“Ang Tatay Ruben!” hindi na nahawakan ni Jolo ang kamay ng dalaga dahil bigla na lamang ito tumakbo patungo sa kinatatayuan ng kanyang lolo na nakikipagtalo sa tatlong pulis na pilit itong pinoposasan. Tila may namuong galit sa dibdib ng binata kung kaya’t walang sabi-sabi ay sumunod ito sa dalaga at nakipagpalitan ng matatalim na tingin sa tatlong nakaunipormadong mga pulis.
“Tanggalin niyo nga ‘yang mga kamay niyo kay Tatay Ruben! Ang kakapal ng mukha niyo, hindi man lang kayo naawa sa lolo ko. Iisang tao lang ‘yan pero kailangan bang tatlo pa kayo na pupunta dito-”
NORMAL na sa buhay probinsya ang magising ng maaga, at sa halos ilang linggong pagtigil ng binatang si Jolo sa kubo nila Tatay Ruben, nasanay na rin siyang magising ng alas-sais at mag-almusal ng ganoong oras.“Oh Sir Jolo, grabe, kaya niyo po palang gumising ng ganitong kaaga-”“Huwag mong simulan ang araw ko ng pambibwiset mo Lawrence, baka samain ka sa’kin at hindi mo na gustuhing bumalik sa Manila,” usal ng binata habang pinipira-piraso ang pandesal na hawak. Nang makuntento sa ginawang maliit na putol ng pandesal ay mabilis niya itong inilubog sa kape at kinuha gamit ang kutsarita.“You’re even dipping your bread into your coffee sir, hindi ba’t sinabi niyo sa akin noon, kadiri at-”Mabilis na umatras ang kanyang sekretarya nang bigla siyang makitang tumayo at walang sabi-sabing kinuha ang suot-suot na tsinelas at ak
"JOLO sandali..." habol na tawag ng dalaga sa kanya ngunit nagbingi-bingihan siya at nagpatuloy lamang sa paglalakad papunta sa kwartong tinutulugan."Jolo ano ba. Sandali nga sabi eh..." wala nang nagawa ang binata nang higitin at patigilin siya ng dalaga. Napaatras ang dalaga nang makitang walang ekspresyon ang kanyang mukha. Marahil natakot o 'di kaya'y nabigla."Jolo...""What do you need?" simpleng tanong niya at iniiwas nalang ang tingin."Iyong tungkol kanina, sa utang-""Why? Tatanggihan mo din ba 'yong pagbabayad ni Lawrence sa utang niyo para maikasal ka talaga kay Mario?" tanong niya kasabay ng paniningkit ng mga mata.Natakot ang dalaga at iling lamang ang naisagot. "H-hindi ganoon, Jolo. Hindi. Iniisip ko lang na nakakahiya-""Well, save that fucking embarrassment of yours and stay away from that guy! Malinaw naman nang sinabi kong babayaran ko
"SIR Jolo, your plane is ready. We just have to go to the nearest airport or even a hotel's rooftop to make it safely landed. Your instructions is only awaited so that I can make a further notice to the staff," agad na napalingon ang binata nang marinig niyang magsalita ang kanyang secretary na naglalakad papunta sa kanyang direksyon.Magkasama sila ngayon ni Shella at tahimik na magkatabi sa ibaba ng puno ng mga kawayan. Katatapos lang nilang kumain ng tanghalian.Nilingon niya ang dalaga at nakatitig lamang ito sa malayo. Nagbibingi-bingihan marahil sa narinig mula sa kanyang secretary."Sir?" tanong ulit ni Lawrence para makuha ang kanyang atensyon. Tiningnan niya muna ito bago tumango nang mabilis."Shella?" kapagkuwan ay aniya at tapik nang mahina sa balikat nito. Agad naman napalingon sa kanya ang dalaga at tipid na ngumiti."Ha? Bakit?" tanong nito habang nakangiti pa rin. Napatitig tuloy siya rito nang matagal.
SHELLA POVINIWAN ko na muna sila Jolo at Lawrence sa labas. Ayokong marinig ang pag-uusap nila tungkol sa pag-uwi nila sa Maynila. Parang hindi pa ako handa. Nasanay kasi akong sa bawat uwi namin galing bukid ay madadatnan ko ang binatang naghihintay sa amin sa puno ng mga kawayan at masayang sasalubong pag malapit na kami."Oh Shella, 'andiyan ka pala. Nasaan si Jolo? Hindi ba't magkasama kayo kanina?" agad akong nagmano nang makita ang aking nanay Leoning. Galing ito sa kwarto nila ni Tatay Ruben. Marahil nakatulog na ang aking lolo kaya naman lumabas na muna saglit si lola."Ah opo 'nay, iniwan ko na po muna sila ni Lawrence sa labas. Mukhang may pag-uusapan po kasi silang importanteng bagay," sagot ko at bumalik na sa pag-upo.Naupo rin naman si nanay Leoning sa harapan ko. Nang mapansin ko ang matagal niyang pagtitig sa akin ay nilingon ko siya at nagtatakang mukha ang ipinaki
"I'LL go ahead now, sir Jolo and Miss Shella," saad ni Lawrence at mabilis na yumuko. Hindi ko tuloy alam kung yuyuko din ako. Sa huli ay isang naiilang na ngiti lamang ang nagawa ko.Tumango lang si Jolo at pagkatapos n'on ay mabilis nang sumakay sa isang naghihintay na itim na sasakyan si Lawrence. Ilang minuto lamang ang hinintay namin bago namin napagdesisyunan nang bumalik sa kubo."Tara na?" tanong ng binata kaya naman mabilis akong tumango.Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na hanggang ngayon ay nandito pa rin siya at kasama namin. Hindi pa rin maalis sa isipan ko na mayaman si Jolo at nagmamay-ari ng isang malaking kompanya. Kung siya ang may-ari n'on, hindi ba dapat nandoon siya para pamahalaan ito? Para tuloy ang makasarili ko dahil ayoko sa loob ko na umalis at bumalik ang binata sa kanila."Hey Shella, may problema ba? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" napailing naman ako ng mabilis nang marinig ang tanong nito.
JOLO POVHALOS mag aalas-onse na ay hindi ko pa rin nakikita si Shella dito sa kubo. Napakadalang mangyari ang tanghaliin ito ng gising. Kanina pa akong alas otso gising at kanina ko pa rin hinihintay ang dalaga para makausap ito tungkol sa nangyari kahapon.Nang hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ay sinadya ko na munang si nanay Leoning ang hanapin at sa kanya itanong kung bakit hindi pa rin gising si Shella.Sa kusina ko ito nakita at naghahanda na ng aming kakaining tanghalian. "Ah 'nay Leoning, itatanong ko lang po kung bakit hindi pa rin lumalabas ng kwarto niya si Shella. Tulog pa rin po ba siya?" tanong ko at tipid na ngumiti sa matanda.Saglit na tumigil ito sa pag-aayos ng mga plato sa lamesa at tumingin sa isang banda, marahil nag-isip din muna panandalian."Ay oo nga pala! Wala iyon sa kwarto niya Jolo hijo," sagot nito at bumalik na sa pag-aayos ng kakainan namin."Po? Eh nasaan po siya? A
AKO nalang ang naiwan dito sa kubo, nauna na kasi sila tatay Ruben sa sapa na sinasabi nila. Kahapon ay sinamahan niya ako doon para ako nalang daw ang magdadala kay Shella roon at makapaghanda sila ng surpresa para sa dalaga.Mag aala-una na ay wala pa rin ito, hindi pa naman ako nakapananghalian dahil dinala na ang mga pagkain doon sa kubo sa may sapa."Where are you now, Shella?" pagkausap ko sa sarili habang lumilingon-lingon sa paligid, tinitingnan baka sakaling makita ang dalagang naglalakad na papunta dito sa kubo.Pero bigo ako, lumipas na naman ang ilang segundo at minuto ay wala ni anino akong nakita. Akmang ihihiga ko na sana ang ulo ko sa may lamesa nang bigla akong makarinig ng mga yapak at ilang segundo lang ay sinundan ito ng boses. Kanino pa bang boses eh di boses ni Shella!Sa wakas!"Shella..." halos patakbo ko nang pinuntahan ang pinto p
SHELLA POVSA SOBRANG sama ng loob ko ay iniwan ko nalang bigla si Jolo sa kubo. Ayokong makita siya ngayon, bahala siya sa buhay niya. Anong naiisip niya at nangielam siya ng gamit ko, tinapon at pinutol niya pa! Kung 'di din naman isa't kalahating siraulo.Alam ko kung saan ang tinutukoy na kubo at sapa na sinasabi niya kanina. Pero imbes na dumiretso doon ay lumiko ako at napagpasyahan na bumisita muna at tumingin sa puntod ng mga mahal ko sa buhay.Madali lang naman makikita at makakarating kung saan sila nakalibing, magkakatabi lang silang tatlo at nasa bungad lang naman ang puntod nila."Pa, ma at Sean, pasensya na ha. Wala akong dala ngayon, hindi ko din naisama sila nanay Leoning dito. Hayaan niyo sa susunod na pupunta ako dito, tagdadalawang bulaklak ang dadalhin ko sa inyo,"Bago ako naupo ay inalis ko muna ang mga kalat at mahahabang damo na hum