabado at walang pasok sa trabaho nang pumunta si Valerie sa opisina ng abogado ni Lester. Kumakabog ang puso niya nang makarating na siya sa loob ng building at kasalukuyang hinahanap ang opisina ni Attorney Leandro Alcantara. Hindi niya maiwasang nerbyusin dahil ngayon ang araw na itatali niya ang kanyang sarili sa isang kasunduan kay Lester Montefalcon, ang lalaking hindi niya masyadong kilala at ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang magkrus ang kanilang landas. Oo nga't alam niya ang buong pangalan nito pati na rin ang estado nito sa buhay ngunit ,maliban dito'y wala na siyang nalalaman pa. Matapos nilang mag-usap kahapon ng lalaki ay sinabi nito sa kanya na ngayon siya pipirma ng kontrata. At ngayong nandito na siya, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba sa kanyang puso. Pero kailangan niyang magiging matatag alang-alang sa kanyang amang maysakit. Nakatanggap siya ng tawag kahapon mula sa kanyang ina na lumalala na ang sakit ng kanyang ama kaya kinakailangan na nito
"Wow mars, you look so gorgeous! Nababagay talaga sa iyo yang damit na suot mo! Para ka ng si Cinderella sa makabagong panahon!", bulalas ni Faye nang lumabas siya mula sa dressing room ng beauty salon na kanilang pinuntahan. Dito kasi siya pinapunta ni Lester para sa kanyang makeover. Kaibigan nito ang isa sa mga makeup artist dito lalo na itong baklang si Georgia. Hindi naman malayo ang salon mula sa kanilang apartment kaya nilakad lang nila ito ni Faye kanina. Hindi komportable si Valerie sa kanyang suot na maxi dress. Bagama't paborito niya ang kulay maroon, pero hindi niya type ang style at disenyo. Fitted off-shoulder kasi ito at may slit pa sa gilid, nakikita tuloy ang hita niya kapag naglalakad siya. Sa dinami-dami ba naman ng damit na sinubukan niyang i-fit in kahapon sa mall, ay ito pa ang napili ni Lester. "Hindi ko type 'tong damit na 'to mars, kung alam mo lang", nakasimangot na wika niya kay Faye habang nakaupo siya sa harap ng malaking salamin para sa kanyang makeover
Pagkaraan ng isa't kalahating oras ay nakarating na rin sila sa Montefalcon Ancestral House sa Batangas kung saan dito gaganapin ang salo-salo sa kaarawan ng lola ni Lester. Nang makarating na sila sa tapat ng bahay, namangha si Valerie sa laki nito. Gawa ito sa dalawang palapag at mga matitibay na mga kahoy at bato ang pangunahing ginamit sa pagpapatayo nito. Maliwanag ang buong paligid ng bahay dahil sa mga nag-iilawang mga lamp post. Nakita niya na medyo marami-rami na rin ang nakaparadang sasakyan sa labas kaya natitiyak niyang marami ng tao sa loob. "Nandito na tayo", wika ni Lester at nagtanggal ito ng seatbelt. Nagtanggal na rin siya ng kanyang seatbelt at akmang bubuksan na sana niya ang pintuan nang pigilin ng lalaki ang kamay niya. "Pinapaalala ko sa iyo ang trabaho mo Miss Valerie", wika nito at saka ito bumaba para pagbuksan siya ng pintuan. Iniabot ni Lester ang kamay niya para alalayan siya sa pagbaba. Sa isip niya, nagsimula ng gampanan ni Lester ang kanyang papel kaya
Alam ni Valerie na hindi siya gusto ng mommy ni Lester. Halata naman kasi sa mga kilos nito. Matalim ang tingin sa kanya ni Madam Elena nu'ng ipinakilala siya ng lalaki bilang fiancée. At kahit na nu'ng pormal na inanunsyo ng binata ang kanilang pagpapakasal, ay tahimik lamang na nakaupo ang mommy nito at nakasimangot itong tumingin sa kanya kasabay ng pag-arko ng isang kilay nito. Napakaistrikta nitong tingnan at sa tingin niya, matapobre nga ito kaya alam niyang may naghihintay na napakalaking gulo sa pagpasok niya sa buhay ni Lester Montefalcon. Ngunit nandito na siya, hindi na siya pwedeng umurong pa lalo na't nakapirma na siya ng kontrata at naihulog na rin sa kanyang bank account ang limang milyong piso bilang paunang bayad. Bukas ay ipapadala na niya ang isang milyon sa kanyang ina sa probinsya para maipagamot kaagad ang kanyang ama. Of course, hindi niya sasabihin na pumasok siya sa isang kasunduan kaya nagkaroon siya ng ganoon kalaking halaga. Sasabihin lang niya sa nanay niya
Sakay ng kanyang kotse ay umuwi pabalik ng Maynila si Madam Elena matapos itong makipag-usap sa kanyang biyenan. Punung-puno ng galit ang kanyang puso dahil sa balak na pagpapakasal ng kanyang anak na si Lester kay Valerie. Hindi niya maisip kung anong pumasok sa kukuti ng kanyang anak at pumili ng babaeng hindi nila ka level sa estado ng buhay. At hindi siya makakapayag na mapunta lang ang anak niya sa isang ordinaryong teller ng bangko. Kaya kailangan niyang makagawa ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. "Ma'am diretso na po ba tayo sa bahay niyo?", tanong ng kanyang driver na si Mang Sebastian. "Diretso na tayo sa bahay. Gusto ko ng magpahinga dahil sumasakit na ang ulo ko dahil sa desisyon ng magaling kong anak" "Bakit po ma'am, hindi niyo po ba nagugustuhan ang mapapangasawa ni sir Lester? Napakaganda naman po ni ma'am Valerie ma'am at mukhang mabait naman", komento ng driver. "Tumigil ka riyan Sebastian! Hindi ko hiningi ang opinyon mo!!! Hindi nababagay ang Valerie na iyo