เข้าสู่ระบบVIENNA SOILE ZARIAH
“Hayop ka, Jerry…” Napasinghot ako habang patuloy sa paglalakad. Suot ko pa rin ang hoodie na dala ko kanina. Nakayuko ang ulo ko habang hinahabol ang bawat hakbang na para bang kapag mas mabilis akong makakalayo, mas mabilis ko ring maiiwan ang sakit na nararamdaman ko. Pero hindi pala gano'n. Kahit gaano ako kalayo, dala-dala ko pa rin ang sakit. Tatlong taon. “Tatlong taon, Jerry…” mahina kong sambit habang pinupunasan ang luhang patuloy na bumabagsak sa pisngi ko. “Tatlong taon akong naging tanga.” Napatawa ako. Pero walang saya sa tawang iyon. Mapait. Masakit. “Ang galing mo naman.” Napailing ako habang naglalakad. “Akala ko ako na. Akala ko ako lang.” Napahinto ako sandali at tumingala sa madilim na kalangitan. “Bakit?” Wala namang sumagot. Kaya muli akong naglakad. Maya-maya pa ay napadaan ako sa isang convenience store. Hindi ko alam kung bakit ako huminto roon. Siguro dahil gusto kong bumili ng tubig. O baka gusto ko lang ng dahilan para hindi muna umuwi. Pumasok ako at bumili ng isang bote ng alak. Paglabas ko, agad ko iyong binuksan at uminom. Isang lagok. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa naramdaman kong umiinit na ang aking lalamunan. Hindi ko na alam kung ilang minuto akong naglakad habang umiinom. Hindi ko rin alam kung ilang beses akong napahinto dahil parang umiikot ang mundo sa paligid ko. “Y*wa ka, Jerry…” nanggagalaiti kong sambit. Napahawak ako sa pader nang biglang mawalan ng balanse ang katawan ko. “Sinungaling ka…” Napatawa na naman ako habang nakapikit. “Sinabi mong ako lang.” Huminga ako nang malalim. “Sinabi mong mahal mo ako.” Isang luha na naman ang dumaloy. “Sinabi mong hindi mo ako sasaktan.” Napakuyom ako ng kamao. “Sinungaling!” Napalingon ako sa ilang taong napadaan sa akin. May ilan sa kanila ang napatingin. May ilan ding nagpatuloy lamang sa paglalakad. Wala akong pakialam. “JERRY!" bigla akong napasigaw. “PUT*NGINA MO!” Napaubo ako pagkatapos. “Bakit mo ginawa sa akin 'yon?!” Walang sumagot. Kaya muli akong naglakad. Paika-ika. Hindi na pantay ang mga hakbang ko at ilang beses akong muntik nang matumba. “Hindi naman ako naging masamang girlfriend…” Napasinghot ako. “Hindi naman ako nangaliwa.” Napatingin ako sa bote ng alak na hawak ko. “Hindi naman ako nanloko.” Bahagya akong ngumiti, ngunit muli ring bumagsak ang luha ko. “Bakit hindi ako sapat?” Tahimik akong naglakad. Hanggang sa bigla akong napahinto. Hindi ko na alam kung ano ang mas masakit—ang ulo kong umiikot, ang dibdib kong naninikip, o iyong alaala ng dalawang taong pinakamamahal ko na nagtaksil sa akin. “Jerry…” Mahina na lamang ang boses ko. “Put*ngina mo ulit. Y*wa ka at sana ay lumaki pa ang isang itlog mo at maging kasing laki iyon ng kamao mo..." usal ko na para bang sinusumpa ko siya. Muli akong humakbang. Mas mabilis. Ayaw ko nang magsalita. Ayaw ko nang umiyak. Ayaw ko nang mag-isip. Gusto ko lang umuwi. Gusto ko lang matulog. At sana, paggising ko bukas ay mawala na itong sakit na nararamdaman ko. Pero ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang.. “Awww!” Napaatras ako dahil sa lakas ng pagkakabangga ko. “Ang sakit…” Napahawak ako sa noo ko. “Anong klaseng poste 'tong nabangga ko?" Muli akong napaatras. Nakasimangot ako habang dahan-dahang itinataas ang tingin ko. “Ang tigas naman…” Ngunit natigil ang reklamo ko. Dahil hindi poste ang nasa harapan ko. Isang lalaki. Isang napakatangkad na lalaki. Napatingala ako nang husto para makita ang mukha niya. At sa sandaling iyon… Parang biglang tumahimik ang buong paligid. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa kalasingan. O dahil sa kanya. Pero ang unang bagay na napansin ko ay ang mga mata niya. Maganda. Matalim. At kakaiba. Parang may kung anong lalim na hindi ko kayang ipaliwanag. Tahimik lamang siyang nakatingin sa akin. Naka-black shirt siya at bahagyang gusot ang buhok. Hindi ko alam kung bakit, pero parang pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang nakikita nang maayos ang mukha niya dahil madilim at halos walang ilaw sa kinaroroonan naming dalawa. “Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?” malalim ang boses niya. Napakurap ako. “Huh?” Bahagyang kumunot ang noo niya. “Okay ka lang?” Tinitigan ko lamang siya. Hindi ko alam kung bakit. Pero may kung anong kakaibang pakiramdam na unti-unting bumabalot sa dibdib ko. Hindi iyon saya. Hindi rin lungkot. Hindi galit. Hindi ko alam kung ano. Siguro dahil sa alak. Siguro dahil sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. O siguro dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin na para bang nakikita niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. “Bakit ganyan ka tumingin?” tanong ko. Napabuntong-hininga ako. Hindi siya sumagot. Sa halip, bahagya siyang yumuko para tingnan ako nang mas maayos. “Lasing ka ba?" “Hindi.” Mabilis akong umiling. “Tipsy lang.” “Halos hindi ka na nga makatayo nang maayos tapos sasabihin mong tipsy ka lang?" asik niya. Napatingin ako sa sarili kong mga paa. "Hindi nga ako lasing... halikan pa kitang eh," bulalas ko. Kitang-kita ko ang paggalaw ng kanyang kilay. "That's not how you talk to strangers, Kid..." tugon niya sa akin at parang nagpantig ang kilay ko nang marinig ko ang huling salita na sinabi niya. Para bang isang gasolina iyon na mas nagpalakas ng apoy sa katawan ko. "Hindi na ako bata...baka kapag hinalikan kita ay manghina ka at bumigay ka sa 'kin?" panghahamom ko sa kanya. May kung anong kumislap sa mga mata niya. He was about to ignore me, walk pass me...but i grabbed his elbow. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas kong iyon at nagawa ko siyang paharapin sa akin. At sa mga sandaling nahawakan ko na ang kwelyo ng kanyang damit ay malakas ko iyong hinila pababa. Hanggang sa nagpantay na ang mga mata naming dalawa at walang pagdadalawang-isip kong siniil ng halik ang labi niya.VIENNA SOILE ZARIAH Masakit pa rin ang tagiliran ko dahil sa sipa ni Tito kanina. Masakit din ang pisngi ko dahil sa mga sampal ni Tita. Pero mas masakit pa rin iyong katotohanang wala na ang ipon ko. Kaya ko pa sigurong tanggapin at tiisin ang sakit ng katawan ko. Kaysa sa paulit-ulit na maisip na wala na ang perang pinaghirapan ko sa loob ng ilang buwan. “Hoy…” mabilis kong inangat ang aking tingin pagkarinig ko ng boses ni Mira. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. Siguro dahil sa sobrang pag-iisip ko sa nangyari ay hindi ko na naramdaman ang presensya niya. "Kung malapit lang talaga dito ang bahay ng tiyahin mo, naku...baka pagbubusalan ko sila ng bibig. Lalo na iyong pinsan mo na mabaho ang kili-kili, pero feeling maganda pa rin," nanggigigil niyang sambit. Maya-maya pa ay inilapat niya sa pisnge ko ang isang telang bumabalot sa yelo. Nang maramdaman ko iyon sa pisnge ko ay napaigik ako sa sakit. "Pati 'yong tatay mo. Kahit kailan walang ginawang tama. Bakit pa k
ELIEZER LAURENT ZARAGOSAI had barely stepped inside my house when one of my men approached me. He was standing near the living room, his expression unusually serious.Kumunot ang noo ko nang mapansin ko iyon.“Bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari ba?” tanong ko sabay umupo sa single sofa.He straightened.“Sir…”I stopped walking.“What is it, Milo?" He hesitated for a second before finally speaking.“Umalis po si Ma’am Soile sa bahay ng tiyahin at tiyuhin niya." I froze.My eyebrows immediately furrowed.“She left?”I repeated the words as if I needed to make sure that I had heard him correctly.“Yes, Sir. In exact words—naglayas po siya. Nakita ko siyang may dala-dalang malaking bagahe." My jaw tightened.“When?”“Two hours ago, Sir." Aniya."Dalawang oras na pala, pero hindi mo sinabi kaagad sa 'kin?" seryoso kong saad at muli siyang napalunok."I'm sorry, Sir. Hindi ko po kayo agad nabalitaan dahil nasa meeting pa po kayo. At inaalam ko rin po muna kung ano ang eksaktong n
VIENNA SOILE ZARIAH“Pera mo? Mali ka. Amin na ’to. Aalis ka na, ’di ba?”Nanlaki ang mga mata ko.“Hindi.”Agad akong bumangon mula sa sahig kahit nanginginig pa ang mga kamay ko. Lumapit ako kay Tita Marites at sinubukan kong kunin sa kanya ang alkansya ko.“Please… ibalik niyo ang pera ko," umiiyak kong saad at nagsimula ng lumabo ang paningin ko dahil sa pag-iyak. “Umalis ka nga sa harapan ko!!!" Hinila ko pa rin ang alkansya.“Please, Tita. Kailangan ko ’yan.”“Ang kulit mo!”Bigla akong itinulak ni Tito.Napaatras ako. Pero bago pa man ako tuluyang makabawi, naramdaman ko ang isang malakas na sipa sa tagiliran ko.“Ahh!”Napasinghap ako.Agad kong napahawak ang magkabilang kamay ko sa tiyan ko nang bumagsak ako sa sahig.Nanlalabo ang paningin ko. Para bang biglang nawala ang lakas sa buong katawan ko.Napakuyom ako habang pilit na humihinga.“Gusto mo pang kunin?”Narinig ko ang boses ni Tita Marites.Pero hindi ko na siya matingnan.Nakakapit lang ako sa tiyan ko habang naka
VIENNA SOILE ZARIAH'S POV Pag-uwi ko sa bahay, gusto ko lang sanang dumiretso sa kwarto. Pagod na ako. Mentally. Emotionally. Physically. At higit sa lahat, gusto ko munang mapag-isa. Pero mukhang hindi iyon ang mangyayari. Dahil pagpasok ko pa lang sa bahay, agad kong narinig ang boses ni Tita Marites. “Finally.” Napahinto ako. Nasa sala siya kasama sina Clarisse at Carlo. Pareho silang nakatingin sa akin. At base sa mga mukha nila, alam kong may panibagong problema na naman. “Bakit po?” tanong ko habang hawak pa rin ang strap ng bag ko. Tumayo si Tita Marites. “May pera ka ba?” Napakunot ang noo ko. “Ha?” “Pera,” ulit niya. “May pera ka ba?” “Bakit?” “Dahil kailangan namin. Kaya ibigay mona sa 'kin kung meron," walanghiyang sambit nito, na para bang nagta-trabaho ako para bigyan sila ng pera. Parang obligasyon kong ibigay sa kanila ang kinikita ko. Kahit na halos sobra-sobra na ang ibinigay namin ni Mama sa kanila para rito sa bahay. Napabunto
VIENNA SOILE ZARIAH'S POV “Girl, may sasabihin ka pa ba?” Napatingin ako kay Mira. “Huh?” “Kanina ka pa parang may iniisip.” Napangiti ako nang pilit. “Wala lang 'yon. Iniisip ko lang kung papaano ulit ako makikipag-usap mamaya sa mga tao sa bahay pag-uwi ko," pagsisinungaling ko. “Talaga?" may pagdududa pa rin niyang tanong. Tumango ako lang ako bilang sagot. At mabuti na lamang ay hindi na niya ako kunulit pa. Hindi ko na lang sinabi sa kanya ang tungkol kay Eliezer. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hi, Mira. May asawa na ako. Ano 'yon? Baka himatayin siya bago pa man ako matapos sa sasabihin ko. At habang iniisip ko kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa kasal namin, biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa ibabaw ng desk. Napatingin ako rito. May bagong message. At nang bumukas ang screen, mabilis na napasilip si Mira. Hindi niya nabasa ang message, dahil hindi naman pa naman iyon nabuksan. Pero nakita niya ang pangalan ng nagpadala. "Delivery
ELIEZER LAURENT ZARAGOZA'S POV “Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka lumipat dito sa university namin." Napatingin ako kay Professor Adrian habang nakasandal siya sa gilid ng mesa ko. Nasa faculty lounge kami, kasama ang ilan pang professors. May kanya-kanyang ginagawa ang lahat—may nagbabasa ng papers, may nagkakape, habang ang iba naman ay abala sa pakikipagkuwentuhan. At ako? Tahimik lang na umiinom ng kape sa mesa ko. “Oo nga no.” Sumingit si Professor Helena mula sa kabilang mesa. “You were already teaching at a private university, right?” Tumango ako. “I was.” “Then why transfer here? Balita ko ay maganda naman daw doon," dagdag niya. Napatingin sa akin ang ilan. Hindi naman mahirap sagutin ang tanong. Pero hindi ko rin maaaring sabihin ang tunay na dahilan. Hindi ko maaaring sabihin na may isang partikular na estudyante sa university na ito ay asawa ko. At lalong hindi ko maaaring sabihin na ang estudyanteng iyon ay si Vienna Soile Zariah. “Gusto k







