Share

Chapter 10:

last update Tanggal publikasi: 2026-09-11 13:30:17

VIENNA SOILE ZARIAH

“Pera mo? Mali ka. Amin na ’to. Aalis ka na, ’di ba?”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Hindi.”

Agad akong bumangon mula sa sahig kahit nanginginig pa ang mga kamay ko. Lumapit ako kay Tita Marites at sinubukan kong kunin sa kanya ang alkansya ko.

“Please… ibalik niyo ang pera ko," umiiyak kong saad at nagsimula ng lumabo ang paningin ko dahil sa pag-iyak.

“Umalis ka nga sa harapan ko!!!"

Hinila ko pa rin ang alkansya.

“Please, Tita. Kailangan ko ’yan.”

“Ang kulit mo!”

Bigla akong
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 72:

    Mikaela Santos"Sa wakas, pahinga rin!"Pabagsak akong naupo sa isang bakanteng upuan sa loob ng staff room at napabuntong-hininga. Kanina pa ako paikot-ikot sa trabaho, at pakiramdam ko ay gusto ko nang humiga at matulog nang isang buong araw.Kinuha ko ang bote ng tubig sa aking bag at uminom bago sumandal sa sandalan ng upuan. Pero kahit anong pilit kong magpahinga, may isang bagay pa ring hindi maalis sa isip ko.Ang nangyari kagabi.Napahawak ako sa aking mga labi."Hay, naku, Mikaela. Bakit ba paulit-ulit mong iniisip iyon?" bulong ko sa sarili.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking alaala ang mga nangyari sa opisina ni Sir Eliezer. Ang magulong silid, ang mga bote ng alak, ang larawan nilang mag-asawa, at ang biglang paghalik nito sa akin.Napangiwi ako.Hindi ko talaga inasahang mangyayari iyon!Sa totoo lang, noong una ay hindi ko alam kung paano ako kikilos. Sino ba naman ang hindi magugulat kung bigla ka nalang hahalikan ng boss mo. Lalo na kung ang boss mo ay ang isang

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 71:

    Eliezer Laurent Zaragosa "Gusto mong malaman kung sino ang naka-duty kagabi? Gusto mo ba isa-isahin ko sila?" pang-aasar niya. Saglit akong natahimik. At saka muling nag-angat ng tingin sa kanya nang isang tanong ang sumagi sa isipan ko. "May nakakita ba sa akin kagabi?"Lalong kumunot ang noo ni Milo."Bakit? May nangyari ba kagabi?" muling tanong nito at ngayon ay mas naging interesado siya.Mabilis akong umiwas ng tingin. "Wala naman," "Sigurado ka?""Oo.""Kung ganoon, bakit parang ganyan ang itsura mo?" Napapikit ako at mariing napahawak sa aking sentido. Minsan talaga gusto kong busalan ang bibig niya "Umalis ka na nga sa harapan ko." Sa halip na sumunod, lalo pa siyang napatingin sa akin."Sandali lang. May nakita akong pumasok rito sa opisina mo kagabi." Nanigas ang aking mga balikat. "Sino?""Si Mikaela. Night shift siya kahapon eh," aniya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya."So, hindi nga pala talaga ako nanaginip..." s

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 70:

    Eliezer Laurent ZaragosaKinabukasanIsang mahinang ungol ang kumawala sa aking mga labi nang dahan-dahan kong imulat ang mga mata.Ilang segundo akong nanatiling nakahiga sa sofa habang nakatitig sa kisameng nasa itaas ko. Mabigat ang aking ulo, tuyong-tuyo ang aking lalamunan, at tila may pumipintig na ugat sa aking sentido."Fuck..."Napapikit ako at idiniin ang mga daliri sa magkabilang sentido ko.Ano ba ang nangyari kagabi?Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Kaagad akong napangiwi nang tila umikot ang paligid dahil sa bigat ng aking ulo. Napahawak ako sa noo bago tuluyang napatingin sa paligid.At doon ko napansing malinis na ang aking opisina.Maayos nang nakasalansan ang mga dokumento sa ibabaw ng aking mesa. Wala na ang mga bote ng alak na nagkalat kagabi, at maging ang mga basag na bubog sa sahig ay wala na rin. Ang buong silid ay bumalik na sa dating kaayusan, na para bang walang nangyaring kaguluhan kagabi.Sandali akong napatingin sa paligid.May naglinis.Ng

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 69:

    Mikaela Santos "I can't lose you twice." Tuluyan akong natahimik. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Sa halip, nanatili lamang akong nakatayo roon habang naririnig ang mahinang pag-iyak niya. Hindi ko alam kung tama bang hayaan ko muna siyang ilabas ang lahat ng sakit na matagal na niyang kinikimkim, o kung kailangan ko na ba siyang tulungang makaupo bago pa siya tuluyang mawalan ng balanse. Mabigat ang katawan niya, at naamoy ko pa rin ang alak sa kaniyang hininga. "Sir, maupo muna tayo, ha?" mahinahon kong sabi. "Hindi po kayo pwedeng manatiling nakatayo nang ganito." Hindi siya sumagot. "Please, Sir. Baka matumba po kayo." Dahan-dahan akong gumalaw, sinusubukang alalayan siya nang hindi ako tuluyang nakakulong sa kaniyang mga bisig. Ngunit nang maramdaman niyang gumagalaw ako, agad siyang natigilan. "Where are you going?" Napahinto ako. "Ha?" "Don't go." Muling nanginig ang kaniyang tinig. "Please..." Napabuntong-hininga ako. "Hindi po ak

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 68:

    Mikaela Santos Hindi pa ako tuluyang nakakabawi sa pagkagulat ko nang siya mismo ang tumapos sa halik... sinubukan kong maglakad papalayo ngunit nakailang hakbang pa lang ako ay muli niya akong naabutan...at mahigpit akong niyakap. "S-Soile...." Nanginig ang boses ni Sir Eliezer sa likod ko habang mahigpit pa rin niya akong niyayakap. Nakadikit ang mukha niya sa leeg ko, at sa bawat paghinga niya ay nararamdaman ko ang bahagyang pagyanig ng kaniyang katawan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kanina lamang ay pilit ko siyang inilalayo sa akin, ngunit ngayon, hindi ko magawang kumilos nang basta-basta. Dahil umiiyak siya. Ang lalaking palaging nakakunot ang noo, malamig tumingin, at tila walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao ay umiiyak na para bang tuluyan nang gumuho ang mundong ginagalawan niya. "Don't leave me again, Soile..." Napapikit ako nang marinig ang pagsusumamo niya. "I missed you so much." May panibagong patak ng luha na dumampi sa lee

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 67: Kiss

    Mikaela Santos Itinali ko nang maayos ang buhok ko at nagsimula sa mga papeles sa sahig. Isa-isa kong pinulot ang mga ito at inilagay sa magkakahiwalay na lalagyan upang hindi magkagulo ang mga dokumento.Hindi ko naman kailangang basahin ang mga nakasulat doon. Trabaho ko ang maglinis, hindi ang makialam sa mga personal na bagay ng boss ko.Pagkatapos ay inayos ko ang mga folder sa mesa, pinunasan ang mga muwebles, at tinipon ang mga kalat na naiwan sa paligid."Sir, sana naman sa susunod ay huwag kayong magkalat nang ganito," reklamo ko sa hangin. "Hindi po ako ipinanganak para maging tagalinis ng mga problema ninyo sa buhay."Napailing ako sa sarili kong sinabi."Pero kung kasama sa trabaho ang paglilinis ng mga problema sa pag-ibig, ay pwede rin naman... basta ba dagdagan lang ang sahod ko," bulalas ko at parang t*nga kasi sarili ko lang naman din ang kinakausap ko. Napatawa ako nang mahina.Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakarating sa bahaging malapit sa mesa niya. Naroon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status