Mag-log inKeilani POV
Tinitigan lang ako ni Sylas. Ang buong akala ko ay magagalit siya. Kaya lang seryoso siya, walang pinakitang emosyon sa akin. Parang wala lang. Naghintay ako sa sasabihin niya, siguro mga dalawang minuto siyang tahimik at nakatingin lang sa akin kaya ako na ulit ang nagsalita.
“So, anong masasabi mo, Sir Sylas? Hindi ka manlang ba magagalit sa kanila, sa asawa mo? Wala ka manlang bang gagawin para pigilan si Ma’am Davina. Kasi, mahal na mahal ko po ‘yung asawa ko!”
Iba talaga ang nagagawa ng alak. Kung hindi ako nakainom, hindi ko naman masasabi ito. Mabuti na lang at naaya ko si Fletcher na uminom ng alak kanina. Kung hindi, wala, baka kung sumugod ako dito ng walang tama ng alak ay baka pipi at hindi manlang ako nagsasalita.
“Don’t cause a scene here in my office. Let’s talk some other day. I’m not the type of person to chase after someone who doesn’t want me. And if you want to know my plans, fine, pag-usapan natin sa ibang araw. Ang gusto ko kapag nakausap kita, ‘yung normal na at hindi mukhang lango sa alak,” cold niyang sabi habang nakatingin sa papeles na pinipirmahan niya. Siya ata ‘yung kauna-unahang tao na nakita ko na kalmadong walang kaemo-emosyon, kahit na sinabi ko nang nangangaliwa ang asawa niya.
Napailing ako. Sa sinabi niya, parang matagal na niyang alam na lumalandi sa iba ang asawa niya. Ni hindi manlang kasi siya nagulat kanina. Tapos, ngayong nagsabi ako, wala manlang siyang agarang gustong gawin. Bakit kaya? Anong mayroon sa Davina na iyon at hinahayaan niya lang lumandi sa iba? Mag-asawa ba talaga sila o hindi? Nahihiwagaan talaga ako.
“Sige, Sir Sylas, tawagan mo na lang po ako kung gusto mo na akong makausap ulit at kung anong gusto niyong mangyari,” sabi ko at saka ko kinuha ang ballpen sa harap niya. Sa isang sticky note ko sinulat ang phone number ko. Pagkatapos kong ibigay ang number ko ay bigla siyang nagsalita kaya nahinto ako sa pagsasalita.
“Sandali,” sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa office table niya at saka naglakad palapit sa akin. Parang bumagal ang oras at slow motion ko siyang nakitang naglakad palapit sa akin.
T-teka, lasing lang siguro ako. Ang gara, b-bakit, parang naaakit ako sa lalaking ito? Hindi, mali ‘to, siguro, kaya ko ‘to nararamdaman ay dahil ngayon lang ako nakakita ng gaya niyang pormado, boss ang datingan at talaga namang parang artista kung titignan.
“Nagtaksil naman na ang asawa mo at ang asawa ko, kaya wala naman sigurong masama kung gagawin ko ‘to sa ‘yo,” sabi niya at nagulat na lang ako nang hawakan niya nang mahigpit ang dalawa kong pisngi. Malakas niyang nilapit iyon sa mukha niya at pagkatapos, ayon na, naramdaman ko na lang na lumapat ang labi ko sa mga labi niya.
Smack lang dapat ata iyon, pero tila nilamon ni Sylas ang buong bibig ko. Wala akong nagawa nang laplapin niya ang bibig ko. Akala mo ay gusto na niyang kainin ang buong labi ko. Grabe siya humalik, parang may magnet ang bibig niya na hindi ko kayang hiwalayan o pigilan. Nakapikit siya habang hinahalikan ako, habang nanlalaki naman ang mga mata ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung ilang minuto niyang minukbang ang bibig ko, ang lala niya, grabe!
Matapos niyang gawin ‘yon, dinukot niya ang pitaka sa bulsa ng pantalon niya. Patuloy na namilog ang mga mata ko nang abutan niya ako ng makapal na puro one hundred dollars. “Prepare yourself. Buy plenty of beautiful clothes, makeup, bags, and jewelry—you’ll need them to teach your husband a lesson. For now, that’s all I can tell you. I’ll share the rest of my plans with you later,” sabi niya saka ako tinalikuran para bumalik na sa upuan niya.
Matagal akong napako doon, nakatitig sa kaniya dahil sa nangyari habang hawak ang makapal na puro one hundred dollars.
“Umalis ka na, may mga meeting pa ako, naiistorbo mo na ako e,” sabi pa niya nang hindi tumitingin sa akin.
**
Pag-uwi ko sa bahay, tulala at masakit na ang ulo ko dahil sa ininom kong alak. Hanggang ngayon, nakahawak pa rin ako sa labi kong halos nilamon ng buong bibig kanina ni Sylas. Ang weird, bakit hindi maalis sa isipan ko ang ginawa niya? Saka, bakit kailangan pa niyang gawin ‘yon? Anong gusto niyang palabasin? Hindi kaya clue niya ‘yon para sa planong sinasabi niya?
‘Yung perang binigay niya ay tinabi ko na agad sa cabinet ko, hindi iyon puwedeng makita ni Braxton. Sa ngayon, titignan ko muna ang planong gagawin ni Sylas.
Sa totoo lang, nung makita kong nagtaksil si Braxton, nawalan na ako ng gana sa kaniya.
“Braxton, anak, nandiyan ka ba?” napatingin ako sa bintana nang marinig ko ang boses ng mama niya. Umikot agad ang mga mata ko kasi nandito na naman ang bruha niyang ina.
Tumayo ako at naglakad para buksan ang pinto. “Nasa trabaho pa po siya,” sagot ko habang nasa labas ako ng pinto.
“Aba, hindi mo manlang ba ako pagbubuksan ng gate?” nakasigaw siya agad.
“Sandali lang po, heto na,” sabi ko sa kaniya na pilit na nagbibigay ng galang kasi ina pa rin siya ng asawa ko.
Pero, hindi, taksil na nga pala siya. Dapat ko pa bang igalang ang bruhang ito?
Binuksan ko ang gate. Agad naman siyang pumasok at sinagasaan pa ako. Muntik pa akong mabuwal, lasing pa naman ako gawa ng alak na ininom ko kanina. Nagtimpi na lang ako kahit na gusto ko nang magsalita.
“Hihintayin ko siya at may ibibigay daw kasi sa akin ang anak ko,” sabi pa niya at tuloy-tuloy na itong pumasok sa loob ng bahay namin.
“Nag-aagaw na ang liwanag at dilim kung umuwi si Braxton,” paalala ko sa kaniya para umalis na agad siya. Ayoko kasing nandito ang lintek na ito at baka hindi na talaga ako makapagpigil at masampal ko na lang bigla.
“Wala akong pakelam. Habang hinihintay ko siya ay ipagluto mo na muna ako ng merienda, nagugutom ako,” sabi niya na parang amo.
Napapayukom na lang talaga ang kamao ko. “Sige po, ano bang gusto niyo?” tanong ko pa.
“Kahit ano, buwisit na ‘to, pinag-isip pa ako,” iritadong sagot niya. Siya na nga ang tinatanong kung anong gusto, nagagalit pa. Nakakairita na talaga!
“Lason ba, gusto niyo po?” hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lasing nga kasi ako, e.
“Ano kamo, tama ba ang dinig ko, lason? Lalasunin mo ako, Keilani?!”
Lalong umusok ang ilong niya. Para na naman itong dragon na gusto nang bumuga ng apoy dahil sa dalit.
“Mama, lanson po na kakanin, hindi lason. May lanson po kasi sa fridge, puwede kong iinit, tapos igagawa ko na lang kayo ng tsaa na masarap ka-partner nito kapag kinakain,” paliwanag ko. Mabuti na lang at may lanson talaga sa fridge kaya nakalusot ako.
Umirap siya at hindi na lang nagsalita. Bumalik na ito sa sofa at nanuod na lang ng tv.
Pero sa susunod, kapag lumala pa ang ginagawa ng anak niya at sumabay pa siya sa stress na nararanasan ko ngayon, hindi malayo na lason na talaga ang ipakain ko sa kaniya.
Ilaria POVBumaba na ako sa ibaba. Nasa hallway palang ako, dinig ko na agad ang boses ni Lorcan. Panay ang utos niya sa mga kasambahay nila na ipasok sa kuwarto niya ang mga gamit na uwi-uwi niya.“Camilla, juice nga ng malamig,” mayabang na utos ni Lorcan habang nakasigaw. Ganito pala siya sa bahay, among-amo ang datingan.Hindi ko binagalan ang paglalakad ko. Binilisan ko pa ang paglalakad ko para magkita na agad kami.Nung nasa hagdanan ako, nakuha ko agad ang atensyon niya. Kitang-kita ko kung paano siya natigil pag-inom ng juice niya. Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa.Napapailing ako. Kung titignan, guwapo at ang ganda ng katawan niya, pero may tinatago naman palang sikreto.Nakangisi ako habang patuloy na bumababa sa hagdanan. Tinitignan niya akong mabuti mula ulo hanggang paa.Hindi na niya ako tinapos pang makababa sa pinaka-ibaba ng hagdan, siya na ang kusang naglakad nang mabilis, papalapit sa akin.Hinawakan niya agad ako sa braso nang sobrang higpit. Pumiglas ako
Ilaria POVNung gabing iyon, kahit alas nuebe na, pinilit naming puntahan si Rica para ibalita ang nakita namin sa isang USB na nakuha namin sa taguan ni Lorcan.Pagbukas palang ng pinto ng condo niya, parang ayoko muna talagang harapin siya kasi ang bigat ng balitang dala-dala namin ni Keilys. Inakay agad ako ni Rica para makapasok sa loob. Pinaupo niya kami sa sofa sa may sala at agad na nagtanong.“Ano, may nakita ba kayo? Kaya ba kayo nagpunta ay may nakita kayo?” tanong niya, bakas sa mukha nito ang takot.Tumingin si Keilys sa akin. Siya ang nag-utos sa akin na magsalita. “Oo, Rica. May nakita kami,” pabitin kong sabi. Ayoko siya kasing biglain.“Ano? Nasaan? Anong nakita ninyo?” atat niyang tanong.“Mainam siguro kung mapapanuod mo ang nakita namin,” sabi ni Keilys at saka niya inabot kay Rica ang phone niya. Nalipat na rin kasi namin sa phone niya ang mga kuha ni Joshua at Lorcan para madali namin itong maipapakita sa kaniya.Inagaw naman agad ni Rica ang phone ng boyfriend ko
Keilys POVSteak ang binili ko sa labas para sa dinner namin ni Ilaria. Nagmamadali akong umuwi dahil gusto ko nang makita ang sinasabi niyang mga USB na dala-dala niya. Nilapag ko lang ang steak sa lamesa, pagkatapos ay tumuloy na ako sa kuwarto ko.Doon ko nadatnan si Ilaria, na nakatutok sa laptop ko.“What the fvck!” sabi ko nung madatnan kong may pinapatay si Lorcan Trey. Kitang-kita ko sa video kung paano niya pinagbabaril ang isang babae. At kung hindi ako nagkakamali, ang babae sa video na binabaril niya ay ‘yung nakita kong palagi niyang kasama noon. Silang dalawa ‘yung nakahuli sa akin noon habang nagsasarili sa kuwarto ni Larcon. Tama, siya nga ‘yon.“Pagkatapos niyang maka-sëx ang babaeng ‘yan, pinagbabaril niya, Keilys,” sabi ni Ilaria, habang gulat na gulat din.“Gago ang taong ‘yan, gago!” sagot ko na lang.“Anong gago, demonyo at baliw kamo. Hindi normal ang ginagawa niya. Pareho siyang tumitikim na lalaki at babae, pero madalas, kapag nakakatikim siya ng babae ay pina
Ilaria POVPagkatapos ng halos kalahating oras na biyahe mula mansiyon ng mga Trey, pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko habang umaakyat ako sa hallway papunta sa condo ni Keilys. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil sobrang dami nang iniisip ko mula pa kanina. Ang alam ko lang, ramdam ko pa rin sa palad ko ang lamig ng maliit na susi na nakuha namin ni Rica kanina na parang nakaukit pa sa balat ko ang bigat ng sikreto na dala-dala ko.Pagdating ko sa pinto ng condo, napansin kong madilim pa ang loob. Walang kahit anong ilaw na bukas. Ibig sabihin ay wala pa si Keilys.“Okay, mukhang busy pa siya,” bulong ko sa sarili ko.Pagpasok ko, hindi ko na sinindihan ang ilaw. Hindi ko alam kung bakit pero parang mas kampante ako sa dilim.Binaba ko ang bag ko sa sofa saka ako diretso sa kuwarto ni Keilys kung saan naroon ang laptop niya. Naroon iyon sa study table niya, nakasara pero hindi naman naka-lock. Mabuti naman at hindi niya nilalagyan ng password, wala naman kasi siyang dap
Ilaria POVEksaktong alas-tres ng hapon nang dumating si Rica.Sa pinto pa lang ng kuwarto ni Loraine, sumenyas na siya sa akin na gawin na agad namin ang paghahanap sa susi habang tulog si Loraine, habang may oras kami, at habang namamahinga ang ilan sa mga staff ng mansiyon.Lumabas kami nang dahan-dahan, sinigurado kong hindi magigising ang sleeping bruha.Pagkasara ng pinto, napabuntong-hininga si Rica.“Safe,” bulong niya. “Galingan na lang natin ang paghahanap, gusto kong makita na ngayon ang susi na ‘yan.”Tumango ako, habang patingin-tingin kami sa paligid. Sinigurado naming walang makakahalata sa kilos namin. Kung may gising man, si Camilla lang. Siya ang magiging spy namin habang nasa loob kami ng kuwarto ng demonyo.Naglakad kami papunta sa kuwarto ni Lorcan. Kung anong kinaganda ng kuwarto niya, siya naman kinapangit ng ugali ng may-ari nito. Pero, nakakainggit dahil ang laki talaga ng kuwarto niya. Lahat pa ng kagamitan ay halatang mamahalin. Halatang anak ng mayaman.“Gr
Keilys POVIlang araw na akong hindi ako mapakali. Simula nang sabihin ni Ilaria na araw-araw na siyang papasok sa kuwarto ni Lorcan para maghanap ng baho nito, hindi na ako tumigil sa pag-iisip kung paano ko siya poprotektahan.Kailangan niya ng mas matibay na seguridad, ‘yung hindi niya alam, hindi niya hinihingi, pero kailangan niya.Kaya ngayong hapon, sinamahan ko ang Helltrace sa pagpunta sa bahay ng taong nakakaalam ng lahat ng kilusan sa mansiyon ng pamilyang Trey. Ang CCTV operator.Huminto ang sasakyan namin sa harapan ng maliit, lumang bahay na may kalawang na gate. Tila hindi tumatanggap ng bisita ang may-ari nito dahil sa dami ng barbed wire at lock na makikita mo, parang kulungan kaysa tahanan.Naglakad kami papunta sa gate. Nasa gilid ko ang Helltrace na tahimik lang, pero mga alerto. Palipat-lipat ang tingin nila na parang tinitignan ang paligid sa mga posibleng panganib na puwedeng mangyari.“Boss Keilys,” sabi niya nang mahina, “sigurado ka ba rito? Sa tingin mo ay p







