แชร์

Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa
Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa
ผู้แต่ง: Cyrille Shatire29

Chapter 1:

ผู้เขียน: Cyrille Shatire29
last update วันที่เผยแพร่: 2026-09-01 23:10:56

VIENNA SOILE ZARIAH

Excited akong bumyahe papunta sa apartment niya. Gusto ko siyang bisitahin dahil tapos na ang thesis namin sa skwelahan. At ngayon lang ulit kami magkikita.

Ilang hakbang nalang ay papasok na ako sa apartment niya, ngunit napahinto ako nang may marinig akong boses ng isang babae sa loob.

"Tama ba ang narinig ko o ilusyon ko lang iyon?" bulong ko sa sarili, ilang segundo pa akong nanatili sa labas ng pintuan. At habang hawak ko ang doorknob ay bigla kong naramdaman ang pagbilis nang tibok ng puso ko.

Mali naman siguro ang iniisip ko?

Baka nag-o-overthink lang ako?

Isang malalim na pagbuntong-hininga ang aking pinakawalan bago unti-unting pinihit pabukas ang pintuan.

"Sweetheart...nandito na ako---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bumungad sa aking harapan ang isang senaryo na hindi ko inaasahan.

Si Jerry, nakahiga sa sahig—walang suot na damit habang kinubabawan ng isang babae. At hindi lang basta-basta kung sinong babae, kundi ang kapatid ko.

"Oh, nandito kana pala?" saad ni Annalyn na para bang wala lang sa kanya ang makita ako.

Hindi ako nakapagsalita.

Nanginginig ang katawan ko at ramdam ko ang mahigpit ng pagkuyom ng aking kamao, nang bumaba ang tingin ko kay Jerry.

"S-Soile..." mahinang bigkas niya ng aking pangalan.

Mabilis niyang itinulak paalis sa ibabaw niya si Annalyn, dali-dali siyang tumayo at dahil sa pagkagulat ko ay hindi ko na nagawang tumalikod...kaya nakita ko ang hubo't-hubad niyang katawan.

"M-Magpapaliwanag ako---"

*PAK*

"W-Walanghiya ka..." halos ayaw lumabas ng salitang iyon sa aking bibig.

Hindi ko kayang ipaliwang ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Parang naninikip ang dibdib ko, hindi ko alam kung humihinga pa rin ba ako o nilalabanan ko na lamang ang panghihinang pilit na naghahari sa aking dibdib.

"NILOKO MO'KO!!" i yelled at him.

I have to. I have to yell because i could no longer feel if I'm still breathing. Kailangan kong sumigaw para mailabas ko ang galit ko at nang mabawasan ang paninikip ng aking dibdib.

"S-Soile...h-hindi ko sinasadya," puno ng pagsusumamo ang kanyang tinig, sinubukan niyang abutin ang kamay ko ngunit iniwas ko iyon.

Ayaw kong hawakan niya ako dahil nandidiri ako sa kanya. Iniisip ko pa lang na pinatulan niya ang kapatid ko ay nasusuka na ako.

"Ano bang sinasabi mo na hindi mo sinasadya, Jerry? Umu-o ka at ikaw pa ang nagyaya sa akin dito sa apartment mo---"

"Tumahimik ka, Annalyn! Kasalanan mo'to. Kung hindi dahil sa pang-aakit mo sa akin ay hindi ito mangyayari!" sigaw ni Jerry pabalik sa kanya.

Maya-maya pa ay lumapit sa kanya si Annalyn, matalim na ang tingin nito kay Jerry, bago niya inilipat sa akin ang tingin niya.

"At ano naman ang nasa babaeng 'to? Hindi mo ba alam na marami rin itong lalaki? Hindi mo ba alam na nagmana siya sa nanay niyang malandi, at kung kani-kanino lang nagpapatira--"

"HUWAG NA HUWAG MONG DINADAMAY SA USAPAN ANG MAMA KO! " umalingawngaw ang sigaw kong iyon matapos na dumapo sa kanyang pisnge ang aking palad.

Kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata habang hinahawakan ang namumula niyang pisnge.

"T*ngina mong babae ka! Kahit kailan sobrang kapal ng mukha mo! Manang-mana ka sa nanay mo--"

*PAK*

"Isang salita pa mula sa'yo... at sisirain ko ang mukha mo at kahit hayop ay hindi ka papatulan," banta ko.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Soile... mag-usap tayo. Alam kong mapapatawad mo pa ako. Mahal na mahal mo ako, di 'ba? Babalik ka pa rin sa akin pagkatapos nito..." biglang lumakas ang loob niya at hindi ko maintindihan kung saan niya nakuha ang mga salitang iyon.

Gusto kong matawa. At nang magtangka siyang muling hawakan ako ay sinalubong ulit ng kanyang pisnge ang malakas kong sampal.

"Ang kapal ng mukha mong hay*p ka!" singhal ko sa kanya at kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. "Wala na tayong pag-usapan pa. At magsama kayo n'yang kapatid ko na kahit sisenta-anyos ay papatulan kapag nakakaramdam ng kati," dagdag ko at sa gulat ay hindi nakakilos ang kapatid ko.

"Simula ngayon ay wag na wag ka ng lalapit sa'kin. Wala na akong kinalaman sa'yo at kahit kailan man ay hinding-hindi na ako muling makikipag-usap sa'yo!"

Matapos kong sabihin iyon ay hinubad ko ang singsing na kanyang ibinigay sa akin at itinapon iyon sa kanya.

"Soile! Sandali lang naman o, mag-usap tayo...p-pakiusap,"

Sinubukan niya pa akong habulin ngunit narinig ko ang boses ng kapatid kong pinipigilan siya. At hanggang sa nakalayo na ako sa apartment niya ay hindi ko na narinig ang boses ni Jerry, hindi na niya ako sinusundan—doon na nagsimulang bumagsak ang luha ko.

Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng tuhod ko sa lupa. Habang ang magkabila kong palad ay tinakpan ang aking bibig—habang patuloy akong humahagulgol sa matinding sakit na nararamdaman ko.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Nenita Morales
Uyyyyy maganda
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 12:

    VIENNA SOILE ZARIAH Masakit pa rin ang tagiliran ko dahil sa sipa ni Tito kanina. Masakit din ang pisngi ko dahil sa mga sampal ni Tita. Pero mas masakit pa rin iyong katotohanang wala na ang ipon ko. Kaya ko pa sigurong tanggapin at tiisin ang sakit ng katawan ko. Kaysa sa paulit-ulit na maisip na wala na ang perang pinaghirapan ko sa loob ng ilang buwan. “Hoy…” mabilis kong inangat ang aking tingin pagkarinig ko ng boses ni Mira. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. Siguro dahil sa sobrang pag-iisip ko sa nangyari ay hindi ko na naramdaman ang presensya niya. "Kung malapit lang talaga dito ang bahay ng tiyahin mo, naku...baka pagbubusalan ko sila ng bibig. Lalo na iyong pinsan mo na mabaho ang kili-kili, pero feeling maganda pa rin," nanggigigil niyang sambit. Maya-maya pa ay inilapat niya sa pisnge ko ang isang telang bumabalot sa yelo. Nang maramdaman ko iyon sa pisnge ko ay napaigik ako sa sakit. "Pati 'yong tatay mo. Kahit kailan walang ginawang tama. Bakit pa k

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 11:

    ELIEZER LAURENT ZARAGOSAI had barely stepped inside my house when one of my men approached me. He was standing near the living room, his expression unusually serious.Kumunot ang noo ko nang mapansin ko iyon.“Bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari ba?” tanong ko sabay umupo sa single sofa.He straightened.“Sir…”I stopped walking.“What is it, Milo?" He hesitated for a second before finally speaking.“Umalis po si Ma’am Soile sa bahay ng tiyahin at tiyuhin niya." I froze.My eyebrows immediately furrowed.“She left?”I repeated the words as if I needed to make sure that I had heard him correctly.“Yes, Sir. In exact words—naglayas po siya. Nakita ko siyang may dala-dalang malaking bagahe." My jaw tightened.“When?”“Two hours ago, Sir." Aniya."Dalawang oras na pala, pero hindi mo sinabi kaagad sa 'kin?" seryoso kong saad at muli siyang napalunok."I'm sorry, Sir. Hindi ko po kayo agad nabalitaan dahil nasa meeting pa po kayo. At inaalam ko rin po muna kung ano ang eksaktong n

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 10:

    VIENNA SOILE ZARIAH“Pera mo? Mali ka. Amin na ’to. Aalis ka na, ’di ba?”Nanlaki ang mga mata ko.“Hindi.”Agad akong bumangon mula sa sahig kahit nanginginig pa ang mga kamay ko. Lumapit ako kay Tita Marites at sinubukan kong kunin sa kanya ang alkansya ko.“Please… ibalik niyo ang pera ko," umiiyak kong saad at nagsimula ng lumabo ang paningin ko dahil sa pag-iyak. “Umalis ka nga sa harapan ko!!!" Hinila ko pa rin ang alkansya.“Please, Tita. Kailangan ko ’yan.”“Ang kulit mo!”Bigla akong itinulak ni Tito.Napaatras ako. Pero bago pa man ako tuluyang makabawi, naramdaman ko ang isang malakas na sipa sa tagiliran ko.“Ahh!”Napasinghap ako.Agad kong napahawak ang magkabilang kamay ko sa tiyan ko nang bumagsak ako sa sahig.Nanlalabo ang paningin ko. Para bang biglang nawala ang lakas sa buong katawan ko.Napakuyom ako habang pilit na humihinga.“Gusto mo pang kunin?”Narinig ko ang boses ni Tita Marites.Pero hindi ko na siya matingnan.Nakakapit lang ako sa tiyan ko habang naka

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 9:

    VIENNA SOILE ZARIAH'S POV Pag-uwi ko sa bahay, gusto ko lang sanang dumiretso sa kwarto. Pagod na ako. Mentally. Emotionally. Physically. At higit sa lahat, gusto ko munang mapag-isa. Pero mukhang hindi iyon ang mangyayari. Dahil pagpasok ko pa lang sa bahay, agad kong narinig ang boses ni Tita Marites. “Finally.” Napahinto ako. Nasa sala siya kasama sina Clarisse at Carlo. Pareho silang nakatingin sa akin. At base sa mga mukha nila, alam kong may panibagong problema na naman. “Bakit po?” tanong ko habang hawak pa rin ang strap ng bag ko. Tumayo si Tita Marites. “May pera ka ba?” Napakunot ang noo ko. “Ha?” “Pera,” ulit niya. “May pera ka ba?” “Bakit?” “Dahil kailangan namin. Kaya ibigay mona sa 'kin kung meron," walanghiyang sambit nito, na para bang nagta-trabaho ako para bigyan sila ng pera. Parang obligasyon kong ibigay sa kanila ang kinikita ko. Kahit na halos sobra-sobra na ang ibinigay namin ni Mama sa kanila para rito sa bahay. Napabunto

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 8:

    VIENNA SOILE ZARIAH'S POV “Girl, may sasabihin ka pa ba?” Napatingin ako kay Mira. “Huh?” “Kanina ka pa parang may iniisip.” Napangiti ako nang pilit. “Wala lang 'yon. Iniisip ko lang kung papaano ulit ako makikipag-usap mamaya sa mga tao sa bahay pag-uwi ko," pagsisinungaling ko. “Talaga?" may pagdududa pa rin niyang tanong. Tumango ako lang ako bilang sagot. At mabuti na lamang ay hindi na niya ako kunulit pa. Hindi ko na lang sinabi sa kanya ang tungkol kay Eliezer. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hi, Mira. May asawa na ako. Ano 'yon? Baka himatayin siya bago pa man ako matapos sa sasabihin ko. At habang iniisip ko kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa kasal namin, biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa ibabaw ng desk. Napatingin ako rito. May bagong message. At nang bumukas ang screen, mabilis na napasilip si Mira. Hindi niya nabasa ang message, dahil hindi naman pa naman iyon nabuksan. Pero nakita niya ang pangalan ng nagpadala. "Delivery

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 7:

    ELIEZER LAURENT ZARAGOZA'S POV “Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka lumipat dito sa university namin." Napatingin ako kay Professor Adrian habang nakasandal siya sa gilid ng mesa ko. Nasa faculty lounge kami, kasama ang ilan pang professors. May kanya-kanyang ginagawa ang lahat—may nagbabasa ng papers, may nagkakape, habang ang iba naman ay abala sa pakikipagkuwentuhan. At ako? Tahimik lang na umiinom ng kape sa mesa ko. “Oo nga no.” Sumingit si Professor Helena mula sa kabilang mesa. “You were already teaching at a private university, right?” Tumango ako. “I was.” “Then why transfer here? Balita ko ay maganda naman daw doon," dagdag niya. Napatingin sa akin ang ilan. Hindi naman mahirap sagutin ang tanong. Pero hindi ko rin maaaring sabihin ang tunay na dahilan. Hindi ko maaaring sabihin na may isang partikular na estudyante sa university na ito ay asawa ko. At lalong hindi ko maaaring sabihin na ang estudyanteng iyon ay si Vienna Soile Zariah. “Gusto k

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status