Mula sa pagtanaw sa malawak na garden sa tapat ng bahay/shop ni Aris ay lumingon si Gene. Nakita niya si Aris na nakatayo sa gitna ng sala hawak-hawak sa isang kamay ang cellphone nito.
Naroon siya sa bahay ng nakatatandang kapatid upang kausapin ito tungkol sa paghahanap kay Trini. May kaibigan si Aris na nakasama nito sa Karate club noong kolehiyo. Arthur was a retired cop. Limang taon ang tanda nito kay Aris at nagretiro na sa pagpupulis upang magtayo ng security agency katuwang ang father in law nito na dating chief of police sa bayan ng Cartagena– limang oras ang layo mula roon sa bayan na kinaroroonan ni Aris.
"GENE?" ani Trini makalipas ang ilang sandali. Hindi makapaniwala. Hindi niya alam kung totoo itong nakikita niya at nararamdaman. She was injected with pain-killer, at kung ano-ano pang gamot para sa mga sugat niya. Ano'ng malay niya, baka imahinasyon lang niya ang nakikita niya ngayon? Pero bakit ang higpit ng yakap ni Gene? Bakit parang hindi siya makahinga? If this was just a dream, why did it feel so real? "Gene...?" she called out again.
"ARE YOU MOVING TO MINDORO FOR GOOD?" tanong ni Dra. Hernandez habang nakatutok ang tingin sa ultrasound monitor. Nasa kamay nito ang transducer na pinaiikot sa tiyan niya."Not for good, but I'm keeping the place for our future family. Binili ko na ang property mula sa kompanya ni Jerome, at balak namin ni Gene na gawin iyong bahay-bakasyonan pagdating ng araw. It's a really nice place, pero malayo sa kabihasnan," sagot niya habang ang tingin ay nasa tiyan. She was in her second trimester, and her tummy was exceptionally bigger than normal. At dahil nasa ika-apat na buwan na ang tiyan niya'y madalas na siyang makaramdam ng malakas na pagtibok mula sa loob. Sunud-sunod, walang pahinga.Makulit; mukhang may pinagmanahan talaga..."Naku,
TRINI AND GENESIS AT FIVE – They became friends. "Mrs. Zodiac!" Napalingon si Felicia mula sa pagpili ng mga karne sa estante ng meat section ng supermarket nang may marinig na pagtawag. Hinanap nito ng tingin ang kung sino man ang nakakilala rito, at nang makita si Mrs. Valencia na malapad na nakangiting humahakbang palapit bitbit ang grocery basket sa isang kamay ay napa-ngiti na rin si Felicia. Si Mrs. Valencia ay nagmamay-ari ng pinaka-malaking agriculture product sa bayan nila at siyang pinagkukunan ng supply ng kaniyang asawa. She and her husband, Arc Zodiac, had become friends with Lanie Valencia and her husband Antony. "Mabuti at nakita kita," ani Mrs. Valencia nang makalapit. Sa loob ng basket nito ay mga baking supplies. "Magandang hapon, Mrs. Valencia. Dito ka rin pala namimili?" "Minsan lang. Ang madalas na pinapapunta ko rito ay ang kasambahay namin. Abala sila ngayon sa bahay kaya kami ng
SIXTEEN YEARS AFTER TRINI GOT TURNED OFF."Trinity Ann Valencia, wake up.""Ano ba..." reklamo niya saka ibinaon ang ulo sa unan. Why was Gene in her house so early? Ano na ba'ng problema nito?"Wake up."Naiinis siyang umungol nang maramdaman ang paghila ni Gene sa braso niya. "Leave me alone, I wanna sleep...""You can't sleep. We need to talk."Nakapikit pa rin niyang kinapa ang kumot saka hinila iyon upang itakip sa ulo. "Leave me alone, my head hurts."Subalit hindi nakinig si Gene. Hinila nito ang kumot mula sa kaniya at muli siyang hinawakan sa braso."Matulog ka pagkatapos nating mag-usap."Inis niyang tinabig ang kamay nito saka padabog na bumangon. Bahagya siyang nakaramdam ng lamig pero hindi niya pinansin. Nananakit ang ulo niya at alam niya kung bakit. The last thing she remembered was drinking the whole bottle of gin with Gene last night. Then, naalala niyang lumangoy siya sa pool—no, it was a hot spring, actually. Naalala niyang sa kalasingan ay nahilo siya sa ilalim ng
THREE MONTHS BEFORE THAT UNFAITHFUL MORNING... "What the fuck is wrong with your brain, Trinidad Valencia? Nababaliw ka na bang talaga?" singhal ni Gene sabay hampas ng malaking wrench na hawak nito sa ibabaw ng metal table. Napanguso siya saka kinutkot ang kuko. "Noong nagpaturo ako sa;yo kung papaano ang tamang paghalik, nagalit ka. Noong nagpaturo ako kung papaano ba mag-BJ, napikon ka rin. Noong sinabi kong turuan mo na lang ako ng mga gustong posisyon ng mga lalaki sa sex, muntik mo na akong batukan. Ngayong hiniling ko na lang sa'yong bigyan ako ng anak para hindi ko na kailangang aralin ang lahat ng iyon, nagagalit ka na naman. Saan na lang ako lulugar, Isaac Genesis Zodiac?" "Lumugar ka sa dapat na pag-lugaran mo!" muli nitong singhal; kulubot na naman ang mukha ang inis. She could tell that anytime soon, he would throw her out of his workshop—again. Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Lumapit siya at tinabihan ito. "Malapit n
NAPA-ILING SI TRINI NANG sa paglingon niya sa dalawang palapag na bahay ng matalik na kaibigan ay nakita ang isang babaeng lumabas ng front door; magulo ang mahabang buhok at bitbit sa isang kamay ang high-heels na sapatos. Tahimik nitong ini-sara ang pinto saka nakayapak na naglakad patungo sa gate."Pang-ilang babae na naman 'to ngayong buwan..." bulong niya sa sarili bago umikot patungo sa trunk ng kulay pula niyang Toyota Vios upang kunin ang mga pinamiling groceries. Alas-siete na ng gabi, at malamang na buong maghapong nagkulong si Genesis kasama ang flavor of the month nito sa kwarto. Sarado ang workshop tuwing biyernes dahil iyon ang araw na pahinga ng kaibigan kaya marahil nakakuha ito ng oras para bumiyaheng langit."Hi," bati ng babae nang makalabas ng gate.Nakangiti siyang nag-angat ng tingin mula sa pagkakayuko sa trunk at bumati rin dito. "Good evening.""Are you Gene's best friend?" huminto ito sa gilid ng kotse niya upang isuot ang mga sapatos."Yes, ako nga."Napangu
NAHINTO SI TRINI SA PAGHAKBANG NANG SA PAGLABAS niya sa automatic glass door ng pinapasukang insurance company ay nakita si Gene na naghihintay sa labas. Nakasandal ito sa gilid ng kotse niya, nakahalukipkip. He was wearing his brown leather jacket, his favorite black turtle-neck cotton shirt inside, his faded blue jeans, and his boots. Poging-pogi sana, kung hindi lang pamatay ang tinging ipinu-pukol sa kaniya. Humagikhik siya at itinuloy ang paglapit. "Look who's here. Sinusundo mo ba ako, darling?" "Don't darling me, damn you. Naubos ang oras ko kahahanap sa sleeping pants na ginamit mo kagabi." &
"SLUTTY, CONSERVATIVE, O NEUTRAL?"Bagot na nilingon ni Gene ang kaibigan nang bigla na lang itong sumulpot sa entry ng workshop. Pagkalingon ay nakita niya ang hawak-hawak na tatlong magkakaibang damit ni Trini."I need to finish some work, Trini. Pwede bang ikaw na ang magpasiya kung ano ang damit na isusuot mo?" He growled in annoyance as he swifted his attention back to the car. May inaayos siyang piyesa sa engine at malapit na niyang matapos iyon. Kukunin ng may-ari ang sports car mamayang gabi at kailangan mahabol niya ang deadline."Anim na damit ang pinagpilian ko, Heneroso. Nauwi ako sa tatlo, pero hindi ako makapili kaya kailangan ko ang opinyon mo.""Just choose the one you like most." Tu