Masuk“Anong problema, Leo?” agad na tanong ni Marco habang napansin ang seryosong ekspresyon ng kaharap. “Sir… May isang ale pong naghahanap sa anak niya rito sa Alfonzo Mansion. Ang pangalan po niya ay Rica Ferrer,” sagot ni Leo, ang pangalawang pinagkakatiwalaang tauhan ni Roger. Bahagyang kumunot ang noo ni Marco. “Sige. Ako na ang bahala sa kanya. Ikaw, sundan mo ang Boss. Huwag kang lalayo sa kanya. Posibleng may makalusot sa seguridad natin. Hindi rin natin alam kung pakana lang ito ng ibang Mafia Lord para magkaroon ng pagkakataong makapasok sa Mansion.” “Masusunod po, Sir!” magalang na sagot ni Leo bago agad tumalikod. Samantala, mabilis na sinenyasan ni Marco ang ilan sa mga tauhan. Pinagbigyan niyang makalapit sa kanya ang babae, ngunit nanatiling alerto ang mga armadong guwardiya sa paligid. Paglapit pa lamang ng ale ay agad itong napaluhod sa harap niya. Halos manginig ang buong katawan nito habang nangingilid ang luha sa mga mata. “Sir! Maawa po kayo sa akin!” umiiyak n
“Anong kasalanan ko sa inyo?! Bea, anong ginagawa mo? Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!” sigaw ni Rica habang mariing hawak ni Bea ang buhok niya at pilit siyang hinihila papasok sa loob ng isang abandonadong building. Halos mawalan ng balanse si Rica sa bawat paghila ni Bea. Napapangiwi siya sa sakit, ngunit wala siyang magawa kundi piliting kumawala sa mahigpit nitong pagkakahawak. “I'm sorry, Rica. Wala akong choice kundi isisi sa'yo ang nangyari kay Angela! Ayokong madamay ang pagiging secretary ko sa ALFONZO Trading!” malamig na sagot ni Bea. “Hayop ka, Bea! Ikaw ang nagpasimuno ng lahat! Wala akong ginagawang masama kay Angela para patahimikin mo ako! Dapat ikaw ang manahimik, hindi ako!” galit na sigaw ni Rica habang nagpupumiglas. Hindi natinag si Bea. Sa halip, mariin pa nitong hinawakan ang buhok ni Rica bago ito marahas na itinulak palayo. “Marco! Gawin mo na ang nararapat kay Rica!” utos ni Bea. Agad namang lumabas si Marco mula sa gilid ng building kung saan kanina pa
“Yaya Anita, pinapasabi ni Boss Roger na mauna na raw kayong umuwi kasama ang kambal. Siya na raw po ang bahala kay Madam Angela,” seryosong saad ni Marco habang nakatingin kay Yaya Anita. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng matanda nang marinig ang sinabi nito. Alam niyang hindi basta-basta dadalhin ni Roger sa ospital ang kanyang asawa kung walang seryosong nangyari. “Okay… Let's go, mga baby,” mahinahong aya ni Yaya Anita. “But where is Mommy? Saan dadalhin ni Daddy si Mommy? Maghahanap ba sila ulit ng kambal, Yaya Anita?” sunod-sunod na tanong ni Grace. Halatang nag-aalala ito habang nakatingala sa matanda. Napangiti nang bahagya si Yaya Anita sa sunod-sunod na tanong ng bata. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito bago sumagot. “Haha… No, baby girl. May nangyaring hindi maganda kay Mommy kaya dadalhin muna siya ni Daddy sa hospital para matingnan at magamot ng mga doktor. Huwag kayong mag-alala, ha?” “So… Mommy is going to be okay? Uuwi rin siya sa bahay?” makulit na tanong
“Sir Marco?! Kayo po pala!” gulat na sambit ni Rica nang makilala ang boses ng lalaki na nasa labas ng cubicle. “Bakit po, Sir? May ipag-uutos po ba ang Boss sa akin?”Si Rica ay isa ring staff ng ALFONZO Trading Company. Pilit niyang pinanatiling kalmado ang kanyang boses kahit halatang kinakabahan siya sa presensya ni Marco.“Wait lang po, Sir, ha. Nagbabawas lang po kasi ako. Sobrang sakit po kasi ng tiyan ko!” dagdag niya habang pilit na gumagawa ng dahilan.Ngunit bago pa makasagot si Marco, biglang nagsalita si Roger mula sa labas ng restroom.“MARCO! Bumalik ka kaagad sa opisina pagkatapos mong mahanap ang asawa ko! Huwag kang mag-aaksaya ng oras!”Napalingon si Marco sa kanyang Boss.“Yes, Boss!” mabilis niyang sagot bago muling sumulyap sa cubicle.Makalipas ang ilang minuto, tuluyan nang natahimik ang paligid ng restroom. Wala na siyang naririnig na mga yabag o boses ng mga tauhan ni Roger.Napabuntong-hininga si Rica at marahang hinaplos ang kanyang dibdib.“Haizt! Muntik
“Bakit, Sir? Ako po ba ang dapat ninyong tanungin kapag may nawawalang asawa?” walang pag-aalinlangan na tanong ni Bea kay Roger.Matagal na rin siyang nagtatrabaho bilang secretary ni Roger sa ALFONZO Trading Company. Sa paglipas ng mga taon, nakuha na niya ang tiwala ng kanyang amo dahil sa pagiging maaasahan niya sa trabaho. Kilala rin siya bilang isang matapang at palaban na empleyado, lalo na kapag nasa loob siya ng opisina. Kaya hindi na nakapagtataka na kahit kaharap niya ang mismong amo, hindi siya basta-basta nagpapakita ng takot.Biglang inayos ni Roger ang kanyang tayo. Bahagya siyang lumapit kay Bea at seryosong tinitigan ito.“Hindi ako nakikipaglokohan, Bea!” madiin niyang sambit. Halata sa kanyang mukha ang pagkainis at pag-aalala. Hindi niya maintindihan kung bakit tila wala itong pakialam sa kanyang mga tanong.“Me too, Sir!” singhal naman ni Bea bago mabilis na tumalikod.Hindi na niya hinintay ang magiging sagot ni Roger. Agad siyang lumabas ng restroom, pilit na it
“I think hindi si Sir Leo ang nasa labas, bitch!” natatawang sambit ng isa sa mga babae matapos nilang marinig nang mabuti ang boses ng matandang babaeng tumatawag sa labas ng restroom.“True! Hahahaha! Akala ko naman si Sir Leo na talaga ang dumating! Tinakot mo kami!” natatawang sagot ng kasama nito habang napapailing.Muli silang nagkatinginan at nagtawanan bago sabay na ibinaling ang tingin kay Angela.“Halika nga rito, babae ka!” mariing utos ng isa habang marahas na hinila ang braso ni Angela.“Bitawan ninyo ako!” pagpupumiglas ni Angela, ngunit agad siyang hinawakan ng isa pa upang hindi makawala.Walang pakialam ang dalawa sa kanyang pagtutol. Magkasabay nilang hinila si Angela patungo sa lababo na puno ng tubig. Napalunok siya nang makita ang tubig na halos umapaw na sa gilid nito. Doon niya napagtanto na sadyang inihanda iyon ng mga babae para sa kanya.“Anong gagawin ninyo sa akin?!” nanginginig na tanong ni Angela habang pilit na kumakawala.Ngunit sa halip na sagutin siya







