Home / Romance / Kakaibang Tikim / Season 2 (Kabanata 0046)

Share

Season 2 (Kabanata 0046)

last update Last Updated: 2025-04-13 21:54:21

Keilani POV

Wala naman talaga kaming dapat na puntahan at gawin ngayon ni Sylas, pero dahil nabanggit sa akin ng staff ko, na ngayon na lalabas ang lahat ng ads ko, heto, nagpunta kami sa highway kahit wala naman kaming dapat na lakarin ngayon.

Mula sa loob ng sasakyan, tumigil muna ako saglit sa gilid ng highway. Tiningala ko ang malalaking billboard na halos tatlong magkakahiwalay na poste, pero iisang tema. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang kinalabasan. Nakakahiya lang makita na kami ni Sylas na magkasama na bihis na bihis sa all-black attire habang nakasandal sa isa sa mga pinakamahal na motor ng company ko.

“Babe, ang laki pala talaga,” sabi ni Sylas habang binababa ang shades niya. Nakatitig siya sa billboard na para bang art exhibit ito. Ang guwapo ni Sylas sa mga kuha niya, parang binatang sobrang hot pa rin. Tapos ako, parang hindi pa nagkakaanak, ang galing nang kinalabasan. Akala mo ay mga professional na kaming mga model, kahit hindi naman talaga.

“We rea
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (14)
goodnovel comment avatar
Recare Zenaida
update please... thank you
goodnovel comment avatar
Silvia Gamueda
Wala pa Po bang update itong kwento? 7 days na di Po ba?
goodnovel comment avatar
Merry Barque II
end nb to?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 196)

    Ilaria POVPilit kong pinakalma ang sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng banyo at sumilip sa siwang. Nakatalikod si Ruffa, hawak pa ang cellphone, nakatingin sa bintana habang nagsasalita pa rin.“Basta Gerson, siguraduhin mong nandito ka bago mag-gabi. Hindi ako puwedeng mabuking, ha? ‘Yung pampatulog, siguradong tatagal ng tatlong oras, sabi ng kaibigan ko sa pharmacy. Oo. Oo. Basta, kita tayo mamaya kahit ngayon palang tayo magkikita. Basta, kapag may nakita kang tulog mamaya, si Ilaria na iyon. Aalis muna ako sa condo ko at ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Bahala ka kung anong gusto mong gawin, basta, bilisan mo lang. Bago siya magising, dapat wala ka na rin.”Pagkababa niya ng tawag, tahimik akong umatras. Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot. Ang akala kong review buddy, may balak palang masama sa akin.Huminga ako nang malalim at tiningnan ang sarili ko sa salamin. “Kumalma ka, Ilaria,” bulong ko sa sarili ko. “Hindi puwedeng ikaw ang matalo rito.”Paglabas

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 195)

    Ilaria POVNasa Maynila na ako bago pa man makauwi si Keilys sa Yay Town. Kahit gusto ko na siyang makausap at makita ulit, pinilit ko na lang umalis muna. Ah, basta, wala muna akong balak na makita siya ngayon. Hindi pa ngayon. Pakiramdam ko kasi, mas papagalitan niya ako sa personal. Ilang beses ko nang naranasan noon iyon. ‘Yung pagiging masungit niya palagi sa akin. Naiisip ko, mas matindi pa ang mangyayari kapag nagkita kami. Baka sungitan pa niya ako lalo at sisihin ng husto dahil sa pagkawala ng first baby girl namin. At kung tutuusin, gusto ko rin maranasan niyang masaktan kahit kaunti. Gusto kong maramdaman niya kung gaano kahirap ‘yong nami-miss mo nang sobra ‘yong taong dati, ikaw ang inuuna pero sa huli, hinayaan niyang hindi makasama ng mahabang panahon. Halos mag-iisang taon din.Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang inaayos ang buhok ko. Namumugto pa rin ang mga mata ko dahil sa kakaisip sa kaniya kagabi. Ang hirap pala. ‘Yung galit at sabik mo, nag-aagawan kung

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 194)

    Keilys POVPagdating ng kotse ko sa tapat ng villa, nasagap agad ng pandinig ko ang sariwang hangin na dumadaan sa pagitan ng mga puno sa paligid ng villa. Hindi na gano’n kalakas gaya noong mga nakaraang araw na napapanuod ko sa balita, pero ramdam pa rin ang lamig na iniwan ng bagyo. Habang binubuksan ko ang gate gamit ang remote, napangiti ako, ilang buwan ko ring hinintay ‘to. IPagpasok ko sa bakuran, bumungad agad sa akin ang mga pamilyar na mukha. Si Vandall ang unang lumapit, kasunod si Rook, Nomad, at Jink. Lahat sila parang nagmamadaling makalapit, sabay-sabay na bumati sa akin.“Boss, welcome back,” sabi ni Vandall, habang si Rook naman ay kinuha ang mga bitbit kong bag.Pero bago pa ako makapagsalita, biglang bumukas ang pinto ng villa at lumabas si Manang Lumen. “Ay, Keilys, hija!” halos pasigaw niyang sabi, sabay lapit at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. May halong saya at lungkot sa boses niya, parang matagal kaming hindi nagkita. “Diyos ko, salamat at ligtas kang n

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 193)

    Ilaria POVSinalubong ko ng payong si Toph sa labas. Kahit akong nakapayong, nabasa pa rin dahil sa lakas ng hangin at ulan.“Anong naisip mo at bumabagyo ka pumunta rito?” tanong ko sa kaniya nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Kapwa kami nabasa, pero mas basang-basa si Toph.Hindi siya agad nagsalita. Pinagbihis ko muna. Mabuti na lang at may dala-dala siyang damit niya. Habang nasa banyo siya, hinanda ko na ang hapunan namin at sure akong hindi pa rin siya naghahapunan. Mainit na ang nilagang baboy. Nilagay ko ang kaserola sa gitna ng lamesa. Naghiwa rin ako ng papaya para sa dessert. Baka kasi sabihin ni Toph, nilagang baboy at kanin lang talaga ang nasa lamesa.Maya maya, lumabas na ulit siya ng na naka-jacket. Nagbuhos din pala siya saglit para hindi raw matuloy sa lagnat ang eksena niya.“Nag-dinner ka na ba?” tanong ko.Umiling siya. “Nag-merienda lang ako nung umalis kanina sa Manila,” sagot niya.“Tamang-tama, halika na rito. Sumabay ka sa akin. May mainit na sabaw dito

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 192)

    Keilys POVPagmulat ko ng umagang iyon, ramdam ko agad ‘yung gaan ng paligid. Kaninang madaling araw palang, puro good news na ang nakikita ko about sa balita sa Pinas. Wala na raw ‘yung nakakabinging kulog, wala na rin daw ‘yung malakas na hangin na halos gawing tambourine ang mga bintana ng mga bahay doon.Maging sa Vietnam ay tila maaliwalas na rin.Pagbukas ko ng kurtina, sinalubong ako ng liwanag ng araw. Maganda na talaga ang panahon.Matapos ang isang araw na pagkaka-stuck dito sa Vietnam dahil sa bagyo, puwede na ulit lumipad ang private jet ko pauwi sa Pinas.Tinawagan ako ng pilot kaninang alas-siete pa lang ng umaga.“Sir Keilys, all clear. Ready to fly anytime.”At ‘yun na nga, wala nang dapat hintayin pa. Uwing-uwi na talaga ako.Pagkatapos kong maligo, sinuot ko ‘yung paborito kong gray turtleneck, black coat, at relo na bigay ni Mama. Habang inaayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin, napangiti ako. “Handa na akong umuwi, Ilaria.”Bago ako bumaba, tinawagan ko muna si

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 191)

    Ilaria POVAng lakas ng ulan. Parang walang balak tumigil. Signal number 3 na rin dito sa town namin. Kanina pa umuugong ang hangin, kumakalampag ang bubong, at halos mapuno na ng tubig ang labas ng bahay.Nasa sala ako ngayon, nakasilip sa bintana, habang pinagmamasdan ang mga dahon ng puno ng mangga na halos tumiklop sa lakas ng hangin. Kawawa naman ang puno ng kapitbahay namin, mukhang mapuputol pa.Hindi kami makalabas. Hindi ko rin naman balak lumabas. Kaming dalawa na lang ulit ni Tatay Iggy dito sa bahay. Si Manang Lumen kasi, bumalik na sa villa dahil tinawagan daw ulit ng Mama Keilani ni Keilys. Ayaw pa ngang umalis ni Manang Lumen, dito nalang daw siya pero ako ang pumilit na umalis siya kasi kailangan din talaga siya ni Keilys doon.Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.Masaya ba ako?Naiinis?O parehong sabay kong nararamdaman?Wala pa rin kasing paramdam si Keilys. Kahit isang simpleng kumusta o kahit emoji lang na smile, wala.Ang alam ko lang a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status