Share

Chapter Eight

Chapter 8

Sa wakas ay nagkaroon na ng malay si Brielle at kasalukuyan siyang nagpapahinga sa kwarto ko. Buti na lang at nahabol ko rin ang last shoot kaya wala na akong dapat problemahin. Sa ngayon ay iintindihin ko muna ang kalagayan ni Brielle, namumula ang leeg niya at medyo hirap pa siyang huminga. Kaya naisip ni Daddy na bumili ng personal oxygen para sa kaniya.

Natutulog pa si Brielle, pero stable na ang lagay niya ngayon. Masama lang ang loob ko dahil naabutan siya ni Leo at umabot pa sa ganitong punto.

"Sinabihan na kita Charlene. Bakit mo kasi siya iniwan?" inis kong sabi sa aking kapatid.

"Hindi ko naman ineexpect na maaabutan siya ng murderer doon! Wala akong kasalanan sa nangyari Caden." katuwiran naman niya.

"Kahit mag-away pa kayong dalawa diyan, wala na kayong magagawa dahil nangyari na." sabi naman ni Daddy sa amin.

Correct! Wala na kaming magagawa.

"Huwag na kayong babalik sa bahay na 'yon, mas ligtas si Brielle rito." sabi ni Daddy.

Naupo ako sa kama kung saan nakahiga at nagpapahinga si Brielle. She's pale, buti na lang talaga at hindi siya natuluyan ni Leo. Nagpapasalamat ako sa tapang at lakas ng loob na pinairal ni Brielle, sa kabila kasi ng mga nangyayari ay nananatili siyang matatag.

I caress her soft hair, my poor princess. Don't worry my love, from now on you'll be safe 'cause I'm with you now. I will never leave by your side.

Hindi ko maikakaila na maganda talaga si Brielle, her eyes and lips are so innocent. She's fragile. That's why I fall for her so easily. Hindi ko na siya papakawalan pa, at lalong hindi ako papayag na makuha pa siya ng iba, hinding-hindi rin ako papayag na masaktan siya ng kahit na sino.

"Uhm." napatayo ako bigla.

"Gising na ba siya?" Mom asked me.

Dahan-dahan na idinilat ni Brielle ang magaganda niyang mga mata. Hindi siya makakilos agad dahil sa tindi ng sakit ng kaniyang katawan. Kaya minabuti ni Mommy na pahigain lang siya hanggang sa maka-recover siya.

"Anong nararamdaman mo?" I asked her.

"N-Nahihirapan akong huminga. Muntik na akong m-mapatay ni Leo." tila nangangamba si Brielle na sumagot sa akin.

Niyakap ko naman siya. Ramdam ko yung takot sa puso niya, akala niya siguro mamamatay na siya kanina. Tss! Hindi ko naman hahayaang mangyari 'yon. Malas ko nga lang kanina dahil nasapak ako ni Leo. Babawian ko siya sa susunod na magkita kaming dalawa. Kaya humanda na siya!

"Huwag mo na akong iiwan ulit, Caden. Natatakot ako na baka matuluyan na ako ni Leo. Please Caden, protektahan mo rin pati ang pamilya ko." mas lalo pa akong nakaramdam ng awa sa kaniya.

"Stop crying Brielle, nandito na ako." sabi ko.

"Gusto kong makausap sila Mama at Papa." hiling ni Brielle sa akin.

Agad ko namang kinuha ang aking cellphone upang makausap niya ang kaniyang mga magulang.

****

|Brielle's POV|

Masakit ang buong katawan ko, hindi ako makahinga ng maayos at sobrang nanghihina ako. Hindi ko makakalimutan yung ginawa ni Leo sa akin, at mas lalong hindi ko makakalimutan na muntik na niya akong mapatay. Ang tagal kasi dumating ni Caden, hindi ko alam kung saan siya nanggaling.

Pero ngayon ay nandirito na siya sa aking tabi. Isa pa, lumipat na kami dito mismo sa Red Mansion upang mas masiguro ang aking seguridad. Inaalala ko sila Mama at Papa, baka idamay sila ni Leo. Minabuti kong tawagan si Mama gamit ang cellphone ni Caden, pero hindi ito ma-contact kaya nagsimula na akong mag-alala ng sobra.

Hindi ako mapakali at gusto kong tumayo't tumakbo pabalik sa bahay namin.

"Nakausap mo ba sila?" tanong ni Caden sa akin.

"H-Hindi ko sila matawagan." nangangamba kong sabi.

Mabilis na nawala si Caden at hindi ko alam kung saan siya pupunta.

Sana ayos lang sila Mama at Papa, sana walang masamang mangyari sa kanilang dalawa. Hindi ko kakayanin kapag mawala silang dalawa sa buhay ko. Lahat ng ginagawa ko ay para sa future namin, kaya mababalewala lahat 'yon kung idadamay lang sila ni Leo sa gulo na pinasok ko.

Kung magagawa ko lang na makaalis dito, pilit kong kakausapin si Leo para mabago ang kaniyang sarili. Alam kong marami pang paraan para maitama ang mga pagkakamali ng bawat isa. At sa kabilang banda, hindi ko pa rin alam kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Kaya habang nasa puder ako ng mga Rhett ay sisimulan ko nang maghanap ng mga kasagutan. Iniwan muna ako ng buong Rhett Family dito sa kwarto ng kanilang prinsipe. At ito na rin ang aking pagkakataon upang makapagsaliksik sa pagkatao ni Caden.

Unang bumungad sa akin ang isang painting. This must be Thalia, at totoo nga na kamukha ko siya. Kaya pala nahuhumaling si Caden sa akin dahil lang sa kamukha ko ang first love niya.

"Thalia, bakit kasi nawala ka pa? E di sana hindi ako ang nagdurusa ngayon." hinawakan ko yung painting.

Awtomatiko akong napaluha. Naalala ko yung mga panahong normal pa ang aking pamumuhay. Walang problema, walang pangamba at walang takot na dinaramdam. Pero ibang-iba na ngayon ang buhay na mayroon ako. Hindi ko maintindihan kung totoo pa ba ito o nananaginip lamang ako.

Kung panaginip man, sana magising ako. At kung hindi, sana matapos na ito. Sana mabilis kong mahanap ang mga kasagutan, at sana'y wala nang humadlang sa akin.

Sa aking pag-ikot sa kwarto ni Caden ay may nakita akong walk-in closet, pumasok ako sa loob nito. Sa kaliwang bahagi makikita ang iba't ibang uri ng damit, sapatos, tsinelas, bag, pabango at alahas. Sa kanang bahagi naman ay may iba't ibang uri ng libro. Nasa gitnang bahagi naman ang malaking vanity mirror at mesa na may tig-tatlong cabinet sa magkabilang gilid.

Masasabi kong perpekto ang interior design ng bahay, pero hindi naman perpekto ang buhay na mayroon sila. Sinikap ko na isa-isahin ang mga libro sa lagayan.

"The Red Mansion by Frank Rhett," mabilis kong tinago ang librong hawak ko dahil bigla na lang sumulpot si Kent.

Hays! Nakakagulat naman ang mga ito.

"Interesting ang librong binabasa mo." nakangiti nitong sabi sa akin.

"Uh- huwag kang maingay sa kanila. Maiintindihan mo naman siguro ako dahil tao ka rin kagaya ko." sabi ko.

Tumango lamang siya.

"Bakit nga ba hawak mo iyan?" tanong ni Kent sa akin.

"I want to seek for more answer, Kent. Help me." saad ko.

"Mahihirapan akong gawin 'yon. Bukod sa may atraso ako kay Caden, 'pag nahuli ako ng isa sa miyembro ng Rhett Family ay agad nila akong papatayin." sabi niya 

Maya-maya pa ay bumukas pa ang pintuan at agad kong ibinalik ang libro sa pinaglalagyan nito.

"Kent?" nagtataka si Charlene.

"N-nagpasama lang si Brielle na pumasok sa loob, gusto niya ata mag-tour sa buong bahay." katuwiran ni Kent.

Ngumiti naman si Charlene at marahan akong inalalayan palabas ng kwarto.

"Saan tayo pupunta?" I asked her.

"Sa kwarto ko. Gusto mo mag-tour 'di ba? Ako ang bahala sayo." masaya nitong tugon.

Ayos na rin ito, atleast marami akong malalaman tungkol sa mansyo na ito. Kailangan namin makaikot sa buong bahay bago pa makabalik si Caden.

~

🖊 author_mj

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status