Share

Kabanata 0002

last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-26 23:49:08

Keilani POV

Habang nag-iinuman kami ng bestfriend kong si Fletcher, siya ang taga-stalk ko sa mga katrabaho ni Braxton sa Merritt Wine Company. Sinabi ko sa kaniya na hanapin at ipakita sa akin ang mga babaeng ka-work ni Braxton, para malaman ko kung sino iyon at kung ano ang pangalan ng buwisit niyang kabit.

“Sandali, lahat ata ng mga babaeng katrabaho niya ay nakita na natin, baka naman hindi niya ka-workmate ang nakita mong kahalikan niya sa coffee shop kanina,” sabi ni Fletcher na tila tinatamad nang maghanap at mag-imbestiga.

“Hanapin mong mabuti, kahit ‘yung mga may matataas na posisyon sa Merritt Wine Company, mukhang napakayaman kasi nung babaeng nakita ko kanina. Kahit ako, nung makita ko siya, nainggit ako at nasabi ko talaga na wala akong binatbat sa babaeng iyon,” sabi ko sa kaniya kaya tinapunan ako nang tingin ni Fletcher.

Ngumisi siya. “Maganda ka naman at hugis bote pa rin ng gaya sa softdrinks ang katawan mo, hindi ka pa nagkakaanak kaya sexy ka pa rin. Alam mo kung anong problema sa ‘yo?” tanong niya na parang alam ko na ang sasabihin.

Si Fletcher ay nag-iisang boy bestfriend ko, hindi siya plastic na tao, lahat ng gusto niyang sabihin, sasabihin niya ng walang halong filter. Inamin nga niya na may gusto siya sa akin, at kung nauna lang daw siya na nakilala ako kaysa kay Braxton, baka siya raw ang napangasawa ko.

“A-ano?” tanong ko kahit alam ko nang panlalait ang sasabihin niya.

“Losyang ka lang. Maganda ka, hindi ka lang nag-aayos. Ang babae, walang pangit. Ang problema sa iba sa inyo, hindi marunong mag-ayos kaya kapag nakakakita kayo ng pormadong babae at maayos ang mukha, akala ninyo pangit na agad kayo, hindi, nasa nag-aayos ‘yan at sa minamahal ang sarili, ayusin mo ang sarili mo, magdamit ka ng maganda, mag-makeup, sigurado akong lilingunin ka na ng kalalakihan kapag naglakad ka sa kalsada,” seryoso niyang sabi kaya napairap ako. Eh, sa hindi ako sanay na nagmi-makeup at pumoporma ng maganda, e.

Kapag ginawa ko ‘yon, mamatahin na naman ako ng angkan ni Braxton na palaging negatibo ang nakikita sa akin. Lahat ata ng masasakit at kasinungaling salita ay binato na nila sa akin. Tamad, baog, losyang, walang silbi, pangit, malas sa buhay, ilan lang ‘yan sa mga pangungutyang sinasabi sa akin ng papa, mama at mga kapatid ni Braxton na halatang mga ayaw sa akin. Paano kasi, mayamang babae ang gusto nilang mapangasawa ni Braxton, hindi ang gaya kong may kaya lang sa buhay.

“Change topic na, naiirita lang ako sa ganiyang usapan. Bumalik na tayo sa pinapahanap ko sa ‘yo,” sabi ko sa kaniya.

“Sige, punta tayo doon sa may mataas na posisyon,” sabi niya at saka muling nag-search.

Maya maya, bigla siyang napunta sa asawa ng CEO ng Merritt Wine Company.

“Ano, wala na ba?” atat kong tanong.

“Sandali, heto, nasa mataas na posisyon na ako. Hindi naman siguro magiging kabit ng gago mong asawa ang asawa ng CEO ng Merritt Wine Company?” tanong niya at saka ako tinignan.

“Sige nga, patingin nga ako ng picture niyang babaeng ‘yan,” sagot ko sa kaniya habang nag-aabang.

Inabot niya ang cellphone niya sa akin. Nang tignan ko ang litrato sa cellphone niya, tila nawala ang liyo ko dahil sa tama ng alak na iniinom namin. Nagkusot pa ako ng mga mata para masiguro. “Ang sabi mo ba’y asawa ito ng may-ari ng company na pinagtatrabahuhan ni Braxton?” tanong ko ulit sa kaniya.

“S-sandali, hindi naman siguro ‘yang si Davina ang kabit niya, hindi ‘no?” tanong din niya.

“Fletcher, ang tanong ko ang sagutin mo, asawa ba ito ng may-ari ng company na pinagtatrabahuhan ng asawa ko?” tanong ko sa kaniya nang nakasigaw na kasi, ito ang buwisit na babaeng iyon, ang kabit ng asawa ko.

“Oo, siya nga, siya ang asawa ni Sylas Merritt na may-ari ng Merritt Wine Company. Davina ang pangalan niyan,” sagot niya kaya doon na muling tumulo ang mga luha ko. “Tangina, so, ‘yan nga, asawa pa talaga ng CEO ang kinabit niya?” halos hindi makapaniwalang tanong ni Fletcher.

Lalo akong nanliit, mayaman pa pala ang kinabit nitong gagong si Braxton. Hindi ba niya naisip na puwede siyang makulong sa ginagawa niya? Malaking tao pa talaga ang binangga niya. Ano bang tumatakbo sa isip niya at ginawa niya ‘to?

“Fletcher, lasing na ata ako, bago pa ako gumewang sa pag-uwi ko, mauna na ako habang kaya ko pa. Salamat na lang sa time mo,” paalam ko sa kaniya.

Tumayo siya at sinundan ako. “Hindi, ihahatid na kita at lasing ka na rin kasi,” pigil niya sa akin.

“Kaya ko pa, Fletcher, kaya ko pa ang sarili ko, salamat na lang,” pagtanggi ko sa kaniya kaya wala na siyang nagawa kundi ang hayaan na akong umalis.

Hindi alam ni Fletcher na hindi pa ako uuwi sa amin.

Ang plano ko ay makausap si Sylas Merritt, para habang maaga pa ay masabihan na niya ang malandi niyang asawa na nilalandi ang asawa ko. Hindi ko hahayaang masira kami ni Braxton. Hindi ko hahayaang magkagulo-gulo kami.

**

DUMATING AKO sa office ni Sylas Merritt, dahil kilala rito ang asawa kong si Braxton, madali lang akong nakapasok sa loob ng building nitong Merritt Wine Company.

Kinausap ako ng secretary ni Sylas, sinabi niya sa akin na ako na ang susunod na kakausapin ni Sylas, may tao pa kasi sa loob ng office nito, maghitay lang daw ako at malapit na silang matapos.

Habang naghihintay, kabado ako kasi alam kong dalawa lang ang kahihinatnatan nito, una ay baka malagay lalo sa alanganin ang asawa ko, pangalawa, naisip ko na baka kampihan niya ako at magtulungan kami na hindi na makipaglandian ang asawa niya sa asawa ko.

Nang lumabas na ang kausap ni Sylas sa office niya, ako na ang sumunod na pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob, parang may mga dagang nasa loob ng dibdib ko. Kinakabahan na talaga ako.

Nang makita ko si Sylas Merritt, napakunot ang noo ko. Hanep na Davina ‘yan. Paano pa nagagawang lumandi sa iba kung mas guwapo naman pala ang asawa niya kaysa kay Braxton? Sa itsura ng katawan nito, parang mas malaki pa ata ang katawan nitong si Sylas kaysa kay Braxton. Sobrang layo nang kaibahan nila, mas lamang na lamang itong si Sylas. Para siyang artista, habang ang asawa ko naman ay ewan, nagmukha siyang simpleng tao kapag kinukumpara sa guwapong CEO na ‘to.

Hindi ko tuloy ma-gets kung anong nagustuhan ni Davina kay Braxton?

“Anong kailangan ng asawa ni Braxton sa akin?” siya ang unang nagtanong.

Pag-upo ko sa harap ng table niya, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. “Sir, nahuli ko ang asawa mo na nakikipaghalikan sa asawa ko, kaninang umaga sa coffee shop.”

Sa wakas, matapang ko agad na nasumbong sa kaniya ang gusto kong sabihin. Ang hihintayin ko nalang ay kung ano ang magiging reaksyon niya.

Bahala na, kung ano man ang maging resulta nito, kasalanan ito ni Braxton at ng Davina na ‘yan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 220)

    Ilaria POVBumaba na ako sa ibaba. Nasa hallway palang ako, dinig ko na agad ang boses ni Lorcan. Panay ang utos niya sa mga kasambahay nila na ipasok sa kuwarto niya ang mga gamit na uwi-uwi niya.“Camilla, juice nga ng malamig,” mayabang na utos ni Lorcan habang nakasigaw. Ganito pala siya sa bahay, among-amo ang datingan.Hindi ko binagalan ang paglalakad ko. Binilisan ko pa ang paglalakad ko para magkita na agad kami.Nung nasa hagdanan ako, nakuha ko agad ang atensyon niya. Kitang-kita ko kung paano siya natigil pag-inom ng juice niya. Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa.Napapailing ako. Kung titignan, guwapo at ang ganda ng katawan niya, pero may tinatago naman palang sikreto.Nakangisi ako habang patuloy na bumababa sa hagdanan. Tinitignan niya akong mabuti mula ulo hanggang paa.Hindi na niya ako tinapos pang makababa sa pinaka-ibaba ng hagdan, siya na ang kusang naglakad nang mabilis, papalapit sa akin.Hinawakan niya agad ako sa braso nang sobrang higpit. Pumiglas ako

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 219)

    Ilaria POVNung gabing iyon, kahit alas nuebe na, pinilit naming puntahan si Rica para ibalita ang nakita namin sa isang USB na nakuha namin sa taguan ni Lorcan.Pagbukas palang ng pinto ng condo niya, parang ayoko muna talagang harapin siya kasi ang bigat ng balitang dala-dala namin ni Keilys. Inakay agad ako ni Rica para makapasok sa loob. Pinaupo niya kami sa sofa sa may sala at agad na nagtanong.“Ano, may nakita ba kayo? Kaya ba kayo nagpunta ay may nakita kayo?” tanong niya, bakas sa mukha nito ang takot.Tumingin si Keilys sa akin. Siya ang nag-utos sa akin na magsalita. “Oo, Rica. May nakita kami,” pabitin kong sabi. Ayoko siya kasing biglain.“Ano? Nasaan? Anong nakita ninyo?” atat niyang tanong.“Mainam siguro kung mapapanuod mo ang nakita namin,” sabi ni Keilys at saka niya inabot kay Rica ang phone niya. Nalipat na rin kasi namin sa phone niya ang mga kuha ni Joshua at Lorcan para madali namin itong maipapakita sa kaniya.Inagaw naman agad ni Rica ang phone ng boyfriend ko

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 218)

    Keilys POVSteak ang binili ko sa labas para sa dinner namin ni Ilaria. Nagmamadali akong umuwi dahil gusto ko nang makita ang sinasabi niyang mga USB na dala-dala niya. Nilapag ko lang ang steak sa lamesa, pagkatapos ay tumuloy na ako sa kuwarto ko.Doon ko nadatnan si Ilaria, na nakatutok sa laptop ko.“What the fvck!” sabi ko nung madatnan kong may pinapatay si Lorcan Trey. Kitang-kita ko sa video kung paano niya pinagbabaril ang isang babae. At kung hindi ako nagkakamali, ang babae sa video na binabaril niya ay ‘yung nakita kong palagi niyang kasama noon. Silang dalawa ‘yung nakahuli sa akin noon habang nagsasarili sa kuwarto ni Larcon. Tama, siya nga ‘yon.“Pagkatapos niyang maka-sëx ang babaeng ‘yan, pinagbabaril niya, Keilys,” sabi ni Ilaria, habang gulat na gulat din.“Gago ang taong ‘yan, gago!” sagot ko na lang.“Anong gago, demonyo at baliw kamo. Hindi normal ang ginagawa niya. Pareho siyang tumitikim na lalaki at babae, pero madalas, kapag nakakatikim siya ng babae ay pina

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 217)

    Ilaria POVPagkatapos ng halos kalahating oras na biyahe mula mansiyon ng mga Trey, pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko habang umaakyat ako sa hallway papunta sa condo ni Keilys. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil sobrang dami nang iniisip ko mula pa kanina. Ang alam ko lang, ramdam ko pa rin sa palad ko ang lamig ng maliit na susi na nakuha namin ni Rica kanina na parang nakaukit pa sa balat ko ang bigat ng sikreto na dala-dala ko.Pagdating ko sa pinto ng condo, napansin kong madilim pa ang loob. Walang kahit anong ilaw na bukas. Ibig sabihin ay wala pa si Keilys.“Okay, mukhang busy pa siya,” bulong ko sa sarili ko.Pagpasok ko, hindi ko na sinindihan ang ilaw. Hindi ko alam kung bakit pero parang mas kampante ako sa dilim.Binaba ko ang bag ko sa sofa saka ako diretso sa kuwarto ni Keilys kung saan naroon ang laptop niya. Naroon iyon sa study table niya, nakasara pero hindi naman naka-lock. Mabuti naman at hindi niya nilalagyan ng password, wala naman kasi siyang dap

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 216)

    Ilaria POVEksaktong alas-tres ng hapon nang dumating si Rica.Sa pinto pa lang ng kuwarto ni Loraine, sumenyas na siya sa akin na gawin na agad namin ang paghahanap sa susi habang tulog si Loraine, habang may oras kami, at habang namamahinga ang ilan sa mga staff ng mansiyon.Lumabas kami nang dahan-dahan, sinigurado kong hindi magigising ang sleeping bruha.Pagkasara ng pinto, napabuntong-hininga si Rica.“Safe,” bulong niya. “Galingan na lang natin ang paghahanap, gusto kong makita na ngayon ang susi na ‘yan.”Tumango ako, habang patingin-tingin kami sa paligid. Sinigurado naming walang makakahalata sa kilos namin. Kung may gising man, si Camilla lang. Siya ang magiging spy namin habang nasa loob kami ng kuwarto ng demonyo.Naglakad kami papunta sa kuwarto ni Lorcan. Kung anong kinaganda ng kuwarto niya, siya naman kinapangit ng ugali ng may-ari nito. Pero, nakakainggit dahil ang laki talaga ng kuwarto niya. Lahat pa ng kagamitan ay halatang mamahalin. Halatang anak ng mayaman.“Gr

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 215)

    Keilys POVIlang araw na akong hindi ako mapakali. Simula nang sabihin ni Ilaria na araw-araw na siyang papasok sa kuwarto ni Lorcan para maghanap ng baho nito, hindi na ako tumigil sa pag-iisip kung paano ko siya poprotektahan.Kailangan niya ng mas matibay na seguridad, ‘yung hindi niya alam, hindi niya hinihingi, pero kailangan niya.Kaya ngayong hapon, sinamahan ko ang Helltrace sa pagpunta sa bahay ng taong nakakaalam ng lahat ng kilusan sa mansiyon ng pamilyang Trey. Ang CCTV operator.Huminto ang sasakyan namin sa harapan ng maliit, lumang bahay na may kalawang na gate. Tila hindi tumatanggap ng bisita ang may-ari nito dahil sa dami ng barbed wire at lock na makikita mo, parang kulungan kaysa tahanan.Naglakad kami papunta sa gate. Nasa gilid ko ang Helltrace na tahimik lang, pero mga alerto. Palipat-lipat ang tingin nila na parang tinitignan ang paligid sa mga posibleng panganib na puwedeng mangyari.“Boss Keilys,” sabi niya nang mahina, “sigurado ka ba rito? Sa tingin mo ay p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status